Aljand Falcis (Chapters 1-10)

Precious Jasmin
0

 

Chapter 1

“Chameleon in position,” ani Aljand habang nakatingin sa scope ng kaniyang sniper. Tinutok niya ang kaniyang Barrett M82 kay Scorpion upang panoorin ang galaw nito.

“Scorpion also in position.” Kumindat pa siya sa ere na para bang nakikita niya kung nasaan si Aljand. Iwinawasiwas pa nito ang kaniyang stiletto dagger sa ere na parang isang laruan lang. 

He gritted his teeth. “Quit messing around, Ismael. Focus on your target!” 

Tumawa lang ito. “Chill, boss. I got this. You know that I’m the best assassin you’ve got!” Ngumisi siya at nagkibit-balikat.

“Yeah, right. ‘Cause you’re the only assassin I’ve got, fucker.”

“Al,” tawag naman ni Jess mula sa earpiece, “Ismael is right. You need to chill. Bakit ba kasi ang sensitive mo ngayon?”

He clicked his tongue. “Hindi ko alam. I just feel uneasy. Hindi ko maiwasang hindi balikan ang naging preparasyon natin. It feels like I missed something, but I don't know what it is.”

“You’re just paranoid, dude,” sambit naman ni Carl. “Matagal natin ‘tong pinaghandaan. Natural lang na maramdaman mo ‘yan.”

Napabuntonghininga na lang siya. “Sana nga gano’n lang ‘yon, Carl. Anyway, target spotted. And please, focus!”

Sabay-sabay na natawa ang tatlo dahil sa bulalas ni Aljand. Ismael didn’t take his eyes off the target like the rest of them. Nasa kaniyang mga kamay ang tagumpay ng magiging operasyon nila sa pagpatay sa mafia boss. Sina Aljand, Carl at Jess naman ang bahala sa ibang mga tauhan na maaaring makahadlang sa kanila.

Mabilis na napabagsak ni Carl ang tatlong tauhan na nagbabantay sa back door ng mansyon ng mafia boss. He’s a skilled martial arts expert. Agad namang sumunod sa kaniya si Jess at ginamit ang kaniyang Rootkits para buksan ang isang password-protected na pinto.

Pigil-hininga nilang hinintay ang pagtunog ng lock. Green light appeared together with a silent beep. Nakahinga nang malalim si Jess bago binuksan ang pinto.

“After you,” ani niya.

Maingat na pumasok ang dalawa. Pinanood ni Aljand ang galaw nilang dalawa gamit ang dalawang laptop sa tabi niya. Jess hacked the whole system before they got there. Kaya naman sa isa pang laptop ay naroon lahat ng cameras na naka-install sa mansyon. Naroon din ang body camera ni Ismael na hindi pa rin umaalis sa posisyon niya magmula kanina.

“There’s two on your right,” ani Aljand.

“Roger that, Chameleon.” Hinigit niya ang kaniyang kutsilyo mula sa binti at ginamit iyong salamin upang makita ang dalawa na naglalakad-lakad sa hallway. Pareho silang may mga baril sa tagiliran. May mga earpiece din sila kaya mabilis na nag-isip si Carl.

Binalik niya ang kutsilyo sa kaniyang binti at pumikit. Huminga siya nang malalim bago sumugod. Hinawakan niya agad ang kamay nito upang hindi na magawang mahugot pa ang baril. Ginamit naman niya ang momentum ng kaniyang pagtakbo para sipain ang isa pa niyang kasama sa leeg.

Pinulupot niya ang braso ng lalaking hawak niya at saka pinalo ang likod ng batok, dahilan para agad itong mawalan ng malay. Binalikan niya ang isa pa at sinipa sa tainga nang akmang manghihingi ng back up.

“Not so fast,” ani niya bago sinikmuraan ang lalaki. Nang mapaluhod ito ay saka naman niya tinuhod ang mukha nito. Bumagsak ang walang malay nitong katawan sa sahig. Inayos niya ang kaniyang suot na itim na jacket na medyo nagusot.

“We’re moving on the next room,” pag-aanunsyo niya sa kaniyang earpiece.

“Right,” ani Aljand. “No need to speak. I can see you.”

Nagkibit-balikat na lang ito bago lumapit sa isang pinto. Tahimik lang na nakasunod si Jess sa kaniyang likod. He’s just waiting for his turn. He’ll leave all the physical fighting to Carl. Ayaw niya nang nadudumihan ang kamay niya.

“Can you please hurry?” sambit ni Ismael. “Kanina pa ako nilalamok dito. Kating-kati na rin akong makipagbakbakan.”

“I’m already doing my best here, Scorpion,” sagot ni Carl. “Kung gusto mo pala ng bakbakan, dapat ikaw na rito, ‘di ba?”

Napanguso ito. “No, thanks. Ako ang papatay sa mafia boss. Just make it fast!”

“Can you guys fucking shut up?!” bulalas ni Aljand na ikinatahimik nilang dalawa. “I’m trying to focus here. Kung ayaw niyong mag-focus, let me. At hindi ko magagawa ‘yon kung dada kayo nang dada riyan.”

They zipped their mouths. Matapos naman n’on ay tumino na sila at hindi na rin sinubukan pang mag-usap. The next rooms were full of guards. Mas naging mahirap ang pag-infiltrate ni Carl dahil sa dami nila. Not to mention, all of them are armed. Maling kilos lang niya ay maaalarma ang lahat ng naroon at malalamang narito sila.

“I need your help,” ani Carl kay Jess na kanina pa nakasunod sa kaniya.

“What?” umiingit na tanong niya. “Nangako kang ikaw na sa bakbakan. Bakit kailangan ko ring makipaglaban?”

“There are just too many of them, Jess! Kung hindi mo ‘ko tutulungan, bukas pa tayo matatapos.”

Napanguso naman si Jess bago tinago ang mga gamit sa loob ng dala niyang bag. “You owe me a million.”

“What?!” mahinang bulalas nito. “Are you trying to rob me?”

“I won’t help you, then.” Pinagkrus pa nito ang mga braso sa dibdib at ngumisi.

He groaned. “Fine! A million. Installment.”

“Eh?” Napasimangot siya.

“Are you going to do your fucking job, or do you want me to bury two bullets on your skulls right now?”

And just like that, mabilis na sumugod ang dalawa upang pabagsakin ang dalawang guards na papalapit sa gawi nila. Mahinang natawa si Ismael sa dalawa. Kahit hindi niya ito nakikita ay nai-imagine naman niya ang mga itsura nito.

Ngunit mayamaya pa ay may kakaibang napansin si Aljand sa mga camera. Nagsimulang mamatay ang feed na nasa kwarto ng mafia boss at ang daan papunta roon. Sinubukan niyang ayusin ‘yon pero hindi siya kasinggaling ni Jess pagdating sa mga ganito.

“Hold your positions,” mabilis na utos niya. “The cameras are down.”

“Huh?” tanong ni Jess. “Hindi pwedeng mangyari ‘yon. I made sure they wouldn't notice I hacked into them. Let me check.”

Nilabas niya ang isang maliit na device sa kaniyang bag at tiningnan ang mga camera. “I still have access to them. Pinatay nila ang camer—”

Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil isang malakas na alingawngaw mula sa putok ng baril ang narinig nila. Nagtago sila ni Carl sa isang pader at tiningnan kung saan nanggaling ‘yon. Ngunit napatigil sila nang mapansing ang mga natirang gwardiya sa loob ay nakatingin na sa kanila at nakatutok ang mga baril sa gawi nila.

“Shit,” mahinang bulalas ni Jess nang maramdaman ang isang mainit na likido na tumulo sa kaniyang dibdib. “I—I’m hit.”

“Fuck!” bulalas ni Aljand. “Get out of there. Right now!” Hindi niya makita kung ano ang nangyayari sa loob. Kahit na gamitin niya ang kaniyang sniper ay wala ring silbi. Makakapal ang mga pader sa mansyon kahit na halos sa salamin gawa ang mga ‘yon.

“We can’t!” sagot ni Carl. “Napalilibutan na kami. We’re going to kill the boss, Aljand. We’re not going out of here with nothing. Ang tagal nating plinano nito!”

”Forget about the mission! We can’t kill the boss like this. All the cameras are down. I can’t guide you anymore.”

Napangisi si Carl. “Then we’ll force our way in. Keep in touch, boss. Susubukan naming lumabas para makasama ka sa bakbakan.”

“Shit. Shit. Shit. Carl!”

“That’s why I told you to make a Plan B,” ani Ismael. “I’ll back you up, Carl. Lumayo kayo sa escape route ng boss. I’ll handle him here.”

“Roger that.”

Wala nang nagawa si Aljand kung hindi ang bigyan ng back up si Ismael. Kahit na nag-aalala ay hinayaan niya si Carl sa loob. He’s skilled, and he’s strong. Jess isn’t really the combative type, but he can handle himself.

“Sorry to worry you all,” ani Jess. “I just finished giving myself first aid. Thank you, myself. You’re so awesome!”

Nakahinga nang maluwag si Aljand kahit papaano, pero hindi pa rin maalis sa kaniya ang pag-aalala. He sounded bad a while ago.

“Attention,” ani Ismael, “target on sight.” Mabilis itong lumusob sa mga bantay ng mafia boss. Naging mabilis ang kilos niya kaya wala nang pagkakataon ang mga bantay nito na makalaban pa. Ni hindi na nagawa ni Aljand na kalabitin pa ang sniper niya dahil sa bilis ng pangyayari.

Ngunit ang hindi nila inaasahan ay ang isang putok ng baril na tumama sa didbib ni Ismael. Pinilit pa niya ang sarili na lumapit sa mafia boss upang tapusin ang misyon ngunit hindi na niya nagawa. Bumagsak na ang katawan nito sa lupa habang nakadilat ang mga mata.

Kumalat ang dugo niya sa konkretong sahig. Gamit ang scope, kitang-kita ni Aljand kung saan tumama ang bala ng baril. Ngunit imbis na panghinaan ng loob ay sinubukan pa niyang tawagin ang pangalan nito sa earpiece.

“Hey, man,” mahinang tawag nito. “It’s not the time to joke around, scorpion. The mafia boss is just in front of you.”

Ngunit hindi na ito gumagalaw. Hindi na rin kumukurap ang mga mata nito at wala na sa focus. Nanginginig niyang tinapat ang sniper sa mafia boss ngunit laking gulat niyang nang isang armored van ang humarang sa line of sight niya.

“Fuck!” bulalas niya. Sinubukan pa niyang paputukan ang van pero wala rin ‘yong naging silbi. Patuloy lang siya sa pagmumura at hindi na napansin pa ang tanong nina Carl at Jess.

“What the hell is happening? Aljand!” bulalas ni Carl. “Fuck! Argh.”

Doon lang natauhan si Aljand. “What happened?”

“I’m hit. Tinamaan ako sa tuhod. I can’t walk.”

Muling napamura si Aljand at napahawak sa ulo. Ismael’s face is still fresh inside his head. He didn’t know what was happening anymore. Hindi na niya alam kung ano ang sunod na gagawin. Everything’s so messed up!

“S-Scorpion’s down,” bulong niya, tama lang para marinig nilang dalawa. “The mafia boss got away.”

Natahimik naman sila dahil alam nila kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ‘yon. Ang huling pag-asa nila kanina ay tuluyan nang nawala. Ang malamang wala na ang isa sa mga kaibigan nila ay mas lalong nagpahina sa kanilang loob.

Huminga nang malalim si Aljand. “I’m going inside. I’m getting you two out of there.”

Mabilis niyang niligpit ang mga laptop at nilagay sa malaking bag niya. Bitbit ang kaniyang sniper, bumaba siya sa building na kaniyang kinaroroonan at hinagis ang mga iyon sa isang talahiban.

Kinuha niya ang mga baril na magagamit niya sa close-range combat. Kinabit niya rin ang belt na naglalaman ng mga magazine ng baril sa kaniyang beywang. Nang masiguradong handa na siya ay saka siya tumakbo palapit sa mansyon at umakyat sa pader.

Ngunit hindi pa man siya nakalalapit ay siya namang pagsabog ng buong mansyon. Tumilapon siya pabalik sa kinaroroonan niya at naramdaman ang pagtama ng likod niya sa pader. Halos mabingaw siya sa lakas ng pagsabog. He heard some kind of static inside his head. Ang buong akala niya ay mabibingi na siya sa sobrang sakit ng tainga niya.

Napaubo siya at pinilit na tumayo, ngunit nanlumo nang makita ang kalagayan ng mansyon. May mga mahihina pang pagsabog ang narinig sa kabilang bahagi ng mansyon. Nang huminahon ‘yon ay mabilis siyang tumakbo sa loob at hinanap sina Carl.

“Carl!” sigaw niya. Wala na siyang pakialam kung may ibang makarinig sa kaniya. “Jess! Answer me, fuck it!”

Nagtungo siya kung saan dumaan kanina sina Carl at Jess. Hindi naman nagtagal ay nakita niya ang dalawa na halos ilang dipa lang ang pagitan. May malay pa si Jess, ngunit hindi na rin gumagalaw si Carl sa hindi kalayuan.

Dinaluhan niya agad si Jess. “Hey, man. You’re okay. You’re going to be okay.” Hindi niya alam kung sino ang kinukumbinsi niya sa mga salitang ‘yon lalo na nang makita ang malaking stain ng dugo sa kaniyang suot.

“No need, boss. I—” He coughed out more blood. “I know how bad it is. I’m a doctor, after all.” Hindi na nagsalita si Aljand. “And Carl?”

Naglakad ito palapit kay Carl at halos mapaluha na lang sa kalagayan nito. May malaking butas ito sa tiyan na may kaunting mga bato pa na nanggaling sa pagsabog kanina. Tahimik itong bumalik sa tabi ni Jess nang walang sinasabi.

“I see,” tanging sambit lang nito.

“We’re going out of here.” Hinawakan niya ang braso nito at akmang ipupulupot sa kaniyang balikat nang isang malakas na alingawngaw ulit ang kaniyang narinig.

Napaingit ito nang maramdamang tumama ang bala sa kaniyang kanang braso. He stayed low on the ground. Hinanap niya ang kinaroroonan ng ingay at agad pinaputukan ang lalaki. Sakto ang tama no’n sa kaniyang noo.

“Just leave me here, boss.”

“Don’t be ridiculous! I’m getting us out of here.”

“Hindi na rin ako magtatagal sa lagay ko. Kung makaalis man tayong pareho rito, hindi pa rin ako aabot sa ospital. Like I said, I’m a doctor. I just know.” Nagawa pa nitong tumawa na para bang wala lang. “You need to survive, boss. Hindi pa tapos ang misyon natin. Kailangan mong mapatay ang mafia boss. Alam mo ‘yan. Ipaghiganti mo na lang kaming tatlo. Sa ganoong paraan lang matatahimik ang mga kaluluwa namin.” Muli itong tumawa ngunit napaubo lang ulit ng dugo.

“You’re an idiot.”

Sinubukan pa rin niyang patayuin si Jess ngunit hindi na niya nagawa dahil sa sunod-sunod na putukan ng baril sa lugar. Napatago na lang siya sa malapit na pader upang iwasan ang mga bala. Sinilip pa niyang muli si Jess na ngayon ay nakangiti na sa kaniya.

“Go!” Matapos sumigaw ay tinutok niya ang kaniyang baril sa mga paparating at pinaputukan ang mga ito. “I’m here, fucktards! Come and get me.”

Labag man sa kaniyang kalooban ay wala na siyang nagawa kung hindi ang tumalikod at iwan ang kaibigan.

Chapter 2


“Are you telling us to give up on a good investment for something unsure?” Napasinghal si Mr. Castro matapos ang narinig mula kay Tattiene.

“All I’m saying is that we should be open to new ideas instead of just focusing on existing ones.” Humarap pa siya sa pitong shareholders upang makita ang mga reaksyon nila, ngunit gaya ni Mr. Castro ay makikita ang pagkabagot sa naging suhestiyon nito.

Nang wala siyang makuha sa mga ito ay napatingin siya kay Mr. Casabar, ang kaniyang ama. “Dad? I mean, Mr. Casabar?”

Napahinga ito nang malalim. “It’s just impossible, Tatt. At least for now. Hindi ko sinasabing masamang ideya ang naisip mo. Pero para sa panibagong project, kailangan natin ng panibagong budget. And we can’t risk spending more money right now. I’m sorry, dear.”

"But, dad, isn't business about taking risks? Kung hindi niyo susubukan, you'll never know."

Kinatok ni Mr. Gutierrez ang lamesa upang tawagin ang atensyon niya. "Look here, Ms. Casabar. This is a multi-billion company. Taking huge risks such as your suggestion will taint us big time. Mahirap iangat ang company kung ganiyan kalaking porsyento ang ilalabas natin."

"Mr. Gutierrez is right, hija," pagsang-ayon ni Mr. Limbo. "I also agree that your idea is great. Subok na ang pag-iinvest sa mga small business. If not for what the company's facing right now, I'll gladly agree to your proposal."

Mr. Castro intervened, "And you're not supposed to be here, young lady. Hindi ko alam kung bakit ka narito. You don't have anything to do with this problem. No offense, Mr. Casabar. She's your daughter, but she's not the heiress."

Tattiene pressed her lips into a thin line to stop herself from bursting.

Huminga nang malalim si Mr. Casabar. "Tatt, dear, please wait for me outside. Malapit nang matapos ang meeting. I'll take you home."

"Yes, dear," ani Mr. Castro na may halong pang-uuyam. "Go back to your corner and spend time with your coloring book." Natawa pa ito kasama ang ilang mga shareholder.

That was the last straw. "Listen here, old fart!" Napatigil ang lahat. "I know that you don't like me since day one. At hindi mo 'yon tinago sa 'kin ever since. Pero wala kang pakialam kung hindi ako ang tagapagmana ng company. Gusto ko lang kung ano ang makabubuti rito." 

Napasinghal siya at nagpatuloy, "What about you? How sure are you na ang ikabubuti ng kompanya ang iniisip mo? Who knows, kaya hindi mo sinasang-ayunan ang mga suhestiyon ko ay dahil gusto mong mapabagsak ang company." Pinanlakihan pa niya ng mga mata ito na tila nanghahamon.

Nanlaki ang mga mata ni Mr. Castro at dinuro-duro siya. "You! You insolent fool! Hindi mo alam kung ano ang mga nagawa ko para sa kompanyang 'to."

Bago pa man makapagsalita si Tattiene ay isang malakas na kalabog na ang nakapagpatigil sa kanilang lahat. Nakita nila ang basag na laptop na ngayon ay nasa lapag na. When they saw Mr. Casabar, his eyes were already burning. Hindi alam ni Tattiene kung kanino ito galit, pero nakasisiguro siyang nagpipigil na lang ito.

"How dare you argue inside my conference room?"

Napalunok si Tattiene samantalang niluwagan naman ni Mr. Castro ang kaniyang necktie dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.

Sinamaan niya ng tingin si Mr. Castro. "Don't you dare yell at my daughter like that again. I'm warning you!"

Tango lang ang naging sagot nito.

Binaling naman niya ang tingin sa anak. "I didn't raise you like that, Tattiene. Apologize, and then go home."

With a shaky breath, Tattiene apologized and said, "I'm sorry for the intrusion."

Nang makalabas si Tattiene ng conference room ay mabilis siyang naglakad papuntang parking lot. Mabilis ang kaniyang paghinga dahil sa matinding emosyon na nararamdaman. Hindi niya pinansin ang ilang mga employadong bumabati sa kaniya. She's just looking straight. She didn't want to snap at somebody. 

When she got inside the car, she screamed on top of her lungs. Pinagpapalo pa niya ang manibela ng kaniyang kotse dahil sa sobrang pagkairita. Umalingawngaw pa ang kaniyang busina sa loob ng basement dahil napindot niya 'yon nang ilang beses.

"Fuck you, Castro! Go to hell, you piece of shit. Bwisit. Bwisit. Bwisit!" Her horn yanked three times with those last three words.

Pinakalma niya ang kaniyang paghinga. Pumikit siya at ilang beses na huminga nang malalim. Kahit kailan talaga ay kontra ang shareholder na ‘yon sa buhay niya. Hindi ito ang unang beses na kinontra siya ng ginoo. Sa tuwing may pagkakataon ito ay palagi niyang minamaliit ang dalaga.

Naalala niya tuloy ang itsura ng kaniyang ama bago siya umalis. "I disappointed him again," bulong niya sa sarili.

Nang masigurong ayos na ang kaniyang pakiramdam ay saka niya binuhay ang sasakyan upang makauwi. Magpupunta na lang siya sa bar para naman mabawasan ang stress niya. It’s been a while since the last time she went there. Kaya wala siyang extra-ng damit na dala pamalit. Kailangan pa niya tuloy umuwi.

Napasinghal siya nang makita ang driver ni Trex. Makikita na naman niya ang stepbrother niyang pilit niyang iniiwasan. Alam niyang nasa iisang bahay lang sila nakatira, pero nagbabaka sakali siyang hindi niya ito makita sa tuwing umuuwi siya.

Magmula nang malaman niyang ito ang tagapagmana ng kompanya ng kaniyang ama ay umusbong ang galit sa loob niya. She’s been studying really hard to inherit her dad’s company, but here is this little runt stealing everything away from her.

At hindi nga siya nagkamali. Nakita niya itong nakaupo sa harap ng telebisyon at nanonood ng cartoons. Napasinghal na lang siya at dere-deretsong umakyat sa kaniyang kwarto.

How can he possibly inherit the company by watching cartoons? Such a waste of them. Tsk. Hindi niya maiwasang hindi ipakita ang pagkadisgusto sa kaniyang sampung taong gulang na stepbrother. Pero dahil kasama nito ang kaniyang ina ay pinigilan niya ang sarili.

“Bwisit talaga!” bulalas ni Tattiene habang naghahanap ng maisusuot. “Lahat na lang ng tao sa paligid ko, nakakabwisit!”

Hinagis niya ang mga damit na hindi niya nagustuhan sa kama. At nang mahanap ang kaniyang itim na spaghetti strap ay napangisi siya. Kitang-kita roon ang kaniyang cleavage. Isang fitted pants naman ang suot niya pang-ibaba upang ma-accentuate ang kaniyang body curves. Suot ang isang itim na stilettos, lumabas na siya sa kaniyang kwarto. 

Nang makita siya ng kaniyang stepmom ay napaawang ang bibig nito. “Where do you think you’re going dressed like that?”

Pinigilan niya ang mapairap bago kumuha ng isang chocolate bar sa refrigerator. “Bar. I’ll be home late, so don’t wait for me.”

“Don’t you think that dress is too revealing? Baka mapahamak ka pa sa bar na pupuntahan mo.”

Like you really care. “It’s fine. I’m a black belter. I can handle myself.”

Matapos ‘yon ay dumeretso na siya sa pinto. Napatingin pa siya sa kaniyang stepbrother na nakatunghay sa kaniya. Inirapan na lang niya ito bago tuluyang umalis.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone upang tawagin ang kaibigan. “Hey, bitch!” pambungad na bati niya rito. “I’m on my way to the bar. Are you free?”

Ilang segundo matapos makasagot si Trelecia. “Hey there, too, bitch! I’m already here.”

Napangiti na lang siya bago nagsimulang magmaneho papunta sa bar. “Wait for me.” She hung up as soon as she said those words.

Pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan. Nag-overtake sa isang malaking truck at saka siya humarang sa daan nito. Matapos ‘yon ay muli niyang binilisan ang takbo, beating the red light. Nang makarating siya sa bar, inabot niya sa isang valet driver ang susi ng kaniyang sasakyan bago pumasok sa loob.

The bouncer already knew her, so she let her in without queuing. She’s a VIP here. Hindi na kailangan pang maghintay sa ilalim ng init ng panahon na ‘to para lang makapasok.

Her best friend, Trelecia, is also a VIP. She loves going to the bar more than anyone else. But she doesn’t drink often. She only dances and hangs around with her friends. Being the heiress of their multi-billion company, she’ll surely have no time for that in the future.

“Hey there, bitch!” bungad na pagbati ni Trelecia nang mapansin ang kakaibang aura ng kaibigan. “Is it Castro again?”

“Is it that obvious?” Inagawa niya ang basong hawak ng kaibigan at tinungga iyon.

“Yeah. Para na naman kasing pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo. It’s either Castro or your stepmother.”

“Actually, pareho sila. Nagpapaka-nanay na naman kasi ang Airalyn na ‘yon. I don’t need two moms. Ayusin na lang niya ang buhay ng tagapagmana niya. Iyon naman ang dahilan kaya niya pinakasalan ang dad ko. Para sa pera ng pamilya ko.”

Kumunot ang noo nito. “Don’t tell me you snap at your stepbrother, too?” Hindi siya sumagot at uminom lang ulit sa isang baso. “Alam mong walang kasalanan ‘yong bata sa mga nangyayari, ‘di ba? He’s just ten!”

Napairap si Tattiene. “I knew you’d say that. At FYI, wala akong ginawa sa batang ‘yon. Wala akong oras para makipaglaro sa kaniya.”

Inagaw ni Trelecia ang basong dapat ay iinumin ulit ng kaibigan. “I have an idea. Bakit hindi ka makipag-close sa kapatid mong ‘yon? Kung wala ka mang magagawa sa tradisyon ng pamilya niyo, at least you can talk to Trex about the company.”

Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at matamis na ngumiti. “Akala mo ba hindi ko pa naiisip ‘yan? But think about it, bata pa siya kaya madali ko siyang mamamanipula. Pero kapag lumaki na siya at nagkaroon ng sariling isip, tiyak malalaman niya. And I’m not that cunning! Alam kong masama ang ugali ko pero hindi ko magagawa sa bata ‘yon.”

Tinampal niya ang kamay nito palayo. “Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin. Hindi ko sinabing kontrolin mo siya na parang isang evil stepsister. Ang akin lang, get to know him more. Are you even sure na gusto niyang manahin ang company ng dad mo? What if siya pa ang makatulong para mapilit ang dad mo na ibigay sa ‘yo ang company. I’m just talking about possibilities here!”

Saglit na napaisip si Tattiene. She knows that she’s right. Pero bata pa si Trex. Ayaw niyang lumaki ito sa ganoong buhay. Kahit na gigil na gigil siya sa nanay nito ay wala naman siyang kinalaman dito. Mukha ngang palaging maamong tuta ang batang ‘yon. Kung minsan ay parang takot na takot pang lapitan siya.

Napailing siya nang paulit-ulit. “I’m not here to talk about that. I’m here to have fun!” Humarap siya sa bartender. “Keep the alcohol coming! I’m having the best time of my life tonight.”

Matapos ‘yon ay tinungga niya ang panibagong alak na binigay sa kaniya bago naglakad papuntang dance floor. Habang papalalim ang gabi, palakas nang palakas ang tugtugan. Parami rin nang parami ang mga tao sa gitna ng nagsasayawan.

She didn’t want to spend her time inside her private room. Gusto niya ay ‘yong ganitong nakakasalamuha niya ang iba pang mga tao. Tiyak na maaalala lang niya ang nangyari kanina kung magmumukmok siyang mag-isa roon.

Nawala na sa paningin niya ang kaibigan pero hinayaan na lang niya. She wants to enjoy her time alone. Gusto niyang magsayaw sa gitna ng dance floor nang walang ibang inaalala. 

Not her dad. Not his company. Not her step brother and stepmother. At mas lalong hindi ‘yong nakakabwisit na Mr. Castro na ‘yon. Hindi niya hahayaang matapos ang gabing ‘to nang iniisip ang mga tao at bagay na ‘yon. 

Nang makaramdam ng pagod ay bumalik siya sa stool. Muli siyang kumuha ng alak at tinungga ‘yon. Since she’s a VIP here, hindi siya natatakot na magpakalasing. The bouncer and other staff here know who she is. Tiyak na magiging ayos lang siya.

Susuray-suray siya nang maglakad sa gawi ni Trelecia para magpaalam. Hindi gaya nito ay mukhang ayos pa siya at hindi pa lasing. 

“I’m going home, Trelecia,” ani niya.

“Wait. I’ll ask my brother to take you home.” Akmang kukunin na nito ang kaniyang cellphone nang pigilan siya ng kaibigan.

“No need. Huwag mo nang istorbohin si kuya. Tatawagan ko na lang ang driver ko para kunin ako.”

“If you insist. Take care, bitch!” Nakipagbeso pa ito sa kaniya bago hinayaang lumabas sa bar.

Hinahanap ni Tattiene ang kaniyang cellphone habang naglalakad palabas. “Where the hell is my phone? Kanina lang nilagay ko rito ‘yon, ah?”

Napaatras siya nang bumangga siya sa isang matigas na pader. Muntik pa siyang mapaatras at mapaupo sa sahig ngunit isang malakas na braso ang humigit sa kaniyang beywang. Nabitiwan niya ang dalang bag at napahawak sa isang matigas na pader.

Only it was not a wall, but a well-built man’s chest.

“Careful, woman.”

Napakurap si Tattiene nang marinig ang malamig at baritono nitong boses. Sa sobrang lalim ng kaniyang boses ay para itong hinukay sa ilalim ng lupa.

“Oh, hello there, hot guy,” mahinang naibulalas na lang ni Tattiene nang makita ang mukha nito.

Chapter 3

Tinungga ni Aljand ang kaniyang ikasampung baso. Nakatulala lang siya sa loob ng isang VIP room sa isang bar. Halos kararating lang niya ngunit napangalahatian na niya ang isang bote.

Ilang linggo na ang nakalilipas pero sariwa pa rin sa kaniya ang nangyari. Pagkaalis niya sa lugar na ‘yon ay may nagtangka pang humabol sa kaniya. Ngunit dahil bihasa siya sa pagmamaneho ay mabilis lang din niya itong nawala.

He debated whether to go back and save his friends, but ended up leaving. Gusto niyang mabigyan man lang sana ng maayos na libing ang kaniyang mga kaibigan. Kahit na madalas uminit ang ulo niya sa tatlong ‘yon ay malaki pa rin ang naging parte nila sa buhay ni Aljand.

Silang apat ang bumuo sa mafia organization na hawak niya ngayon. Marami na silang napagsamahan. Maraming beses na rin silang nagtalo-talo at ilang beses na rin nilang kinaharap ang kamatayan para lang sa mga misyon nila.

Hindi niya inaasahang sa huling misyon nila ay iiwan na siya ng mga kaibigan. Ni hindi pa nga niya nagagawang sabihin sa iba pa niyang mga tauhan na myembro din ng organisasyon ang tungkol sa tatlo. Tiyak na hindi rin sila makapaniniwala. At kung wala siyang gagawin ay baka matibag pa ang grupong binuo nilang apat.

Nang maubos ang isang bote ay agad siyang lumabas ng room. 

Ayon sa kaniyang source ay may isang magaling na hacker sa lugar na ‘to na pwedeng makatulong sa kaniya. Hindi ito myembro ng kung anong organisasyon. Ni hindi nga siya sigurado kung gumagawa rin ba ito ng ilegal na gawain. Basta ang alam niya ay kaibigan ito ni Jess.

Mayroon siyang litrato ng babae ngunit hindi niya alam ang pangalan. Ayon kay Jess ay hindi naman niya talaga ginagamit ang tunay niyang pangalan dahil na rin sa hindi naman siya isang opisyal na hacker gaya nito.

Nang maubos ang isang bote ay saka siya tumayo at lumabas ng VIP room. Kahit na naiirita siya sa ingay ay wala siyang nagawa kung hindi ang makihalubilo sa ibang nagsasayawan sa ibaba. Naroon ang babaeng hinahanap niya. Kailangan niyang mahanap at makausap agad ito para makaalis na siya sa lugar na ‘yon.

Sa stool hindi kalayuan sa kaniyang kinauupuan ay natanaw niya ang isang babaeng walang pakundangan kung uminom ng alak. Maya’t maya naman ang bigay ng bartender sa kaniya ng alak na para bang kilalang-kilala na niya ang babae at ang gusto nito.

Hindi na niya dapat papansinin dahil normal lang na makakita ng gaya niya sa ganitong bar. Ngunit nang mamukhaan ang babae ay bumalik ang tingin niya rito.

“Got you,” bulong niya sa sarili bago maingat na nilapitan ang babae.

Lasing na lasing na ito nang makita niya. Nang tumayo ito upang magbanyo ay susuray-suray na rin ito. Alam na niya roon pa lang na hindi na niya ito makakausap nang matino. Pero ang mahalaga ngayon ay nakita na niya ito. Kailangan na lang niyang alamin kung ano ang pangalan nito para maipa-background check niya.

Sinundan niya ang babae nang makalabas ito ng bar. May hinahanap ito sa kaniyang bag. Pero dahil sa sobrang kalasingan ay nagkandahulog pa ang ilang mga gamit nito. Dahan-dahan niya itong pinulit at saka lumapit dito nang bigla itong mawalan ng balanse at muntik pang tumumba.

Mabilis ang naging kilos niya. Hinapit niya ang dalaga sa beywang at hinila palapit sa kaniya upang hindi mapaupo sa sahig. Ngunit naging dahilan naman ‘yon para mahulog nang tuluyan ang iba pang laman ng bag nito.

“Careful, woman,” mahinang sambit niya. Naamoy niya ang pinaghalong alak at pabango ng babae. Sa hindi malamang dahilan ay para bang nahipnotismo siya saglit. Gusto na lang niyang ilapit ang kaniyang mukha sa leeg ng babae at amuyin ito.

“Oh, hello there, hot guy.”

Mas lalong nakaramdam ng init sa katawan si Aljand matapos marinig ang mapang-akit na boses ng dalaga. It took him a few seconds bago bumalik sa ulirat. It’s not the time to feel like this towards a woman, especially not to her.

“Watch where you’re going next time, young woman.”

She snorted. “Bakit? May problema ka rin ba sa pagiging babae ko, ha?” He could feel the disdain on her voice.

Kumunot ang noo niya. “What the hell are you talking about? I just told you to be careful.”

Pero mukhang walang narinig ang babae. Tinulak niya pa ito palayo kahit na hindi na siya makatayo mag-isa nang maayos. Ayaw pa sana niyang bitiwan ang dalaga ngunit muli siya nitong tinulak palayo.

“Palagi niyo na lang minamaliit ang mga babae. Where the hell are you living? Uso pa rin ba ang discrimination sa mga babaeng gaya ko? It’s the 21st century, for fuck’s sake!”

Napabuntonghininga si Aljand. “You’re drunk. May kasama ka ba?”

“Bawal din ba kami uminom? Pati ba pag-inom ay bawal?!” bulalas nito.

Mas lalong napailing si Aljand. Hindi na nakaiintindi ang babae. Kahit anong sabihin niya ay wala na talaga ito sa wisyo. Sinubukan niyang gamitin ang telepono ng babae upang tumawag sa speed dial nito. Ngunit wala namang numero ang lumabas doon.

Binalik niya ang tingin kay Tattiene na ngayon ay nakaupo na sa isang gilid at halos patulog na. Lumapit siya rito at sinubukan pang gisingin ngunit mahina na lang itong bumubulong ng kung ano.

“Fuck,” mahinang bulalas ni Aljand bago napahilot sa sentido. “What am I going to do with this woman? I didn’t sign up for this.”

Tinitigan pa niya ito saglit bago nagpasya. Dadalhin na lang niya ito sa condo niya. Wala naman siyang ibang pagpipilian. Ayaw naman niyang iwan dito ang babae lalo pa at kailangan niya itong makausap para tulungan siya.

Mabilis niyang kinuha ang kaniyang sasakyan at saka pinasok si Tattiene. Pinahiga niya ito sa likod bago umalis at nagtungo sa condo. Maya’t maya niyang tinitingnan sa likod si Tattiene upang masigurong ayos lang ito. Binagalan niya rin ang takbo ng sasakyan. At habang papunta sa condo ay tinawagan niya si Aling Mirna upang ayusin ang kwarto na tutuluyan ng dalaga.

Nang makarating ay binuhat niya papuntang kwarto si Tattiene. Hindi na siya rito natutulog kaya dinala na lang niya ito sa kaniyang kwarto. Nang maihiga ang dalaga ay saglit niya pa itong tinitigan. 

Doon niya napagtanto kung gaano kaganda ang dalaga. Ni hindi nabigyan ng hustisya ang itsura nito sa larawan na mayroon siya. Kung hindi pa siya napatingin dito kanina ay baka hindi niya ito agad nakilala. 

Tumayo naman na siya at lumabas ng kwarto matapos ‘yon. At saka niya pinabihisan kay Aling Mirna ang dalaga.

“Nabihisan ko na po ang dalaga, Sir Falcis.”

“Good,” malamig nitong sambit. “Kailangan ko nang umalis. Just tell her to wait for me once she wakes up in the morning. I need her to be here when I get home. Do you understand?”

“Masusunod po, sir.”

Hinintay niyang makaalis ang amo habang nakayuko lang. Napabuntonghininga na lang siya nang makaalis ito bago muling tiningnan ang dalaga. Bumalik siya sa trabaho nang masiguradong tulog na ito.

Habang papunta sa kompanyang kaniyang pinatatakbo ay napadaan siya sa isang convenience store. Bumili siya ng gamot sa hangover bago dumeretso sa kompanya. Bukas na lang niya ito ibibigay sa dalaga pagbalik niya.

“Where have you been?” tanong ni John Cloyd, ang kaniyang sekretarya.

“Who cares? Any updates?” Dumeretso siya sa kaniyang upuan at nagsimulang magbasa ng mga papel na inabot sa kaniya ng sekretarya.

“Mr. Chu signed the papers. Tuloy na tuloy na ang exhibit mo para sa linggo. And we need you there personally para sa mga investor.”

Napabuntonghininga siya. “I’m afraid I can’t make it this sunday. May kailangan akong gawin. Just make up an excuse on my behalf.”

“I’m afraid I can’t do that. Inaasahan nina Mr. Chu ang presensiya mo roon kaya sila pumirma. Malaki ang magiging epekto nito kapag hindi ka nakapunta.”

Saglit na napatigil si Aljand at nag-isip. 

Sa linggo niya binabalak ang planong paghihiganti kay Mr. Hudson Batac, ang mafia boss na pumaslang sa mga kaibigan niya. Ilang araw na niya itong sinusundan upang malaman ang schedule nito sa tuwing nagliliwaliw ito. At sa linggo ang tamang oras kung saan magpupunta ito sa isang exclusive na bar kung saan maghahanap na naman ito ng mga babae niya.

Hindi na niya pwedeng ipagpaliban pa ang plano niya. Kating-kati na siyang gilitan ito ng leeg at ipalapa sa mga pating. Sa tuwing iisipin pa lang niya ang gusto niyang gawin sa mafia boss ay kakaibang pakiramdam na ang dumadaloy sa katawan niya. Nasasabik na siya sa laman at dugo ng lalaki.

“Anong oras ang simula ng exhibit?” tanong ni Aljand bago binalik ang atensyon sa mga binabasa.

“Alas dyes ng gabi. Marami ring mga foreigner na buyer ang magpupunta upang bilhin ang mga litrato mo.”

Napatango ito. “Okay. I’ll be there.”

He just had to be there by ten in the evening. Kailangan niyang gawin ang lahat para matapos ang balak niya bago ang tinakdang oras na ‘yon. That’ll be easy for him. Tutal ay alas otso naman ang dating ng mafia boss. Ilang oras lang ang kailangan niya.

Sa kabilang banda, nagising naman sa kalagitnaan ng gabi si Tattiene nang makaramdam siya ng pagkauhaw. Tumayo siya kahit pupungas-pungas pa at nagtungo sa kusina. Nang makainom ng tubig at medyo mahimasmasan ay roon lang siya nagkaroon ng pagkakataon upang pagmasdan ang kaniyang paligid.

“Wait a minute,” bulong niya. “This isn’t our house. This isn’t my condominium either.” Muli pa siyang napakurap habang nililibot ang tingin sa malaking kusina.

“Where the hell am I?!” bulalas niya.

Napahawak siya sa kaniyang sentido at napatingin sa suot na damit. “These aren't my clothes! What happened? What the hell happened last night?”

Ginulo niya ang kaniyang buhok habang inaalala ang nangyari kagabi. Ngunit dahil sa sobrang kalasingan ay wala siyang maalala bukod sa pagsasayaw niya sa dance floor at ang pag-inom niya sa bar stool. 

Ni hindi na niya maalala kung nagpaalam ba siya kay Trelecia. Ang nasa huling memorya niya ay nang maupo siya sa bar stool at sunod-sunod na binigyan ng bartender ng alak.

“I’m going to kill that bartender. I swear!” bulalas niya.

Dahil naman sa ingay na ginawa niya ay nagising si Aling Mirna mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nakita niya ang dalaga na tila nasisiraan na ng ulo habang ginugulo pa lalo ang buhok.

“Ayos ka lang ba, hija?” tanong nito.

Napaangat ang tingin ni Tattiene. “Ayos lang po ako. Pero wala po akong maalala kung ano ang nangyari. Kayo po ba ang nagdala sa ‘kin dito?”

Umiling ito. “Dala ka ng boss ko kanina dahil lasing na lasing ka.”

Napakurap siya. “Boss niyo? Sino po ang boss niyo?”

“Si Sir Aljand po, ma’am. Siya ang may dala sa ‘yo rito.”

Hinalukay niya ang kaniyang utak upang alalahanin kung sino ang Aljand na tinutukoy ng matanda. “Sino pong Aljand? Wala po akong kilalang ganoon, manang.”

“Aljand Falcis. Isa siyang sikat na photographer.”

Napatigil siya. “Wala po talaga akong kilalang gan’on.” Napatingin siya sa kaniyang suot. “May nangyari ba sa ‘min? Siya ba ang nagpalit ng suot ko?”

“Umalis agad si Sir Aljand pagkadala niya rito sa ‘yo, at ako ang nagbihis sa ‘yo, hija.”

Nakahinga siya nang maluwag. “Mabuti naman kung ganoon. Kailangan ko nang makaalis, manang. Ang mga gamit ko. Where are my things?”

Tumakbo ako pabalik sa pinanggalingan kong kwarto at kinolekta ang mga gamit ko. Tinawagan ko agad ang driver namin para sunduin ako.

“Mahigpit na bilin ng amo ko na huwag kang paalisin, hija. Malilintikan ako kapag hindi ka niya nakita rito pagbalik niya.”

Napatingin ito sa matanda. “Pakisabi na lang sa amo mo, hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya hihintayin. And if he wants something from me, we can just see each other again. But I need to go home right now, or my dad will kill me!”

“Pero…”

“Pasensiya na, manang. Maraming salamat sa pagpapatuloy sa ‘kin. But I really need to go! If you want compensation, here.” Inabot niya ang kaniyang calling card. “This is my number. Send mo lang sa ‘kin ang number mo at pangalan, I’ll send the money right away. What’s your name again?”

“Mirna Dela Torre, ma’am. Pero hindi ko po kailangan ng compensayion—”

“Nice to meet you, Manang Mirna. Bye!”

Walang lingon-likod itong kumaripas ng takbo palabas ng condominium. Gamit ang kaniyang phone ay binuksan niya ang kaniyang location upang agad siyang mahanap ng kaniyang driver. Sa baba siya ng building naghintay.

Mabilis ang tibok ng puso niya nang matanaw ang pamilyar na sasakyan. Halos tumalon pa siya papasok ng kotse nang bumukas ito. Ngunit napatigil din nang makita kung sino ang nasa loob n’on.

“And where the hell have you been all night, Tattiene?”

Oh, no. He’s called my whole name. This is not good.


Chapter 4

“You’re grounded,” pambungad ni Titus sa anak pagkauwi nila. “For a month…”

Nanlaki ang mga mata ni Tattiene na tinitigan ang ama. “But, dad! A month’s too long. What about a week?” 

Sinamaan siya ng tingin nito kaya naman napabuntonghininga na lang si Tattiene. “I know. Hindi ako nagpaalam kung saan ako pupunta. But I swear to god, tumawag ako sa driver noong nandoon pa lang ako sa bar! Hindi ko alam kung anong nangyari at napunta ako sa condo.”

“Sa condo ng isang hindi mo kilalang tao.” Natahimik si Tattiene. “For all I know, you’ve been kidnapped or something. Imagine what I felt when I got home without seeing you in your bedroom. Ni hindi alam ni Trelecia kung saan ka nagpunta dahil ang paalam mo sa kaniya ay tatawagin mo ang driver. You should’ve let Lexone take you home. I heard Trelecia offered.”

Napanguso ito. “Nakakahiya naman kasing istorbohin si kuya. He’s busy with his business.”

“You know that he won’t mind. You’re like his second little sister to him. At naroon din siya sa bar gaya niyo kagabi.”

“I didn’t know,” bulong niya. “But, dad, a month’s too long. Alam mong hindi ko kaya.” She looked at him with puppy eyes. Sinubukan niyang gamitan ito ng kaniyang charms para bawasan man lang ang grounded days niya.

“Three weeks, and that’s final!”

Hindi pa man siya nakaaangal ay umakyat na ito sa room niya. Napabuntonghininga na lang si Tattiene at hinayaan. At least it was deducted at least a week. Kailangan na lang niyang magtiis ng tatlong linggo na puro bahay at school lang ang ginagawa.

For the next days, hatid-sundo siya ng kaniyang driver. Hindi siya pinayagang gamitin ang sariling sasakyan dahil baka tumakas ito. It’s not like she’ll do that. She respects her dad’s rules and orders. At kung simpleng ganito lang ay hindi niya susundin, she’ll probably won’t make it when she’s in the corporate world.

Napansin niya ang pamilyar na kotse na naghihintay na naman sa labas ng school nila. Magmula nang ma-grounded siya ay palagi na niya iyong napapansin. Wala naman iyon noong mga nakaraang araw.

Ever since she was a kid, natuto na siyang maging observant sa paligid niya. Kahit na may mga guard na nagbabantay sa kaniya dahil na rin sa estado ng buhay nila, hindi pa rin ‘yon sapat para maging kampante siya. She learned how to be vigilant. Kahit anong kakaiba sa paligid niya ay pinapansin niya. Kahit gaano pa kaliit.

“Joppe,” she called her driver, “can you see that red car in front of us?”

“Yes, ma’am. Ilang araw na ring nakasunod sa ‘tin ang sasakyan na ‘yan pero wala namang ginagawa. I already informed your dad about it.”

“I knew it. Another ransom?”

“I think so. Bukod riyan ay wala namang kakaiba sa paligid natin. Pero dapat pa rin tayong magdoble-ingat. Baka may hindi tayo napapansing galaw nila. But don’t worry, those three cars behind us and those two in front are your dad’s bodyguards. You’ll be safe.”

Napanganga na lang si Tattiene. She isn’t that observant yet. Hindi niya alam na bodyguard na pala ng dad niya ang lima pang nakasunod sa kanila kung hindi lang sinabi ni Joppe. She needs to be more careful from now on.

Pero hindi naman niya kailangang mag-alala dahil biyernes na bukas. Isang araw na lang ang klase nila at sa sabado ay buong araw na naman siya sa bahay. Kung papalarin ay baka payagan siya ng dad niyang mag-stay sa opisina.

Kinabukasan, naghanda na siya para sa pagpasok. At gaya nitong mga nakaraang araw ay naroon pa rin ang itim na sasakyan na nakasunod sa kanila. Naisip ni Tattiene na kausapin na lang ito, pero alam niyang hindi papayag si Joppe at ang mga tauhan ng dad niya.

Ngunit bago pa man siya makapasok sa school ay lumabas na ang isang makisig na lalaki mula sa itim na sasakyan. Napanganga siya nang mapagtantong hindi ito mukhang kidnapper dahil sa kagwapuhang taglay nito. Not to mention, he also looks rich himself. Pero hindi siya dapat makampante. Looks can be deceiving.

Napaatras siya nang mapansing papalapit ito sa kaniya. Nakatitig ang itim na itim nitong mga mata sa kaniya na para bang ayaw niyang maalis ito sa kaniyang paningin. Napatigil lang ito sa paglapit nang pigilan siya ni Joppe.

“Stay right there, sir,” ani driver. “Kung may kailangan ka ay sabihin mo riyan. Hindi mo na kailangang lumapit.”

Napatitig siya saglit kay Joppe na para bang inaalala kung sino ito. “I just want to talk to her… alone.”

Pamilyar ang boses ng lalaki kay Tattiene pero hindi niya maalala kung saan niya ito narinig. At kung nakita naman niya noon ang lalaki ay tiyak na maaalala niya ito dahil sa kakisigan nito. Malabong makalimutan niya ang napakaganda at napakaputing mukha nito.

Bago pa man makaapila si Joppe ay pinigilan na siya ni Tattiene. “What could you possibly need from me? Hindi kita kilala kaya sa tingin ko ay imposible ang gusto mong mangyari.”

“We’ve met before. Pero sa tingin ko ay hindi mo ako maaalala dahil sa sobrang kalasingan mo. I took you to my condo that night.” Napaawang ang bibig ni Tattiene. “I clearly told Aling Mirna to not let you leave. But she said you insisted.”

“Right. Dahil hindi naman kita kilala para mag-stay sa condo mo. For all I know, you took me there to kill me. At isa pa, hindi ako nakapagpaalam sa dad ko that night kaya kinailangan ko nang umuwi, or he’ll really kill me.”

Hindi alam ni Tattiene kung bakit siya nagpapaliwanag sa lalaki. Pero kung siya talaga ang nag-uwi sa kaniya sa condo nito, without doing anything to her, dapat ay magpasalamat man lang siya at walang nangyari sa kaniya.

Or maybe he’s here to continue what he’s supposed to do to her at his condo.

Napabuntonghininga ang lalaki. “Look, nandito ako dahil kailangan ko ng tulong mo. Nothing else.”

Kumunot ang noo niya. “My help? You don’t look like someone who needs help. Ano naman ang maitutulong ko sa gaya mo?”

“I need your hacking skills.”

Agad na nanlaki ang mga mata ni Tattiene at mabilis na lumapit sa lalaki upang takpan ang bibig nito. Pinandilatan niya ito ng mga mata. “How the hell did you know about that? And don’t say that so casually in front of my driver!” mahinang bulalas nito sa lalaki.

Napatitig si Aljand sa kaniya. Bahagya siyang nakayuko dahil mas matangkad siya sa babae. Nakatingala naman sa kaniya ang dalaga habang pinanlilisikan siya ng mga mata. Muli niyang naamoy ang pamilyar na pabango ng babae. Ngunit kumpara noong gabing ‘yon ay wala na ‘yong halo ng amoy ng alak.

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga upang tanggalin sa pagkakatakip sa bibig niya. “That’s why I told you I need to talk to you alone.”

Napatingin si Tattiene kay Joppe, nagdadalawang isip. Ngunit isang tao lang ang nakaaalam ng tungkol sa hacking skills niya. Si Jessiah na matalik niyang kaibigan. Kung alam din ng lalaking ‘to ang tungkol doon, dalawa lang ang naisip niyang dahilan. Una, nahuli siya nito sa pangha-hack na ginagawa niya sa database ng kompanya ng dad niya. At ikalawa, sinabi mismo ni Jessiah sa kaniya.

At imposible ang naunang option dahil maingat siya sa ginagawa niya. At kilala niya ang IT sa kompanya, at hindi ito ang gwapong lalaking ‘to.

“We need to talk, Joppe,” ani Tattiene. 

“But, ma’am…”

“I’ll be fine. Watch over us from a distance or whatever.”

Buntonghininga lang ang naisagot ni Joppe bago inutusan ang mga guard ni Mr. Casabar na magmasid nang maigi sa paligid. 

Naupo sina Tattiene at Aljand sa isang bakanteng bench upang mag-usap. Tanaw ng binata mula sa kinauupuan ang bilang ng mga bodyguard na nagbabantay sa dalaga.

“I didn’t know that you have these many bodyguards around you.”

Nagkibit-balikat si Tattiene. “Perks of having a rich dad. At alam kong aware ka na maraming nagbabantay sa ‘kin. Hindi ko nga alam kung saan mo nakuha ang lakas ng loob para lapitan ako. We already know you’ve been following us for days now.”

“Dahil gaya ng sabi ko, kailangan ko ng tulong mo. Ang hirap mong lapitan nang walang nakasunod sa ‘yo.”

“I’m grounded. Noong gabing dinala mo ako sa condo mo, hindi ako nakapagpaalam. Kaya hindi ko rin nagawang mag-stay sa condo mo gaya ng sabi ng katulong mo. Anyway, huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Ano bang kailangan mo sa ‘kin?”

“Like I said, I need your hacking skills. May kailangan akong alamin bago ko gawin ang plano ko. I need you to do it before this sunday.”

Napabuntonghininga si Tattiene. “Hindi ko alam kung paano mo nalamang ‘yan, pero hindi ako nangha-hack ng ibang database maliban sa kompanya ni dad. At ginagawa ko lang ‘yon dahil gusto kong malaman ang nangyayari sa loob. They won’t let me. But other than that, hindi ako interesadong gumawa ng ilegal kahit pa bayaran mo ako ng malaking halaga.”

“I know. Baka nga ako pa ang bayaran mo nang malaki para lang lumayo at tigilan ka. Pero hindi ko ‘to ginagawa para sa pera. I’m doing this for other reasons.”

“And for what reason, exactly?”

“I—I can’t tell you.”

Napairap si Tattiene. “Gusto mo ng tulong ko pero ayaw mong sabihin kung bakit. How am I supposed to trust you? I don’t even know who you are.”

“I’m Aljand.”

“I know that.”

“I’m Jessiah’s friend.”

Napatango ito. “That explains how you know about me. You’re that Al he’s talking about. ‘Yong kaibigan niyang kasosyo niya sa business. Pero kung kaibigan ka pala niya, bakit hindi na lang siya ang hingan mo ng tulong? He’s better at hacking than me.”

Napaiwas ng tingin si Aljand. “I can’t do that anymore.”

“Bakit? Nag-away ba kayo? Baka naman siya ang gagantihan mo kaya mo hiningi ang tulong ko? Ngayon pa lang sinasabi ko na sa ‘yong hindi ko siya kayang labanan. He’s better than me.”

Umiling-iling ang binata. “It’s not that. Hindi ko na kayang gawin ‘yon dahil ginagawa ko ‘to para sa kaniya at sa mga kaibigan ko.” Nilakasan niya ang loob at tinitigan ang dalaga. “I’m doing this to avenge my friends’ death. Jessiah’s gone, Tattiene. That’s why I need your help.”

Napanganga si Tattiene at hindi agad nakapagsalita. Jessiah’s her friend since high school. Siya ang nagturo sa kaniya kung paano mag-hack ng system. He’s been a good friend kahit na hindi sila madalas magkita, unlike Trelecia. 

And now that this Aljand said that he’s gone, hindi niya alam kung ano ang dapat na i-react. Noong nakaraang buwan lang ay nagkita silang dalawa dahil kinailangan niyang magpaturo tungkol sa firewall ng system ng company ng dad niya.

Parang kahapon lang ‘yon nangyari. Sariwang-sariwa pa nga ang pangyayaring ‘yon sa utak niya. ‘Tapos ay malalaman niyang wala na ang kaibigan.

“I don’t have time to explain everything to you. But the guy who killed him and my friends is still out there. He’s out for my blood. Alam niyang buhay pa ako kaya sigurado akong isusunod na niya ako. Kaya hindi ko kayang ipaghiganti ang kaibigan ko kung wala ang tulong mo.”

Napayuko si Tattiene at malalim na napaisip. Now that it’s about Jessiah’s death, she can’t just not do something. Alam niyang may magagawa siya para sa kaibigan pero marami pa ring humahadlang sa isip niya.

“Once I help you, magiging hacker na talaga ako,” ani Tattiene. “Kapag ginawa ko ‘yon, magiging opisyal na kriminal na talaga ako. Malaki ang chance na hindi ko na talaga mamana ang company ni dad na pinangarap ko.”

“Well, that…”

“Kapag tinulungan kita, at kapag napatay mo na kung sino man ang pumatay kay Jessiah, I’ll be an accessory of the crime. Hindi na magiging normal ang buhay ko pagkatapos nito.”

Hindi nakasagot si Aljand. He knows that he’s asking for too much. Hindi pa sila ganoong magkakilala. Bukod kay Jessiah, wala na silang kahit ano mang koneksyon. Kaya kung tatanggi ito ay hindi na siya magugulat pa. Pero kung sakali mang tumanggi ito, wala na siyang ibang magagawa kung hindi ang kidnap-in ito at pilitin. At ayaw naman niyang humantong ‘yon sa ganoon.

“I understand,” ani Aljand, “if you don’t want to do it. Alam kong malaking bagay ang hinihingi ko—”

“I’ll do it.”

Napaangat ang tingin ni Aljand. “Huh?”

“I said, I’ll do it. I’m going to help you avenge Jessiah’s life. He’s my friend, too, after all.”


Chapter 5

“Gaya ng sabi ko, grounded ako for three weeks,” ani Tattiene sa telepono. “Pero hindi naman ako tinanggalan ni dad ng kahit anong gadget. I can still help you hack whatever you want from here, but I’ll need you to use a different phone while talking to me.”

“I already covered that one. We’ll use an encrypted call before I tell you my plan. I’ll deliver it in front of your house before midnight.”

Halos mapabuntonghininga si Tattiene nang marinig ang boses ng binata sa kabilang linya. Kahit ang boses nito ay nakapanghihina ng kaniyang mga tuhod. Kung hindi lang dahil sa misyon nila ay matagal na niyang nilayuan ang lalaking ‘to. She’s not interested in a relationship right now, not even a fling or any kind of distractions.

“Don’t,” ani niya. “Mahigpit ang seguridad sa perimeter ng bahay namin. Leave the code at a nearby park. I’ll send you the address. Gagawa na lang ako ng paraan para makuha ‘yon.”

“Noted that.”

Inayos na ni Tattiene ang mga kakailanganin niya para sa balak nila. Naka-set up na ang mga monitor na kailangan niya, at ang kulang na lang ay ang encryption code na ipadadala ni Aljand para hindi ma-trace ang galaw at plano nila. That’s the first and most important thing Jessiah had taught her. 

“I already delivered the code.”

Napataas ang kilay ni Tattiene sa bilis nito. “I’m on my way.”

“Be careful.”

Napairap na lang siya para maalis ang kung ano mang nararamdaman. Pilit niyang pinaaalala sa kaniyang sarili na temporary lang ‘to. Pagkatapos ng plano nilang ‘to na ipaghiganti ang pagkawala ni Jess ay hindi na sila magkikita. 

What’s the use anyway? Kaya lang naman sila magkasama ngayon ay dahil kay Jess. At kung kaibigan niya ito at kasosyo sa business ay tiyak ilegal din ang ginagawa nito. Hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman kung anong klase ng business mayroon ang kaibigan.

Agad siyang hinarang ng kaniyang bodyguard bago pa man siya makalabas ng pinto. 

Napairap na lang siya. “Magpapahangin lang ako sa parke. Is that not allowed, too?” Tinaasan niya ito ng kilay.

May kinausap ito sa kaniyang earpiece bago hinarap si Tattiene. “Si Agel po ang sasama sa ‘yo sa parke, ma’am. Isa siya sa pinakamagaling naming guards. Kung may plano kang tumakas ay ngayon pa lang, pag-isipan mo na po.”

Napairap na lang ulit ito. “Kailan ba ako tumakas, ha, Kirk?”

“Sinusunod lang namin ang utos ni Mr. Casabar, ma’am.”

Napabuntonghininga siya. “Do what you must. Kung gusto mo, dalhin mo pa ang buong security team kung diyan kayo mapapanatag.”

Hindi na niya ito nilingon pa at nagdere-deretso na palabas. Naramdaman niya agad ang presensiya ni Agel sa likod niya pero hindi na niya tiningnan pa. 

She’s aware that they are only doing their job. Pero minsan, hindi niya pa rin maiwasang hindi mapikon lalo na kapag ganitong sobrang higpit nila. Joppe also guards her kahit na hindi siya grounded. Pakiramdam niya ay wala na siyang privacy.

Maybe this is one of the cons of having a rich father.

Nang makarating sila sa parke ay laking-pasasalamat na lang ni Tattiene dahil dumistansya si Agel sa kaniya. Nagkaroon siya ng pagkakataon para magmasid sa paligid at hanapin kung saan nilagay ni Aljand ang code.

Kumunot ang noo niya nang ilang minuto ay hindi pa rin niya ‘yon nahanap. Napakamot na lang siya sa ulo dahil nakalimutan niyang dalhin ang cellphone niya para magtanong. Hindi naman siya pwedeng umuwi para kunin ‘yon dahil baka hindi na siya payagan bumalik.

Mauubusan na sana siya ng pasensiya nang isang pamilyar na boses ang narinig niya sa kaniyang likuran. “Looking for this?”

Mabilis siyang napalingon sa likod at nakita si Aljand. Wala pa rin itong pagbabago noong huli niyang kita. Ang gwapo pa rin nito. Nakadagdag sa kagwapuhan niya ang pagkakakunot ng kaniyang noo na para bang natural na kahit na nakangisi siya.

Naglakad siya palapit dito, pero nakaiilang hakbang pa lang siya nang may humarang na sa kaniyang harap.

“Agel,” ani niya bago napabuntonghininga. “It’s okay. I know him.”

“Ang sabi mo ay magpapahangin ka lang. Hindi mo naman sinabing may katagpuan ka. Alam mo namang grounded ka, hindi ba?”

Napailing siya dahil sa sinabi nito. May punto naman siya. Pero hindi naman niya inaasahang magpupunta rito nang personal ang lalaki para sa code. 

“Hindi ko alam na magpupunta siya, okay? But I need to talk to him. Saglit lang. I swear.”

Nang tingnan siya nito ay mabilis niyang kinurap ang mga mata at nagpa-cute sa harap nito. Napairap na lang tuloy si Agel dahil sa ginawa niya.

“Five minutes. No more, no less.”

Malawak siyang napangiti nang lumayo ito mula sa kanila. 

Agel is her childhood friend. Magkaibigan ang kanilang mga ama dahil isa ring guard ang tatay nito. One of the boys, ito ang tawag sa kaniya kahit noong bata pa lang siya. Wala siyang babaeng kaibigan maliban kay Trelecia. Ang mga tropa niya noong high school ay puro din mga lalaki.

Hinarap niya si Aljand na bahagyang nakataas ang kilay. “So, where is it? Kanina pa ako naghahanap.”

“You have a lot of guy friends, don’t you?” tanong nito imbis na sagutin ang tanong ni Tattiene.

Bahagyang napakunot ang noo niya. “Well, yeah. I grew up with a lot of boys around me. Is that a problem?”

“I just think that it’s unusual. At hindi ko inaasahan ‘yon mula sa ‘yo.”

Napatitig siya saglit sa binata bago umiwas. “Let’s not start judging each other, okay? Nasaan na ang code? Kailangan ko nang simulan ang pag-crack ng system nila dahil ayon sa ‘yo, kailangan mong matapos nang maaga bukas.”

Tinitigan niya ang dalaga bago napabuntonghininga. Inabot niya ang isang USB drive sa kaniya.

“Dapat ay iniwan mo na lang dito. Hindi mo na kailangang iabot pa nang personal.”

“I can’t go around leaving such codes around. Hindi natin alam kung sino ang pwedeng makakita nito. What if your friend found it first?”

Napatingin si Tattiene kay Aljand na ngayon ay nakatingin na kay Agel na pinanonood lang sila mula sa malayo. 

“You have a point. Well, then, I need to go. We have a mafia boss to kill.” Tumalikod na siya at handa nang umalis nang hawakan siya ni Aljand sa pulso para pigilan. Napatingin siya sa mga kamay nila pero binitiwan din siya agad nito.

“I’m going to kill the mafia boss, not you. And if everything goes array, I’ll take all the blame. Don’t worry.”

Saglit siyang napatitig sa binata bago tumango at tumalikod. 

Habang naglalakad pabalik sa bahay ay hindi mawala sa isip ni Tattiene ang mga katagang iyon ni Aljand. The guy is willing to take all the responsibilities if all these fail. It’s like he’s not afraid for his life. After all, this is going to be murder.

Pabor ‘yon sa kaniya dahil maipagpapatuloy pa niya ang buhay niya nang normal pagkatapos nito. Pero paniguradong magi-guilty siya kung ang binata lang ang aako ng lahat. She’s not that cruel and sensitive. Alam niyang kung hindi man sila magtatagumpay ngayon ay handa siyang humarap sa magiging kaparusahan.

If that’s what it takes to avenge her friend, she’ll gladly do it.

Nang makarating siya sa kwarto niya ay mabilis siyang nagsimula sa kaniyang trabaho. 

Pinagdaop ni Tattiene ang kaniyang mga palad. “Lord, patawarin mo po ako sa gagawin ko. Alam ko pong mali ‘to, pero gusto kong ipaghiganti si Jess. Loko-loko po ang isang ‘yon pero isa siya sa pinakamatalik kong mga kaibigan. Mabait siya at hindi niya deserve ang nangyari sa kaniya.”

Mariin pa siyang pumikit bago bumuntonghininga. Rumagasa sa kaniyang isip ang pinagsamahan nilang dalawa. Madalang silang magkita pero isa siya sa mga totoo niyang kaibigan. Masaya itong kasama at siya ang tinatawag nilang ‘life of the party’. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Jess.

Nang magbukas ang communication nilang dalawa, hindi na sila nag-aksaya pa ng oras. 

Walang-kurap na nagtipa si Tattiene habang panaka-naka ang tingin sa isa pa niyang monitor. Isa-isang lumitaw roon ang ilang mga footage ng CCTV malapit sa isang bar hotel. Matapos ang ilang beses pang pagtipa ay nakita na niya lahat ng camera na naka-install sa loob ng facility.

Maraming tao ang nagsasayawan sa gitna ng dancefloor. Bawat sulok ay may mga gwardiya, bouncer, at mga personal bodyguard. Nagmasid muna si Tattiene sa paligid bago binigyan ng signal si Aljand.

“Hindi pa dumarating ang target,” ani Tattiene. “Pero ayon sa mga guard na dumarating sa parking lot ay mukhang parating na rin siya.”

Hindi sumagot si Aljand at patuloy lang sa pagmamasid sa paligid. Naupo siya sa isang couch malayo sa mga nagsasayawan. May kurtinang nagtatabing sa kaniya roon upang hindi agad makita ng mga dumadaan. Ngunit sa kaniyang kinauupuan ay kitang-kita niya ang lahat ng naroon.

Patuloy si Tattiene sa pagtipa para naman magkaroon ng access sa mismong room na tutuluyan ng mafia boss. Kinailangan pa niyang i-hack ang system ng buong bar hotel para malaman kung saan tutuloy ang target nila.

Naging mabusisi si Tattiene sa kaniyang ginagawa. Isang pagkakamali lang niya ay tiyak na mabubulilyaso ang plano nila at malalagay agad sa panganib si Aljand. Pinangako niya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat para maging matagumpay sila. At nasa kamay niya ang kaligtasan ng binata ngayon.

“Papasok na ang target sa loob ng VIP room,” ani niya habang pabalik-balik ang tingin sa CCTV footage at sa codes na ginagawa. Mabilis at walang-tigil pa rin ang pagtipa ng kaniyang mga daliri sa keyboard.

“He just sat on the couch and poured wine,” pagpapatuloy nito. Nakita niya ang pagtayo ni Aljand mula sa kinauupuan. “Where are you going?”

Hindi ito sumagot at patuloy lang na naglakad palapit sa VIP room.

“Aljand, stop. Wala pa ang client niya.”

“Don’t mind me. Just do your job.”

Napataas ang kilay ni Tattiene. “I am doing my job. At isa sa mga dapat kong gawin ay ang pigilan ka kung sakali mang gumawa ka ng kung ano.”

“Hindi lang kung ano ang gagawin ko. I need to get at least one earpiece from the guards. Kailangan ko ‘yon para makapasok ako mamaya sa VIP room.”

Napabuntonghininga na lang si Tattiene. “Just don’t do anything stupid.”

Napangisi ito. “I won’t, okay? Don’t worry.”

Pinanood ni Tattiene ang bawat kilos ni Aljand. Nang makakita ito ng isa sa mga bodyguard ng mafia boss ay mabilis niya itong hinawakan sa ulo at pinilipit iyon upang mawalan ng malay. Hinila niya ang katawan nito sa malapit na comfort room at doon kinuha ang earpiece at ilang mga baril na nakatago sa tagiliran nito.

Nag-aalala namang nagmasid si Tattiene sa monitor dahil walang CCTV sa loob ng banyo. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makalabas na ito habang nag-aayos ng black coat. Ngumisi lang ito sa isa sa mga camera bago pumunta sa kaniyang posisyon.

Napangiti na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Lumabas sa kaniyang screen ang mga listahan ng mga transaction ng mga mafia boss at doon niya nakita kung sino ang parating nitong client.

“Jackson Huang,” ani Tattiene. “Isa itong chinese na business partner niya. Pero mukhang hindi tungkol sa business ang pag-uusapan nila ngayong gabi. Nag-deposit ng two million si Jackson sa private account ni Mr. Hudson last week.”

“Kung sa private account siya nag-deposit, tiyak na ibang business nga ang pag-uusapan nila ngayon.”

Matapos ang mabilis na pagtipa ay lumabas naman ang panibagong listahan sa kaniyang screen. “What the fuck?” mahinang bulalas niya.

“What is it?” Are you okay?”

“Y-Yeah. I’m okay. This is not their first transaction. I hacked into the system at nakuha ko ang buong listahan ng mga d-in-eposit ni Mr. Jackson sa private account niya. Three million. Six million. And all of them are for illegal firearms. May balak bang magsimula ng gyera ‘tong si Mr. Jackson?”

“Fuck. I knew it.”

“Why? May alam ka ba tungkol dito?”

Narinig niya ang paghinga nito nang malalim. “You don’t have to concern yourself about this. Si Mr. Hudson ang pakay natin ngayon, hindi ang client niya.”

Napanguso na lang si Tattiene. Minsan, nalilito talaga siya sa timpla ng ugali ng lalaking ‘to. Hindi naman siya mukhang masungit noong unang beses niya itong makausap, pero naiinis siya kapag ganitong akala mo ay masama ang nakain kaninang umaga.

Napaawang ang bibig ni Tattiene at mabilis na sinabi, “Mr. Jackson’s here.”

Chapter 6

“They’re now talking,” ani Tattiene. “Sadly, wala tayong microphone sa loob kaya hindi natin naririnig ang pinag-uusapan nila.”

“Yeah. They’re professionals. Hindi nila hahayaang may maka-wiretap ng pag-uusap nila ngayon. They didn’t think that someone could hack their cameras, though.”

“Maybe they know. Wala lang silang pakialam. Hindi na ito ang unang beses na ginawa nila ‘to pero grabe pa rin sila kung mag-ingat. It’s a good thing I can read lips.”

Kumunot ang noo ni Aljand. “You can?”

Tinitigan ni Tattiene ang mga labi ni Mr. Jackson na ngayon ay nagsasalita. “I have sent the remaining balance on your account. As usual, nagustuhan ng kliyente ko ang huling purchase nila. I think you’ll have a repeat customer again.”

Tumungga si Mr. Hudson sa kaniyang kupita habang nakangisi. “Alam mong lahat ng produkto ko ay high end. None of them will be disappointed.”

Natawa si Mr. Jackson. “Another client contacted me last time at gustong sumubok sa produkto niyo. I’ll just send you the details again once I confirm.”

Napanguso si Tattiene habang binibigkas ang mga salitang ‘yon. “Maingat sila sa pagsasalita. Hindi nila binabanggit kung anong klaseng produkto ang binebenta nila. Kahit na i-record natin ang pag-uusap nila ay walang malisya lalo pa at bentahan din ang legit nilang kompanya.”

“Mahirap na ebidensya ang recording. Kahit na makuha natin ang statement nila ngayon ay baka itapon lang ng korte ang kaso nila.”

“Kung sabagay. Masyado nang makabago ang tekolohiya kaya madali na lang i-fabricate ang mga ganoong uri ng ebidensya.”

“But I want you to give me all the information you gathered about Jackson. Makatutulong ‘yan para ipakulong siya at ang ilan pa nilang mga kliyente.”

Napakagat si Tattiene sa ibabang labi niya. “I don’t know, Aljand. Alam mo namang ginagawa ko lang ‘to para kay Jess, ‘di ba? Wala akong balak na magpakabayani at ikulong ang mga masasamang tao. It’s not my job. It’s the authority’s job.”

Napangiti si Aljand. “I knew you’d say that.”

“What do you mean?”

Hindi na nakasagot pa si Aljand dahil narinig na niya ang pagtatapos ng pagkikita nilang dalawa. Naghanda na ang mga bodyguard ni Mr. Jackson sa pag-alis nito. Mahuhuli naman si Mr. Hudson para uminom ng wine at magliwaliw.

“The moment Mr. Jackson leaves that room, I’ll enter. Mahirap buksan ang pinto ng room mula sa labas kaya isasara ko agad ‘yon.”

“What about the guards inside? There are five of them.”

Napangisi siya. “There are just five of them.”

Napakurap si Tattiene. Kahit na nag-aalala ay wala siyang nagawa. Maliban sa pag-crack nitong mga code at pag-hack sa mga system, wala na siyang ibang pwedeng gawin para matulungan ang binata.

“Just be careful,” ani Tattiene. “I don’t know you personally, but you’re still Jess’s friend.”

Hindi agad sumagot ang binata. “I will.”

Maingat na pumasok si Aljand sa loob ng kwarto. Bago pa man siya makapasok ay may isang guard na pumigil sa kaniya.

“Anong ginagawa mo riyan?” tanong nito. “Saang unit ka kabilang?”

Seryosong tumingin si Aljand sa gawi nito at sinabi, “Inutusan ako ni boss. May kailangan akong dalhin sa kaniya sa loob.”

“Ako na ang magbibigay. Ibigay mo sa ‘kin.”

“Hindi pwede. Mahigpit na inutos ni boss na ako mismo ang magbigay sa kaniya nito nang derekta. Ayaw mo naman siguro siyang suwayin, hindi ba?”

Nabakas ang pagdadalawang isip sa mukha ng lalaki ngunit kalaunan ay pinayagan na rin siyang pumasok. “Pumasok ka na. Bilisan mo.”

Pagkatalikod ay napangiti na lang si Aljand. Nang maisara niya ang pinto ng room ay agad niyang hinarap ang mga ito. Ngunit kumunot ang noo niya nang hindi makita ang mafia boss at ang limang bodyguards.

“Get out of there! It’s a trap,” sigaw ni Tattiene bago maputol ang koneksyon nilang dalawa.

“What the hell?” mahinang bulalas niya nang biglang sumugod sa kaniya ang isa sa pitong mga kalalakihan. Mabilis siyang nakaiwas sa suntok nito ngunit sinugod naman siya ng isa pa at sinubukang sipain.

Naging maagap siya at gumulong sa sahig upang lumayo sa mga umatake. Hindi pa man siya nakakukurap ay sabay-sabay na siyang sinugod ng mga ito. Kaliwa’t kanan ang ginawa niyang pag-ilag sa mga atake nito. Hindi na niya nagawang umatake dahil busy siya sa pagdepensa.

Hindi na rin niya narinig pang muli ang boses ni Tattient matapos ang naging bulalas nito. Ngunit hindi niya kailangang mag-alala para sa dalaga. Malayo ito sa kapahamakan. Ang kailangan niyang pagtuonan ng pansin ay ang sarili niyang kaligtasan.

“Shit! Shit!” bulalas ni Tattiene habang pilit na kinokonekta ang device sa earpiece ni Aljand. Ngunit matapos ilang beses na pagpipilit nito ay hindi na niya ma-contact pa ang binata.

Napasabunot siya sa kaniyang sarili. “What should I do? It’s my fault. The footage was rewritten. Sino naman ang gagawa n’on? Iyong mafia boss? Alam ba niya ang plano namin? Shit!”

Nagpabalik-balik siya sa loob ng kaniyang kwarto. Hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin. Nasa panganib si Aljand dahil sa kaniya. Hindi niya napansing may nagka-counter attack ng ginagawa niya. Kung sino man iyon, napakagaling nito. Hindi niya napansing napasok na miski ang sarili niyang computer.

Kinailangan niyang umatras at burahin ang mga impormasyon sa computer niya. Kung hindi ay mananakawan siya ng data. Estudyante lang siya ngunit may mga laman itong impormasyon na na-hack niya sa kompanya ng kaniyang ama.

Tiyak na malilintikan siya kapag may ibang nakakuha nito.

***

Napadilat ng mga mata si Aljand nang may sumampal sa kaniyang pisngi. Hirap na hirap siyang nagbukas ng mga mata at sinipat ang paligid.

Namamaga ang talukap ng kaniyang kanang mata. Namamanhid na ang buo niyang katawan sa sobrang sakit at may likido ring tumutulo sa mukha niya. Hinuha niya ay sarili niyang dugo iyon.

Nakatali ang mga kamay niya sa likod ng upuan habang sa mga paa naman ng upuan nakatali ang pareho niyang binti.

“You’re awake,” ani lalaking sumampal sa kaniya. 

Gising na rin ang anim na lalaking napatuwad niya kanina at masama ang tingin sa kaniya. Nagkataon lang na tinamaan nitong ikapitong lalaki ang kaniyang panga kaya nawalan siya ng malay. Kung hindi ay tiyak natutulog pa rin ang pitong ‘to ngayon.

“Sino ka?” tanong ni Aljand.

“Ako dapat ang nagtatanong niyan sa ‘yo. Sino ka at ano ang ginagawa mo sa lugar na ‘to?”

Mahinang natawa si Aljand. “Tauhan ka ba ni Hudson? Nandito ka ba para patayin din ako gaya ng ginawa mo sa mga kaibigan ko?”

Kumunot ang noo ng lalaki. “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Hindi ako tauhan ni Hudson. Sa katunayan, narito ako para patayin siya. Pero dahil sa ‘yo at sa makulit mong kaibigan ay nalaman nila ang plano namin.”

“What are you saying?”

“Ipanalangin mo na lang na pagbigyan ka ni boss sa ginawa mo. Pero dahil sa amateur mong kaibigan, nalaman ni Hudson na may nakikinig sa pag-uusap nila ng kliyente niya. At dahil din doon ay nabulilyaso ang plano naming pagpatay sa kaniya.”

Napahinga nang malalim si Aljand. Hindi na rin siya nagulat na malamang may ibang gustong pumatay sa Hudson na ‘yon. Ang kinaiinis lang niya ay kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Paano na ang plano niyang paghihiganti para sa mga kaibigan niya?

“So, ano ang ginagawa mo rito?” tanong ng lalaki. “Anong plano niyong gawin kay Hudson?”

“Gaya niyo, gusto rin namin siyang patayin. Hindi ko alam kung bakit gusto niyo siyang patayin, pero wala akong pakialam. Ako ang gagawa n’on. Ipaghihiganti ko ang mga kaibigan ko. Hindi ako pwedeng manatili rito.”

Matapos n’on ay natanggal niya ang pagkakatali ng kaniyang mga kamay. Sinira niya ang upuan upang mabali ang mga paa nito bago niya sinugod ang lalaking kausap niya. Hinugod niya ang nabaling paa ng upuan sa kaniyang binti at hinampas iyon sa ulo ng kaharap.

Sinubukang manlaban ng anim pang mga lalaki ngunit mabilis din silang napatuwad ni Aljand. Ang tanging natira ay ang lalaking kausap niya.

Pasugod na sana sila nang isang boses ang nagpatigil sa kanila. “Stop, Marcus ! That’s enough.”

“Boss,” ani Marcus.

Kumunot ang noo ni Aljand nang mamukhaan ang lalaki na kapapasok lang ng VIP room. “Taylor?”

Malapad na napangiti si Taylor bago naglakad palapit sa dalawa. “It’s nice to hear that you still know me. Akala ko ay limot mo na ‘ko.”

Aljand snorted. “You’ve been bothering me for months para makasali sa organisasyon niyo. Paano kita makakalimutan?”

Natawa ito. “I see you’re still as reckless as ever,” ani niya habang nakatingin sa mga tauhan niya. “To think na gusto mong patayin ang isang Hudson nang dalawa lang kayo. Not to mention, isang amateur pa ang kinuha mo. Do you have a death wish?”

Napakuyom na lang ng mga palad si Aljand. “You don’t know anything.”

“Of course I know everything. Mr. Hudson killed your weak team, leaving you. I guess ikaw lang ang hindi mahina sa inyo. Or maybe, you let your team die while you run away calling your momma.”

Sinugod niya ito at sinuntok. Napaatras si Taylor sa naging pag-atake nito ngunit imbis na gumanti ay natawa pa siya.

“Your punch still hits like a bullet.”

Mas lalong nag-init ang ulo ni Aljand dahil sa pagtawa nito. “You don’t know anything. My team isn’t weak. They’re the strongest team I’ve ever met.” Napayuko si Aljand at nanlumo. “I am the one who’s weak. I let my team die.”

Napabuntonghininga si Taylor. “Mr. Hudson is not someone you can kill with just two people. Don’t you get it? Noong apat nga kayo ay hindi niyo kinaya, ito pa kayang dalawa lang kayo? Do you know what it looks like to me? You just want to commit suicide. Gusto mo lang na sundan ang mga kaibigan mo sa impyerno at nandamay ka pa ng isang inosenteng babae.”

Napailing siya bago nagpatuloy. “This is not the Aljand Falcis I know. Hindi ikaw ang lalaking nire-recruit ko para sumali sa organisasyon namin. We don’t want a weak person in our team. Kung ako sa ‘yo, hahayaan ko na lang ang mga propesyonal na gawin ang trabaho nila. We don’t need a kid to do our job for us.”

Tumalikod ito at akmang aalis na ng kwarto nang magsalita si Aljand. “Let me join your team.”

Napakamot ng batok si Taylor. “Kasasabi ko lang na hindi namin kailangan ng gaya mo sa team. Nabingi ka na ba?”

Nag-angat siya ng tingin. “Alam mong hindi ako titigil hangga’t hindi ko naipaghihiganti ang mga kaibigan ko. Kahit na ikaw pa ang makaharap ko.”

Malakas na natawa si Taylor. “Are you threatening me? Me? Taylor Barlowe? You must be nuts!”

“I am not threatening you. I’m merely informing you.”

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napabuntonghininga. “Hindi magbabago ang sinabi ko. We don’t want a weak person in our team. You’ll have to prove yourself first. Hindi lang sa ‘kin. Kung hindi sa lahat ng founders ng Foedus Corporation.”

“I don’t care. Kung kinakailangang magpakilala ako sa kung sinong diyos niyo, gagawin ko. I’m willing to do everything to avenge my friends.


Chapter 7

Kinagat-kagat ni Tattiene ang kuko niya habang pabalik-balik ang lakad sa parke. Nag-iwan siya ng mensahe kay Aljand na maghihintay siya ulit doon ngunit wala siyang reply na natanggap.

Hindi niya alam kung saan nakatira ang binata. Tanging cellphone number lang nito ang mayroon siya at hindi pa ito sumasagot. Kanina pa siyang umaga narito at ilang minuto lang ay kailangan na niyang pumasok sa eskwela.

Napabuntonghininga siya. Kagabi pa siya nag-aalala para kay Aljand. Halos hindi siya nakatulog nang maayos kaiisip kung ano na ang nangyari sa binata. Worse case scenario, baka patay na ito kaya hindi na sumasagot sa tawag niya.

Napailing na lang siya upang alisin sa isip ‘yon. “Huwag ka ngang nega, Tatt. Think positive. Baka nasira lang ang phone niya habang nakikipaglaban sa mga guard. Pauwi pa lang siya kaya hindi pa siya nagre-reply.” Tumango-tango siya. “Tama. Ganoon nga ang nangyari.”

Pero matapos ang ilang minuto ay napaingit na lang siya at napapadyak dahil hindi talaga mawala ang pag-aalala niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang nararamdaman niya.

“May problema ba?”

Napatalon si Tattiene sa gulat. “Ano ba, Agel! Huwag ka ngang manggulat.” Napatingin siya sa kinaroroonan nito kanina lang. “How can you be so quiet? Hindi ko napansing nakalapit ka na sa ‘kin.”

“Masyado lang malalim ang iniisip mo. Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako marinig.”

Napabuntonghininga siya. “May iniisip lang ako.”

“Tungkol ba sa binatang nandito kagabi?” Napayuko lang si Tattiene. “Alam mo, may mga lalaki talagang sa una lang magaling. Kapag hindi na sila satisfied, madali lang nilang iniiwan ang mga babae dahil marami sila reserba.”

Kumunot ang noo niya. “Anong sinasabi mo? Hindi ganoon ‘yon.”

“Gwapo ang lalaking ‘yon. Tiyak na babaero din siya at maraming babae ang sasalo sa kaniya kahit na wala ka. Kaya kung ako sa ‘yo, ihahatid na kita sa eskwelahan.”

Napairap na lang si Tattiene. Ganito naman ito palagi. Napaka-judgemental. Hindi na siya nag-aaksaya minsan ng panahon para kilalanin ang isang tao bago magsabi ng kung ano-ano.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ito. Mahuhuli na rin kasi siya sa klase kung magtatagal pa siya roon. Ang tanging magagawa na lang niya sa ngayon ay hintayin ang mensahe ng lalaki dahil wala naman siyang ibang pagpipilian.

Nang makarating sa campus, dumeretso agad siya sa kanilang room. Gaya ng inaasahan ay maingay iyon. Naupo siya sa sulok bago binuksan ang libro niya upang magbasa. Mayamaya pa ay dumating na ang mga barkada niya.

“Late na naman kayo,” ani Tattiene. “Huling taon na natin sa kolehiyo pero papetiks-petiks pa rin kayo.”

“Hoy!” bulalas ni Einnor. “Palagi naman kasing late si ma’am kaya nagpahuli lang din kami nang kaunti.”

Tumabi naman sa kaniya si Carlfred at tinaas ang mga paa sa bakanteng upuan sa harap niya. “At hindi kami nagpepetiks. Galing kami sa print-an para sa assignment natin. Mahaba ang pila kaya nahuli kami.”

Natawa si Mizael. “Baka nga nauna pa kami sa ‘yo, eh. Kayo ‘tong may sasakyan pero madalas kang late. May printer kayo sa bahay kaya hindi mo kailangang pumila sa computer shop.”

Napairap si Tattiene. “Sabi ko naman kasi sa inyo, ‘di ba? Sa ‘min na lang kayo magpa-print. Kung binigay niyo sa ‘kin ang materials niyo, eh ‘di sana kagabi ko pa na-print.”

“Sorry, ah?” Pinanlakihan siya ng mga mata ni Einnor. “Kanina lang kasi namin ginawa ‘yong assignment.”

“Oh, kasalanan ko?”

Napairap si Einnor. Natawa na lang si Tattiene nang hindi na ito nagsalita. Alam niyang may punto siya. Pero ayon kasi sa kanila, mas mabilis at maganda ang gawa nila kapag malapit na ang deadline. Mas lumalabas ang creative juice nila sa tuwing nape-pressure sila.

Iba naman si Tattiene sa kanila. Mas gusto niyang ginagawa agad ang mga activity para hindi siya nagagahol. Mas lalong nabablangko ang utak niya sa tuwing nagmamadali siya at nagka-cram.

Naupo na sila sa kanilang mga silya nang dumating ang kanilang professor. Panaka-naka naman ang tingin ni Tattiene sa kaniyang cellphone, nagbabaka sakaling may mensahe na roon si Aljand.

Ngunit natapos ang mga klase nila nang umagang ‘yon ay wala siyang mensaheng nakuha. Hindi tuloy siya nakakain nang maayos ng tanghalian dahil sa pag-iisip.

Hindi man niya kilala ang binata ay hindi pa rin niya maiwasang hindi ma-guilty. Kahit papaano ay may kasalanan siya kung sakali mang nalagay ito sa panganib. Hindi siya naging maingat. Hindi niya napansing may ibang nagha-hack din sa system.

Tiyak na nalaman nila ang ginagawa niya kaya mabilis nilang na-counter iyon. Huli na nang malaman niya kaya nakulong si Aljand sa loob ng room at nawala ang koneksyon nila sa isa’t isa.

They were both reckless. Sumugod sila sa teritoryo ni Hudson nang hindi handa. Naging padalos-dalos sila. Alam nilang isang mafia boss ang kaharap nila na hindi magdadalawang isip na kumitil ng buhay para lang maisalba ang negosyo niya. Pero sumugod pa rin sila. Nabulag sila ng paghihiganting nais nilang gawin para sa kaibigan nila.

“Kanina ka pa nakatitig sa phone mo,” ani Mizael habang kumakain sila ng tanghalian. “May hinihintay ka bang tawag?”

Agad niyang tinago ang phone niya. “Wala. Tiningnan ko lang ‘yong oras. Gusto ko na kasing umuwi.”

Mukha namang hindi sang-ayon ang tatlong binata sa sinabi nito. Magmula kolehiyo ay sila-sila na ang magkakasama. Alam na nila kung nagsasabi ng totoo si Tattiene o kung may tinatago ito. Ngunit natuto rin naman silang huwag magtanong nang magtanong dahil kung handa na ito ay tiyak sasabihin niya rin sa kanila ang pinoproblema niya.

Dumaan ang maraming araw. Umabot sa ilang linggo at ilang buwan. Wala na siyang narinig pa mula sa binata. Kaya naman isa na lang ang naisip niyang gawin. Gagamitin niya na ang perang naipon niya upang alamin kung sino ang lalaking ‘yon at kung nasaan na siya.

Ang tanging panalangin lang niya ay sana, hindi pa huli ang lahat.

***

Napapiksi si Aljand nang hampasin siya ng latigo sa likod. Huminga siya nang malalim, nagbabaka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman sa buo niyang katawan. Pero bago pa man niya iyon magawa ay panibagong latigo na naman ang lumatay sa kaniyang katawan.

Nakatali ang dalawang kamay niya kaya hindi siya makagalaw. Nakasabit iyon sa kisame kaya medyo nakatingkayad pa siya dahil hindi niya abot ang sahig. Kasama naman niya roon ay ang pitong lalaki. Anim sa kanila ang pinanonood lang ang ginagawa sa kaniya, samantalang ang isa naman ay nasisiyahang nilalatigo ang kaniyang katawan.

“Take this,” ani Jeru, ang isa sa mga founders ng Foedus Corporation.

Aljand already heard about them from Taylor. Ngayon niya lang talaga nakita ang mga ito sa personal. Pero sa tinagal-tagal ng pangungulit sa kaniya ng lalaki ay hindi niya maiwasang hindi maalala ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa grupong ito.

Malugod niyang tinanggap ang cannabis na nirolyo ng maliit. He has nothing to lose. All he can think of is revenge. He wants to kill Hudson so bad that he’s willing to do everything. Kahit na ang mapabilang sa grupong ilang ulit na niyang tinanggihan.

“You’re so obedient. I like that.” Napangisi si Jeru bago muling hinampas ang lalaki sa katawan.

When they were done with the twenty-five lashes for that week, pinakawalan na siya ng mga ito. Napabuntonghininga na lang si Aljand dahil alam na niya kung ano ang susunod. He needs to do an orgy with ten women. Ang alam niya ay may kasama pa siyang ibang mga lalaki, pero wala na siyang pakialam.

He just wants this all to end.

For the last initiation, he just needs to kill three men. How easy is that? Wala siyang problema sa pagpatay ng ibang tao. It’s his job, after all. He’s a mafioso. Kung ngayon siya matatakot ay hinding-hindi niya magagawang ipaghiganti ang mga kaibigan niya.

But the last kill will not be as easy as he thinks it is. Dahil ang huling tao na kailangan niyang patayin ay si Mr. Hudson, ang lalaking pumatay sa mga kaibigan niya. Ang tanging nasa isip na lang niya ay kung paano ito papatayin. At hindi na siya makapaghintay pa.

“Do you have anyone?” tanong ni Beckett, isa sa mga kasabay niya sa initiation.

Hindi agad nakasagot si Aljand. “I’m an orphan. Patay na ang mga kaibigan ko. I guess I don’t have anyone.”

“But you hesitated. I think someone crossed your mind when I asked you that. Am I wrong?”

Hindi siya nagsalita. Napabuntonghininga na lang siya dahil tama ito. Sumagi sa isip niya ang dalaga. Si Tattiene.

Matapos ang failed attempt niya na patayin si Mr. Hudson, hindi na niya ulit nakausap ang dalaga. Dahil na rin sa wala na siyang pagkakataon pa. Dinala na siya ni Taylor sa Argrianthropos, ang isla kung saan ginanap ang initiation. Ang isla na pinamumunuan ng The Founders. At ang isla kung nasaan ang Foedus Corporation, ang organisasyon na kinabibilangan ni Taylor, ang kaniyang recruiter.

“Taylor was right,” ani Aljand. “Nilagay ko lang sa panganib ang buhay ng isang inosenteng tao dahil nabulag ako. Muntik pa siyang madamay dahil sa pagiging padalos-dalos ko.”

Tahimik silang naupo habang nakatanaw sa maliwanag na kabuoan ng isla. Halos madaling araw na rin pero bukas na bukas pa rin ang mga ilaw sa buong isla. Kahit late na ay para bang buhay na buhay pa rin ang lugar. Despite the things happening in this island, which are mostly illegal, this place still looks like a paradise.

“Taylor was also spot on when he said that I’m just a suicidal bastard. To think na ang lakas ng loob kong sumugod sa kuta ng isang mafia boss nang ako lang mag-isa. At nandamay pa ako ng isang inosente at amateur na hacker dahil lang kaibigan ito ng kaibigan ko.” Napailing na lang siya bago bumuntonghininga.

“How about you?” tanong niya kay Beckett.

“What about me?”

“You're a popular model, at wala akong nababalitaang masama patungkol sa 'yo. You must be living your life to the fullest. Paano ka napadpad rito?”

“Because I don't want history to repeat itself.” Ilang segundo siyang tumahimik bago nagsalita ulit. “My parents had a tragic death when I was eighteen. Kababalik ko lang sa Italy noon nang makita ko silang nakahandusay sa sahig. It was a nightmare. I haven't even had a good night's sleep since that moment.”

Napansin ni Aljand ang mariin na pagtatagalog nito, at ang pagiging madilim ng boses niya.

“I heard it is because of a mafia thing,” pagpapatuloy ni Becket, “but I don't accept any explanations, especially not from him. I promised to kill the person who made my parents suffer. I'll give him the same pain he gave to my parents, or double.” Umiling siya. “No, even triple. And if I need to be like them to take revenge, I will.”

“Nandito ka rin para maghiganti?” tanong ni Aljand.

Tumango ito. “It's one of the reasons why, but I have another reason why I'm here. I need to save my girl from them.”

“From whom?”

“From my parents' killer. I'll take her away, even without her consent.”

Tango na lang ang naging sagot ni Aljand. Hindi niya magawang umapila tungkol sa gagawin niya dahil alam niyang may dahilan ito. Kahit sino namang narito ay tiyak na may pinagdadaanan at may gustong makuha kaya sumali sa grupo na ‘to.

After all, the initiation to join alone is so hard. Kung hindi buo ang loob ng isang taong gustong sumali rito, hindi rin sila magtatagal. Baka nga ito pa ang ikamatay nila. That’s how dangerous Foedus is.

Chapter 8

Nakatulala si Tattiene habang nakatitig sa kaniyang iniinom na alak. Ilang oras na siyang nakatulala lang doon ngunit hindi naman umiinom. Nang mapansin ni Trelicia ang inaasta ng kaibigan ay hindi niya maiwasang mapakunot ang noo.

Nagpaalam siya sa mga kaibigan bago nilapitan at tinabihan si Tattiene. Noong una ay tinitigan muna niya ito, nagbabaka sakaling mapansin siya. Pero ilang minuto pa ay nakatulala lang talaga ito habang nakatitig sa kawalan.

Napabuntonghininga si Trelicia. “Kung sobrang nag-aalala ka talaga sa kaniya, bakit hindi mo siya hanapin?”

Doon lang natauhan si Tattiene bago tiningnan ang kaibigan. Nakakunot ang kaniyang noo nang magsalita, “Huh? What do you mean?”

Napairap ito. “Akala ko gusto mong uminom kaya ka nagpunta rito. Nagtawag pa ako ng mga kaibigan ko para samahan tayo pero nagmumukmok ka lang diyan.”

“Gusto ko nga.” Pinakita niya ang kaniyang baso na hanggang ngayon ay wala pa ring bawas. Miski siya ay napatigil nang makita ang hawak.

“See? Kanina ka pang isang oras dito pero nakatulala ka lang diyan. Ang dami ko nang pinakilala sa ‘yong mga lalaki kanina pero ni isa sa kanila ay wala ka man lang tinapunan ng tingin.”

Huminga nang malalim si Tattiene bago pinaglaruan ang basong hawak. “Ilang buwan na ang nakakaraan. Akala ko mawawala rin siya sa isip ko. After all, kaya lang naman kami nagkaroon ng koneksyon ay dahil may common friends kami. Pero…” Muli siyang napabuntonghininga.

“Then, look for him! You have the connections. You have the money. Bakit hindi mo siya ipahanap?”

Napatulala si Tattiene bago humarap sa kaibigan. “That’s the problem. Paano kung hindi ko magustuhan kung ano ang malaman ko?”

Hindi nakasagot si Trelicia. Tinitigan niya lang ito at napansin ang ekspresyon nito. Ngayon niya lang nakita ang kaibigan na alalang-alala sa isang taong kakikilala pa lang niya.

Her friend can be cold at times. Miski nga sa kapatid niya ay masungit ito. Mainitin din ang ulo niya kaya madalang ang nakatatagal sa kaniya. Kaya ang makita itong ganito na lang kaapektado dahil sa isang lalaki ay nakapagtataka.

“Alam mong hindi ako magaling magbigay ng advice,” ani Trelicia. “Pero ang masasabi ko lang, kung hindi mo gagawan ng paraan ‘yang nararamdaman mo, wala ring mangyayari. Patuloy mo lang ‘yang mararamdaman. Kaya pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko. Alamin mo kung nasaan siya. Ihanda mo na lang ang sarili mo sa pwede mong malaman kung talagang natatakot ka. Easier said than done, I know, pero wala kang choice. Hindi mawawala ‘yang pag-aalala mo kung wala kang gagawin.”

Matapos ‘yon ay umalis na si Trelicia upang bumalik sa mga kaibigan. Naiwan naman doon si Tattiene na nakatulala at iniisip ang naging pag-uusap nila ng kaibigan.

May punto naman kasi ito. Hindi mawawala ang pag-aalala niya kung wala siyang gagawin. Patuloy rin siyang matatakot sa pwedeng mangyari sa binata kung patuloy lang siyang mag-aalala.

Kaya naman tumayo na siya mula roon at nagpaalam kay Trelicia. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari kay Aljand. Kung ano man ang malaman niya, kailangan niya na lang tanggapin ‘yon. Sa oras na malaman niya, roon na lang niya poproblemahin kung ano ang dapat niyang gawin.

Una niyang sinabihan si Mizael tungkol dito. Siya kasi ang pinakamalapit sa kaniya na kaibigan niya at tiyak maiintindihan siya. Alam ng mga lalaki niyang kaibigan na marunong siyang mang-hack ng iba’t ibang systems pero tutol na tutol ang mga ito. Sa kanilang apat ay si Mizael lang ang masasabihan niya tungkol sa kung ano ang nangyari. Kahit na tutol din ito ay tiyak maiintindihan siya nito.

Gaya ng inaasahan ay hindi talaga natuwa ang kaibigan nang ikwento niya ang mga nangyari.

Napabuntonghininga si Mizael. “Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo at pumayag ka sa sinabi ng lalaking ‘yon. Sigurado ka bang kaibigan talaga siya ni Jess? Paano kung siya talaga ang gumawa n’on sa kaibigan mo at ikaw ang isunod?”

Napayuko siya lalo habang nakanguso. “I’m sorry. Naging padalos-dalos ako.”

“Naging padalos-dalos ka talaga.”

“Sorry na nga, eh.”

Hindi na nagsalita pa si Mizael at huminga na lang nang malalim. “Ano na ngayon ang plano mo?”

“Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Kaya nga wala na akong nagawa kung hindi ang sabihin sa ‘yo kahit na alam kong ganito ang magiging reaksyon mo.”

Saglit na napatulala si Mizael. “Gusto mong malaman kung nasaan na ang lalaking ‘yon?” Tumango si Tattiene. “Alam mo ba kung ano ang pangalan niya?”

“Ang alam ko lang, Aljand ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ano ang apelyido niya.”

Tumango si Mizael. “Titingnan ko kung ano ang magagawa ko para hanapin siya. Hindi naman ganoon ka-common ang pangalang Aljand kaya hindi ako mahihirapan. Iyon ay kung totoong pangalan niya ang binigay niya sa ‘yo.”

Napanguso si Tattiene. Napatingin siya kay Mizael nang ipatong nito ang palad sa ulo niya at bahagyang tinapik.

“I said I’ll help you. Huwag kang masyadong mag-alala.”

“Ngayon ko lang kasi napagtatanto kung ano ang mga pinaggagawa ko. You’re right. Hindi ko pa ganoong kakilala ang lalaking ‘yon pero ang lakas ng loob ko na magtiwala sa kaniya. Ni hindi ako sigurado kung totoong pangalan ba ang binigay niya.”

“Have you tried contacting Jess?”

Tumango ito. “Hindi na siya sumasagot sa tawag ko o kahit reply man lang.”

Saglit silang natahimik. Nakatingin lang sila sa labas habang nakaupo sa loob ng sasakyan ni Mizael. Ilang minuto lang ay darating na ang mga kaibigan nila para kumain sa labas. Inagahan nila ang pagkikita ngayon para mapag-usapan ang tungkol sa nangyari.

“Look,” ani Mizael, “I’ll do what I can to find out everything about him. Sa ngayon, magpahinga ka muna at huwag muna siya masyadong isipin.”

Ngumiti ito sa kaniya. “Maraming salamat. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka ngayon.”

Napangiti pabalik ang binata. “That’s what friends are for. Tama lang na hindi mo na binanggit ‘to kina Carl. Baka nagwala pa ang mga ‘yon at kung ano pa ang gawin.”

Napatigil sila sa pag-uusap nang matanaw nila sina Carl at Einnor na palapit sa sasakyan. Nakahinga nang maluwag si Tattiene nang walang binanggit si Mizael tungkol sa napag-usapan nila.

Alam niyang mali ang magtago sa mga kaibigan, pero kilala niya kasi ang mga ito. Sa oras na malaman nila ang nangyari at ang panganib na maaaring kasangkutan ni Tattiene ay tiyak hindi na sila titigil sa paghahanap kay Aljand.

Gaya niya ay malaki rin ang mga koneksyon ng mga kaibigan. Kayang-kaya nila ipahanap ang isang tao kung gugustuhin nila. Gustuhin man niyang mahanap agad si Aljand ay alam niya ang magiging kabayaran kapag nalaman pa nang iba.

Alam niyang hindi niya ‘to matatago sa kanila habang buhay. Malalaman at malalaman din ng mga ito ang nangyari, sa ayaw man niya’t sa gusto. Pero nais muna niyang masolusyonan ito bago mangyari ‘yon.

*

Habang nasa loob ng sasakyan, inabot ni Mizael ang isang folder na naglalaman ng mga papel. Mabilis na binuklat ‘yon ni Tattiene at nagsimulang magbasa.

“Walang masyadong impormasyon tungkol sa kaniya,” ani Mizael. “Iyan lang ang nakuha ko dahil ayokong malaman ni dad ang ginagawa natin.”

“Bakit naman kailangan mo pang itago ‘to kay tito? You can just tell him. Baka matulungan pa niya tayo. Alam mong paborito ako ni tito.”

Humarap si Mizael sa kaniya at seryosong sinambit, “Tattiene, listen to me. Kalimutan mo na ang lalaking ‘yan. He’s a dangerous man. Marami na siyang nagawang ilegal na mga bagay.”

“Ilegal? Like selling illegal dr.gs or something?”

Saglit na natahimik si Mizael bago sumagot. “Not just that. Bukod sa pagbebenta ng mga ilegal na mga bagay, marami pa siyang ginagawa… mga masasamang bagay.”

“Like what?”

Napabuntonghininga ito. “He’s k!lling people, Tattiene. He’s a m.rderer.”

Napaawang ang bibig ni Tattiene sa narinig. Bumalik ang tingin niya sa mga papel na hawak. Doon niya nabasa ang pangalan nito.

Aljand Falcis. So that’s his name, sa isip ni Tattiene.

Nakalagay rin doon na isa itong ex-boss ng isang mafia organization. Hindi nakalagay kung ano ang nangyari sa grupo nito ngunit naging dahilan pa rin iyon ng mabilis na pagtibok ng puso ni Tattiene.

She knows that the man can be dangerous. Pero hindi niya inaasahang ganito kapanganib ang lalaking ‘yon.

People who sell illegal subst.nces, those who steal, or those who s.xually assa.lt other people are common in their country. Marami ang nakakalusot sa mga ganoong gawain sa bansa, pero hindi ang p.gpatay.

At ang mas ikinagimbal ng mundo ni Tattiene ay nang malamang isa itong boss ng isang ilegal na organisasyon. He k!lls people.

“Pumap.atay siya ng mga tao, Tatt,” ani Mizael, “and he gets away with it. Gamit ang pera at kapangyarihan niya, kaya niyang gawin ‘yon nang hindi nag-aalala sa pwedeng maging consequences. God knows what else he does!”

Hindi nakasagot si Tattiene. Aminado siyang nakaramdam siya ng takot sa mga nalaman. Alam niya kung kailan titigil. At isa ito sa mga ‘yon.

“But what about Jess?” pabulong na tanong ni Tattiene. “Paano ang kaibigan ko? Paano kung siya nga ang pumatay sa kaibigan ko? Anong gagawin ko?”

Napaiwas ng tingin si Mizael. “I don’t know. Hindi natin ‘to pwedeng sabihin sa mga pulis. Tiyak na madadamay ka. We can’t risk that.”

“But a man di.ed, Mizael! I’ve been trying to reach Jess, and it’s been months. Hindi siya sumasagot. What if tama ang sinabi ng lalaking ‘yon at pat.ay na nga si Jess? Hindi kaya ng konsensya kong ipagsawalang-bahala na lang ‘yon.”

Hindi sumagot si Mizael. Napatulala lang siya sa kawalan habang malalim na nag-iisip. Tattiene watched him the whole time. Alam niyang kailangan niyang tumahimik at hayaan ang kaibigan na mag-isip. Dahil sa lagay niya ngayon ay tiyak hindi siya makapag-iisip ng maayos.

She’s too emotional right now to think. Someone di.ed and she knows it. Pero ang maisip na wala siyang magawa ngayon ay nakakainis sa parte niya.

Muling binalik ni Mizael ang tingin sa kaibigan. “Can you leave this to me? Can you trust me with this one?”

Kumunot ang noo ni Tattiene. “What do you mean?”

“Huwag kang gagawa ng kahit anong ikapapahamak mo. I’ll do everything in my power to do something about this guy. Kung kailangan kong humingin ng tulong kay dad, gagawin ko. Just don’t stay put and don’t do anything reckless.”

Napakurap siya nang maraming beses bago dahan-dahang tumango. “I will. Pero ipangako mong ia-update mo ako sa lahat ng mangyayari. Okay?”

“I promise.”

Matapos ang pag-uusap na iyon ay tahimik na binuhay ni Mizael ang makina ng sasakyan. Hinatid na niya si Tattiene pabalik sa bahay nito at muling pinaalalahanan.

“May pagkamatigas ang ulo ko, I know,” ani Tattiene. “Pero alam ko kung kailan ‘yon ilulugar. I’ll trust you with this one. Bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan ko.”

Napangiti si Mizael at ginulo ang buhok ng kaibigan. “Thank you for trusting me. Pangako, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.”

“Thank you, Mizael.” Lumapit ito sa binata at niyakap nang mahigpit. Matapos iyon ay kumaway na ito bago pumasok sa bahay.

Napabuntonghininga na lang siya nang makapasok na sa loob ng Casabar residence. Hindi pa rin mawala ang pag-aalala sa kaniya ngunit kumpara kanina ay mas nabawasan na ‘yon. Malaki ang tiwala niya sa kaibigan. Pinapanalangin na lang niyang walang masayang mangyari sa kaniya.

Matapos malaman ang tungkol sa lalaking ‘yon ay nag-alala siya sa kaligtasan hindi lang para sa sarili, kung hindi para na rin sa mga taong malalapit at mahalaga sa kaniya. Alam niyang malaki ang koneksyon ng pamilya ngunit hindi siya sigurado kung sapat iyon para makaligtas kay Aljand.

Hindi niya alam kung ano ang pakay ng lalaki sa kaniya. Malaki ang posibilidad na siya ang sunod na target nito. Kung iyon ang kaso, maaari ding malagay sa panganib ang mga tao sa paligid niya.

Ngunit mayroon pa ring parte sa isip niya na umaasang napa-paranoid lang siya. Mayroon pa ring parte sa kaniya na nagsasabing hindi masamang tao si Aljand. Isang hindi pagkakaunawaan lang ang lahat.

Kung makakausap niya lang sana ang binata, makahihinga na siya nang maluwag.

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !