ORDER YOURS NOW!

Precious Jasmin
0


REVENGE OF AN HEIRESS AND OUR SECRET IMPERFECTIONS ARE AVAILABLE IN PRINTED COPIES NOW!



 
ORDER REVENGE OF AN HEIRESS HERE

ORDER OUR SECRET IMPERFECTIONS HERE


REVENGE OF AN HEIRESS EXCERPT

“Happy Eighteenth birthday!” Kasabay ng malakas nilang pagbati ay ang pagtama ng mga wine glass namin sa isa’t isa.

Naupo ako sa isang bakanteng couch habang pinanonood si Chanel na makipaghuntahan sa mga kaibigan niya.

“Hey!” sigaw ni Chanel sa ‘min na halatang-halatang lasing na at hindi na makalakad nang maayos.

Natawa ako lalo habang pinanonood sila. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagsimulang video-han ang mga pinaggagagawa niya.

“How is your birthday going?” tanong ko habang inaayos ang camera sa pagkakatutok.

She smiled widely in front of the camera. “It’s superb! This is, like, the best birthday of my life. Ever!”

Laughing, I said, “You always say that every year on our birthdays. Wala ka na bang ibang gustong sabihin? Something more fun?”

Napaisip siya saglit sa tanong ko habang nakatingin sa kisame. Nang may maalala ay bigla siyang napangisi at natawa nang malakas. “Ben and I broke up a while ago after we made out. He’s a good kisser, you know.”

“Then, why did you break up with him if he’s a good kisser?”

Muli na naman siyang natawa na parang baliw. “Because his dick is so small!”

There were a series of reactions in the crowd after what she said. Ang iba ay napahiyaw na lang habang ako naman ay tawa na nang tawa. This is so much fun!

“Ghad, Chantria, it’s so small that I can’t reach my climax whenever we have sex. It feels better when I finger myself. What am I supposed to do? Girl needs a bigger dick!”

Nag-cheer ang lahat ng mga kaibigan niya dahil doon. Mukhang na-eenjoy nila ang show gaya ko. Paniguradong hihilahin ni Chanel ang lahat ng buhok ko kapag nag-post na ako mamaya sa account ko. But who cares? Might as well enjoy it right now.

“Hey, stop it! Tama na ‘yan.” Okay, here comes the saintly sister, none other than Carleigh. “Everyone, go home! The party's over,” sigaw niya sa mga bisita.

Nang marinig nila ang boses ni Carleigh ay automatikong napahinto ang lahat sa pagtatawanan at pag-inom. Wala ni isa sa kanila ang tumutol. Tinago ko na rin ang phone ko sa loob ng bulsa ko, takot na makita iyon ni Carleigh.

“There’s still the next destination, guys. I still reserved the bar for our next stop!” Hinawakan pa ni Chanel ang braso ng isa sa mga kaibigan niya para pigilan siya pero nang makita ang tingin ni Carleigh at tumalikod na ito at umalis. In the end, wala siyang napilit.

“Let’s wash you up and go to bed,” ani Carleigh kay Chanel. Hinawakan niya nang mabuti si Chanel sa pagitan ng mga braso niya bago iginaya sa loob ng banyo.

“Okay!” Chanel shouts. “The three of us will continue the party. Yay!”

Mas lalo lang akong napailing sa kaniya bago nagsimulang maglinis ng mga kalat namin.



"I feel like someone is digging inside my stomach," bulong ni Chanel habang nakahiga sa kama namin.

Patuloy ako sa pag-scan sa newsfeed ko at maya’t mayang napapangiti habang nagbabasa ng mga comment sa video. Hindi pa nakikita ni Chanel, though, pero makapaghihintay naman ‘yon.

“Yeah,” Carleigh said, “and if you don’t stop drinking like that at parties from now on, I will dig it some more myself.”

Sighing in defeat, she said, “Alright. I won’t anymore. It just gives me headaches every morning anyway.”

Muli akong napahagikgik nang mabasa ang komento ni Samantha sa video kung saan mayroon daw siyang listahan ng mga lalaki kung gusto ko. At marami siyang kilala na lalaking may mga malalaking etits na tiyak magugustuhan ni Chanel.

Dali-dali akong nagkomento at hiningi sa kaniya ang listahan through private message. Pero hindi sa ‘kin, kung hindi kay Chanel mismo. At nang mai-send na niya, hinintay ko ang magiging reaksyon ng kapatid ko.

Hindi ko na tinago pa ang reaksyon ko habang pinanonood siyang kunin ang phone niya sa bulsa at nagbasa ng messages. Nang mapatayo siya sa kinahihigaan habang may pinanonood ay dali-dali na akong tumakbo sa loob ng banyo upang magtago.

“Chantria, how dare you?!”

I am laughing out loud inside the bathroom after I lock the door. Pinalabas ko sa phone ko ang video na kinuha ko kanina at nilakas iyon para mas marinig niya.

"Because his dick is so small!"

"I am going to pull all your teeth when you get out there. I swear!" Chanel growls from the door, still banging. "Why did you upload this? Argh!"

"Why are you so mad?" I ask. "There is nothing wrong with the video."

"Everything about the video is wrong!" Humina nang kaunti ang boses niya. "Come on, Chantria! I look like a mess in the video. My hair, my lipstick, my ghad!"

Napailing na lang ako dahil sa komento niya. I know that it is not about the words she said but more about her appearance. Ayaw na ayaw niyang maglalabas ng litrato niya sa publiko nang hindi siya maayos.

"This is called payback time, Chanel!" I shout from inside the bathroom. Tumawa pa ako na parang isang witch.

"What? I didn't do anything to you—oh!"

I roll my eyes even though she can't see me. "Remember somethin' now?" I ask sarcastically.

"Well, I can't do anything about that. Dad threatened to cut off my card if I didn’t tell the truth. What am I supposed to do?"

"You chose your card over your sister, huh?"

"I didn't know dad would ground you because you didn't attend the meeting that was supposed to be your debut at the company. What were you thinking? Can you imagine the embarrassment on dad's face while waiting for his daughter to come, and no one came? If I was in that position, I would not just ground you. I would freeze your card as well. Better yet, freeze you to death."

Napabuntonghininga na lang ako habang iniisip ang mga sinabi niya. Right, it was partly my fault for not attending. Pero hindi ko pa dapat ipakita ang sarili ko sa company hangga’t hindi pa ako eighteen. That was my condition, and I was not ready yet. And dad knows that.

"Hey," a soft voice whispered outside. It’s Carleigh.

I open the door with a glum look painted on my face. "I am going to inherit the company, Carleigh. Tinanggap ko na ‘yon para sa ‘yo. I know how much you hate our dad's company, and you have a dream of your own that you want to pursue. But I was just not ready yet. At least, I am now since I am already eighteen."

"That is not what I am about to say. I’m sorry."

I pout. "I told you never to apologize again, didn't I?"

"But still, I'm sorry. If not for me, hindi mo rin naman kailangang manahin ang kahit anong business ni dad. We all hated dad's company. The three of us didn't want to have any affiliation with one of the Big Three."

"Yeah, but someone has to. And I will. I don't know what I want or what I dream of anyway. So, maybe I'll just go with his company. Maybe, just maybe, I will come to love it."

Napatulala na lang sa ‘kin si Carleigh. I hug her, and later on, Chanel joins our little circle even though I am still upset at what she did. At least patas na kami dahil sa video.

"I'm sorry, again," Chanel whispers, probably sleepy already since it is three in the morning right now. "I didn't mean to tell dad where you went that day. He will find out about it anyway."

Bumuntonghininga ako. "Forget it. I'll talk to him tomorrow. He said he has a gift for us, a trip. That means I am not grounded anymore, right?"

"Probably."

Nanatiling tahimik si Carleigh sa kabilang banda ko. At nang tingnan ko siya ay gising na gising pa rin ang diwa niya.

I sigh. "I am going to inherit the business, so worrying about it right now is useless, Leigh. Let me do my job as the eldest sister."

"I’m just thinking. Dad will probably not let me go to Maryland College because I didn't inherit his business. And I can't go there without his money."

Humarap ako sa kaniya. Naghihilik na si Chanel sa likod ko kaya naman naiwan kaming dalawa na nagkukuwentuhan.

"I am going to inherit dad's business. That means I get a hold of his money. I will make sure that you are going in there just fine, even if I have to use all of his money. At nag-o-offer naman sila ng scholarship, ‘di ba? You are smart. Magiging okay ka lang."

She didn’t say anything.

"Do you really want to be a police officer? You know, you are too beautiful to become a police officer. You will fit more as a beauty queen."

She rolls her eyes at the ceiling. "I'd rather deal with criminals and guns than the crowd."

Napahagikgik na lang ako. Nang pumikit siya ay napapikit na rin ako. Unti-unti na akong nakararamdaman ng antok matapos ang naging pag-uusap namin.

Sa oras na manahin ko ang kompanya, susuportahan ko ang mga kambal ko sa abot ng makakaya ko. The problem is, right now, I am not interested yet. Gusto ko munang pag-aralan ang bawat pasikot-sikot sa business. Ayokong sumabak sa isang gyera nang walang dalang sandata para protektahan ang sarili ko. I heard one of the Big Three is owned by a mafia boss. And it is not something that I need to take lightly.

They can take me down so easily before I even inherit the business.



Nakakailang buntonghininga na ako pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Malapit na kaming makarating sa hotel kung nasaan si dad pero parang gusto ko na lang ulit bumalik at umuwi.

Our dad called us early in the morning at the hotel he’s currently staying at. Hindi niya naman nabanggit kung bakit. Pero kung tama ang hula ko ay tungkol ito sa pagpapamana niya sa ‘kin ng company.

Nang pumarada na sa harap ng hotel namin ang sasakyan ay mas lalong dumoble ang kaba sa dibdib ko. Nang makarating kami sa office ni dad, nakahinga ako agad nang maluwag dahil walang ibang tao roon maliban sa secretary niyang si Joaquin. But as usual, marami pa ring mga papel sa ibabaw ng lamesa niya na puro tungkol sa work.

“Good morning, dad!” masiglang pagbati ni Chanel at nauna nang lumapit kay dad upang bigyan ito ng halik sa pisngi.

Sumunod naman kami ni Carleigh nang tahimik at hinalikan din siya sa pisngi bago naupo sa sofa na nasa gitna ng room.

“How are my angels? Did you enjoy the party last night?”

Chanel answered, “Of course! We had a blast, right, girls?” Humarap siya sa ‘min habang hinihintay ang sagot namin.

“We did,” sagot ko.

Napanguso si Chanel sa naging sagot ko. “Of course, you did. You even had the audacity to post that video last night.”

I giggled. Hindi pa rin talaga siya maka-move on.

“Right.“ Napatingin kami kay dad nang magsalita siya. “I called you here for your birthday present.”

Joaquin handed him something. Sa tingin ko ay iyon na ang tickets na regalo niya sa ‘min. The question is, where is he taking us?

“For your birthday this year, I want you three to enjoy a vacation in Maldives for three days.” Pinakita niya sa ‘min ang tickets na hawak niya habang may tipid na ngiti sa mga labi. Miski ako ay hindi na napigilan ang malawak kong ngiti matapos ang sinabi niya.

“I’m going now, dad,” pagpapaalam ni Chanel. “I still need to go shopping for my bikini and some sunscreen.” Humarap siya sa ‘min ni Leigh. “Aren’t you coming?”

Napatingin ako nang tumayo si Carleigh. “I’m going home. I need sleep.”

Nang tinitigan na ako ni Chanel ay alam kong wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang samahan siya.

I haven’t been there ever since, but I’ve heard a lot of good things about it. Kahit saan naman kami magpunta ay okay lang. Basta ba ay makaalis ako rito sa Canada ay masaya na ‘ko.

Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang surpresang nag-aabang para sa ‘min.


OUR SECRET IMPERFECTIONS EXCERPT

Bivianne

"Please! Please, Bivianne, minsan lang. Hindi na kita guguluhin pagkatapos nitong laro." Pinagdaop ni Yeshua ang mga palad niya habang sinusundan ako na naglalakad papunta sa classroom namin. Hindi ko siya nilingon para ipakita kung gaano ko kaayaw gawin ang hinihiling niya sa ‘kin. More like, I couldn’t.

Bago ako makapasok sa room, hinampas ni Yeshua ang kaniyang palad sa pinto at humarang sa daraanan ko. Isa sa mga katangian niya na kaniyang ipinagmamalaki ay ang kaniyang determinasyon. Nakakainis man sa iba ay wala siyang pakialam. Kung may gusto siya, gagawin niya ang lahat para makuha iyon.

Wala akong choice kung hindi tingnan siya with my usual poker face. Kailan lang kami naging magkaibigan, pero alam ko na kung gaano ka-persistent ang babaeng ito. Wala nga lang akong magawa kahit na alam ko na ‘yon. Hindi ko pa rin siya mapigilan kahit anong mangyari.

"Ano ang mapapala ko sa pagsali? Maaari akong masugatan o tuluyang masaktan sa paglalaro lang ng larong iyon. Pananagutan mo ba? Handa ka bang makipagpalit sa ‘kin ng binti kapag may nangyari sa ‘kin?" Tumaas ang kanang kilay ko, nanghahamon sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay niya bilang tugon. "Anong sinasabi mo? Intramurals lang ‘to, Bi. Walang permanenteng nasusugatan sa Intrams."

"At maaaring ako ang mauna. Isa pa, paano ka nakasisigurado? Kahit ano pang itawag mo sa programa o kompetisyon na ‘yan, risky pa rin ang laro. Sports will always be risky."

Napaingit si Yeshua at saka ginulo ang kaniyang buhok. "Pupunan mo lang naman ang team, Bi. I'm not telling you to play seriously or what. Ma-di-disqualify ang team ng mga babae nang hindi man lang lumalaban dahil kulang kami ng isa. Ni wala kaming reserve players."

"At may kinalaman iyon sa akin dahil?"

Halos malaglag ang panga niya sa narinig. "How can you be so heartless?"

Nagsimula akong maglakad palayo sa kaniya, at sumunod naman siya. Umupo kami sa pinakahuling row malapit sa bintana. Saglit kaming pinagmasdan ng mga kaklase namin dahil para yata kaming mag-asawang nag-aaway. Hindi rin naman kasi rito ang room ni Yeshua pero dere-deretso siya sa loob na parang wala lang sa kaniya.

"Sino ang walang puso sa ‘ting dalawa? Gusto mong maglaro ako ng isang bagay na napakadelikado nang hindi iniisip kung ano ang maaaring mangyari sa ‘kin. Dapat mong i-research kung ano talaga ang ibig sabihin ng heartless bago mo gamitin ang salitang ‘yon."

"Tulad ng sabi ko, hindi delikado ang Intramurals. Punan mo lang ang team, subukan mong sipain ang bola sa loob ng goal, subukang mag-defend o tumayo na lang sa gitna ng court. Don’t worry! Kami na ang bahala sa paglalaro. Basta makumpleto lang kami sa loob.”

Huminga ako nang malalim bago iniling ang ulo sa direksyon niya. "Hindi ka ba aalis? Malapit nang dumating ang instructor namin."

Napabuntonghininga siya pabalik at mukhang sumusuko na. "Thanks for nothing. Don't ask for my help in the future kasi hindi kita tutulungan. Ever."

Pagkalabas na pagkalabas ni Yeshua ng classroom, dumating na ang instructor namin. Let’s see about that. Alam kong hindi ka susuko hanggang sa dumating na mismo ang Intrams.

Hindi ko alam kung bakit sobrang halaga sa kaniya ng larong ‘yon, eh, Intrams lang naman ‘yon. Ang kalaban lang naman nila ay ibang section. At dahil grade twelve na kami, tiyak na puro mga mas bata ang makakalaban nila. Hindi ba sila naaawa?

Sinubukan kong mag-focus sa lecture pero hindi ko magawa. Kanina ko pa iniisip ang alok ni Yeshua. Kahit gaano ko pa itago sa sulok ng utak ko, bumabalik at bumabalik lang din ‘yon ulit.

Malapit na ako magkolehiyo kaya wala akong oras para sa anumang bagay na maaaring makagambala sa ‘kin. And clearly, ang pagsali sa futsal ay magiging istorbo lang, isang distraction sa pag-aaral ko.

Hindi lamang ito makahahadlang sa pag-aaral ko. Sa oras na malaman ni mama na sumali ako sa futsal ay baka magalit na naman siya sa ‘kin. At walang gustong galitin ang isang Zenith Cordova. Not even me, her daughter.

Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa paborito kong tindahan at um-order ng Taro milk tea. Magmula nang matikman ko ‘to ay madalas na akong bumili nito sa isang linggo. Si Yeshua ang pumilit sa ‘king subukan ‘to. Naaalala ko pa nga kung gaano ko kaayaw na subukan. Pero ngayon ay hinahanap-hanap ko pa.

Naghahanap ako ng bakanteng upuan para tumambay nang may bumangga sa ‘kin. Tahimik akong napamura. Tumingin ako sa milk tea ko na natapon sa sahig. Hindi naman nabahiran ng mantsa ang damit ko, pero magkano rin ang halaga nito. Sayang.

"I'm sorry," sabi ng lalaking nasa harapan ko. "Hindi kita napansin agad." Umupo siya at sinubukang kunin ang natapong milk tea sa sahig nang pigilan siya ng isa sa mga tauhan.

"Let's clean it up for you, sir. Iwan mo na lang po riyan."

"Hindi rin ako tumitingin kaya pasensiya na." Nakatingin pa rin ako sa natapong milk tea sa sahig habang nililinis iyon ng staff. Gusto ko sanang uminon n’on ngayon pero ayaw kong gumastos na naman para sa panibago. Nagtitipid ako dahil kailangan kong mag-ipon.

"Hayaan mo akong bumili ng isa pa para sa ‘yo," alok ng lalaki.

Magpoprotesta na sana ako nang mawala ito sa harapan ko. Sinubukan kong pigilan ito sa pagbili, ngunit masyado siyang mapilit.

"You don't have to buy me another. Sa susunod na lang ako iinom."

"It's okay. Here," ani niya bago iniabot sa ‘kin ang cup. "I'm really busy right now, so I need to leave if it's okay. Just enjoy your cup of milk tea."

Bago umalis, yumuko pa ito nang bahagya sa harapan ko bago tumalikod para umalis. Nabibigla pa rin ako sa nangyari na hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin. Sa huli ay wala na rin akong nagawa dahil hawak ko na ang isa pang cup ng milk tea.

Habang nakatitig sa cup na nasa kamay ko, tipid akong napangiti. "I only drink Taro for my milk tea, though," bulong ko bago humigop ng chocolate-flavored milk tea.

Sa halip na manatili sa tindahan, pinili kong tawagan na si Mang Kiko, ang driver ko, para sunduin na ako. Ayaw kong magtagal sa maraming tao habang umiinom. Baka mamaya ay may makabangga na naman ako. Baka sa susunod ay hindi na ako bilhan ng isa pang milk tea.

"Kumusta ang araw mo, Ms. Bivianne?" tanong ni Mang Kiko pagkaupo sa driver's seat. Minaniobra niya ang sasakyan at umalis sa parking space bago tumungo pauwi sa bahay.

Habang nakasandal sa upuan at nakapikit, napabulalas ako, "Nakakapagod! Ang daming activities na binibigay sa ‘min na parang factory machine kami or something. At hindi na rin nila in-extend ang deadline." Napabuntonghininga ako bago dumilat.

Napangiti si Mang Kiko sa sagot ko. "Pero tatapusin mo pa rin silang lahat sa tamang oras, Ms. Bivianne." Hindi ‘yon isang tanong.

"I know, but at least consider my classmates. And I told you to call me Bivianne or Biv. Alisin mo na lang ‘yong miss. Masyadong pormal."

"I can't do that. Tiyak na parurusahan ako ni Mrs. Cordova kung gagawin ko ‘yan."

She pouted. "Tawagin mo man lang ang pangalan ko kapag magkasama tayo. Hindi ko naman sasabihin sa mama ko."

"Okay. I'll try my best, Bivianne."

Si Kiko Fernando ay tatlumpung taong gulang na tsuper. Nakatira siya sa Cordova residence kasama ang kaniyang asawang si Cassady Fernando. Anak din siya ni James Fernando na driver naman ni mama.

Ilang taon nang naglilingkod sa pamilya namin ang kanilang pamilya. Kaya naman masasabi kong sobrang close na kami. Magmula ba naman pagkabata ay siya na ang driver ko. Sa kabilang banda naman, si Cassady ay isa sa mga kasambahay namin. Isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkakilala at nagpakasal.

Pagkahinto pa lang ng sasakyan ay lumabas na ako habang inuubos ang milk tea ko. Pinagbuksan ako ng pinto ng isang kasambahay bago ako pumasok. I was hopping on my way to my room habang ipinarada naman ni Mang Kiko ang sasakyan sa basement. Wala akong anumang takdang-aralin ngayon kaya binabalak kong manood ng anime na sinimulan ko ilang linggo na ang nakakaraan.

Isang mahina at malamig na boses ang nagpatigil sa ‘kin bago ako makarating sa kwarto ko. "Sabi ko naman sa'yo na hindi maganda sa kalusugan mo ang mga inumin na 'yan, ‘di ba?"

Dahan-dahan akong lumingon at pilit na ngumiti. "Hindi naman po ako umiinom nito araw-araw."

Nakatayo siya sa hallway habang nakasandal sa dingding. Suot pa rin niya ang kaniyang puting long sleeves at itim na slacks, ngunit ang kaniyang itim na blazer ay nakapatong na sa kaniyang braso.

Hindi ako handa na makita siya ngayon. Akala ko ay nasa business trip pa siya at hindi uuwi ng mga dalawang linggo. Pero ngayong nandito na siya sa harapan ko, bumilis ang tibok ng puso ko at kinilabutan.

"Pero hindi pa rin maganda kahit kalahati pa lang ang iniinom mo. Mali ba ako?"

Isa lang itong inumin, gusto ko sanang sabihin.

Kinagat ko ang loob ng bibig ko para pigilan ang sarili na masagot siya. Alam kong hindi maganda ang magiging wakas nito para sa ‘kin kapag sumagot pa ako. And it’s not like I have the courage to answer back.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinagalitan ako ni mama dahil sa kung ano-anong iniinom at kinakain ko. Pero kahit ilang beses nang nangyari, hindi pa rin ako sanay.

"Balita ko ay hindi ka nakikinig sa klase ni Mr. Carter kanina. Care to explain why?"

Halos mapamura ako nang malakas matapos ang narinig ko. "I did. Nawala lang ako sa focus pero I was listening.”

Nagitla ako nang bigla niya akong sampalin nang malakas. Napahawak ako sa pisngi ko. I clenched my jaw, but it was too late. Kahit alam kong mangyayari ‘to, hindi ko pa rin maiwasang hindi mabigla.

"At sa tingin mo ay magiging maganda iyon para sa application mo sa college?” Hindi ako nakasagot. “Kung hindi ka makikinig sa bawat lecture, may mga bagay kang pwede ma-miss. At ang mga bagay na iyon ay maaaring maging mahalaga. Kaya ano ang kailangan mong gawin? Makinig mula sa simula hanggang dulo. Huwag mong hayaang pigilan ka ng anumang distractions. Naiintindihan mo ba?"

Gaya ng inaasahan, walang saysay na ipaliwanag iyon sa kaniya. Pero kahit gano’n, at least sinubukan ko.

"Opo. I'm sorry. Hindi na ako mag-space out sa klase."

"Good. And since you have the time to buy such drinks, I assume you have more time to study for the upcoming entrance examination, am I right?"

"I do. Don't worry."

Nang makaalis siya, nakatayo pa rin ako sa harap ng room ko. Napahigpit ang hawak ko sa doorknob. Ilang beses akong huminga nang malalim bago nagbilang pabalik mula sa sampu. Sa ganitong paraan, hindi sasabog ang ulo ko dahil sa init ng ulo. Hindi magiging maganda ang mga mangyayari kung hahayaan kong manalo ang init ng ulo ko sa tuwing sinesermonan ako ni mama.

Kasalanan ko dahil hindi ako nakikinig nang mabuti sa klase. Alam kong kailangan kong pagbutihan sa lahat ng ginagawa ko. Bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng kompanya ni mama, kailangan ko pang paghusayan. Kailangan ko pang galingan para walang masabi ang mga kaibigan ni mama.

Higit sa lahat, I need to become like mom. I need to be as good as her. Pero sa ngayon, wala pa ako sa kalahati. My mom was a valedictorian at our school kaya kailangan ko ring maging valedictorian. Noong college naman ay siya ang summa cum laude.

Kaya kung magpepetiks-petiks ako ay baka kahit valedictorian ay hindi ko makuha lalo na't nandiyan si Yeshua Yada, ang aking matalik na kaibigan at karibal. Wala siyang pakialam kung maging valedictorian man siya o salutatorian, pero matalino na siya kahit hindi niya ibigay ang best niya. Ni hindi nga siya nag-e-exert ng effort sa pag-aaral at puro sports ang nasa utak niya. Paano kung maisipan niyang mag-aral nang mabuti? I won’t allow her to take my spot as number one in our batch.

Isang maling galaw at lahat ng pinaghirapan ko ay mawawala. At hinding-hindi ko hahayaang mangyari iyon.


Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !