Chapter 1
Chantria
“Happy Eighteenth birthday!”
Kasabay ng malakas nilang pagbati ay ang pagtama ng mga wine glass namin sa isa’t isa. Nagitla rin ako dahil sa malakas na putok galing sa party poopers sa likod namin pero tinawanan ko na lang. Para tuloy kaming nagce-celebrate ng New Year, hindi ng birthday namin. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa naming magkaroon ng ganito kagarbong party.
Hindi ako mahilig sa wine pero tinaas ko pa rin ang hawak ko bago iyon tinungga kasabay nila. Miski si Carleigh ay hindi rin mahilig. Kasalukuyan siyang nakaupo sa tabi ko na para bang bored na bored sa buhay. Pero dahil ito ang araw kung kailan legal na kami, hinayaan na namin ang mga sarili na uminom.
Wala namang masama dahil nasa legal na edad na kami. Kahit na noon pa lang ay umiinom na talaga si Chanel kahit menor de edad.
Kasalukuyan na niyang iniinom ang pang-apat niyang baso kumpara sa ‘min ni Carleigh na nakakaisa pa lang. Panglima na nga yata niya. Hindi ko na nabilang.
Napangiwi na lang ako nang malasahan ang wine. Amoy strawberry siya pero lasang medyas na sinawsaw sa suka. Nagulat pa ako dahil hindi ako nagsuka. Hindi ko alam kung paano naiinom ni Chanel ang ganito gabi-gabi. It tastes like sh-t.
Itong si Carleigh naman ay hindi ko alam kung gusto ba ‘yong wine o napipilitan lang din uminom. Her face is just neutral, like the usual, unchanging, and unbothered. Pinapanalangin ko na lang na maging gaya niya ako sa mga ganitong bagay. Mas gusto ko lang talaga madalas ng grape juice o kaya naman ng apple juice. Kahit avocado pa ‘yan.
Naupo ako sa isang bakanteng couch habang pinanonood si Chanel na makipaghuntahan sa mga kaibigan niya. Halos puro kaibigan niya naman ang nandito at si Jackson lang ang inimbitahan ko na kanina pa nakauwi. Itong si Carleigh naman ay ni isa walang pinapunta. Miski sana ang Judo instructor niya ay pinakain niya. Feeling ko talaga ay napilitan lang siya na pumunta rito.
“Hey!” sigaw ni Chanel sa ‘min na halatang-halatang lasing na at hindi na makalakad nang maayos. Wala na rin sa focus ang tingin niya. Kung hindi dahil sa mga kaibigan niya na hawak siya sa braso ay baka kanina pa siya ngumudngod sa sahig.
Pare-pareho silang magkakaibigan. Ang ilan nga sa kanila ay nakangudngod na sa lababo ay nilalabas na ang lahat ng kinain. Mabuti na lang at walang nagkalat sa marble tiles namin dahil paniguradong lagot kami kay daddy.
Natawa ako lalo habang pinanonood sila. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagsimulang video-han ang mga pinaggagagawa niya. This is going to be fun, especially when I post this on my social media account later. Isipin ko pa lang ang magiging reaksyon ni Chanel ay napapahagikgik na ako. It’s payback time!
“How is your birthday going?” tanong ko habang pinopokus ang camera sa kaniya. Kinailangan ko ring lakasan ang boses ko dahil sa rock song na tumutugtog. Walang masyadong bahay malapit sa ‘min kaya malakas ang loob naming mag-ingay.
She smiled widely in front of the camera. Her smudged lipstick makes me giggle more. Paniguradong nakipag-make out na naman siya sa jowa niya kanina habang hindi namin nakikita. Kahit sino ang makakita sa video ay paniguradong iyon din ang iisipin. Lagi ko na siyang sinasabihan na bumili ng waterproof na lipstick, or anti-smudge, o kung ano man ang tawag sa mga koloreteng ‘yon.
“It’s superb! This is, like, the best birthday of my life. Ever!”
Tumatawa na rin ang mga kaibigan niya sa tabi niya pagkatapos ay biglang nagsigawan. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila dahil sa sobrang kalasingan.
Laughing, I said, “You always say that every year on our birthdays. Wala ka na bang ibang gustong sabihin? Something more fun?”
Napaisip siya saglit sa tanong ko habang nakatingin sa kisame. Nang may maalala ay bigla siyang napangisi at natawa nang malakas. “Ben and I broke up a while ago after we made out. He’s a good kisser, you know.”
Napahagikgik pa siya at napakakagat sa labi na para bang ini-imagine ang isang bagay na ayoko na lang alamin.
“Then, why did you break up with him if he’s a good kisser?”
Muli na naman siyang natawa na parang baliw. “Because his d-ck is so small!”
There were a series of ooh! in the crowd after what she said. Ang iba ay napahiyaw na lang habang ako naman ay tawa na nang tawa. Hindi na tuloy steady ang pagkuha ko ng video sa kaniya.
This is so much fun!
Akala ko ay tapos na siyang magsalita pero ang sunod niyang sinabi ang nagpasakit na talaga ng tiyan ko katatawa.
“Ghad, Chantria, it’s so small that I can’t reach my climax whenever we have s-x. It feels better when I finger myself. What am I supposed to do? Girl needs a bigger d-ck!”
Nag-cheer ang lahat ng mga kaibigan niya dahil doon. Mukhang na-eenjoy nila ang show gaya ko. Paniguradong hihilahin ni Chanel ang lahat ng buhok ko kapag nag-post na ako mamaya sa account ko. But who cares? Might as well enjoy it right now.
Mukhang wala na rito ang boyfriend niya dahil hindi ko na nakikita. Baka umalis na kanina nang makipag-break itong si Chanel. She can be harsh sometimes. Well, okay, all the time. But that’s what makes her extraordinary. Hindi siya takot sabihin sa lahat kung ano ang nasa isip niya.
The only downside is that because of it, she doesn’t only make friends, but enemies as well. Anyway, wala naman akong pakialam. I love my sister no matter how evil or how saintly they are.
“Hey, stop it! Tama na ‘yan.” Okay, here comes the saintly sister, none other than Carleigh. “Everyone, go home! The party is over,” sigaw niya sa mga bisita.
I admit, she isn't really a saint when she shouts. It's like a banshee screaming.
Nang marinig nila ang boses ni Carleigh ay automatikong napahinto ang lahat sa pagtatawanan at pag-inom. Wala ni isa sa kanila ang tumutol o kahit anong bakas ng pagtutol kahit na sinasabi ni Chanel na hindi pa tapos ang party. Tinago ko na rin ang phone ko sa loob ng bulsa ko, takot na makita iyon ni Carleigh.
“There’s still the next destination, guys. I still reserved the bar for our next stop!” Hinawakan pa ni Chanel ang braso ng isa sa mga kaibigan niya para pigilan siya pero nang makita ang tingin ni Carleigh at tumalikod na ito at umalis.
“Guys!” Napanguso na lang si Chanel.
In the end, wala siyang napilit. I can’t really blame them. Sobrang nakakatakot talaga madalas ang kapatid namin.
Naiwan kaming tatlo sa napakalaki naming living room na mayroong mga nagkalat na bote at mga kalat na kailangang linisin.
This is what I hate the most after parties–the cleaning.
“Let’s wash you up and go to bed,” ani Carleigh kay Chanel. Hinawakan niya nang mabuti si Chanel sa pagitan ng mga braso niya bago iginaya sa loob ng banyo.
“Okay,” Chanel shouts, “the three of us will continue the party. Yay!”
Mas lalo lang akong napailing sa kaniya bago nagsimulang maglinis ng mga kalat namin dahil wala naman kaming katulong.
Growing up, this was one of the things our mother taught us. Hindi kami gumagastos ng pera sa mga bagay na kaya naman naming gawin nang kami lang. Hindi namin ginagawang sentro ng buhay namin ang pera.
And I have to admit, it kind of feels fulfilling on my part na malamang kaya naming alagaan ang mga sarili nang hindi umaasa sa kahit ano.
Chapter 2
Chantria
"I feel like someone is digging inside my stomach," bulong ni Chanel habang nakahiga sa kama namin. Huminga pa siya nang malalim para pigilan kung ano o sino man ‘yong humahalukay raw sa tiyan niya.
Mukhang kahit papaano naman ay nasa katinuan na siya dahil deretso na siyang magsalita at hindi na nauutal. At least hindi na siya ganoon kalasing gaya kanina. Because I swear, hindi na naman titigil si Carleigh sa pangangaral sa kaniya sa mga susunod na linggo. She’s quite a nagger.
Patuloy ako sa pag-scan sa newsfeed ko at maya’t mayang napapangiti habang nagbabasa ng mga comment sa video. Mayroon na iyong libong likes and shares, at nagwawala na rin ang mga tao sa comment section.
Hindi pa nakikita ni Chanel, though, pero makapaghihintay naman ‘yon. For now, I need to let other people see it and wait for their reaction. Hindi na rin ako makapaghintay sa magiging komento ng jowa niya after this, I mean, ex-boyfriend na pala.
I wonder how he’ll react. Or if he has the guts to react at all. I mean, si Chanel kasi ‘to. Many people love her.
“Yeah,” Carleigh said, “and if you don’t stop drinking like that at parties from now on, I will dig it some more myself.”
Napahagikgik ako. “If I were you, Chanel, I would be threatened. She can really dig, I assure you.”
That’s true. I remember how she punched me in the face before for punching another guy. Well, kailangan na ‘yong ilibing sa nakaraan habang buhay.
Sighing in defeat, she said, “Alright. I won’t anymore. It just gives me headaches every morning anyway.”
Muli akong napahagikgik nang Mabasa ang komento ni Samantha sa video kung saan mayroon daw siyang listahan ng mga lalaki kung gusto ko. At marami siyang kilala na lalaking may mga malalaking et-ts na tiyak magugustuhan ni Chanel.
Dali-dali akong nagkomento at hiningi sa kaniya ang listahan through private message. Pero hindi sa ‘kin, kung hindi kay Chanel mismo. At nang mai-send na niya, hinintay ko ang magiging reaksyon ng kapatid ko.
Hindi ko na tinago pa ang reaksyon ko habang pinanonood siyang kunin ang phone niya sa bulsa at nagbasa ng messages. Of course, she checks the private messages first before anything else.
At first, kumunot ang noo niya dahil sa binabasa. Mayamaya ay mabilis siyang nag-type ng reply. After a while, mas lalong kumunot ang noo niya at mas lalong bumilis ang pagtipa. Nang mapatayo siya sa kinahihigaan habang may pinanonood ay dali-dali na akong tumakbo sa loob ng banyo upang magtago.
“Chantria, how dare you?!”
I am laughing out loud inside the bathroom after I lock the door. Napagitla pa ako sa mabilis at malakas na paghampas ni Chanel sa pinto pero bumalik lang din ulit ako sa pagtawa. Pinalabas ko sa phone ko ang video na kinuha ko kanina at nilakas iyon para mas marinig niya.
"Because his d-ick is so small!"
"I am going to pull all your teeth when you get out there. I swear!" Chanel growls from the door, still banging. "Why did you upload this? Argh!" She makes a gagging sound. "My stomach is turning again. I want to vomit."
"Why are you so mad?" I ask. "There is nothing wrong with the video."
"You are well aware of why I am angry, Chantria. Everything about the video is wrong!" Humina nang kaunti ang boses niya. "Okay, not the part where I broke up with Ben and the d-ick part because all of those are true. But come on, Chantria! I look like a mess in the video. My hair, my lipstick, my ghad!"
Napailing na lang ako dahil sa komento niya. I know that it is not about the words she said but more about her appearance. Ayaw na ayaw niyang maglalabas ng litrato niya sa publiko nang hindi siya maayos. Gusto niya lagi siyang presentable at maganda sa mga ipo-post niya online.
Not this time, though. And that’s why I call this payback time.
"This is called revenge, Chanel!" I shout from inside the bathroom. Tumawa pa ako na parang isang witch.
"What? I didn't do anything to you–oh!"
I roll my eyes even though she can't see me. "Remember somethin' now?" I ask sarcastically.
"Well, I can't do anything about that. Dad threatened to cut off my card if I did not tell the truth. What am I supposed to do?"
"So, you chose your card over your sister, huh?" Bahagya kong nilagyan ng panggi-guilty ang boses ko dahil gusto kong iyon ang maramdaman niya. Gusto kong malaman niya na nagtatampo pa rin ako dahil sa ginawa niya. And all of that is for her card, all for money. I don't care about being grounded, though, since I barely go out of my room anyway.
"I didn't know dad would ground you because you didn't attend the meeting that was supposed to be your debut at the company. Take note, the company that is going to be yours soon. What were you thinking? Can you imagine the embarrassment on dad's face while waiting for his daughter to come, and no one came? If I was in that position, I would not just ground you. I would freeze your card as well. Better yet, freeze you to death."
Napabuntonghininga na lang ako habang iniisip ang mga sinabi niya. Right, it was partly my fault for not attending. Pero hindi ko pa dapat ipakita ang sarili ko sa company hangga’t hindi pa ako Eighteen. That was my condition, and I was not ready yet. And dad knows that.
"Hey," a soft voice whisper outside. I know that voice really well. Tanging si Carleigh lang ang may kakayahan nag awing malumanay ang boses niya gaya niyan.
Chanel is more like the boombox type of person. Hindi siya marunong bumulong. She likes it loud.
One time, when we were just kids, she shouted in my ears so loud. She was so angry at me. Pero huli nan ang ma-realize niyang umiiyak na ako dahil sa sakit. Ang tanging naririnig ko na lang ay tila parang isang radio static o television na may bad signal.
Sinugod ako ni mom sa hospital at hindi naman natigil sa kaiiyak si Chanel kahit na matagal na akong huminto.
I open the door with a glum look painted on my face. "I am going to inherit the company, Carleigh. Tinanggap ko na ‘yon para sa ‘yo. I know how much you hate our dad's company, and you have a dream of your own that you want to pursue. But I was just not ready yet. At least, I am now since I am already eighteen."
"That is not what I am about to say." I chuckle but don't say a word. "I am sorry."
I pout. "I told you never to apologize again, didn't I?"
"But still, I'm sorry. If not for me, hindi mor in naman kailangang manahin ang kahit anong business ni dad. We all hated dad's company. The three of us didn't want to have any affiliation with one of the Big Three."
"Yeah, but someone has to." I bit my lower lip. "And I will. I don't know what I want or what I dream of anyway. So, maybe I'll just go with his company. Maybe, just maybe, I will come to love it."
Napatulala na lang sa ‘kin si Carleigh. Iyong tipo ng tingin na para bang may sinasabi sa ‘kin kahit na hindi na sabihin gamit ang bibig.
I hug her, and later on, Chanel joins our little circle even though I am still upset at what she did. At least patas na kami dahil sa video.
I just can't stop thinking about what happened these past few months as I nuzzle into their hug.
Chapter 3
ChantriaA lot of things happened in our lives even when we were still kids. Namatay ang mom namin the same day na dapat ay bibinyagan kami. We were five to six years old at that time.
We couldn’t get ourselves together at her funeral. Iyak kami nang iyak at hindi ko na rin maalala kung paano kami nakauwi.
Matapos ang funeral service, bumalik si dad sa pagtatrabaho na para bang walang nangyari. Inutusan niya ang mga butler at maid na dalhin kami sa school sa sumunod na araw na para bang wala siyang pakialam sa nararamdaman namin.
It was like he was telling us, You already cried a lot at the funeral. Get yourselves together. We still have a lot of things to do.
Pero hindi namin siya kinamuhian dahil doon. Alam namin kung gaano rin kasakit sa kaniya ang nangyari kay mom gaya ng kung gaano ‘yon kasakit sa ‘ming triplets. At ngayon lang din namin naintindihan kung bakit niya ‘yon ginawa. Gusto niyang maging matatag na ama sa harap namin para maging matatag din kami.
Hindi nagtagal ay inanunsyo na rin ni dad na si Carleigh, ang ikalawa sa triplets, ang magmamana ng kompanya ni dad. At hindi lang basta ang kompanya kung hindi ang pinaka-principal business ni dad dahil marami siyang hawak na company.
But Carleigh has a dream. She wants to be something else. Ayaw niyang manahin ang company ni dad o kahit ano pa man sa mga business niya.
And so, being the eldest and the second in line, I volunteered to do it. Dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko, I might as well be useful and do the right thing. I will inherit it on behalf of my sister. In exchange, I want to do it when I turn eighteen. Until then, I want to enjoy my teenage years.
"I'm sorry, again," Chanel whispers, probably sleepy already since it is three in the morning right now. Nakahiga na siya sa isang corner ng kama namin dahil tabi-tabi kami kung matulog. Yakap niya ang unan ko pero hinayaan ko na siya. "I didn't mean to tell dad where you went that day. He will find out about it anyway."
Bumuntonghininga ako bago niyakap din ang sariling unan. Nakatitig lang ako sa kisame habang pinanonood ang starry night na nanggagaling sa ilaw na binili namin.
"Forget it. I'll talk to him tomorrow. He said he had a gift for us, a trip. That means I am not grounded anymore, right?"
"Probably."
Nanatiling tahimik si Carleigh sa kabilang banda ko. At nang tingnan ko siya ay gising na gising pa rin ang diwa niya. Mukhang wala pa siyang balak matulog kahit na madaling araw na.
I know that look very well. She is probably thinking about something she shouldn't have.
I sigh. "I am going to inherit the business, so worrying about it right now is useless, Leigh. Let me do my job as the eldest sister."
"I am just thinking. Dad will probably not let me go to Maryland College because I didn't inherit his business. And I can't go there without his money."
Humarap ako sa kaniya. Naghihilik na si Chanel sa likod ko kaya naman naiwan kaming dalawa na nagkukuwentuhan. Ayoko rin namang ma-involve pa siya rito.
"I am going to inherit dad's business. That means I get a hold of his money. I will make sure that you are going in there just fine, even if I have to use all of his money. At nag-ooffer naman sila ng scholarship, ‘di ba? You are smart. Magiging okay ka lang."
"You know there are a lot of books I need, and there will be field works. It will still cost me money even if I get a scholarship. This is Maryland we are talking about."
I nod. "Do you really want to be a police officer? You know, you are too beautiful to become a police officer. You will fit more as a beauty queen."
She rolls her eyes at the ceiling. I know that is for me, though. "I'd rather deal with criminals and guns than the crowd."
Napahagikgik na lang ako bago muling napabuntonghininga. "I just hope that dad will not be too hard on you. He tends to be so strict sometimes that it is suffocating. Matapos pumanaw ni mom, naging ganiyan na siya. And somehow, naiintindihan ko naman. Gusto niya lang kung ano ang makabubuti sa ‘ting magkakapatid. But I know you don't take it that way. You don't like being controlled, right?"
"I always follow the rules," she said with certainty, "you know that."
"I do. But following and wanting are two different things. You follow the rules, but do you want to?"
Nang pumikit siya ay napapikit na rin ako. Unti-unti na akong nakararamdaman ng antok matapos ang naging pag-uusap namin. We always talk about serious stuff like this because I know she can understand.
Chanel probably can't understand us, but she will, eventually. Ayaw lang din naming ma-involve siya rito dahil gusto naming enjoy-in niya ang buhay niya bilang bunso sa pamilya. Ayos nang kami muna ni Carleigh ang pumroblema ng mga ‘to. Ayaw naming mangyari ang nangyayari sa ‘min ngayon. We want what’s best for her.
We will spoil her if we have to. But there is a limit to that, and we all know that. Gusto ko lang ma-experience niya kung ano ang hindi namin na-experience ni Leigh. At least we want to save Chanel from all this inheritance and career drama. Gusto naming piliin niya kung saan siya masaya at gusto niya ang ginagawa niya, at hindi dahil gusto ng ibang tao at iyon ang inaasahan sa kaniya. Kahit pa ba suwayin namin ang gusto ni dad.
Sa oras na manahin ko ang kompanya, susuportahan ko ang mga kambal ko sa abot ng makakaya ko. Ayon kay dad, mamanahin lang nila ang parte nila sa company kapag naka-graduate na sila ng college.
Sa kabilang banda naman, hindi ko kailangang sundin ‘yon. Pwede kong manahin ang main business kung kailan ko gusto.
The problem is, right now, I am not interested yet. Gusto ko munang pag-aralan ang bawat pasikot-sikot sa business. Ayokong sumabak sa isang gyera ng walang alam at wala man lang sandatang dala para protektahan ang sarili ko. I heard one of the Big Three is owned by a mafia boss. And it is not something that I need to take lightly.
They can take me down so quickly before I even inherit the business.
Chapter 4
Chantria
Nakakailang buntonghininga na ako pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Malapit na kaming makarating sa hotel kung nasaan si dad pero parang gusto ko na lang ulit bumalik at umuwi.
Chanel is casually applying make-up on her face while we’re inside the car. On the other hand, Carleigh is taking a quick nap at the back. Ako lang yata itong hindi mapakali sa kinauupuan dahil sa kaba. Ni hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan in the first place.
Our dad called us early in the morning at the hotel he’s currently staying at. Hindi niya naman nabanggit kung bakit. Pero kung tama ang hula ko ay tungkol ito sa pagpapamana niya sa ‘kin ng company. Alam ko namang kailangan ko na talagang manahin ang kompanya sooner or later, pero kahit alam ko na ay kabado pa rin ako.
This isn’t just any business. This is our family’s business and one of the Big Three. Ang kompanya na pinalago nina dad at ng mga lolo ko ay kasama sa pinakamalalaking kompanya hindi lang sa bansa, kung hindi sa buong mundo. Businesses sa buong mundo ang pinag-uusapan dito.
I’m only eighteen. I can’t imagine myself going on meetings with people twice my age. Baka lamunin lang nila ako nang buo roon. But dad’s growing old. Late na niya kami nabuo ni mom kaya kahit eighteen pa lang kami ay may katandaan na talaga si dad. I can’t let the company go bankrupt as soon as I inherit the business.
Kung ano ang plano ni dad, I just need to follow. Pero sana malaman ko rin agad kung ano ang plano niya para naman may magawa ako.
Nang pumarada na sa harap ng hotel namin ang sasakyan ay mas lalong dumoble ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay bigla na lang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok. I need Carleigh’s calm heart and mind at a time like this.
“Can you please stop fidgeting?” Chanel points out. “You’ve been doing that since we left home. We’re just meeting dad. What’s there to be nervous about?”
“You know quite well why I’m like this. What if we’re actually meeting the board members right now. I’m not even prepared!”
Mukhang narinig yata ni Leigh ang pinag-uusapan namin kaya naglakad siya palapit sa ‘min. “Calm down, Chantria. Kung talaga ngang ihaharap tayo ni dad sa mga member, dapat sinabi niya beforehand. Hindi naman niya siguro tayo ihaharap sa kanila para mapahiya, right?”
Dahil sa sinabi niya ay nagawa kong kumalma kahit papaano. But not totally. May kaba pa rin sa dibdib ko. Palagi nan ga yata akong kakabahan lalo na kapag tungkol kay dad at sa kompanya na ang pinag-uusapan.
Nang makarating kami sa office ni dad, nakahinga ako agad nang maluwag dahil walang ibang tao roon maliban sa secretary niyang si Joaquin. But as usual, marami pa ring mga papel sa ibabaw ng lamesa niya na puro tungkol sa work.
“Good morning, dad!” masiglang pagbati ni Chanel at nauna nang lumapit kay dad upang bigyan ito ng halik sa pisngi.
Sumunod naman kami ni Carleigh nang tahimik at hinalikan din siya sa pisngi bago naupo sa sofa na nasa gitna ng room. Tumayo si dad sa silya niya bago tumabi sa ‘ming magkakapatid.
“How are my angels? Did you enjoy the party last night?”
Chanel answered, “Of course! We had a blast, right, girls?” Humarap siya sa ‘min habang hinihintay ang sagot namin.
Dahil alam kong walang balak sumagot ‘tong si Leigh ay ako na ang tumango at ngumiti. “We did. There are so many visitors who came so we really had fun.”
Napanguso si Chanel sa naging sagot ko. “Of course, you did. You even had the audacity to post that video last night.”
I giggled. Hindi pa rin talaga siya maka-move on.
“Anyway–“ Napatingin kami kay dad nang magsalita siya. “–I called you here for your birthday present.”
Napagitla ako nang biglang tumili si Chanel sa tabi ko at nagtatalon dahil sa anunsyon ni dad. I can’t help but smile widely as well. Well, galante kasi si dad kung magbigay ng regalo. He spoils us this way.
“What is it?” Chanel beamed. “Gucci bag? Or maybe a new car? House and lot?”
Dad chuckled. “You already have plenty of those, dear. Don’t you remember the last time I gave you something? You just donated it to the charity. That’s why I’m going to give you something else.”
Joaquin handed him something. Sa tingin ko ay iyon na ang tickets na regalo niya sa ‘min. The question is, where is he taking us?
“For your birthday this year, I want you three to enjoy a vacation in Maldives for three days.” Pinakita niya sa ‘min ang tickets na hawak niya habang may tipid na ngiti sa mga labi.
Miski ako ay hindi na napigilan ang malawak kong ngiti matapos ang sinabi niya. Hindi naman kasi kami madalas lumabas ng bansa kahit pa sabihing may pera naman kami. Like what I’ve said, hindi kami pinalaki ng mga magulang namin na laging nakadepende sa pera. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan namin.
Not birthday presents, though. It’s an exemption. Pwede naming makuha ang kahit ano sa tuwing birthday namin.
“I’m going now, dad,” pagpapaalam ni Chanel. “I still need to go shopping for my bikini and some sunscreen.” Humarap siya sa ‘min ni Leigh. “Aren’t you coming?”
Napatingin ako nang tumayo si Carleigh. “I’m going home. I need sleep.”
Nang tinitigan na ako ni Chanel ay alam kong wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang samahan siya. Tutal ay kailangan ko ring bumili ng isusuot ko sa Maldives ay sumunod na lang ako sa kaniya.
I haven’t been there ever since, but I’ve heard a lot of good things about it. Marami na rin akong nakikitang magagandang feedback sa social media tungkol doon. Kahit saan naman kami magpunta ay okay lang. Basta ba ay makaalis ako rito sa Canada ay masaya na ‘ko.
Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang surpresang nag-aabang sa ‘min papuntang Maldives.
Chapter 5
ChantriaI was enjoying my rest on our way to Maldives. Tahimik lang sa loob ng eroplano at tanging hangin lang ang naririnig ko. Kanina pa kami nasa himpapawid at hindi ko na namalayan kung ilang oras na rin kaming nasa ere. I was about to sleep pero naudlot ang pagpapahinga ko dahil sa gulo nitong katabi ko.
“Can you please calm your butt, Aiyara?” I exclaimed, calling Chanel by her second name, which by the way, she hated the most.
She glared at me. “My butt is always calm, Yvonne,” she retorted. But well, I don’t really hate my second name, so I didn’t take it as an insult.
“You’ve been fidgeting on your seat ever since we took flight. Alam kong excited ka pero pwedeng kumalma kahit saglit lang. Doon ka na sa Maldives magwala.”
She snorted. “I’m not fidgeting. I’m simply taking selfies. What’s wrong with that?”
“Then, can you please take a selfie calmly? How can you be so fidgety just capturing your espasol face?”
“What?” she exclaimed. “My face is not espasol!”
“Yes, it is.”
“No, it’s not.”
We continued bickering and slapping each other’s hands when someone beside me spoke. “If you’re going to continue making noises, I will kick you off this plane right now.”
Chanel and I immediately stopped slapping each other. Pero hindi pa rin natigil ang pagbebelatan naming dalawa. Pero nang maramdaman kong dumilat si Leigh dahan-dahan ay pumikit na lang ako at nagkunwaring matutulog.
Hindi ko na alam kung ano ang ginawa nitong katabi ko sa kanan. Bahala na siya. Basta lagot siya sa ‘kin mamaya.
Ito na yata ang pinakamatagal na flight sa tanang buhay ko dahil isang araw at ilang oras ang ginugol namin sa sasakyan para lang makapunta sa Maldives from Canada. Halos umapoy ang puwetan ko dahil sa tagal ng byahe. But I know that our three days stay will be worth it, for sure.
“I told you we should have ridden dad’s private plane,” Chanel whined. “I feel like my butt’s about to explode!”
“You don’t have a butt, Aiyara,” I teased.
Umakma siyang babatuhin ako ng handbag niya pero nagtago na agada ko sa likod ni Leigh bago bumelat. She couldn’t do anything but glare at me and raise her middle finger towards my direction.
Natatawa na lang ako habang kinukuha ang maleta ko. Tatlong araw ko rin siyang maaasar sa lugar na ‘to. But of course, that’s not my main goal. I need to enjoy this vacation as much as possible. I can’t wait to go to the beach and flex my new built abs na halos ilang taon ko ring pinaghirapan.
“So,” ani Chanel, “we’re staying at Meeru Island Resort and Spa. It’s an island on the easternmost tip of North Male Atoll in the Maldives–“
Carleigh looked back at her. “Chanel, shut up. We don’t have to hear that. Just tell us how to get there.”
She pouted before leading us outside to our ride. Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil lagi siyang ganito. It’s good that she knows a lot of things about something we didn’t know. Pero hindi naman niya kailangang sabihin sa ‘min ‘to lahat. Bukod sa minsan, alam na namin ang mga impormasyon na ‘to ay nasa internet naman halos lahat ng sinasabi niya.
We know that she can memorize almost everything she sees for the first time, but no need to flex it all the time, especially not to us.
Huminga ako nang malalim at ninamnam ang amoy ng beach nang makarating kami sa isla. Kinailangan pa naming magsuot ng sunglasses dahil sa sobrang liwanag ng paligid. Ang tagal ko ring nakulong sa bahay kaya pakiramdam ko ay hindi kaya ng mata ko ang sobrang linaw ng isla na ‘to.
Asul na asul ang tubig kaya halos kita ko na ang ilalim ng dagat kahit noong nakasakay pa lang kami sa private yacht namin. Maganda rin ang panahon at asul na asul ang langit. Para tuloy magkarugtong ang dagat at langit dahil sa kulay nila.
“Sorry, girls,” ani Chanel habang dala-dala ang bagahe niya. “I think this is where we part ways. I’ll enjoy my vacation, you enjoy yours. Ciao!”
Pipigilan ko na sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Napangiti na lang ako habang pinanonood siyang rumampa papunta sa tutuluyan namin.
Siguro nga ay maganda na rin ‘to. Ilang taon na kaming magkakasama at halos lahat ng gawin ng isa ay ginagawa ng lahat. There’s nothing wrong about doing something on our own. Minsan kasi ay nakakaumay rin talaga ang pagmumukha ng mga kakambal ko.
Hinarap ko si Leigh na katatapos lang kunin ang bagahe. “What about you?” tanong ko.
“I’m going to the spa. You?”
“I’m definitely going swimming. Enjoy!”
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nauna na sa cabin namin. Tiyak ay kung nasaan na si Chanel ngayon at nagba-vlog.
But it’s not the time to worry about her. Mamaya ko na siya pagti-trip-an dahil hindi lang iyon ang pinunta ko rito. I need to enjoy this! Minsan lang kami makapunta sa isla na ‘to at minsan lang din kami mag-travel nang ganito kalayo.
Suot ang pula kong two-piece bikini ay lumabas ako ng cabin. Suot ko rin ang straw-hat ko na medyo hinahangin kaya kinailangan ko pang hawakan. Inayos ko ang sunglasses ko bago nagtungo sa dagat. And when my feet touched the cold water, I can’t help but sigh.
It’s been a while since I’ve gone to a beach. Bukod sa busy kami sa school ay hindi naman kami talaga mahilig magpunta sa beach. We prefer hiking on our vacation. Kaya naman sobrang na-excite kami sa gift ni dad.
May mga beach din naman sa Canada pero iba pa rin kapag nalalayo sa lugar kung saan kami lumaki. At isa pa, umay na rin kami sa simoy ng hangin doon. Gusto namin ng bagong atmosphere at bagong hangin na malalanghap.
Halos buong maghapon yata akong nagbabad sa ilalim ng araw. Hindi masakit sa balat ang araw pero hindi ko pa rin sinagad at baka magka-skin cancer pa ako. But with just that, halos pansin ko agad na nag-tan ang balat ko.
Nang matapos ako ay tumayo na ako at naglakad pabalik sa cabin. Bigla akong nagutom at hindi sapat itong dala ko. I also need to see what happened to my twins lalo na si Chanel. Baka mamaya ay kung saan-saan na ‘yon nagpunta and worse, baka lasing na. She’s prone to accidents and unexpected incidents. Baka may makaaway pa siya rito.
On my way to the cabin, I stopped on my track when a guy pointed at my face. “You!” he exclaimed.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakaturo sa sarili ko. “Me? What about me?”
Nagmartsa siya palapit sa ‘kin at pansin kong medyo hindi maganda ang mood niya. Nakakunot ang noo niya sa ‘kin at kulang na lang ay umusok ang ilong niya dahil sa galit sa ‘kin. I don’t even know him!
“Acting like you don’t know me, huh?” He smirked. “After what you did at the bar, there’s no way you would forget about me. You embarrassed me in front of everyone!” Nang makalapit siya sa ‘kin ay napatingala ako dahil sa sobrang tangkad niya. I think he’s about six feet. I’m not small, but he’s still hovering over me.
Napakurap pa ako sa pag-aakusa ng lalaking ‘to na ngayon ko lang naman nakita. “Excuse me? Do I know you? And F.Y.I., I haven’t gone to the bar ever since I stepped foot on this island. Maybe you mistook me for someone else. You know, I have–“
“Don’t lie, young lady,” he cut me off. “What happened at the bar is something no one can forget. And there’s no use lying that you can’t remember. I know people like you.”
This time, ako naman ang halos umusok ang ilong dahil sa kaniya. “Really? What kind of person I am, then?”
He smirked again. “Gold diggers.”
Before I could even react, the guy was already lying on the floor. Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa gulat at pagkalito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. But one this is for sure, what he said hurt like hell. Kahit na alam ko sa sarili kong hindi naman ako isang gold digger ay ang sakit pa rin sa kalooban.
No one has said those words to me before.
Chapter 6
Chantria
Ilang segundo bago ko mapagtanto kung ano ang nangyayari. Carleigh was already beating up the guy who called me a gold digger. May mangilan-ngilan nang nanonood sa kanila ngunit wala ni isa ang umaawat.
That was my cue to stop my twin before she could kill this man. Kailangan niyang matutunan kung paano kontrolin ang galit niya when it comes to me and Chanel. Matagal ko na ‘tong napapansin pero hindi ko lang pinagtutuunan ng pansin noon. But she tends to be reckless when it comes to us.
Sa tuwing may nambu-bully sa ‘min ay lagi siyang to the rescue. Dati naman ay hindi siya bayolente. Nitong mga nakaraan ko lang napansin na halos lahat ng patungkol sa ‘min ay ginagamitan niya ng pisikal. And I know, this isn’t good.
“Leigh, stop it! Baka mapatay mo ‘yan.” I held her fist before it could land on the guy’s face again. Sayang. Gwapo pa naman ang isang ‘to at mestiso. Kitang-kita tuloy ang dugo sa pisngi at labi niya. But it’s his fault anyway for calling me that no matter the reason.
Nilayo ko na si Carleigh sa lalaki at hinayaan ang ibang tao na tulungan siya. Hinawakan ko ang dalawang pisngi ni Carleigh at tinitigan siya sa nag-aalab niyang mga mata. Ayaw pa niya sanang alisin ang masamang tingin sa lalaki kung hindi lang dahil sa ‘kin.
“Leigh, look at me.” Tinuloy ko ang pagsasalita nang tumingin na siya sa ‘kin. “I’m okay. Nothing happened to me. He just called me a gold digger, so no need to kill a guy for that. You need to calm down.”
Her breath was shaky. “Calm down? He f-cking called my twin a gold digger. No one calls my twin a gold digger! I won’t let anyone.”
“I know. I understand.” Inutusan ko siyang gayahin ako at nagsimula kaming huminga nang malalim hanggang sa alam kong kumalma na siya kahit papaano.
This is a rare scenario where our saintly sister gets mad. Most of the time, siya ang pinaka-compose sa ‘ming tatlo. And I hate when these things happen. Ayoko makitang nagagalit siya nang ganito. Not just because gusto niyang maging pulis at hindi siya dapat manakit ng ibang tao basta-basta. Siguro isa na ‘yon sa mga dahilan. Pero ayokong magkaroon din siya ng anger management dahil alam kong mahirap.
This started when mom died. Sobrang paborito siya ng mga tita ko noong mga bata pa kami dahil mabait siya, tahimik at matalino. Pero nang mawala si mom, madalas nang uminit ang ulo niya. Mostly kapag naaagrabyado kaming dalawa ni Chanel.
Kaming tatlo at si dad na lang ang magkakasama kaya naiintindihan kong gusto niya lang kaming protektahan. Pero habang tumatagal, ayoko na sa mga nangyayari. I don’t want her to solve everything using violence. As the eldest, I want to stop this from worsening. And I have to.
“Let’s go back to the cabin now, okay?” sabi ko. “Then, I’ll look for Chanel. Kailangan na nating magpahinga. We’re here to enjoy, not to stress ourselves out.”
Nakahinga ako nang maluwag nang masiguro kong kumalma na siya. Hindi na niya ulit tinapunan ng tingin ang lalaki, which is good dahil baka uminit na naman ang ulo niya. I didn’t bother looking at the guy as well. I have to admit that what he said pissed me off too. Kung hindi dahil sa nangyari ay baka nagbabangayan pa rin kami nitong lalaki. I’m just not the violent type.
Hindi ko siya kilala at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa ‘kin. Kung may tao mang nakagawa sa kaniya ng hindi maganda, hindi solusyon ang bigla na lang magsasabi ng kung ano-ano nang walang proweba. Ni hindi niya pinakinggan ang eksplanasyon ko.
Anyway, sana lang talaga ay hindi ko na makita ang lalaking ‘yon ulit lalo na ni Carleigh. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari kung nagkataon.
Napairap na lang ako sa kawalan nang makita si Chanel na susuray-suray na naman sa isang bar. I don’t know what I’m going to do with this girl. Baka paglaki niya ay puro inom na lang talaga ang gawin niya. Nagpapasalamat na lang ako ngayon dahil hindi siya napapaaway dahil sa ginagawa niya. I heard drunken people tend to pick fights most of the time.
“Chanel!” I shouted through the loud noise. “Let’s go back to the cabin. Carleigh’s already there!”
“I’m not done drinking yet. You go back first!” she shouted back.
“It’s dinner time, Chanel. Come on! Did you at least eat something before drinking?”
“I did!” She stopped for a while. “Did I?”
Napairap ulit ako nang tumawa siya nang malakas dahil sa sinabi niya. She’s really drunk. Ayokong dumagdag sa init ng ulo ni Carleigh kaya kailangan ko siyang maibalik sa cabin. Dahil kapag may ginawa si Chanel na hindi nagustuhan ni Leigh matapos ang nangyari, ayoko na lang isipin kung ano ang pwedeng mangyari.
“Are you going to go back to the cabin or I’ll ask Carleigh to pick you up?”
And yhup, that was the cue. Dahil doon ay napanguso na lang siya bago nagpaalam sa mga bago niyang kaibigan. Some of them are drunk too, but some are still sober. Mukhang mababait naman ang mga foreigner na ‘to pero ayokong sumugal. I need to get my twin back to our room.
Sinukbit ko ang braso ni Chanel sa balikat ko bago namin tinahak ang daan pabalik. Kung ano-ano na ang kinukwento niya sa ‘kin tungkol sa nangyari sa araw niya pero tanging pag-inom niya lang ang naintindihan ko. Bukod sa hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi niya ay naka-focus lang ako sa paglalakad nang hindi kami madapa pareho.
Napahinto ako sa paglalakad nang muli kong makita ang lalaking tumawag sa ‘kin kanina ng gold digger. He was tending to his wound while walking towards us. At hindi naman nagtagal ay napatingin na rin siya sa ‘min bago napahinto.
Noong una ay kumunot na naman ang noo niya at mukhang galit na naman. Ngunit nang makita niya si Chanel na akay-akay ko ay nawala ang pagkakakunot n’on at napalitan ng pag-awang ng mga labi. I don’t know what’s up with this guy, but I don’t care about him now. Pero sa oras na komprontahin na naman niya ako ay hindi na ako papatalo. Baka ako na ang bumugbog sa kaniya.
Charot.
Hindi naman ako magaling sumuntok. Baka ako lang masaktan kapag ginawa ko ‘yon. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay ang tumakbo palayo.
“F-ck, Chanel! Huwag ka ngang malikot. Akala mo ang gaan-gaan mo, ‘no?” I exclaimed.
“I am! I’m on a diet since birth.” She snorted before laughing out loud.
And sarap talagang kutusan ng babaitang ‘to minsan. Actually, lagi naman. Simula pagkabata ay ako na talaga ang madalas niyang trip at ganoon naman ako sa kaniya. Kaya quits lang din. Pero minsan talaga ay hindi ko maintindihan kung paano mag-function ang utak niya.
Hinagis ko siya sa kama niya bago nag-stretch ng balikat. Hindi ako nagsisinungaling nang sabihin kong ang bigat niya. Mas matangkad siya sa ‘kin ng ilang inches at medyo mas may laman siya. Sa ‘ming tatlo kasi ay ako ang pinakamaliit at pinakapayat.
I’m not too thin. Sadyang mas may laman lang talaga sila. Sa height naman, ayoko na lang talaga magsalita dahil parang kinulang ako sa lahat. Pati yata utak ay napag-iwanan na rin ako.
Chapter 7
ChantriaOn our second day, magkakasama kaming tatlo na nagtampisaw sa tubig. Noong una ay wala naman talagang balak lumusong si Carleigh pero hindi pwede. We're here to enjoy, not to sulk. Kaya naman nang hitakin namin siya ay wala na siyang nagawa.
"What?” Chanel exclaimed. “Carleigh beat someone last night! What happened?” Nagpapatuyo siya ng buhok habang nakaupo sa ilalim ng payong matapos naming magtampisaw.
“Yhup! If it wasn’t for me, the guy might be dead by now.” Nagkibit-balikat pa ako na para bang wala lang iyong nangyari. Kung kahapon ay inis na inis ako, ngayon naman ay wala lang para sa ‘kin. Alam ko naman kasi sa sarili kong hindi ako isang gold digger.
“Wait! Why? Did he hit on you or something? Tell me everything.”
Naupo ako sa gitna nina Chanel at Carleigh bago nagsimulang magkwento. “That guy marched in my direction, fuming mad, and accused me of something I didn't even do. I don’t even know who he is! And I guess what triggered Carleigh was when he called me a gold digger.”
“What?! He did?” Chanel looked at Carleigh. “Good job, Leigh. That guy deserved it! No one calls you two inappropriate names. And gold digger? Really? You should have slapped him with your money.”
“I don’t have money, Chanel. Dad has. But well, I was too stunned at that time. He didn’t even let me explain. He was too mad to listen to anyone.”
“What did he say? Is he drunk?”
Uminom ako sa baso ng juice ko bago sumagot. “He’s not drunk. But he keeps on saying how I embarrassed him at the bar. When I told him that I don’t know what he was talking about and I didn’t even go there, he accused me of lying. The hell, right?”
Nang hindi sumagot o nagsalita man lang si Chanel ay napatingin ako sa kaniya. Nakaawang ang mga labi niya at napakagat sa ibabang labi na para bang may napagtanto.
“What?” tanong ko.
“I… ahm… I guess I owe you an apology.” She bit her lower lip before she grimaced. “It’s my fault. I’m so sorry!” Pinagdikit niya ang mga palad habang nakapikit.
That’s when it hit me. “You’re the one who embarrassed him, didn't you?!” Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto. Bakit hindi ko agad naisip na posible ‘yon?
Tumango siya habang magkadikit pa rin ang mga palad. Pero hindi niya ako madadala sa pagpapaawa niya. I knew one day that this would happen. Alam kong mapapahamak ako dahil sa kagagawan niya. It’s not too dangerous, I know, but it might happen again in the future. Hindi malayong mangyari ‘yon and something worse might happen.
“He f-cking called me a gold digger, Chanel! Kung hindi dahil kay Carleigh ay baka kung ano na ang ginawa sa 'kin ng lalaking ‘yon. Paano kung masama pala siyang tao at balak niya akong saktan?”
“I said I was sorry! Don’t speak in Filipino too fast, please. I can’t follow.”
Mariin akong pumikit at huminga nang malalim. Kailangan kong maging kalmado sa mga ganitong pagkakataon. But that doesn’t mean I’ll let go of what she did.
“Okay. Listen, Chanel. I know that you’re still young. The three of us are. You want to do what you want no matter how reckless they are sometimes. But please, bear in mind that other people might get hurt because of it. Not just with me or with Carleigh, but with other people as well. Dad could get hurt too, especially when we go out there and introduce ourselves as his daughters.”
Habang pinangangaralan ko siya ay nakayuko lang siya sa harap ko. Carleigh is the one who usually does this, pero I think ako dapat ang mangaral sa kaniya tungkol dito. Bukod sa ako ang nadamay ay ako rin ang panganay.
“I’m really sorry. It was an accident, really,” she explained. “I accused him of being a pervert when he accidentally touched my butt. And when I confirmed that it was indeed an accident, I didn’t want to embarrass myself, so I told my friends that he groped me. The bouncer kicked him out and people are already looking at him weirdly. I can’t blame him for that.”
Napabuntonghininga ako. “Well, what’s done is done. You apologize, and I accept. The guy is at fault too since he bombarded me with an accusation without confirming it. But we can’t blame it on the guy alone since he doesn’t know you have a twin and two twins at that.”
“Let it go.” Sabay kaming napatingin kay Carleigh nang magsalita siya. “Whether he knows or not about the two of us, he doesn’t have the right to call anyone he just met names. I don’t feel sorry for what I did to him.”
Nagkibit-balikat na lang ako. Wala naman kaming magagawa kung ganiyan talaga ang nararamdaman niya tungkol sa nangyari. I guess I just have to pray that we won’t see that guy again. Ayoko na rin lumaki ang gulo kung sakali.
“Like what you said,” pagpapatuloy ni Leigh, “we need to enjoy this vacation. Forget about that guy. Kung manggulo pa rin siya sa ‘tin pagkatapos nito, I’m going to sue him.”
The rest of the day went well. Hindi namin nakita ulit ang lalaking ‘yon, thankfully. Mukhang nakaalis na siya dahil naglibot kami kanina sa isla ngunit wala kaming nakita. Kaya naman sobrang na-enjoy namin ang lahat ng activities na mayroon dito.
And on our last day, nag-stay kami sa spa para makapag-relax matapos ang pamamasyal namin nang buong araw. Sobrang sarap sa pakiramdam na halos makatulog ako. Samantalang si Chanel naman ay naghihilik pa. Kahit kailan talaga ang babaeng ‘to.
Chanel groaned. “Time is so fast here! Our vacation’s already over. Can’t we have an extension, please?” she asked particularly no one.
I couldn’t agree more. Honestly, nabitin din talaga ako sa bakasyon na ‘to. To think na babalik na naman kami sa normal na buhay namin, which is bahay-school lang din naman, ay para bang gusto kong bumalik at tumalon ulit sa dagat. Parang pumikit lang ako rito nang ilang segundo at ngayon ay gising na naman ako sa katotohanan.
Nagpatuloy si Chanel sa pagrereklamo hanggang sa makasakay kami ng eroplano. Mabuti na lang at si Carleigh ang katabi niya ngayon dahil baka mabatukan ko siya sa pag-iingay niya. Bukod sa sobrang nag-enjoy ako sa tatlong araw na ‘yon ay sobrang napagod rin talaga ako. Kahit papaano naman ay may maibabaon akong magandang alaala mula sa trip na ‘to. Napapaisip na lang ako kung kailan ang sunod naming bakasyon gaya nito.
Magiging busy na ako sa pagtatapos ng kolehiyo habang mina-manage ang company na ipamamana sa ‘kin ni dad. Si Carleigh naman ay tiyak mag-aaral na sa Maryland kaya malalayo siya sa ‘min. Samantalang si Chanel naman ay magkokolehiyo rin kung saan ako nag-aaral.
Siya na naman ang makakasama ko ng ilang taon. Ilang taon na naman kaming maglolokohang dalawa. Sa pagkakaalam ko ay kukuha siya ng kung anong kurso patungkol sa fashion. Wala naman akong alam tungkol sa kung ano ‘yon kaya hindi na lang ako nagtanong. Saka ko na lang siya uusisain kapag naroon na kami sa university. Mas maiintindihan ko ‘yon kapag nakita ko na kung ano talaga ang aktwal na ginagawa nila.
Sinundo kami ng private car ni dad pero hindi siya kasama. Mukhang busy na naman siya, as usual. Minsan ay nakakatampo na lang talaga.
“Hindi na naman natin na-celebrate ang birthday natin kasama si dad,” sabi ko habang nakanguso at nakapangalumbaba sa bintana. Pinanonood ko ang gusaling nadaraanan namin na hindi pa pamilyar sa ‘kin. Medyo malayo pa kasi kami sa syudad kung saan kami nakatira.
"I know, right? He hasn’t spent our birthdays with us ever since mom left. He always sends us gifts, but you know, it’s still different when he’s with us physically.”
“Dad’s just busy,” Carleigh interrupted. “You know that this is the only way dad can cope with his loneliness ever since mom died. Let’s give him what he wants. I know, for sure, that he’ll invite us when he’s ready.”
“Right!” Chanel beamed. “We all have the time in the worl–“
Chanel’s voice was suddenly muted, and everything spun around me. Agad akong napahawak sa ulo ko upang protektahan iyon ngunit ramdam kong tumama pa rin ito sa may bintana ng sasakyan. Napapikit na lang ako at hinintay matapos ang pag-ikot ng mundo.
And suddenly, I feel hot. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, but I was conscious. Pilit kong dinilat ang mga mata ko para lang makita ang isang senaryong ayaw na ayaw.
Chanel and Carleigh were lying on the ground like I do. Nasa ilalim kaming tatlo ng nakatumbang at umuusok na sasakyan. Duguan pareho ang kanilang mga mukha, and I felt something trickling down my own cheeks.
That’s when I realized it was my blood.
Chapter 8
ChantriaNapadilat ako nang maramdamang may tumatapik sa pisngi ko. Dahan-dahan ang naging pagdilat ko hanggang sa maaninaw ko ang nag-aalalang mukha ni Carleigh. Nang ilibot ko ang tingin sa paligid ay roon ko napagtantong hindi iyon isang panaginip.
Nasa labas na ako ng nakataob na sasakyan habang si Carleigh naman ay pilit hinihila palabas si Chanel na wala pa ring malay hanggang ngayon. Doon ko naramdaman ang sakit sa buong katawan ko. Ni hindi ko alam kung ano ang parting masakit dahil pakiramdam ko ay may sugat ako sa buong katawan.
Sinubukan kong tumayo ngunit sumigaw lang ang katawan ko dahil sa sobrang sakit kaya muli akong napahiga sa damuhan. In-adjust ko ang paningin ko dahil wala na iyon sa pokus. Nanlalabo na rin ito at para bang ilang segundo lang ay mawawalan na naman ako ng malay.
Honestly, gusto ko na lang pumikit at matulog dahil sa sobrang bigat ng katawan ko. But I know that I shouldn’t. Something’s wrong. I can feel it. Iyong tingin pa lang kanina ni Carleigh sa ‘kin ay alam kong may nangyayaring hindi maganda.
“Wake up, Chantria,” ani Carleigh. Nababakas ko ang pagod at sakit sa tono ng pananalita niya ngunit hindi niya ininda. “We need to get out of here. We’re not safe here anymore.”
“Anong nangyayari? Hindi ito ang daan pauwi sa bahay natin.”
“I know.” Napatingin siya sa gawi ng driver na ngayon ay wala ring malay. “I didn’t have a choice.”
Noong una ay hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin, ngunit nang mapagtanto kong wala ng buhay ang driver ay unti-unting binundol ng kaba ang dibdib ko.
“Someone’s after our lives, isn’t it?” paghingi ko ng kumpirmasyon. At nang hindi siya sumagot ay alam kong iyon ang paraan niya upang sabihin sa ‘king tama ang hinala ko.
Sinubukan naming gisingin si Chanel na siya namang dumilat. Ngunit kumpara sa ‘min ni Carleigh ay wala talaga siya sa sarili para maglakad mag-isa. Wala na kaming nagawa kung hindi ang akayin siya paalis sa lugar na ‘yon.
Nagtago kami sa isang madamong parte ng lugar na ito nang nagpaalam si Carleigh.
“Don’t go,” pagpigil ko sa kaniya. “Baka mamaya ay narito na pala sila para patayin tayo. We need to stick together!”
“Babalik ako agad. I promise.”
Nagdadalawang isip pa rin ako sa pag-alis niya pero wala na akong nagawa. Tumakbo siya pabalik sa kinaroroonan ng sasakyan namin habang napadasal na lang ako para sa kaligtasan niya. I can’t leave Chanel alone here lalo na at nawalan na naman siya ng malay.
Wala siyang malalim na sugat pero may mga galos siya sa katawan. Ang kinatatakot ko ay baka mayroon siyang sugat sa loob na hindi nakikita ng normal na mga mata lang. We need to go to the hospital as soon as possible.
Napatili ako nang biglang may sumabog sa hindi kalayuan. Napahawak ako sa bibig ko nang mapagtantong ang pagsabog na 'yon ay nanggaling sa sasakyan namin. Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa dereksyong iyon, nagbabaka sakaling makikita ko si Carleigh.
Halos mapatakbo naman ako sa dereksyon niya nang makita ko siyang patungo sa kinaroroonan namin.
“What happened?” tanong ko. “What was that explosion? Nasaktan ka ba?”
Agad siyang umiling. “I set the car on fire, so we need to get out of here before they see us.”
“They? Who are they? Is someone trying to kill us?”
Tinulungan ko siya sa pag-akay kay Chanel paalis sa lugar na ‘yon. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya habang deretso lang ang tingin sa daan. “Someone is trying to kill you, Chantria. It seems like they already know who’s going to inherit dad’s business and they’re already making their move.”
I involuntarily gulped. Walang ibang nasa isip ko kung hindi ang maaaring mangyari sa ‘min, sa ‘kin, sa mga oras na ‘to. Ni hindi pa nga tuluyang napoproseso ng utak ko ang nangyari sa ‘min kanina. Maliban sa sakit ng katawan ko ay para bang nasa panaginip lang ako.
Everything feels surreal. Para akong nasa panaginip at pinanonood ang sarili ko at ang mga nangyayari sa paligid. Ni hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon. Hinahayaan ko lang si Carleigh na igaya kaming dalawa ni Chanel sa ligtas na lugar.
O kung may ligtas pa nga bang lugar para sa ‘kin.
Nang marinig ko ang mahinang pagmura ni Carleigh ay roon lang ako bumalik sa reyalidad. Sa harapan namin ay ang kalsada. Doon ko lang napagtantong kanina pa kami naglalakad sa madamo at mapunong lugar na ito.
“What is it?” tanong ko. Hindi ko alam kung bakit siya napamura dahil wala naman akong nakikitang kahit na sino sa paligid. Pakiramdam ko ay kahit anong lumitaw sa harap ko ngayon ay ikatatakot ko na. Hindi ko na alam kung ano ang pwedeng mangyari.
“It’s a road. We need to look for another way to sneak out. Baka may nag-aabang sa ‘tin sa daan na ‘yan.”
We took the long path. Kahit na humihiyaw na ang katawan ko sa sobrang sakit ay hindi ko ininda ‘yon. Kailangan kong sundin ang sinasabi ni Carleigh. She knows what to do in times like this. She’s not taking up criminology for nothing. Bukod sa pisikal na lakas ay matalino siya. She can solve difficult puzzles like this.
Normally, I can, too. Pero dahil sa sobrang windang ko dahil sa kaligtasan naming tatlo ay ayaw na talagang gumana ng utak ko. Kahit na sinabi niyang ako ang pakay ng kung sino man ang may pakanan nito ay nag-aalala pa rin ako para sa kanilang dalawa. Pwede silang madamay rito.
Halos mapahiyaw ako sa tuwa nang makakita kami ng isang abandunadong gusali. Hindi ito kalakihan at medyo paguho na ang kalahating parte. Ngunit dahil dumidilim na rin ay nagpapasalamat na lang ako at nakita namin ‘to. Hindi magiging maganda kung patuloy kaming maglalakad sa dilim nang ganito ang lagay.
“Bantayan mo si Chanel,” utos niya. “Kailangan natin ng gamot para sa mga sugat natin. Huwag na huwag kang aalis dito. Huwag ka ring sasagot sa kahit sinong dumating maliban sa ‘kin. Okay?”
“Bakit hindi na lang tayo magpunta ng hospital? It’ll be safer.”
Agad siyang umiling. “Tiyak akong nasa malapit lang sila. I need to call dad or Joaquin who can help us. Maliban sa kanila, wala na akong ibang pinagkakatiwalaan. Just listen to me, okay? I’ll not let anything hurt you two.”
Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. I know that I need to be strong in times like this. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit gusto ko na lang umiyak. If not for Carleigh, baka puro iyak lang ang gawin ko hanggang sa makita ako ng mga taong gusting pumatay sa ‘kin.
Nang kumalma ako ay sinuri ko ang lagay ni Chanel. Wala pa rin siyang malay. May ilan siyang mga sugat at galos sa katawan pero wala naman siyang malalim na sugat. Pakiramdam ko ay dahil din sa bigla kaya wala pa rin siyang malay.
Bukod sa masakit ang buo kong katawan ay wala rin akong malalim na sugat. Wala naman akong ibang magawa kung hindi ang hintayin si Carleigh para magamot namin ang mga ito.
I feel so weak and useless right now. Wala akong magawa kung hindi ang ngumawa. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Gusto kong sigawan ang sarili ko kung wala lang kami sa ganitong kalagayan.
Napatingin ako sa labas nang makaranig nang kaluskos. I peeked a little, cautious. Baka gaya ng sabi ni Carleigh ay narito na sila para hanapin ako at kumpirmahing patay na. I don’t know who they are, but I won’t trust anyone but my twins and dad right now. Kung bakit kasi wala sa ‘kin ang phone ko ngayon kung kailan kailangang-kailangan ko.
“It’s me,” ani Carleigh bago lumitaw mula sa madilim na bahagi ng gusali.
Nakahinga ako nang maluwag. “Let’s clean Chanel’s wounds first.”
Mabilis namin siyang ginamot bago ang mga sarili namin. Bukod sa mga gamot ay may dala rin siyang mga pagkain at inumin. Nang tingnan ko siya ay may hawak na siyang cellphone at patuloy sa pagtipa. Mukhang may tinatawagan siya ngunit wala namang sumasagot. Muntik na niyang maihagis iyon kung hindi ko lang pinigilan.
“Baka wala lang signal sa parte na ‘to,” sabi ko. “Bukas na bukas, kailangan nating umalis dito dahil baka mahanap nila tayo. Tiyak na makakahanap din tayo ng signal. Let’s just pray that we’ll find it sooner than those guys.”
Kumuyom ang kamao niya habang sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ngunit isang kaluskos ang muling nagpabalik sa bilis ng tibok ng puso ko.
Chapter 9
Chantria“Run!” sigaw ni Carleigh bago may hinugot sa tagiliran at nagpaulan ng putok ng baril.
Napatili na lang ako bago tinakpan ang mga tainga ko. Inakay ko si Chanel kahit na sobrang bigat niya.
Tama pala sila. Iba talaga kapag adrenaline na ang pinag-uusapan. Kahit isang malaking refrigerator pa ang buhatin ay kakayanin mo. I didn’t know that with my small built ay makakaya kong buhatin si Chanel na halos ilang pulgada rin ang tangkad sa ‘kin.
I could hear the reverberating of the gun around me. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang namamaril. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong makaalis doon kasama si Chanel. I also wanted to drag Carleigh out of there, but I know that I can’t. Alam ko kung gaano katigas ang bungo ng kakambal ko.
Hindi ko namalayang katabi ko na pala si Carleigh at tinutulungan akong buhatin si Chanel. Sa sobrang kaba ko ay tanging daan na lang ang nakikita ko.
“I need you to get out of here, Chan,” ani niya. “Take Chanel with you. Sa dulo ng daan na ‘to naghihintay si Joaquin kasama ang mga guard. They should probably be marching their way here. Gagawin ko ang makakaya ko para ma-divert ang attention nila for the time being.”
Agad akong tumutol. “I think that’s not a good idea.”
Napakagat siya sa ibabang labi. “I know. But I have to. Kung hindi ko ‘to gagawin ay mamamatay tayong lahat dito.”
“What if you die?” Halos mapahikbing ako sa sarili kong tanong.
“I won’t die so easily, Chantria. Matagal mamatay ang masasamang damo. You know that.”
Kung normal na pagkakataon lang ito ay baka tinawanan ko siya at sumang-ayon. Kaya lang ay hindi ko magawa. She’s sacrificing herself for our safety. Alam kong mas malaki ang chance na makabalik nang ligtas si Carleigh kumpara sa ‘kin, pero hindi pa rin ako mapakali dahil alam kong mapanganib talaga ang balak niyang puntahan.
There’s f-cking guns out there! Hindi siya isang walking bulletproof human para makipaglaban sa kanila nang harap-harapan. She’s still a human like us. Kahit gaano siya kagaling humawak ng baril, kung magaling din ang makahaharap niya ay wala pa rin siyang kawala.
I’ve seen her shoot a gun. Madalas kami sa shooting range kasama si Chanel. Our dad insisted that we learn how to hold and fire it for our safety. Carleigh was a natural at it. I was okay and Chanel hated it. Pero hindi ko alam na magiging malaking tulong pala ‘yon sa mga ganitong sitwasyon.
I should have taken that lesson seriously. Ni hindi ko naisip na mangyayari ‘to. Now I know what dad meant about learning how to protect ourselves. Masyado kami nasanay na may ibang pumoprotekta sa ‘min, not thinking that this would happen.
Pero wala nang magagawa ang pagsisisi ngayon. Narito na kami. That driver must have been an enemy. That’s why Carleigh killed him. It was self defense. Kung paano siya nakalusot as our driver, I don’t know.
Gaya ng sabi ni Carleigh ay natanaw ko na ang ilang armadong mga guard ni dad. Noong una ay napahinto at napaatras pa ako, thinking that they were enemies. Pero nang makita ko si Joaquin na pinangungunahan ang grupo ay nakahinga ako nang maluwag.
I trust him as much as I trust dad. He was with us ever since we were kids. Noon ay naglalaro pa kaming apat ng habulan. Ngayon ay hindi ko na siya makilala.
“Chantria!” he called.
Para siyang kidlat na mabilis tumakbo sa dereksyon namin. Tinulungan niya akong buhatin si Chanel samantalang ang mga gwardiya naman ay pinalibutan kami. Para silang mga agila na nakamasid sa paligid. Kaunting maling galaw ay bubulagta ang sinumang makita nilang hindi pamilyar.
“Where the hell is Carleigh?” bulalas na tanong niya. Nakakunot na naman ang noo niya gaya ng dati. Nakaka-miss tuloy makita iyong masayahing Joaquin.
“Nagpaiwan siya. She said she’s going to divert the enemy’s attention, or the enemies.”
“That idiot,” dinig kong bulong niya.
Hindi ko na narinig pa ang sunod niyang sinabi dahil pinasok na niya kami sa loob ng van na pagmamay-ari ni dad. May ilang mga gwardiya ang naiwan doon sa loob at miski ang driver ay armado. Doon ko napagtanto kung gaano kapanganib ang kinalalagyan namin ngayon. Mas lalo akong nag-alala kay Carleigh.
“Take them back to the mansion,” utos ni Joaquin sa driver.
Agad akong umapila. “No! We need to wait for Carleigh. Hindi natin siya pwedeng iwan dito.”
“Your safety is our priority, Yvonne. Ako na ang bahala kay Carleigh. I won’t let anything, or anyone hurt her.”
And I know that he won’t let anyone. He loves Carleigh as much as he loves Chanel and me. Pero kahit na ganoon ay nag-aalala pa rin ako. Hangga’t hindi ko nakikitang ligtas si Carleigh ay hindi matatahimik ang loob ko.
“Anong nangyayari?”
Sabay kaming napatingin ni Joaquin nang marinig ang boses ni Chanel. Nakahawak siya sa sentido niya at litong nililibot ang tingin sa paligid.
“You’re awake.” Agad ko siyang dinaluhan. “We need to leave here. We’re not safe anymore.”
“What about Carleigh? Where is she?” Napansin ko agad ang pagpa-panic niya nang hindi makita si Leigh.
“I’m going to go get her,” sagot ni Joaquin.
Bago pa man siya makatalikod upang umalis ay narinig na namin ang sigaw ng isa sa mga gwardiya. Noong una ay hindi ko naiintindihan pero nang makita ko ang isa sa kanilang tumatakbo sa dereksyon namin ay binundol ako ng kaba.
“Carleigh!” sabay na hiyaw namin ni Chanel.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang makita ko siyang tumatakbo sa likod ng gwardiyang iyon. Agad kong sinipat ang buong katawan niya at mukhang wala naman siyang sugat. Kahit iyon lang ay sobra na ang pasasalamat ko.
Napangiti ako dahil sa wakas ay makaaalis na kami sa mapanganib na lugar na ‘to. Muli akong sumigaw, “Carleigh, let’s go!”
Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi nang makita kami. Mabilis namang tumakbo si Joaquin palapit sa kaniya. Binuhay lang ng driver ang sasakyan para makaalis na kami rito.
Ngunit tumigil ang mundo ko nang marinig ang isang nakabibinging putok ng baril. Napatili kami ni Chanel at sabay na napatakip sa mga tainga dahil sa lakas nito. At that moment, we know that the enemies are near and we need to leave as soon as possible.
Pero nang ibalik ko ang tingin kay Carleigh ay halos nanlumo ako. Umawang ang bibig ko nang unti-unting bumagsak ang katawan niya. Kung hindi dahil kay Joaquin ay baka nakahandusay na siya sa lupa. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Ni hindi ko magawang sumigaw para tawagin ang kapatid ko. Samantalang humahagulgol na si Chanel sa tabi ko at sinusubukang lumabas.
The other two guards stopped us from getting out. Sinara ng isa sa kanila ang sasakyan na ikinabigla ko. Binalik ko ang tingin kina Joaquin na ngayon ay nakikipagpalitan na ng putok ng baril sa mga kalaban. Sinubukan ko ring lumabas sa van para puntahan si Carleigh pero masyadong malakas ang mga lalaking ‘to.
“Let go!” Sa wakas ay nagawa ko ring magsalita. “Carleigh… Carleigh’s shot! We need to go back. Please!”
“Kailangan ka naming dalhin sa ligtas na lugar, Ma’am Chantria,” ani isang lalaki. “Bilin ng Don Zima na iuwi ka nang ligtas.”
Nanlisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. “What about Carleigh? She’s out there. We need to help her!”
“Pakiusap, Ma’am. Naroon si Sir Joaquin para iligtas siya. Kapag bumalik tayo ay pati ang buhay niyo’y manganganib.”
Wala na akong nagawa dahil tuluyan nang nanghina ang katawan ko. He’s just too strong. Not to mention the pain that’s starting to resurface again. Tuluyan nang bumigay ang katawan ko at unti-unting nanlabo ang paningin.
Chapter 10
ChantriaUnti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nang makapag-adjust ang paningin ko ay saka ko nilibot ito sa paligid. Everything’s white and quiet. Ang tanging naririnig ko lang ay ang maingay na pag-beep ng isang makina.
Ilang beses ko na bang napanood ang ganitong senaryo sa isang pelikula? Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko na nakaka-bored na ang ganitong senaryo dahil paulit-ulit na lang? Hindi ko na maalala. At ito ako, tila isang bida sa isang pelikula. Isang pelikula na pinananalangin kong isang malaking panaginip na lang.
Tiningnan ko kung sino ang nasa katabing kama ko. Doon ko nakitang wala pa ring malay si Chanel. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng isang kwartong ‘to. Sinubukan kong tumingin sa kabilang banda ng kama ko, nagbabaka sakaling naroon si Carleigh.
Mabilis na tumulo ang luha ko. I don’t want to assume, but my tears won’t stop from falling. Hirap akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinanggal ang mga nakakabit na kung ano sa ‘kin. Agad kong tinakpan ang sugat na nanggaling sa IV bago sinubukang tumayo.
Tiningnan ko muna ang lagay ni Chanel bago ako naglakad palapit sa pinto. Ngunit bago pa man ako makalapit doon ay bumukas na iyon nang mag-isa. Nanlaki ang mga mata ng nars na pumasok at agad akong hinawakan sa braso upang ibalik sa higaan.
“Hindi ka pa dapat tumatayo, Ma’am. Nagdudugo ang braso niyo. Bakit niyo tinanggal?”
Pinigilan ko siya sa ginagawa niyang paghatak sa ‘kin pabalik. “Where’s my dad? I need to talk to him. Where’s Carleigh?”
“Tatawagin ko po ang daddy niyo at sasabihing gising ka na. Pero kailangan niyo po munang bumalik at kailangan niyo ng pahinga.”
Hindi na ako umangal dahil naramdaman kong muli ang panghihina ng katawan ko. Pinanood ko siyang kinabit ulit sa braso ko ang IV bago lumabas upang tawagin siguro si dad o ang doktor.
Waiting there was painful. Gustuhin ko mang lumabas ay ayaw ng katawan ko. Pakiramdam ko ay kapag tumayo ulit ako, bibigay na lang ‘to basta. I watched Chanel while I wait. I was afraid na kapag tinanggal ko ang tingin ko sa kaniya, pati siya ay mawawala bigla.
I’m so confused and scared right now. Everything that happened came back to me and it replayed like a broken record. Tinawag namin siya. Ngumiti pa siya habang tumatakbo papunta sa ‘min. We were about to leave. We were about to be safe. But then someone shot her.
I stopped myself from crying so hard. Hangga’t hindi ko naririnig na ayos lang si Carleigh ay ayokong mag-isip ng kung ano. I just need to see her. Maybe she’s just on the other room, resting. Baka ayaw niya lang maingayan sa ‘min ni Chanel kaya nakiusap siyang bumukod ng kwarto.
Agad lumipad ang tingin ko sa pinto nang pumasok si dad. Tumakbo siya sa gawi ko bago ako mahigpit na niyakap. Napahagulgol na lang ako nang maramdaman ang matigas niyang dibdib. Her arms wrapped around me felt safe and secure.
“Are you okay? Does it hurt somewhere? Do you want me to call the doctor?” sunod-sunod na tanong niya.
Agad akong umiling bago pinunasan ang luha sa mga pisngi ko. “No. I’m okay, dad. It doesn’t hurt anymore.”
“Good. That’s good.” Muli niya akong niyakap nang mahigpit habang hinihimas ang buhok ko.
“Dad,” tawag ko sa kaniya bago kumawala sa yakap niya. “Where’s Leigh? Where is she? Naiwan siya roon.” Humagulgol ako. “Dad, she was shot. Someone shot her! I need to know if she’s okay.” Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa patuloy kong pag-iyak. Kinakapos na rin ako ng hininga at nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha.
“Shh… don’t cry, Chantria. Don’t cry.”
“Dad, where’s Carleigh? I need to see her and know that she’s okay. I’m okay now. I’m not hurt.”
Nang hindi sumagot si dad ay hinanap ng mga mata ko ang kaniya. Pilit naman siyang umiiwas sa tingin ko kaya mas naging makulit ako.
“Dad, where is she? Why is she not here? Ayaw niya bang kasama kami ni Chanel dahil baka mag-ingay kami pagkagising namin? Tell me.”
Kinagat niya ang ibabang labi niya bago marahang pumikit. Nanginig din ang sulok ng kaniyang labi na para bang pinipigilan ang sarili. Pero dahil sa sobrang kulit ko ay wala rin siyang nagawa.
“I’m so sorry, Chantria. I am so sorry.” May luhang kumawala sa kaniyang mga mata, hindi pa rin makatingin sa ‘kin.
“What is it, Dad? Why are you apologizing? It’s not your fault. I was those guys’ fault. I just want to see Carleigh.”
Nang humagulgol siya ng iyak ay napatulala na lang ako. Dahan-dahan siyang dumausdos sa sahig hanggang sa makaluhod siya sa harap ko. It was like he was pleading for something. I’ve never heard or seen him cry like this. He didn’t cry this hard when mom died. He was a strong man. He doesn’t cry.
“I failed to protect her. I failed to protect you three and I am so sorry.”
Nanghina ang mga tuhod ko. Kung nakatayo lang ako ay baka kanina pa ako humandusay sa sahig gaya ni dad. Nakatulala lang ako habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko.
It can’t be.
That’s impossible.
“We rushed to the scene as fast as we can,” pagpapatuloy niya. “But I was too late. The enemy has already–“ Pumiyok siya. “–they already burned Joaquin and Carleigh alive. We couldn’t protect them. I couldn’t protect them. I am a failure of a husband. I am a failure of a father.”
Hindi ako nagsalita. I don’t know what to say. I want to blame him. I want to blame anyone for what happened. But I know whom I need to blame for all this.
Me.
I was not strong enough to protect anyone. I was the one at the scene. Hindi ko nagawang iligtas si Carleigh dahil mahina ako. All I did was cower in fear. And I can’t protect anyone in this state. I am the one to blame.
Hindi ko nagawang kumain sa mga susunod na araw kahit anong pilit ni dad. How can I eat after what happened? After what I’ve done? Even if I could, I won’t let myself eat. I need to punish myself. I deserve this.
Ilang araw ding walang malay si Chanel at binabantayan ko lang siya. I didn’t want to sleep and just watch over her. Sa gayong paraan ay malalaman kong ayos lang siya at walang ibang makapananakit sa kaniya.
As days go by, inaalala ko kung ano ang sasabihin ko kay Chanel. Just imagining her reaction to what happened to Carleigh makes me want to cry again. Tiyak akong hindi niya kakayain. Chanel adores and respects Leigh so much. She can’t possibly get over this quickly as she did with mom. She spent a lot of time with her.
But I don’t want to worry about that now. I just need to see her wake up. I need to see her alive and smiling again.
---
The next chapters are VIP. Avail now to continue reading.

