My Writing Journey: When I started, and What Kept Me Going

Precious Jasmin
0



Over the span of ten years, marami na akong naisulat. As of now, mayroon akong 14 completed filipino books, and 4 completed English books, wherein lahat ay may contract sa iba't ibang platforms (mainly sa Dreame). I also have 1 published book, and another one na ire-release next month.

I admit, nagsimula ako sa wala. No knowledge in writing, no experience, and no mentor to guide me. Hanggang ngayon, nasa 'kin pa rin 'yong original manuscript ko na jejemon ang pagkaka-type. Puno ng grammatical errors, and may mga emoji pa.

I'm just feeling sentimental. Kasi last September ang 10th anniversary ko bilang isang manunulat (jusko! 10 years na akong nagsusulat). I opened an account on Wattpad noong birthday month ko (June), at nagsimulang magsulat nang September. I don't usually celebrate things like this (Oct na nga, eh), pero gusto kong maalala iyong naging journey ko.

Una kong sinulat is action. Around 2014, ito ang usong genre. Gang.ster stories and ma.fia ang sobrang patok noon. If you're familiar with Talk back and you're dead sa Watty at 'yong My Husband is a Ma.fia Boss. Kaya nagsulat ako ng similar, which is about an agent naman (sadly, nabura ko na siya).

Even before, mahilig na ako sa anime. Sa TV pa ako nanonood dati. Kaya na-inspire akong magsulat ng fantasy (na naging forte ko ngayon). My first fantasy was called The Adventure of the Demigods (now called 'Hiyas'), na inspired sa maraming anime like Tokyo Ghoul and Fairytail.

Sumunod naman ang The Orion Zodiac na inspired sa Kpop group na EXO. Sobrang sikat din nila dati kaya noong napanood ko 'yong drama version ng Growl na about werewolf, nagsulat ako. Inspired rin 'to sa anime na Fruits Basket na about sa zodiac animals.



Around 2015-2017, marami akong naisulat na werewolf (kahit dalawa lang talaga. Haha!) These years ay nabuhay ang first series ko, which is the Shapeshifters series. Gaya ng name, mga magkakaibigan sila na kayang mag-shift. My first 2 books are called Andrea Narvaez and Suzy Azarcon na about sa werewolf.

And the next is Limea Meadow, which is about a werecat and robots (I'm proud of this baby! Ito ang pinakapaborito kong naisulat). I'm planning to continue this series. Si Jamaica Rosas na ang sunod, isang science fiction na tungkol din sa mga robot pero spin off lang siya ng Limea.

    

2018, ito 'yong year na nawalan ako ng gana magsulat. Parang naubos 'yong creative juice ko. Wala akong inspirasyon! 'Tapos kasabay pa na first year college na ako. Na-focus ako sa ibang bagay. Pero after a year, bumalik din ako pero hindi gaya nang dati.

Getting back on track ako that year pero naisulat ko naman ang first mystery-romance book ko na Dom, the Cursed Doll. Short story lang siya, around 30k words, na dedicated sa classmate ko noong SHS na naging beta reader ko rin. Classmate pa rin kami noong nag-college kaya limang taon kaming magkasama. Tho, magkaiba man kami ng circle of friends, we remained friends.

2020 ko nakilala ang Dreame. Lahat ng story ko pinasa ko sa kanila. Ito ang unang beses na kumita ako sa mga story na pinaghirapan ko. And to be honest, dahil dito ay mas sinipag akong magsulat. Pandemic din nito kaya palagi akong nasa bahay. Wala akong ginagawa kundi magsulat nang magsulat kapag walang ol class. And I'm happy na sobrang laki ng kinita ko sa pinaghirapan kong stories. Kung magkano, ay shet talaga naman. Hahaha!

For 3 years, until now, pinagkakakitaan ko pa rin ang pagsusulat. Although, hindi na ako ganoon ka-active na halos araw araw may update. Ngayon kasi, parang nauubos na naman ang creativity ko. Palagi rin akong distracted at wala sa focus, gusto ko palaging may kausap (lol miski sarili ko kinakausap ko), 'tapos ang makakalimutin ko pa (palagi kong nakakalimutan kung saan ko nilapag ang phone ko, notebook, miski salamin ko, etc). Feeling ko nga may ADHD ako. Hehesxcz.

Ngayong 2023, nagsusulat pa rin ako. Pero ang goal ko is ang mai-publish na lahat ng sinulat ko into books. So far, nakakadalawa na ako (roah and osi). Nasa process na rin ako ng termination of contracts sa Dreame, kaya hopefully, ma-publish ko na rin sila into books. For personal copy lang talaga pero kung may bumili man, thank you na agad.

Another goal ko rin is magsulat ng iba pang genre. Already did Fantasy, Science Fiction, Mystery, Romance, Teen Fiction, and New Adult. Pangarap ko talagang makapagsulat ng Horror/Paranormal kaya iyon ang aim ko next time. Gusto ko ring magsulat ng gore. May assa.ssin story na ako pero gusto ko 'yong bru.tal to the point na parang final destination na siya. Detailed. Gusto ko ring subukan ang ero.tic. Iyon din kasi ang mabenta sa mga reader ngayon. Hahaha! Makikiuso lang, but not my priority.

Right now, ang ine-explore ko is gxg and bxb. Hindi dahil bakla ako (may nagtanong kasi sa 'kin. Lol), pero open-minded kasi ako. I can even write a story about a mistress/kabit kahit na sobrang hate ko sila. Ganoon ako ka-open. Gusto ko kasi silang intindihin.



Tags

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !