Freen Sarocha as Stephanie Orlov
Becky Armstrong as Avaluan Ramos
Blurb
“I, Stephanie Orlov, promise in my faith that I will in the future be faithful to the Imperatum, never cause him harm, and will observe my homage to him completely against all persons in good faith and without deceit.”
To be a part of Imperatum, one of the most famous maf!a organizations in the world, the oath of fealty must be fulfilled. At hindi basta-basta kayang basagin ng kahit ano at kahit sino ang sumpaang ‘yon, not even the maf!a lord himself.
Bata pa lamang si Stephanie ay napilitan na siyang sumumpa dahil sa mga taong kumupkop sa kaniya. She picked a kn!fe on her first birthday instead of a toy, and learned to use a gün first instead of a pen. Miski and foster parents niya ay hindi inaasahan ang instinct nito lalo pa at hindi naman siya tunay na anak ng mag-asawa. Kaya naman napagdesisyunan nilang imulat ang munting bata sa mundo na kanilang kinalakihan.
And when Stephanie turned twenty-four, binigay sa kaniya ang isang titulo na iilan lamang ang nakatatanggap—the title of a maf!a queen. She’s now the leader of the fifth division directly under the Imperatum corporation.
She was doing good in life. Proud ang parents niya sa naatim niya sa organization. She established a good relationship with different maf!a corporations. She was respected and feared at the same time. Ngunit sa pagdating ng isang hindi inaasahang tao sa buhay niya, magsisimulang matibag ang pundasyong tinayo niya.
Will Ava Ramos, the most sought out billionairess in town, be able to tame the ruthless maf!a queen? O isa lang siya sa mga magiging laruan nito gaya ng iba?
Free Preview
CHAPTER 1
WARNING! SPG! Consists of sensitive issues such as physical ab.u.se, mu.rd.er, explicit scenes, and harmful words that are not suitable for young and not open-minded readers. Read at your own risk.
Matapos sind!han ang kaniyang sigarilyo, nagtungo si Stephanie sa balcony upang magpahangin. Maraming bituin sa madilim na kalangitan, indikasyon na hindi uulan ngayong gabi.
Muling humith!t si Stephanie sa kaniyang sigarilyo bago ‘yon tinapon sa ashtray. Muli niyang sinipat ang lalaking ngayon ay nakahilata sa kama na kanina lang ay mainit nilang pinagsasaluhan.
Kasalukuyang nakabukas ang mga mata nito habang walang-buhay na nakatingin sa kawalan. Nakalaylay ang braso nito sa gilid ng kama kung saan tumutulo ang sarili nitong du.go.
Hindi na nag-abala pa si Stephanie na takpan ang hubad na katawan ng lalaki dahil ayaw niyang mas lalo pang madumihan ang kaniyang suot. Kaya naman dinukot niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at nagtipa ng isang numero.
“Mission done,” ani niya. “I need someone to clean this up.”
“Cleaner’s on its way,” ani Froilan.
“Any more missions for me today?”
“Nah. You’re good. But you might want to clean yourself. Hindi kasama sa sahod ng isang cleaner ang paglilinis ng mafio.so.”
“Siguro naman may dala siyang extra na damit para pamalit, ‘di ba?”
Mahinang natawa si Froilan. “Like I said, hindi kasama sa sahod nila ‘yan. Kung mayroon man siya, kailangan mong bayaran ang extra services niya.”
Stephanie clicked her tongue. “Next time, magha-hire ako ng sarili kong cleaner. Ang hassle nito.”
“You should. Afford mo naman.”
Nang patayin ni Stephanie ang tawag, dumeretso siya sa loob ng banyo at nagsimulang magkuskos ng tumalansik na du.go sa kaniyang damit. Laking-pasasalamat na lang niya na hindi siya naka-puti, bagay na natutunan niya sa halos dalawampu’t apat na taon niya bilang isang mafio.so.
Pinatay niya ang rumaragasang tulo ng tubig sa lababo nang may kumatok. Kinuha niya ang isang silk robe na nakasampay at sinuot ‘yon bago dahan-dahang nagtungo sa pinto. Kinapa muna niya ang kaniyang revolver gu.n bago sumilip sa pinto.
Gamit ang peephole, nakita niya ang isang lalaking housekeeper na nakatayo sa labas dala ang mga panlinis. Hindi makita ni Stephanie ang mukha nito dahil nakasumbrero ito. Kaya bago niya buksan ang pinto ay tinanong niya muna kung ano ang kailangan nito.
“Housekeeping,” ani housekeeper.
“I didn’t call for one,” sagot ni Stephanie.
Muling tiningnan ng housekeeper ang room number na nakadikit sa pinto. “Room 403. Tumawag po si Miss Seraphine ng housekeeping.”
Nang marinig ang kaniyang mafio.so code name ay agad niyang binuksan ang pinto. Mabilis din niyang sinara ang pinto nang makapasok ito. Wala namang sali-salitang nagsimula ang cleaner sa kaniyang trabaho.
“Hey,” tawag ni Stephanie sa kalagitnaan ng pagtatrabaho nito.
Lumingon siya sa dalaga nang may seryosong tingin.
“Do you happen to have extra clothes there? Hindi ko matanggal ang mantsa sa damit ko.”
Saglit na tumayo ang cleaner mula sa pagkakaupo at tinanggal ang kaniyang cleaning gloves. Binuklat niya ang mga bag sa trolley na hila niya kanina at inabot sa dalaga ang isang itim na shirt. Agad naman niya itong inabot at niladlad.
“Nice. Thanks. Anything you want in return?”
Iling lang ang naging sagot ng lalaki bago bumalik sa kaniyang ginagawa. Nagkibit-balikat na lang si Stephanie at nagpalit na ng damit. Kahit kailan ay wala pa siyang nakausap na cleaner sa tanang buhay niya. Naisip niya na baka parte ito ng trabaho nila.
Matapos magbihis ay iniwan na niya ang lalaki sa trabaho nito. Malaya na siya sa araw na ‘yon kaya isa lang ang nasa isip niya. Maaari na siyang magliwaliw at magpakalasing sa Impero Bar.
Nang makarating siya, agad siyang binigyan ni Enteng, ang bartender, ng isang shot ng Tequila. Prente namang naupo si Stephanie sa isang stool habang nanonood sa dance floor.
“Done for the night, ma’am Stephanie?” tanong ni Enteng.
Bumaling ang dalaga rito. “Yeah. At last.”
“Mukhang napaaga yata ang tapos niyo ngayon.”
“That’s good, right? Mas marami na akong oras para uminom.”
Natawa ito. “You’re right. I’ll keep the shots coming. then.”
“Thank you, Enteng.”
Tinuon ni Stephanie ang tingin sa dance floor habang umiinom. Napansin niya ang ilang pamilyar na tao, na mukhang tapos na rin para sa araw na ‘yon gaya niya. Maaari ding magpunta rito ang mga ordinaryong tao ngunit mahigpit at mahirap makapasok.
Ang ilan sa mga nakapapasok dito ay kamag-anak ng mga mafio.so, mga anak ng gobernador, at ng iba pang mga importanteng tao sa bansa. Marami sa mga ito ang nakaaalam ng tungkol sa trabaho nina Stephanie ngunit may mangilan-ngilan pa ring hindi.
Napangisi siya sa sarili. Hindi siya makapaniwalang may mga taong narito ang walang kamalay-malay na anumang oras ay maaaring malagay sa kapahamakan ang buhay nila.
Oo at hindi pwedeng gumawa ng gulo ang mga mafio.so sa mga lugar na sakop ng Impertum, ngunit sa oras na may makabangga silang malalaking tao ay hinding-hindi sila makatatakas sa mga ito nang basta-basta.
Nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Stephanie matapos ang ilang baso. Habang naghuhugas ng kamay, may narinig siyang sumusuka sa loob ng isang cubicle. Normal lang ‘yon sa loob ng bar, ngunit napansin niyang umiiyak din ito.
Napatingin siya nang lumabas ang isang babae sa cubicle. Sobrang dumi ng itsura nito at may suka pa sa gilid ng labi. Madalas siyang makakita ng karumal-dumal na mga senaryo sa trabaho niya, pero sa tuwing nakakakita siya ng suka ay napapangiwi pa rin siya.
Gulo-gulo rin ang buhok ng babae na kahit pilit niyang inaayos ay bumabalik lang din sa dati.
“Are you okay?” tanong ni Stephanie.
Hindi pamilyar sa kaniya ang babae kaya nakatitiyak siyang isa itong anak ng kung sinong may mataas na katungkulan, o hindi kaya naman ay kamag-anak ng mga gaya niyang mafio.so.
Nang lumingon sa kaniya ang babae ay wala na ito sa focus. Nakumpirma ni Stephanie na lasing na nga ito nang bigla itong ngumiti at nagtaas ng kamay sa kaniya.
“Okay lang ako.” Tumango si Stephanie nang magpatuloy ito. “Nag-cheat lang naman ang boyfriend ko pero okay lang. Iikot pa rin naman ang mundo. Don’t worry.”
Napaawang ang bibig ni Stephanie at naiwang nakahawak sa gripo ang kamay. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng babaeng kaharap. Para bang nakikipagkwentuhan lang ito sa isang kaibigan kung makapagsalita. At para bang normal lang na nag-cheat ang boyfriend niya at okay lang sa kaniya.
Naghilamos ang babae at nilinis ang mukha niya. Mukhang nahimasmasan naman siya kahit papaano dahil sa ginawa kaya nagpatuloy na si Stephanie. Wala naman siyang kinalaman sa kung ano ang problema niya.
Naglakad na siya palabas ng banyo para makauwi nang magsalita ang babae. “Ganito ba talaga ang mga lalaki?” Napatigil sa paglalakad si Stephanie. “Pagkatapos makuha ang kailangan nila, lilipat na sa ibang babae? Ang buong akala ko, sa palabas ko lang ‘to napapanood. Nangyayari pala siya sa totoong buhay.”
“Tao rin ang nagsulat ng mga napapanood natin sa palabas,” ani Stephanie nang hindi nililingon ang babae. “The scenes are either real events, or inspired by real happenings. Take your pick.”
Akmang lalabas na si Stephanie nang muling magsalita ang babae. “My name’s Avaluan. You are?”
Doon na siya tuluyang napaharap sa babae. “Let’s not get there. Mas mainam nang hindi mo ako kilala.”
“That’s unfair. Now you know my name.”
“Not my fault. I didn’t ask for your name. You gave it voluntarily.”
Naiwang nakatulala habang nakaawang ang bibig ni Avaluan. Hindi siya makapaniwala sa nangyari.
She scoffed. “Gaano ba kahirap banggitin ang pangalan niya at hindi niya masabi? Pwede namang magsabi siya ng kahit anong pangalan kung ayaw talaga niyang ipaalam.”
Pabalang niyang hinugasan ang kaniyang mga kamay habang patuloy sa pag-usal nang mahina. Imbis na gumaan ang pakiramdam niya nang maglabas ng sama ng loob ay mas lalo lang ‘yong bumigat matapos ang makipag-usap kay Stephanie.
Sa kabilang banda, dumeretso si Stephanie sa parking lot kung saan naka-park ang kaniyang sasakyan. Wala sa plano niya ang magpakalasing nang gabing ‘yon. Nais niya lang magliwaliw saglit bago umuwi at isubsob muli ang sarili sa trabaho.
Pagdating niya sa kaniyang bahay ay napansin niya agad ang pamilyar na sasakyang nakaparada sa kaniyang parking space. Mabilis niyang tinabi roon ang sasakyan niya bago pumasok sa loob.
Nakita niyang nakaupo ang kaniyang ama at ina sa sofa habang masayang nag-uusap. Nang marinig ang kaniyang pagdating ay agad siyang sinalubong ng dalawa.
“Welcome home, anak,” pambungad na bati ni Stacy, ang kaniyang stepmother.
“Thank you, ‘ma. What are you doing here? Sobrang late na, ah?” Hinalikan niya sa pisngi ang dalawa bago nagtungo sa sala upang mag-usap. “And you didn’t even call me. Eh ‘di sana, maaga akong umuwi.”
“We’re actually on our way to the airport,” sagot ni Axril, ang kaniyang stepfather. “Dumaan lang kami rito para magpaalam. We’ll be away for a couple of months.”
“We thought,” ani Stacy, “you might want to see us before we leave ‘cause it’ll be a long time. Pwede pang umabot ng taon.” Hinawakan niya ang parehong kamay ng anak at bahagya ‘yong pinisil.
Napangiti si Stephanie. “‘Ma, ‘Pa, I’ll be okay. I’m twenty-four, at kaya ko nang tumayo sa sarili ko. You don’t have to worry about me. I can even take care of a man thrice my size.”
Natawa si Axril. “Hindi ‘yon ang ibig namin sabihin, anak. Alam naming kahit ilang trained as.sassins pa ang makaharap mo ay sisiw lang ‘yon sa ‘yo. What we’re worried about is that you’ll be alone again in this house for a long time. You might feel lonely.”
Mas lalong napangiti si Stephanie. “Seriously. I’ll be fine. Kung nag-aalala talaga kayo, I’ll visit you there too if I have time.”
“That’s great!” Napangiti si Stacy bago tumayo. “Mauuna na kami ng papa mo. Our flight’s in an hour. And please, take a bath. Amoy kang alak.”
“Okay. I’m sorry. Mag-iingat kayo.”
Nang makaalis ang mga magulang niya ay nagpalit siya ng damit. Lumabas siya ng bahay niya suot ang track suit at nagsimulang mag-jogging. Pinatugtog niya ang kaniyang phone kung saan nakakabit ang earphones niya.
Pabalik sa kaniyang bahay, napailag siya nang maramdamang may tatama sa kaniyang kung anong bagay. Naging mabilis ang kaniyang kilos at halos atakihin na ang bumato sa kaniya nang mapagtanto kung sino ang gumawa n’on. Tinanggal niya ang kaniyang earphones upang marinig ang sinasabi nito sa kaniya.
“Kanina pa kita tinatawag pero wala kang naririnig,” ani Avaluan. “Hindi ka naman bingi kanina noong kinakausap kita, ah?”
Pinakita ni Stephanie ang kaniyang earphones na katatanggal lang niya pero hindi nagsalita.
Napaawang ang bibig ni Avaluan. “Oh. Hindi ko napansin. Sorry.” Napakamot siya sa batok.
Bumuntonghininga si Stephanie. “What more do you want from me?”
Napaiwas siya ng tingin dahil sa hiya. “Gusto ko lang sanang tanungin kung dito ka ba nakatira. Pero nevermind. It’s not really my business.”
Muli siyang napabuntonghininga. “Binato mo ako ng sapatos mo para lang itanong kung dito ba ako nakatira?”
“Pero hindi mo kasi ako naririnig kaya ko nagawa ‘yon. Hindi naman kita mahabol dahil ang bilis mong tumakbo.” Napanguso si Avaluan na parang nagsusumbong na bata.
“Ano naman sa ‘yo kung dito nga ako nakatira?”
“Bago lang kasi ako sa lugar na ‘to. Ikaw lang ang kilala ko kaya sinusubukan ko lang naman makipagkilala.” Kumunot ang noo niya. “At bakit ba ang sungit mo sa ‘kin? May nagawa ba ako sa ‘yo?”
“Nothing. Kung gusto mo ng makakakilala sa lugar na ‘to, you’re approaching the wrong person. And please, you don’t even know my name. So basically, hindi mo pa ako kilala. Try another neighbor.”
Nang makaalis si Stephanie ay napasinghal si Avaluan. Sinusubukan niya pa ring intindihin ang ugali nito pero kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya makapaniwala.
“Wow! Ngayon lang ako nakakilala ng gaya niya. May mga masusungit pala talagang mga tao sa mundo. Ang akala ko talaga sa mga drama ko lang sila napapanood.”
Napatigil siya nang muling bumalik sa isip niya ang mga katagang sinabi sa kaniya ng dalaga kanina sa bar.
“Tao rin ang nagsulat ng mga napapanood natin sa palabas. The scenes are either real events, or inspired by real happenings. Take your pick.”
Muli siyang napasinghal. “May point naman talaga siya, pero nakakainis pa rin ang ugali niya!”
Pagkababa sa kaniyang pulang sasakyan, dumeretso si Stephanie sa loob ng headquarters. Binati siya ng gwardiya na nagbabantay sa entrance bago siya nagpatuloy patungong elevator. Pasara na sana ang elevator nang may marinig siyang sumigaw ng pangalan niya.
“Steph, hold the door for me!”
Ngunit imbis na pahintuin ang pinto sa pagsara ay pinanood niya lang ang lalaki na tumakbo. Bago magsara, nagawang iharang ng lalaki ang kaniyang braso ngunit halos mapangiwi naman siya sa sakit.
Imbis na kumustahin ay napangisi na lang si Stephanie sa nangyari. “Mukhang bumabagal ka na, Wyeth. I’ll need you at the gym later at 7PM.”
Nanlaki ang mga mata ni Wyeth habang nakaawang bibig. “P-Pero…”
“Mula sa entrance hanggang sa elevator, you should have reached approximately three seconds. But it took you five whole seconds instead. Masyado yata akong naging maluwag sa ‘yo nitong mga nakaraan.”
Pilit itong tumawa. “Masyado ka namang detalyado, Steph.”
“I’ll send you a new set of regimen to finish everyday. I’ll monitor you while you do it as well.”
“Ikaw naman, hindi mabiro. Sinadya ko lang talagang bagalan kanina kaya inabot ako ng limang segundo. I won’t joke about it anymore. I promise!” Tinaas niya ang kanang kamay na tila namamanata.
Tinitigan ni Stephanie ang kaniyang kanang kamay hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. Wala nang nagawa pa si Wyeth nang lumabas ang dalaga nang hindi pinapansin ang sinasabi niya.
“Nakapag-breakfast ka na?” tanong ni Wyeth.
“I did.”
“Do you want some coffee?”
“Already had one.”
Nag-isip pa ng ibang dahilan si Wyeth habang patuloy sa pagsunod kay Stephanie papunta sa office nito. “What about donuts? You love donuts! I’ll buy you a box.”
Nang makarating sa harap ng office ay huminto si Stephanie bago siya hinarap. “You know nothing will change my mind. At kapag hindi ka pa tumigil, I’ll triple it.”
Napakagat si Wyeth sa kaniyang labi upang pigilan ang sarili na magsalita.
“And, oh,” pagpapatuloy ni Stephanie, “buy me three boxes. Your treat, right?”
Bago pa man makaangal si Wyeth ay nakapasok na si Stephanie sa kaniyang office at naisara na ang pinto. Nanlulumo naman siyang tumalikod papunta sa sarili niyang office at sumalampak sa kaniyang upuan.
Mayamaya ay pumasok si Salvatore sa kaniyang office at natawa nang makita ang itsura ng kaibigan at boss niya. “Stephanie again?”
“As usual.” Sabay silang natawa. “Any new work for me?”
“Just a couple of new paperworks na kailangan ng pirma. Pero maliban dito, wala na. Remind ko lang din ang report sa big boss.” Naglapag siya ng ilang papeles sa lamesa nito na hindi tinapunan ng tingin ni Wyeth.
“I’ll deal with that later.” Tumayo siya at lumabas kasama si Salvatore. “I need to buy her majesty three boxes of donuts. I’ll be back.”
“Sure, bossing. Padamay naman ng isang mainit na kape. Hindi pa ako pwedeng matulog dahil marami pang gawain.”
“Sana kasingsipag mo ang boss natin.”
Natawa si Salvatore. “Mas pipiliin ko ang walang-tulog na trabaho ko sa likod ng computer kaysa sa ginagawa ni Stephanie.”
Nagkibit-balikat ito. “Good point.”
Sa kabilang banda, nagsimula namang magtipa si Stephanie sa kaniyang laptop upang gumawa ng report. Napapabuntonghininga siya sa tuwing nakatatapos ng isang pahina.
“Still hate paperworks?”
Napaangat ang tingin ni Stephanie sa kaniyang kanang kamay. Halos kuminang naman ang mga mata niya nang makita ang hawak nitong limang box galing sa paborito niyang shop ng donut. Imbis na ipakitang masaya siya ay pilit niyang sineryoso ang kaniyang mukha.
“I’ll forgive you for taking so long since you bought five boxes.”
Natawa na lang si Wyeth sa sinabi nito. “Okay. Okay. I’m sorry, your highness.”
Kumunot ang noo ni Stephanie. “I’m serious, Wyeth. Kailangan mong mag-work out.”
Ngumiti ito. “I know. Gagawin ko naman kahit anong klaseng regimen pa ang ipagawa mo.”
Hindi na nagsalita si Stephanie at nagsimula nang lantakan ang donuts na dala ng binata. Napangiti na lang si Wyeth bago lumabas ng office at dumeretso sa kaniya para magtrabaho.
Naiintindihan niya kung bakit ganito kastrikto ang kaniyang boss sa kaniyang work out. Para din naman sa kaniyang kapakanan ang mga pinagagawa sa kaniya ni Stephanie. Kanang kamay siya nito, at nararapat lang na palagi itong nasa malusog at malakas na pangangatawan. Walang nakaaalam kung kailan nila kakailanganin ang lakas nila.
Ilang linggong natambak si Wyeth bilang support sa kaniyang boss dahil iyon ang gusto nito. Mas gusto ni Stephanie na siya ang tumapos ng misyon mag-isa dahil alam niya sa sariling kaya na niya.
Ngunit hindi magtatagal, tiyak na bibigyan na ulit sila ng bagong misyon ng maf!a lord. Hindi sila dapat magpakampante.
Para bang narinig ng langit ang kinatatakot ni Stephanie dahil biglang kumatok sa kaniyang pinto si Wyeth.
“New mission from the big boss,” ani Wyeth. “And this time, gusto niyang kausapin ka nang personal para pag-usapan ang misyon.”
Napataas ang kanang kilay ni Stephanie. “The old hag wants to see me personally? Did I hear that right?”
“I had to ask that three times before going here.” Natawa sila pareho.
Bumuntonghininga si Stephanie bago tumayo. “I guess we’ll go now. We don’t want the angry lion to get mad for being late.”
“Of course. She hates us as it is. Ayoko na lang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nahuli tayo.”
Habang naglalakad palabas ng building ay binabati sila ng bawat madaanan nila. The guard greeted them again with a salute before the valet parked the car in front of the building. Agad niyang inabot ang susi kay Stephanie na siyang magmamaneho.
Nang makasakay sila ay agad na pinaharurot ni Stephanie ang sasakyan, iniwan ang parking valet na kasalukuyang nakatindig pa rin at nakasaludo sa dereksyon nila.
Nang makarating sa building ng big boss ay agad nila itong nakitang papalabas ng building. Saktong pagbaba nila ng sasakyan ay ang pagsalubong sa kanila ng matangkad at sopistikadang babae na halos anim na talampakan ang tangkad.
“Follow me,” masungit nitong utos nang hindi man lang sila tinatapunan ng tingin.
Nagkatinginan na lang ang dalawa at walang angal na sinunod ang utos nito. Nang makapasok sila ay mabilis na bumuntonghininga si Stephanie na tila naglalabas ng sama ng loob.
“Bakit ba ako umaasang babatiin niya tayo nang maayos?” tanong ni Stephanie.
“We’ve been working for her for almost a decade now. Pero kahit gano’n, hindi pa rin ako nasasanay.” Hinarap niya si Stephanie. “Do you want me to drive?”
“No time for that.” Mabilis niyang sinundan ang sasakyan kung saan lulang si Francesca.
“Sorry. Kailangan mong magtimpi sa ngayon.”
“I’m trying, so stop talking.”
Umakto si Wyeth na tinitikom ang bibig habang nakatingin sa harapan nila.
Hindi nila alam kung saan ito patungo kaya naman hindi nila inalis ang tingin sa sasakyan ni Francesca upang hindi nila ito mawala. May kabilisan magmaneho ang driver ng kanilang boss ngunit hindi sila nahirapan.
Hindi naman nagtagal ay dumating sila sa isang hindi pamilyar na lugar. Kumpara sa building ng Faraci at Orlov, ‘di hamak na mas malaki itong pinuntahan nila. Hindi nila inaasahang mayroong ganito kataas na building sa bansa.
Muling nagkatinginan sina Stephanie at Wyeth bago sumunod kay Francesca na hindi pa rin pinaliliwanag kung ano ang mangyayari. Nang makarating sa guard ay hinarangan sila nito.
“Oh, sorry,” ani Francesca. “They’re with me. Your boss wants to see them.”
Muli pa silang tinitigan ng guwardiya ngunit hindi sila nagpatalo sa pakikipagtitigan. Kusa namang tumabi ang guwardiya matapos ang narinig ngunit hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanilang dalawa.
“People here have guts,” bulong ni Wyeth sa dalaga.
Napangisi ito. “That’s how I like it.”
Nang makarating sa pinakatuktok na palapag ay pumasok sila sa nag-iisang pinto na naroon. Hindi na nag-aksaya pa ng pagkakataon si Stephanie at agad hinanap ng mga mata ang taong tinutukoy ni Francesca kanina.
Ngunit ang hindi nila inaasahan ay ang presensiya ng lalaking kaharap. Mabilis silang lumuhod habang nakayuko upang bigyang pugay ang kaharap. Hindi pa rin sila makapaniwala sa nakikita at wala ni isa sa kanilang dalawa ang nakapagsalita.
“There’s no need for that,” ani baritonong boses ng lalaki na agad silang pinatayo.
Nagdadalawang isip man ay tumayo pa rin sila habang bahagyang nakayuko.
“You seem surprised to see me. Hindi ba nabanggit ni Francesca na ako ang nagpatawag sa inyo?”
Napatingin silang lahat kay Francesca. “I did… didn’t I?”
“You didn’t, ma’am Francesca,” sagot ng kaniyang personal assistant.
“Oh.” Nagkibit-balikat ito. “My bad.”
Mahinang natawa ang lalaking kaharap nila. “Nevermind. Ang mahalaga ay narito na kayo sa harap ko. Bakit hindi muna kayo maupo?”
Sinunod nila ang lalaki at nagtungo sa isang sofa na nasa gilid ng silid. Hinintay muna nilang makaupo ang lalaki bago sila naupo habang nakayuko pa rin.
Seeing the maf!a lord in person is still so surprising to them. Kung madalang nila makita sa personal si Francesca, never naman nilang nakita ang maf!a lord nang harapan. Tanging sa litrato lang nila nakikita ito.
“I’m assuming Francesca hasn’t told you the reason why you’re here.”
Napakagat lang ng ibabang labi si Stephanie samantalang napakurap naman si Wyeth. Muling natawa ang lalaki na para bang inaasahan na niyang mangyayari ‘yon.
“Anyway, that’s not important, isn’t it?” Nang sumeryoso ang tingin at tindig ng lalaki ay napaupo rin nang ayos sina Stephanie at Wyeth.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” Pinatong niya ang siko sa lamesa at pinagsaklop ang mga palad. “This mission will prove to me how effective and how loyal you are to my family, Ms. Orlov.”
Napalunok si Stephanie nang titigan siya ng maf!a lord. Kung kanina ay tumatawa at ngumingiti pa ito, ngayon ay hindi na ‘yon nababakasan pa ng kahit anong tuwa. Mas lalo siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib.
“Someone is doing business in my territory,” panimula ng maf!a lord. “I’m assigning you to take them down, and show them how stupid they are for trying to anger me. In short, I want them all gone.”
Huminga nang malalim si Stephanie para pakalmahin ang sarili. The maf!a lord gave her an order. At nakatitiyak siyang kapag nagawa niya ‘to nang maayos ay hindi lang ito ang una at huling beses na mangyayari ‘to.
Receiving a direct order from the maf!a lord himself is a huge honor for mafio.sos like her.
Pumalakpak ang maf!a lord bago tumayo at dumeretso sa harap ng office desk niya. “Bulacan is my territory. People shouldn’t touch what’s mine.” Nang makaupo siya ay nginitian niya ang dalawang kaharap. “That’s it. You may leave.”
Muli silang yumuko sa harap nito bago lumabas ng room. Nang makarating sila sa mga sasakyan nila ay nagsalita si Francesca.
“I’ll leave everything to you,” ani niya nang hindi tumitingin sa kanilang dalawa. “Marami pa akong dapat na asikasuhin. My job here’s done.”
Yumuko silang dalawa sa harap ng papaalis nitong sasakyan. Nang mawala ito sa kanilang paningin, sabay silang napangiti at nag-high five.
“Can you pinch me?” tanong ni Wyeth. “Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.”
Imbis na kurutin ay mabilis na sinuntok ni Stephanie ang binata. Napaatras ito at halos ngumudngod pa sa lupa dahil sa lakas.
“What?” tanong ni Stephanie. “Na-confirm mo ba?”
Napasinghal si Wyeth habang pinupunasan ang gilid ng labi. “Confirm na confirm.”
Nagkibit-balikat si Stephanie bago pumasok sa sasakyan niya. Ngunit imbis na sa driver’s seat ay sa passenger’s seat siya naupo.
“You drive. I’m tired.”
Napabuntonghininga na lang si Wyeth dahil sa paiba-ibang mood ng kaniyang boss. Ngunit imbis na umangal ay sumunod na lang siya nang walang angal. Sa halos isang dekada nilang pagtatrabaho nang magkasama, nasanay na lang siya rito.
“Take me to the bar,” utos ni Stephanie.
“Aye, aye, ma’am.”
Dumeretso sila sa Impero Bar bago bumaba si Stephanie. “Take my car home. Mamamasahe na lang ako pag-uwi.”
“Nah. Message me. Susunduin na lang kita mamaya. Babalik ako sa headquarters.”
Bago pa makaangal si Stephanie ay mabilis na itong nagpaalam. Pinanood na lang niya itong umalis bago pumasok sa bar. Dumeretso agad siya sa counter at naupo sa isang bakanteng stool nang lumapit si Enteng.
“Good afternoon, ma’am,” bungad na pambati ng bartender. “Ang aga natin, ah?”
Natawa si Stephanie dahil ang aga pa nga para uminom. Pero bigla siyang nakaramdam ng uhaw kaya rito siya dumeretso. “Just one shot. I just need to think.”
“Right away, ma’am.”
Napatulala si Stephanie habang malalim na nag-iisip. Kasama ng tuwang nararamdaman niya matapos ang nangyari ay ang pag-aalala. Kung binigyan siya ng misyon ng maf!a lord mismo, dalawa lang ang naisip niya.
Una, mayroong problemang nangyayari sa kanilang organisasyon na kinailangan nilang hingin pati ang tulong ng isang hamak na mafio.so na gaya niya. At ikalawa, may ibang balak ang maf!a lord sa kaniya.
Sa ikalawang iyon, kung hindi maganda ay tiyak na masamang indikasyon ‘yon. At ito ang ikinababahala niya. Binigyan ba siya ng misyon para i-promote? O para ipatapon dahil hindi na siya epektibo sa organisasyon.
Sa gitna ng malalim na pag-iisip ay ang biglang pagsulpot ng isang taong hindi niya inaasahang makikita sa bar nang ganitong oras.
“Hi, neighbor!” masiglang bati ni Avaluan.
Napangiti si Avaluan nang irapan siya ni Stephanie. Inaasahan na niya ang naging reaksyon ng dalaga bago pa man niya ito lapitan. Sa hindi malamang dahilan ay nage-enjoy siyang panoorin ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon sa tuwing nakikita siya nito.
“You again?” tanong ni Stephanie.
“Grabe, ah?” Naupo siya sa tabi nitong stool. “Ang rude mo talaga.”
Hindi nagsalita si Stephanie at tinungga lang ang kaniyang hawak.
Humarap si Avaluan sa bartender. “Isang shot ng tequila, please. One for me, and one for my neighbor here.”
Napatingin muna si Enteng kay Stephanie bago sumagot. “Right away, ma’am.”
Humarap si Avaluan kay Stephanie. “Ang aga yata natin ngayon? Boy problem?”
“I can say the same thing to you. And no, I don't have any boy problems. I am every guy’s problem.” Nang dumating ang shot ng tequila ay agad niya ‘yong inabot at tinungga. “Thanks for that.”
Akmang aalis na ito nang pigilan siya ni Avaluan. Napatingin si Stephanie sa kamay nitong humawak sa kaniyang braso na agad naman nitong tinggal.
“Sorry,” ani Avaluan sabay pilit na ngumiti. “Gusto ko lang talaga ng makakausap ngayon. At advice na rin kung papalarin.”
“I can’t give people advice.”
“You can just sit with me and listen,” ani Avaluan na nagkaroon ng pag-asa na magagawa niya itong paupuin ulit. “Hindi mo na kailangang magbigay ng advice kung hindi mo talaga gusto. Drinks on me, too!” Tinaas pa niya ang hawak at pinakita sa dalaga.
Napatingin si Stephanie sa hawak nitong baso bago napataas ang isang kilay. “Do I look like someone who can’t afford my drinks?”
Napaawang ang bibig ni Avaluan at naibaba ang baso habang pinanonood si Stephanie na maglakad palabas ng bar. Napabuntonghininga na lang siya bago naupo sa stool at napatulala sa kawalan.
“Another drink, ma’am?” tanong ni Enteng.
Tumango si Avaluan. “Thank you, Enteng.”
“Gusto ko sanang pakinggan ang problema mo pero kailangan kong magtrabaho.”
Napangiti ito. “Palagi mo na lang akong pinakikinggan. Nakakahiya na ang paulit-ulit kong rant sa ‘yo. Pero, thank you.”
“Wala ‘yon. Sino pa ba ang magtutulungan dito, right?” Inabot niya ang isang baso rito. “Here’s your drink. There’s no better friend than a shot of tequila.”
Nang magsimulang dumating ang mga tao ay hindi na halos makausap ni Avaluan si Enteng. But she’s really thankful dahil kahit papaano, alam niyang may pakialam ang binata sa kaniya at sa nangyayari sa kaniya.
Marami siyang pinsan na malapit sa kaniya at pwede niyang masabihan. Pero sa oras na sabihan niya ang mga ito, hindi sila tatahimik. Sa tuwing may nangyayari sa kaniya at sa tatay niya ay halos magwala ang mga pinsan niya. At ayaw na niyang mangyari ‘yon.
Mas gugustuhin na lang niyang sarilinin ang problema. Ayaw na niyang palakihin pa ang gulo. Tatay pa rin niya ang pinag-uusapan dito. Hindi niya kayang mabuhay sa oras na pati ang tatay niya ay mawala.
Matapos ang ilang shots, napagpasyahan niyang umuwi na. Nakaramdam na rin siya ng hilo kaya kahit na ayaw pa niyang umuwi ay wala na siyang pagpipilian pa.
Ngunit halos mapamura siya nang makita ang pinsan na seryoso nang nakatitig sa kaniya. Ayon sa tindig at ekspresyon nito ay hindi ito natutuwa sa kaniyang nakikita.
Pilit na ngumiti si Avaluan. “Hi, Peter. Good afternoon?” patanong nitong bati dahil hindi niya alam kung anong oras na. Ang alam niya lang ay tirik na tirik na ang araw.
“Good? Walang good sa tanghalian ko, Ava.”
Napaiwas ito ng tingin. “May ginawa na naman ba si Jennica?” pagtukoy nito sa kapatid ng binata. Alam niyang hindi magandang idamay ang pinsan sa usapan pero ayaw niyang mapunta sa kaniya ang paksa. Ngunit mukhang hindi siya nagtagumpay.
“Alam kong alam mo kung bakit ganito ang reaksyon ko. Ava—” Napabuntonghininga siya bago nagpatuloy. “ —it’s fuck!ng twelve in the afternoon, ‘tapos lasing na lasing ka na. What the h3ll are you up to?”
Hindi sumagot si Ava.
Nawala ang pagkakakunot ng noo ni Peter nang may napagtanto. “Ah… it’s your fuck!ng father, isn’t it?”
“Peter, tatay ko pa rin ‘yon. Huwag mo siyang pagsalitaan ng ganiyan.”
“Your fuck!ng father is an ab.u.ser, Ava. Kahit na tatay, kapatid, nanay o kung ano mo pa man ‘yan, hindi magbabago ang tingin ko sa kaniya. Kung hindi dahil sa ‘yo, baka ako pa mismo ang nagdala sa kaniya sa kulungan.”
Huminga nang malalim si Avaluan. Para bang nawala na ang pagkalasing niya dahil sa pinsan. “Uuwi na ‘ko kung ‘yan lang ang sasabihin mo.”
“I’m taking you home.”
“No, thanks. I’m taking a cab.” Nagsimula na itong maglakad patungo sa waiting shed.
“Huwag nang matigas ang ulo mo, Ava. Ihahatid na kita.”
“I said, no!” bulalas ni Avaluan. “Hindi ako sasama sa ‘yo at sasakay sa kotse mo para marinig ang ilang minuto mong paninira sa tatay ko.”
Kinagat ni Peter ang ibabang labi para pigilan ang sarili na magsalita. Gusto niyang sabihin na hindi paninira ang ginagawa niya sa tatay nito. Sinasabi niya lang kung ano ang totoo. Pero alam niyang sa oras na sabihin niya ‘yon ay mas lalong hindi sasama sa kaniya ang pinsan. Nakainom ang pinsan niya at hindi ligtas para sa mga kababaihan ang umuwi nang mag-isa.
“Hindi ako magsasalita,” ani Peter. “Promise. Titigilan ko na basta sumama ka na sa ‘kin at ihahatid kita sa inyo.”
Napabuntonghininga si Avaluan bago dumeretso sa parking at sumakay sa kotse ng pinsan niya. Gaya ng sabi ni Peter ay tahimik lang siya buong byahe. Miski si Avaluan ay hindi nagsasalita hanggang sa makarating sila sa bahay.
Pagdating nila ay bumaba rin si Peter upang ihatid ang pinsan hanggang sa loob ng bahay. Gaya ng inaasahan ay nakaupo na naman si Ryan, ang tatay ni Avaluan, sa terrace nila. May bote ng alak sa kaniyang harapan at ilang mga walang laman na nagkalat sa lapag.
Nang makita sina Peter at Avaluan na paparating ay mabilis itong tumayo habang pasuray-suray.
“Saan ka na naman nanggaling na bata ka? Kanina pa kita hinahanap!” bulalas ni Ryan.
Hindi sumagot si Avaluan kaya si Peter ang gumawa. “Bakit mo siya hinahanap? Wala ka na namang pambili ng alak mo, ‘no?”
“Peter,” pabulong na saway ni Avaluan sa pinsan.
“Aba’t—! Ano bang pakialam mo, bata? Hindi ikaw ang kinakausap ko, at wala kang pakialam kung humingi ako sa kaniya ng pambili. Pinapatira ko siya sa bahay ko kaya dapat lang na gawin niya ang parte niya!”
Halos umusok naman ang ilong ni Peter dahil sa narinig. Kung hindi dahil kay Avaluan ay baka nasapak na naman niya ito.
“Salamat sa paghatid, Peter. Ako na ang bahala rito.”
“Pero, Ava—”
“Please, Peter. Mas lalo lang siyang magwawala. Ako na ang bahala rito.”
Ilang segundo pa niyang tinitigan ang pinsan bago bumuntonghininga. Tumalikod siya at umalis nang hindi nagpapaalam. Ilang beses muna niyang binomba ang kaniyang sasakyan bago pinaharurot ‘yon, dahilan para mas lalo mapamura sa inis si Ryan.
“Ang yabang talaga ng batang ‘yon! Porke may sarili ng sasakyan, bomba na nang bomba. Perwisyo sa mga kapitbahay!” Matapos sumigaw ay naglakad siya pabalik sa inuupuan niya kanina. “Ano pang tinutunganga mo riyan? Bumili ka na. Bilis!”
Bumuntonghininga si Avaluan bago tumalikod. Ngunit bago pa siya makaalis ay muli niyang narinig ang boses ng ama. “Aba, teka! Ano ‘yong narinig ko?” Tumayo ito at lumapit kay Avaluan. “Sininghalan mo ba ‘ko? Umaangal ka na ngayon?”
“Hindi po ako umaangal. Pagod lang po ako kaya—”
Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi dahil isang malakas na sampal na ang natamo niya mula sa kaniya. Napasinghap siya at napahawak sa namamanhid na labi.
“Wala ka talagang utang na loob, ‘no? Hoy! Pinapatira kita rito sa bahay ko. Sa bahay ko! Anong karapatan mong singhalan ako? Bakit? May napatunayan ka na ba? Kaya mo na bang buhayin ang sarili mo? Eh ‘di umalis ka na! Kaya mo na palang mabuhay mag-isa, eh.”
“Hindi po,” halos pabulong na sagot nito.
“Hindi naman pala. Ano ‘yang pagsinghal-singhal mo? Ha!”
Yumuko na lang si Avaluan at tinanggap ang mga sinasabi nito. Hindi siya nagsalita at sumang-ayon lang sa kaniya hanggang sa kumalma ito. Nang bumalik na si Ryan sa inuupuan niya ay saka lang umalis si Avaluan.
Imbis na bumili ng alak gaya ng sinabi niya ay nagtungo siya sa bukid na pag-aari ng pamilya ni Kise, isa sa mga pinsan niya. Natanaw niya mula sa malayo ang mga trabahador na nakababad sa ilalim ng tirik na tirik na araw.
Dederetso na sana siya sa bahay nina Kise nang matanaw niya ang pamilyar nitong bulto na kasama ang mga trabahador nila. Alam niyang tumutulong ito madalas sa bukirin nila, pero hindi niya inaasahang magtatrabaho ito katanghaliang tapat.
Bago niya tawagin ang pangalan ng pinsan ay tinuro na siya ng isa sa mga trabahador. Napalingon sa kaniya ang pinsan kaya kumaway na lang si Avaluan. Imbis na kumaway pabalik ay mabilis na iniwan ni Kise ang ginagawa upang lapitan siya. Napanguso si Avaluan at dumeretso sa bahay nina Kise.
“Pumasok si Paulle?” pagtukoy ni Avaluan sa kapatid ni Kise.
“Hinatid ko kanina pa. Teka at kukuha lang ako ng juice.”
Sumunod siya sa loob upang tulungan itong kumuha ng pitsel at mga baso. “Ikaw? Wala kang pasok?”
“Monday to Thursday lang ang pasok ko. Ikaw?”
Nang makalabas, tinawag nila ang mga trabahador na uminom din ng tinimpla nilang juice.
“Wala rin akong pasok ngayon.”
Nang maiwan silang dalawa sa terrace ay roon na nagsimulang magtanong si Kise. “‘Yong tatay mo na naman ba?”
Bahagyang napaawang ang bibig ni Avaluan nang makita may hawak na itong first aid. “May sugat ka ba?”
“Hindi ako.”
Nagsimula si Kise na gamutin ang sugat ni Avaluan sa labi. Doon niya lang napansin na may sugat siya nang humapdi ‘yon. Hindi na lang siya sumagot at hinayaan itong gamutin ang labi niya.
Nang matapos sila ay napansin ni Avaluan na wala ito sa mood. “Okay ka lang?” tanong niya kay Kise.
Bumuntonghininga ito. “Hindi ako okay.”
“May nangyari ba sa inyo ni Keisha?”
Napatingin si Kise sa kaniya. “Hindi ‘to tungkol sa ‘min ni Keisha. Tungkol ‘to sa ‘yo.” Tumaas ang boses niya. “Ilang taon na ang nakakalipas, ate Ava. Bakit nagtitiis ka pa rin sa lalaking ‘yon?”
Bumuga ng hangin si Kise bago nagpatuloy. “Alam kong magagalit ka na naman dahil hindi ko nirerespeto si Ryan. Pero alam mong hindi ko siya kayang respetuhin dahil sa ginagawa niya sa ‘yo at kay tita. Magmula noong pumanaw si tito Patrick at pinakilala ni tita ‘yang lalaking ‘yan, wala ng magandang bagay ang nangyari sa inyo.”
“Pero siya ang nagbibigay ng masisilungan sa ‘min.”
“Kaya ka rin namin bigyan ng masisilungan, ate, nang walang hinihinging kapalit. Ganoon ang pamilya. Pero parang hindi pamilya ang tingin niya sa inyo. Sinasaktan niya kayo!” Huminga ulit nang malalim si Kise para pakalmahin ang sarili.
“Pero hindi namin siya kayang iwan.” Napakagat sa ibabang labi si Avaluan upang pigilan ang sarili na maiyak. “Kami na lang ang meron siya at mahal siya ni mama.”
“Mahal…” Mahinang natawa si Kise. “Minsan hindi ko talaga maintindihan ‘yang pagmamahal ni tita sa lalaking ‘yon.”
Natahimik sila matapos ‘yon. Nakatanaw lang sila sa malawak na kabukiran nina Kise. Sa maghapon na ‘yon, hindi siya iniwan ni Kise. Kahit na hindi nag-uusap ay naroon lang sila. Hindi na rin bumalik si Kise sa pagtulong sa bukid para may kasama siya.
Gusto na sana niyang umuwi dahil sa tingin niya ay nakakasagabal na siya sa pinsan. Pero si Kise na rin mismo ang pumigil sa kaniya.
“Huwag ka munang umuwi at baka gising pa ‘yon. Hayaan mo muna siyang makatulog para hindi ka na niya ulit saktan. Doon ka muna sa loob at gawin kung anong gusto mo. Susunduin ko lang sina Paulle at Keisha.”
Tumango lang si Avaluan bago pumasok sa loob. Naupo lang siya sa sala at binuksan ang telebisyon habang hinihintay sila. Ngunit wala roon ang kaniyang atensyon. Naisip niya kung gaano siya kaswerte at kamalas sa pamilya.
Ang malas nila dahil maagang nawala ang kaniyang ama. Ang malas nila dahil ang bagong pag-ibig na nahanap ng kaniyang ina ay iyong sinasaktan pa sila. Ngunit ang swerte rin nila kahit papaano dahil malaki ang pamilya nila sa father side at sobrang close pa nilang lahat ng magpi-pinsan.
Napabuntonghininga si Avaluan. Sa kabila ng mga nangyari at inaalala niya, natatawa na lang siya sa sarili dahil may oras pa siya para isipin ang babaeng nakilala niya sa bar.
Hindi naman na bago sa kaniya ang nararamdaman. Attracted talaga siya sa mga babae noon pa lang. Hindi niya ‘yon pinapansin noon pero lately, sa tuwing nakikita niya ang dalaga sa bar ay bumibilis ang tibok ng puso niya. Nae-excite siya sa isiping makikita niya ulit ang dalaga.
Ngunit grabe naman ang sakit na dulot ng atraksyon na ‘yon noong mga oras na i-reject siya nito noong gusto niya ng makakausap.

CHAPTER 2

CHAPTER 3