Chapter 1
Precious Song
Hoo! Nakatakas din sa wakas. Tumalon na ako sa bakod bago pa ako mahuli ng guards sa school namin.
Sumakay ako sa skate board at dumeretso ng Plaza. Buti na lang at may jogging pants ako na suot para hindi ako makitaan.
"Precious!" sigaw ni Charm, ang pinakamaingay na babae na nakilala ko sa tanang buhay ko.
"Anong ginagawa mo rito. Wala ka bang klase?" tanong ko sa kaniya nang hindi pa rin hinihinto ang skate board ko. Alam ko naman na susunod siya dahil dakilang buntot ko iyan.
"Wala kaming pasok at ikaw alam kong may klase kayo," sabi niya. Tiningnan niya ako nang may kahulugan. Sabi na nga ba wala akong maitatago sa babaeng 'to.
"Oo na, ano naman ngayon?" pagsusuplada ko sa kaniya. Sa tagal ba naman naming magkasamang dalawa hindi pa siya masanay sa akin?
"Hm. Nga pala may ipapakita ako sa 'yo." May nilabas siya sa bulsa niya at inabot sa 'kin.
"Ano namang gagawin ko rito?" tanong ko.
"Kainin mo Precious, kainin mo!"
Siya na nga may kailangan, siya pa 'tong may panahong mambara.
Aalis na sana ako nang pigilan niya at hawakan ang kamay ko.
Bumuntong-hininga ako bago sumagot, "Oo na nga." Binuksan ko na ang papel at binasa.
Are you good in Dancing? How about in singing?
Join now blah blah blah...
Binalik ko ang papel sa kaniya at dumeretsong Plaza. Nakakabored naman ang araw na 'to. Sana may mga naglalaro ngayon para may magawa ako. Wala rin naman ako gagawin mamaya pag-uwi.
"Ui, ano na?" Nakasunod na naman siya sakin at tumatakbo. Mabilis na kasi yung pagkakaandar ko ng skate board ko ngayon. Hindi ko alam kung ano na naman ang pinuputok ng butchi niya.
"Ano na naman ang kailangan mo?" Inis na t ko sa kanya.
"Ano nang sagot mo?" Tanong ko. Naiirita na kasi ako sa kanya, kanina pa siya sunod ng sunod.
"Ang sabi mo lang naman ay basahin, ayan na nga binasa ko na. Ano bang kailangan kong isagot?" Hindi pa rin ako humihinto at siya naman nakasunod lang.
"Hindi! Gusto kong sumali ka dun~" Malambing na sabi niya sakin sabay puppy eyes niya pa. Hindi naman niya ako madadaan sa pagpapa-cute niya.
Kahit aso nga ang nagpapa-cute sakin ini-snob ko lang, siya pa kaya?
"Baliw ka na. Bakit ko naman gagawin 'yun?" Tanong ko sa kanya. Alam naman niyang wala akong hilig sa ganun kaya hinding hindi ko 'yun gagawin noh!
"Please, para sakin?" Pinagdikit pa niya 'yung mga kamay niya habang naka-puppy eyes.
"Ayoko," simpleng sabi ko na lang, kahit anong gawin niya hindi ako sasali sa ganyan. Never!
Napatigil naman siya sa kakakulit sakin at parang may iniisip. Mukhang may binabalak ang isang 'to. Haist! Sana naman tigilan na niya ko sa mga kalokohan niya noh?
"Sige kung ayaw mo...sasabihin ko na lang kay Tita na madalas kang mag cutting." Napatigil naman ako sa pag skate board at lumapit sa kanya.
"Ano ba kasi!" Angal ko, ayoko nga sumasali sa ganun eh.
Wala naman akong talent sa mga ganyan at masyado akong tamad para pagbigyan siya sa kung ano mang iniisip niya.
"Sige, ikaw bahala pero sasabihin ko parin kay tita," sabi niya. Naglakad na siya paalis habang ako naman sinundan lang siya. Parang nagkabaliktad ah? Kainis!
"Sige na sige na papayag na nga eh," walang buhay na sabi ko sa kaniya. Wala naman akong magagawa. Kapag gusto niya ang isang bagay, gagawin na niya kung anong gusto niya.
"Yehey! Sige sasabihin ko na lang kung anong oras bukas!" Sabi niya lang at nagpaalam na pero pinigilan ko siya.
"Bukas agad?" Gulat na tanong ko. Literal pa na nanlaki ang mga mata ko. Hindi naman ako handa sa mga ganyan, baka mapahiya pa ako sa gagawin ko.
"Oo naman, tignan mo yung date, sige aalis na ko hihi," siguro sasabihin niya 'yan sa ate niya. Haist! Ano ba naman 'tong napasok ko oh. Kung hindi lang ako takot sa tita ko hindi ko naman 'to gagawin!
Ang tita ko kasi ang nagpaaral sakin nung elementary at ngayong High school na ako, ako na ang bahala. May sarili na rin akong bahay at mag-isa lang ako. Paglinisin mo na ako ng bahay 'wag lang ang pagluluto!
Laging deliver ang ulam ko at kung hindi naman dinadalan ako ni Charm pero madalas hinihila niya ako at kumakain kami sa labas.
Ayoko namang malaman ni tita 'yun dahil nakakahiya. Nakakainis naman kasi at si Charm pa ang madalas na makakita sakin.
Nangako kasi siya kay papa na siya ang bahala sakin kaya naman kailangan ko ring makisama sa kanya. Hayaan na nga lang natin iyon! Wala na ako sa mood para maglaro ng skateboard.
Kinabukasan~
Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng phone ko. Tinignan ko ang orasan pero 6 am palang naman. Ang pagkakaalala ko naman 8 ako nag alarm.
"Good Morning!!!" Napatayo ako sa pagkakahiga nung makita ang nakangiting mukha ni Charm. Nagulat ako sa pagpasok niya kaya napaupo na lang akong bigla. Anong ginagawa ng isang ito rito?
"Charm? Anong—?!" Hindi na niya ako pinatapos at pinakita sakin 'yung orasan pati 'yung papel kahapon.
"Tayo na! Baka malate ka pa." Tinulak na niya ako papuntang banyo habang ako naman si walang magawa. Ngayon na nga pala 'yung sa audition chuchu nayun. Haist !
Inayos ko na ang sarili ko at tiyaka lumabas. Nakita ko si Charm na naiinip na nakaupo sa kama ko.
"Ang tagal mo naming maligo," angal niya.
"Edi sana hindi mo na lang ako hinintay," sagot ko sa kanya. Nagbabakasakaling umalis na siya ng wala ako.
"'Yan ka na naman, tara na at hindi mo na mababago ang desisyon ko!"
"Sabi ko nga," nginitian niya lang ako ng nakakaasar. Sumunod na lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Hinayaan ko na lang siya hilahin ako papunta sa hindi ko alam na lugar.
Hindi ko siya pinapansin dahil alam kong alam niyang ayokong sumali sa ganun.
Pagdating naming tinulak niya ko sa loob. Napatingin sakin ang lahat dahil late na pala ako.
"Sorry po late kami!" Tinulak tulak niya ako at nag-sorry din ako. Pumila na ako kasama nung iba. Akala ko papanoorin pa ako ni Charm pero umalis na din siya at iniwan ako. Wala na akong nagawa kung hindi nakisabay na lang sa gagawin nila. Practice here practice there, 'yan lang ang ginawa namin.
Charm's POV
Umuwi muna ko dahil may irerequest sana ko kay Kuya Leo. Alam ko namang ayaw talaga niya pero may plano ako. Para na rin naman sa kaniya ito kaya sa tingin ko sa huli hindi siya magsisisi.
"Hi Charm!!" Bati sakin ni Kuya Leo.
"Kuya Leo! Nandito ka na pala, si Ate Gaile?" Tanong ko.
Para na rin kaming magbarkadang dalawa kaya sanay na siya sakin at ganun din naman ako. Gustung gusto ko talaga siya para sa ate ko.
"Hm, wala pa nga eh pero nandiyan 'yung mama mo sa kusina," sabi niya.
"Nga pala Kuya Leo, diba isa ka dun sa nagpasimula ng audition sa center malapit sa plaza?" Tanong ko. Ang alam ko kasi ay isa siya sa tinatawag na '5 Magic directors'
(Dream High, Love High. Unfortunately ineedit ko pa po siya kaya hindi niyo siya makikita sa works ko but I'll start posting it soon ;))
"Ah oo, bakit?" Tanong niya. Umupo kami sa sofa at dun nag-usap. Dinalan naman kami ni mama ng makakain. Haha. Hindi nakasama si ate sa 5 Magic Directors pero hindi ko alam kung bakit.
"May request sana ko sayo Kuya Leo eh." Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang sasabihin ko o 'wag na lang. Para kasing ginagamit ko ang relasyon niya sa ate ko para sa request na gagawin ko.
"Ano naman 'yun?" Tanong niya sakin sabay inom ng juice.
"Kilala mo naman siguro si Precious diba?" Tanong ko.
"Yhup, yung kaibigan mo. Bakit?" Alam ko namang kilala niya si Precious dahil madalas ko na rin siya dinadala sa bahay kahit ayaw niya. May pagka-kj kasi ang babaeng 'yun.
"Kuya Leo pwede mo ba kong tulungan. Please ipasok mo siya sa Audition nayun!" Pagsisimula ko. "Alam kong malaking bagay 'yun pero may talent naman siya, tiyaka gusto ko lang siyang tulungang mahanap ang papa niya!"
"Woah~ Wait lang Charm. Haha, hinay hinay lang!"
"Sorry, kasi naman hindi ko alam kung mapapapayag ba kita o ano."
"Alam mo namang hindi kita kayang tiisin diba?"
"Really? So papayag ka naba?" Grabe! Kinakabahan na ako. Pinapaypayan ko pa ang sarili ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.
"Wait, ganito kasi hindi lang ako ang namimili kung sino ang papasa o sino ang hindi kaya medyo mahihirapan ako," feeling ko bumaba yung mga baikat ko dahil dun. "Pero kung makikitaan naman namin siya ng talent eh pwede kong I-request sa kanila."
"Sige, I'll convince her na lang," Sabi ko.
"Don't worry I'll help you out," Sabi niya naman sakin. Ang bait niya talaga kaya botong boto ko sa kanya para sa ate Gaile ko eh!
"Thanks Kuya Leo, I'll try to talk to Marie na din," sabi ko at nagpaalam na sa kanya pero bago 'yun.
"Hi Leo, Charm, nandito pala kayo pareho?" Saktong dumating naman si Ate Gaile na ang daming dala. Tinulungan namin siya ni Kuya at nilagay sa kusina.
Hindi ako susuko at tutulungan ko siyang hanapin ang papa niya kahit na mainis siya sakin. Madalas kasi kapag pumupunta ako sa bahay niya umiiyak siya. Siguro hindi niya alam sa sarili niya na malungkot siya pero alam ko.
Alam ko ang bagay nayun kahit itago niya pa samin. Syempre worried naman ako sa kalagayan niya at mag-isa pa siya sa condo niya. Sabi din ng tita niya samin may kuya raw siya na nasa Korea kaya ito na yung pag kakataon para mahanap niya kuya niya pati na din ang papa niya.
Nakita ko nga yung kuya niyang yun at swear ang ganda ng lahi nila. haha pero kidding aside hindi ko hahayaan na lumaki siyang mag-isa nang hindi man lang nakikita ang pamilya niya.
Hinding hindi ako susuko!
Chapter 2
Precious' POV
Hindi ko maisip na darating ang araw na ito. Ang araw kung saan goodbye Philippines at hello Korea ang peg ko.
Kahit papaano naman ay ayokong malayo sa lugar kung saan ako lumaki at ipinanganak pero ano pa bang magagawa ko? Nandito na ako eh.
Bumaba na ako sa mala-Roller coaster na sasakyan na 'yun. Hindi kasi talaga ako sanay sa mahabang byahe kaya feeling ko ay natuwa ang nerve cells ko nang makalabas ako sa eroplano na 'yun.
Kasama ko si Sir Leo na kasalukuyang may kinakausap sa telepono. Hindi ko naman maintindihan dahil sa tingin ko Korean 'yung salita na sinasabi niya eh.
I know a few Korean words and phrases pero sa tingin ko mahihirapan akong makipag communicate sa mga tao rito. Tamad kasi akong mag memorize ng mga ganun kaya sorry na lang sila tiis tiis na lang sa english.
"So, excited ka na bang makita yung mga makakasama mo?" Tanong niya.
"Oo," matipid kong sagot. 3 Years akong nag-training under him kaya alam kong sanay na siya sa attitude ko, Cold... Masungit... 'Yung tipong walang pakialam sa paligid niya.
Sa Pilipinas parin ako nagtraining at hindi magtatagal ay magde-debut na ako kasama ang mga magiging ka grupo ko.
"They all trained on Star Entertainment kaya 'wag ka magtataka kung close na silang lahat."
"So ma-out of place naman pala ko sa kanila," sabi ko with bored look. Pero okay lang naman 'yung ma-OP at least walang kakausap sakin at mang-iistorbo sa pagtulog ko.
"Hindi ka ma-out of place sa kanila for sure," sabay tawa niya. Ang weird niya kung minsan pero sanay na rin ako sa ganung ugali niya.
Isa pa, may makakasabay daw kami sa pag debut na boy group and madalas na namin silang makakasama kung may show man ang grupo namin.
Kahit isa sa kanila ay wala pa akong kilala dahil kakarating ko lang dito. Balot na balot nga ako ng jacket ngayon dahil hindi naman ako sanay sa malamig na klima.
Habang nasa sasakyan naman nakatulog lang ako dahil ang haba ng byahe. Ginising lang ako ni Sir Leo nang makarating kami sa Star Entertainment. Ang laki nga ng building at parang hotel na pang high class. Nakalagay sa taas 'STAR ENTERTAINMENT'.
Pumasok kami sa loob at nakasunod lang ako kay Sir Leo, malay ko sa lugar na 'to noh! Baka maligaw lang ako dito ng wala sa oras eh.
"Leo! Long time no see..." Nakipag-Fist Bomb siya sa nakasalubong namin at pinakilala niya ako sa kanya. "So, Ikaw pala si Precious. Everyone's talking about you, I'm Marc."
Everyone? Bakit naman kaya? At pansin ko lang nagtatagalog ang isang 'to.
"He's also a filipino like us kaya nakakapagtagalog siya," Wow. Mind reader lang ang peg ni Sir ngayong araw.
"Ow ok, Nice to meet you." Dinala na niya kami sa isang room kung saan may apat na babae. 'Yung isa nasa Piano, 'yung 3 nasa mga gitara naman.
"Hi everyone!" Bati ni Sir Leo in Korean. Binati rin sila nung mga babae at nag beso beso pa sa kanya.
"Guys, meet Precious. She's the one I'm talking to you," sabi niya.
Nagbow ako and said 'Annyeong haseyo' in an awkward way. Hindi ko kasi alam kung tama ba ang bigkas ko eh.
"Wow, she speaks Korean. So cute," sabi ng isa na medyo may pag kachubby.
"Nice to meet you Precious, I'm Anette."
"I'm Kate, the Maknae. Nice to meet you."
"Marisol, one of the maknae Line. Nice to meet you."
"And I'm Denisse, hm. What's my role?" Nagtawanan naman sila dahil dun. Okay? Anong nakakatawa? Tell me guys. Ngayon palang alam ko na hindi kami magkakasundu sundo agad.
"So that's enough, mag-siupo na kayo so you can have a proper Introduction." Umupo na kami sa harap gaya ng sabi niya. Nakatayo si Sir Leo at Marc sa harap. May I-Discuss daw kasi siya samin.
"Anette?" Tumayo naman siya para makapagpakilala.
"I'm Anette Lee, 19 Years of age. Ako ang pinakamatanda pero hindi ako ang leader, one of the majonda Line. I'm a vocalist of the group. I'm from Japan. Ako 'yung gagamit ng bass Guitar at ako rin pala 'yung Lead Dance," Majonda? What a word!
"I'm Denisse Kim the leader, 19 years of age, I trained 7 years in the entertainment kaya 'wag kayo magtaka, Majonda line din ako. The main vocalist at ang gagamit ng Electric Guitar. I'm a Korean at sana maging masaya tayo sa mga taong magkakasama sama tayo."
"I'm Marisol Manzon, 17 years of age. The vocalist at ang gagamit ng Acoustic Guitar at kabilang sa Maknae Line. I'm also a Korean."
"My name is Kate Byun, 17 years old from Korea. I'm the maknae so be nice to me. I will be using the piano and I belong to the Vocalist Line," ako naman ang tumayo upang makipagkilala sa kanila.
"I'm Precious Seo turning 18, where do I belong? Majonda line or Maknae line?" Natawa naman sila dun. Ang w-weird talaga nila, ang ganda ng tanong ko tinatawanan lang nila. "I'm from Philippines and of course I'm a Filipino, I will be the Main Dance and Main rapper of the group. I'll be using Drums."
Pagkatapos ng mala ewang Introduction pinaupo na nila kaming lahat sa harap. May I-discuss ata sila samin tungkol sa ilang taong pag stay namin dito.
"This following weeks or should we say Month, is your Practice days. Anette Volunteer to compose your songs kaya naman Steps Na Lang ang kulang," sabi ni Sir Leo.
"Oh, then dun na lang pala tayo mahihirapan. Here's your papers ibibigay niyo lang 'yan pagdating niyo sa building," pinass na niya 'yung mga papel samin at tinignan namin.
Kailangan pa palang fill up-an kaya naman sinagutan na namin. Maya maya ay lumabas na kami para makita 'yung bahay namin.
Tama! Bahay. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pero isa lang ang alam ko. Mangha kaming lahat sa nakikita namin ngayon. Ang alam ko sa Dorm kami dapat diba, pero bakit ganito? Mansyon ata ang tawag dito eh. Pumasok na kami kasunod ang mga gamit namin na dala ng drivers.
"So, Welcome sa inyong bahay!" Napanganga na lang kami sa ganda ng loob. Parang pang-high class ang isang 'to. Parang kalahati ng sala ang condo ko sa pilipinas eh.
"Bahay namin?" 'Yun na lang ang nasabi ni Denisse. Namamangha ring inililibot ang paningin sa paligid. Nalilito na ako. Nakita ko kasi 'yung sofa at parang ang lambot, ang sarap matulog. Hindi ko maiwasan ang mapahikab.
Habang sila mangha sa nakita ay nahiga na ako. Hindi naman nila siguro ako mapapansin diba? Isa pa mamaya ko na lang aayusin 'yung gamit ko sa kwarto. Kaunti lang naman ang dala ko.
Third Person's POV
Habang busy ang lahat sa pag-ayos ng gamit, si Precious naman ay comportableng nakahiga sa sofa sa ibaba. Kanya kanyang ayos sila.
Si Anette ay kulang na lang maglagay ng ref sa kwarto sa dami ng pagkaing nakatambak sa higaan niya. Si Denisse naman ay puroro ang naisipang ilagay sa kwarto, mapa-relo, unan, kumot, stuff toys at mga nakadikit sa pader. Si Marisol naman ay Pikachu, parang kay Denisse lang din pero Pikachu naman ang nakalagay. Hindi naman mawawala ang mga laptop, cellphone, Ipad at iba't ibang gadgets sa kwarto niya.
Si Kate naman puro libro na kulang na lang ay maging library na ang kwarto niya. Mapa-Romance man ang kwento, horror, fantasy at kung anu ano pa.
Sa kwarto kaya ni Precious anong ilalagay niya?
Nagmadali silang bumaba at binuksan ang pinto nang marinig nila ang doorbell. Tinabihan ni Anette si Precious sa sofa habang may hawak na malaking tempura.
Nagdadalawang isip kung gigisingin ba niya si Precious at aalukin ng pagkain. Pumasok naman si Sir Leo at sir Marc kasama ang dalawang babae at isa pang lalaki. Inuga na ni Anette si Precious dahil nakakahiya naman na ma bisita habang si Precious ay natutulog sa sofa.
"Guys, this is Marc Jan, Xyriel and Ella the other three Magic Directors na kasama namin." Nabanggit na ba na lahat sila ay pinili ng magic Directors? Well, 'yun na nga. Nagpakilala ulit sila dahil hindi pa naman nila kilala ang isa't isa.
Denise and Marisol knew them because they are schoolmates from before.
"Sila ang mga gagabay sa inyo at magtuturo ng mga steps para sa debut ninyo," sabi ni Sir Leo.
"Listen guys, Konting araw na lang ang debut niyo kaya please maki-cooperate kayo samin!" Sabi naman ni Xyriel.
"And one more thing, may makakasabay kayong Boy Group sa pag debut na hawak din ng company natin," sabi ni Marc Jan. "Kaya sila sasabay dahil pareho sila sa inyong Hiphop group."
"Tama, kayo lang na grupo ang hiphop group sa entertainment natin kaya we decided na pagsabayin na lang kayo,"
"Makakasama niyo sila kapag may guesting kayo, shows pati na rin 'yung variety shows niyo," pagpapatuloy nila.
"Kaya din dito kayo sa malaking bahay na ito ay dahil...
... Makakasama niyo sila sa iisang bubong,"
Precious' POV
Napanganga na lang ako at hindi na naituloy ang pagkain sa chichirya-ng kanina pa namin kinakain ni Anette. Titira kami? Sa iisang bubong? Kasama ang isang boy group?
"Don't worry, after your debut niyo sila makakasama sa bahay pero sa ngayon tuwing practice lang muna," ano ba naman 'to? Wala naman silang sinabing titira kami kasama sila diba?
"Pero bakit pa?" Tanong ni Denisse. Sige lang ipaglaban mo, mawawalan din kami ng konting privacy kung sakali mang titira sila dito kasama namin.
"You see, Isa din sila sa mga na-train namin kaya naman kailangan niyo silang makasama. Isa pa wala namang masama, right? Maraming rooms dito at alam naming mababait naman sila, like we told you hawak namin sila for many years so alam namin ang mga ugali nila," sabi ni Sir Marc.
"Hindi naman namin kayo hahayaan na tumira kasama ang mga lalaki kung hindi kami sigurado sa safety niyo," sabi na lang ni Sir Leo.
*
Maya maya umalis na rin naman sila. Naalala ko hindi pa pala ayos ang mga gamit ko sa kwarto kaya naman dun ko na lang igugugol ang natitirang oras bago ang hapunan.
Ano bang laman ng bag ko? Damit lang naman kumot at unan. Isang maleta lang kasi ang dala ko at iyon at iyon lang ang laman as in. Ang cellphone kong ang number ay sa Pilipinas lang din, bibili na lang ako sa susunod ng bagong sim dahil tiyak na iba 'yung sim dito sa sim sa Pinas.
Nilagay ko na 'yung mga gamit ko sa cabinet. Sinuot ko ang jacket ko dahil feel ko na yung lamig kahit nasa loob ako ng kwarto ko. Ang laki ng space sa kwarto ko at hindi ko alam kung ano pang ilalagay ko rito.
Binuksan ko ang pinto nang magbukas ito. Hindi 'yung malaki para hindi nila makita ang loob ng kwarto ko, ayoko kasing may pumapasok na ibang tao sa kwarto maliban kung pinayagan ko.
"Kakain na raw, bumaba ka na," si Anette lang pala. Feeling ko kahit konting days lang kaming magkakasama magiging close ko si Anette.
Hindi naman 'yung super close, kasi naman hindi sila nauubusan ng sinasabi. Naalala ko tuloy si Charm, wala nga siya dito may pumalit naman sa pwesto niya
Si Kate ang nag luto dahil siya lang naman ang marunong, paano kung wala ni isa samin ang sanay? Siguro puro deliver ang kakainin namin.
Si Anette kasi taga-kain lang at ako naman tulad ng sabi ko paglinisin niyo na ko ng bahay 'wag lang ang paglutuin eh. Sa buong hapunan na 'yun kwentuhan lang kami.
Hindi ko naman maiiwasan ang manahimik na lang dahil kung minsan naman ginagawa nila akong hot seat. Kung anong itanong nila sagot lang ako ng sagot.
Chapter 3
Precious' POV
Nagising ako dahil sa alarm ko. Maaga kami dapat gumising dahil may practice kami ngayon. Wala pa akong kaalam alam sa mga plano nila. Remember? Hiwalay ako ng training days sa kanila kaya ngayon ko lang sila makakasamang apat. Bumaba ako para makapag exercise muna saglit.
Nagsuot ako ng headset at jacket swear guys ang lamig. Brrrr. Nag-jogging ako habang nakayuko dahil kapag tumingin ka ng deretso tatama lahat ng hangin sa muka ko.
Nilibot ko 'yung lugar dun. May sense of direction naman ako kaya hindi ako maliligaw for sure. Lahat ng taong nakakasalubong ko binabati ako kaya binabati ko din sila. Hindi naman ako worried na makikilala nila ako dahil hindi pa naman kami sikat diba? Pero bakit kada tao na makakasalubong ko bubulong sa kasama nila tapos babatiin ako ng masaya.
"Hi Precious, pwede po bang magpapicture?" Napa-eh? Na lang ako sa sinabi niya. Akala ko ba... "Nakita ka po namin sa TV at ikaw ang kaunaunahang pilipinong magiging Kpop Idol!"
Pinayagan ko na silang picture-an ako kaso ang daming lumapit at pati signature ko kinukuha na din. Owkeyyyyy? Kailangan ko na makaalis dito.
Pero mukhang mahihirapan ata ako nito. Hindi nagtagal may humila ng kamay ko dahilan para makaalis ako sa crowded na mga tao.
Nakatalikod siya kaya naman hindi ko makita kung anong itsura niya. Nang mapagod kami tinignan niya ko. Ang gwapong nilalang naman nito. Naka hood din siya tulad ko tapos nginitian niya ako at inabot yung kamay niya.
"I'm Jayvee, Nice to meet you Precious!" Kahit nagtataka parin ako nakipag kamay parin ako sa kanya.
"Hindi ka ba nanonood ng TV?" Tanong niya at umiling lang ako. Malay ko ba? Kung manood man ako ng TV, hindi naman lahat ng sinasabi du nay maiintindihan ko. "Manood ka kasi minsan para malaman mo, sige mauuna na ko," sabi niya sabay takbo. Sakto naman paparating sina Denisse at hinila ako pabalik sa bahay.
"Sino 'yun?" Tanong ni Anette.
"Hm, hindi ko alam tinulungan niya lang ako kanina na makaalis sa maraming tao," sagot ko. Kinwento naman nila sakin na sikat na daw ako. Wala akong kaalam alam.
"Here, dahil ikaw ang kauna unahang Filipino Kpop Idol nalaman agad 'yun ng mga Koreano kaya kailangan mo nang mag-ingat," sabi ni Denisse.
Kaya naman pala pinagkaguluhan ako kanina. Ganun pala 'yung feeling noh? 'Yung feeling na sikat ka na at wala ka nang kawala sa mga saesang fans or haters mo. Malay natin, hindi naman kasi nawawalan ng ganun sa mundo, ang mga haters na patuloy na naiinggit.
"Look guys, Trending ka na girl sa Twitter... @5lous-Precious," Tinignan pa namin 'yung mga comments. Maraming mga filipino ang ang nag chat like,
'@5lous-Precious Fighting Precious! Susuportahan ka namin.'
'@5lous-Precious Kaya mo 'yan, isa na ako sa number one fan mo! Hwaiting!'
Pero hindi naman mawawala ang negative comments like...
'@5lou-Precious Feeling mo naman na sikat ka na wag sanang bumilog 'yang ulo mo. 'Wag kang masyadong ma flatter sa mga sinasabi nila dahil hindi mag tatagal malalaos ka rin'
"'Wag mo nang isipin 'yung mga negative comments ang isipin mo, sikat ka na!" Sabi naman ni Anette. OA lang?
"Hayaan na talaga, wala naman akong pakialam kung sikat man ako o hindi eh," sabi ko. Hindi ko naman talaga gusto itong idea ni Charm para sakin. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Ilang araw palang ako dito pero bored na bored na ko. Hindi naman ako makapag-skate board dahil may snow na sa labas at isa pa pagkakaguluhan na naman ako. Sa susunod na lalabas ako maglalagay ako ng mask.
'Yung parang pang-hospital para hindi na nila ako makilala. Namimiss ko na din 'yung mga kalaban ko sa skating, hm. Bakit hindi ko itry ang skating sa snow diba?
*
After a week...
Tumawag si Sir Leo at pinapatawag na kami sa Practice Building kung saan makikilala na namin 'yung mga makakasama daw namin sa Bahay.
Nagsuot lang ako ng simpleng pantalon na color dark blue at dalawang jacket. Aalisin ko din 'to mamaya dahil for sure pagpapawisan ako habang sumasayaw.
Medyo na practice na namin 'yung basic namin like tumbling. Kaming dalawa lang ni Anette dahil hindi naman sila sanay. Gymnast kasi si Anette kaya hindi na ako magtataka. Ang lambot kasi ng katawan niya, samantalang ako marunong lang sa locking.
"Kinakabahan ako ah, manonood din daw satin 'yung members ng EXO," sabi ni Denisse. Naririnig ko 'yung EXO na 'yun pero hindi ako sure. Baka narinig ko lang kay Charm 'yun.
"Yhup~ Hindi ko pa sila kilala sa mukha pero kilala ko sila sa pangalan," sabi ni Anette na kasalo ko sa pagkain. Hindi ata siya mauubusan ng supply ng pagkain.
"Ang alam ko isa na sila sa sikat na grupo eh dahil na rin sa marami sila," sabi naman ni Kate.
"Look guys, Ito yung isa sa MV nila na MAMA which is pinapakita 'yung kapangyarihan nila." Pinakita samin ni Marisol sa dala niyang laptop 'yung Video.
Ang gagaling nga nila kaya hindi na nakakapagtakang sumikat sila. Isa pa lahat ata sila gwapo kaya sikat. Take note: ATA.
Hindi ko naman kasi makita ng maayos dahil na rin nakadungaw silang lahat. Kami naman ni Anette kumakain lang at nakatingin sa labas ng Van namin. Wala naman kaming mapapala kung makikita namin sila.
Mamaya naman makikita namin sila at personal pa diba? Hanggang makarating kami hindi na nila tinigilan, inangkin pa nga nila kesho si Luhan daw kay Marisol lang si Sehun naman kay Denisse at si Kyungsoo naman kay Kate. Girls. I wonder bakit hindi ako ganyan, posible kayang hindi ako babae?
Pagdating namin lumabas na kami ng van, maraming nagaabang sa labas kaya naman tinulungan kami ng mga guards na makapasok.
Malaki rin 'yung building pero parang walang masyadong tao ang nandun. Siguro ang mga staff lang ang nandito tiyaka 'yung mga guards, medyo tahimik.
Sumakay kami ng elevator at pumunta sa 4th floor kung saan nandun daw sila at naghihintay na. Hot7! Hmm, naririnig ko rin ang name na 'yun sa mga kaklase ko.
Sumabay na kami sa pagpasok at nakita na namin ang sinasabi nilang practice room daw namin. Tell me hindi ba nauubusan ng word na malaki dito sa korea?
"Wala pa sila dito kaya naman intayin muna natin, Precious mag palit ka na nang damit." May inabot siya sakin na damit, 'yung pang-hip hop na maluwang.
Ganun na kasi ang suot ni Anette kaya naman hindi na niya kailangan magpalit. Lumabas muna ako at naghanap ng cubicle pero hindi ko alam kung nasan. Mukhang maliligaw pa ata ako.
Third Person's POV
Habang naghahanap si Precious ng cubicle ay aksidenteng may nakabunggo siya ng lalaking may hawak ng paint dahilan para matapunan 'yung damit niya.
"Naku! Sorry miss, nagmamadali kasi ako eh," paghingi ng paumanhin nito. "Haist! Pasensya na nadumihan pa 'yang damit mo. Ito hiramin mo muna tignan natin kung kakasya sayo." Sinamahan niya si Precious na pumunta sa cubicle.
Sinuot na niya ang damit at kasyang kasya ito sa kanya. Paglabas niya ay napanganga na lang si Mark dahil hindi niya maipagkakailang bagay ito sa kanya.
"Don't stare, you'll sprain your eyes." Actually nagbibiro lang si Precious, ayaw niya nang may tumititig sa kanya lalo na kung kitang kita niya ito. Naiilang naman kasi siya.
"Sorry, sige mauuna na ako. Baka hinihintay na nila ako," sabi niya. "By the way nice to meet you, I'm Mark, you are?" Sabay lahad ng kamay niya sa harap ni Precious.
"Precious, Nice to meet you, too." Inabot niya ang kamay niya at nakaramdam ng kakaiba. Parang may kuryenteng dumaloy sa mga ugat nila kaya napahiwalay silang bigla.
Nagpaalam na si Mark dahil baka nag aalala na ang mga kagrupo niya sa kanya. Habang si Precious naman ay...saan nga 'yung daan pabalik?
Mark's POV
Nang makarating ako sa practice room nandoon na silang lahat kasama ang 5lous na siguro sila. Pero pagbilang ko apat palang sila kaya nakakapag taka.
"Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinihintay," pabulong na tanong ni Jayvee.
"Sorry, may nakabangga kasi akong babae tapos natapunan ng paint kaya ayun!" Napa role eyes na lang ang mga kagrupo niya sakin.
"Good Afternoon guys, This is Hot7 and meet 5lous," pagsisimula ni Sir. Naka-isang hilera silang lahat at magkakaharap.
"Sir, bakit apat lang sila, nasan 'yung isa?" Tanong ni Darius. maski ako curious kung bakit. Baka hindi makakapunta kasi nagka-LBM?
"Anette wala pa ba siya. Baka nakain na ng cubicle," pagbibiro ni sir. Natawa naman sila dahil dun. "Sundan mo na nga Anette baka naligaw na 'yun." Bubuksan na sana ni Anette 'yung pinto pero kusa na itong bumukas.
"Sorry natagalan, ang hirap kasi hanapin ng cubicle," sagot niya. Teka! Si miss hip hop girl. Pumila na sila ulit at nakaharap samin. Para naman kaming magkakaroon ng match laban sa kanila.
"Mark, parang familiar 'yung damit niya, sabihin mo nga bro sayo ba 'yan??" Napalunok naman ako. Baka kung ano nang iniisip ng mga lokong 'to.
"Hm, ewan ko." Tinignan naman nila ako ng parang hindi naniniwala. Bahala kayong mag isip ng kung ano diyan basta ako...ahh....Basta wala akong kinalaman diyan. Basta sinabi ko sakanila na may nakabangga ako tapos hindi sila naniniwala. Kapag nag-explain ako baka hindi parin sila maniwala.
Mukhang maraming araw din namin silang makakasama at sana maging nice naman sila samin.
Precious' POV
"Jayvee," bulong ko pero narinig ata ni Denisse, ang position kasi namin. Si Anette, Denisse, Ako, Marisol at Kate. Tapos sila naman siguro pinakamatanda din sa pinakabata.
"Sinong Jayvee?" Tanong niya sakin.
"Ayan, 'yung leader ata nila,"
"Ano naman meron sa kanya. Bakit mo kilala?" Tanong niya ulit. Siguro kailangan ko na masanay. Ang daming tanong.
"Siya 'yung tumulong sakin na makatakas," nag-ahh na lang siya. Siguro naaalala niya pa 'yun kaya natahimik siya.
Napansin ko din 'yung lalaking kanina pa nakatingin sakin. Ahh! Siya 'yung nakatapon sakin nung paint sa damit. Hay, sa kanya kaya 'tong damit? Nakakahiya.
"So, sila ang makakasama ninyo in this remaining days niyo in training kaya be nice sa isa't isa." Pinag ayos na nila kami dahil yung na practice namin ang iperform.
Kung may makikita mang konting palya aayusin namin 'yun at pag aaralan pang mabuti. 'Yung mga lalaki muna kaya naman, papanoorin namin.
Ang galing nila! Si Jayvee, Mark at Stephen ang nag-tumbling sa grupo sa unang part. Ang Rapper naman ay si Mark at Benjamin, ang cute ng Benjamin na 'yan, Benj na lang para maikli.
Don't get me wrong mas bata sakin 'yan. He's just 16 kaya naman dongsaeng ko 'yan. Nakakadagdag sa ka cute-an niya yung konting highlights sa buhok niya.
Pagkatapos nun nag-high five silang lahat tapos kita mo 'yung ngiti sa mga labi nilang lahat yung tipong na enjoy talaga nila yung pagsayaw nila.
After that kami naman. Kami ni Anette ang nag tumbling. Pareho lang pala 'yung sinayaw namin gaya ng sa Hot7 may na dobleng part lang.
Kami ni Anette sa tumbling. Ako ang mag-isa sa rap tapos lahat sila kumanta. Remember ako lang ang hindi kabilang sa Vocalist line, nahalata niyo ba? Hindi kasi talaga ako mahilig kumanta.
"Good job guys," sabi ni sir habang pumapalakpak samin. Nakangiti silang lahat pero ako lang ang hindi, nakakabored kaya ang sumayaw. Mas masarap pa ang matulog eh.
"So, ano sa tingin niyo 5lous ang kulang sa kanila?" Tanong ni sir samin, nakapatong lang 'yung ulo ko sa balikat ni Anette dahil konti na lang babagsak na ang ulo ko. "Anette?"
"Sa tingin ko, 'yung part na nag rap si Mark, nakita ko kasing kung saan na lang sila makahawak 'yun na 'yun," sabi ni Anette, as expected to the eldest. "Baka kasi sa iba nila mahawakan, you know!" Natawa naman sila dun.
Tama naman siya diba? Sunod na ginawa namin ay 'yung tamang tumbling, meron daw kasi na kapag nag-tumbling ay pumapaling yung paa kapag nasa ere.
Hindi mo naman mapipigilan 'yun pero ang ginawa samin kung kaya daw ba namin nakapanatili 'yung paa namin sa ere. 'Yung tipong nakabaliktad kami. Kung makakatagal daw kami ng nakaganun lang tiyaka nila kami titigilan. Naku! Ito pa naman ang kahinaan ko eh, buti pa si Anette madali lang niya nagawa.
"Focus Precious, 'wag ka masyadong kabahan. Concentrate," pigilan niyo ko. Kokotongan ko 'yang Mark na 'yan. Hindi ko alam kung kinakampihan ba ko o pinapagalitan.
Sa huli hindi ko talaga magawa. Naupo muna ko sa isang tabi. Inaantok na talaga ako. Hindi pa ba matatapos 'to?
"Psst!" Napadilat ako dahil sa sumutsot. Malay mo ako pala 'yun, at tama nga ako. Si Mark na naman. "Mag practice ka nga. Ikaw 'tong kailangang mag ensayo ikaw 'tong tamad,"
"Ano ba, eh inaantok pa ko," sabi ko tapos tumalikod na lang sa kanya, ang kulit ng lahi nila ah.
"Haist~ Lazy Dancer," rinig kong sabi niya tapos umalis na. Ako? lazy? tsss. Wala akong pakialam, eh sa inaantok ako eh.
Narinig ko namang pumalakpak si Sir Leo na kararating lang. Dumilat na ako. Ibig sabihin nun tinatawag kaming lahat. Nalimutan ko ilang weeks na lang mag-debut na kami pero ito ako nagpapahinga lang.
"Kamusta naman po? Reminder guys ilang weeks na lang at debut niyo na," seseryosohin ko na nga, baka makalbo nila akong lahat.
Pagkasabi kasi ni Sir nun tinignan nila ako ng masama dahil alam ko naman ako lang ang kailangang umayos. I know right.
*Now playing: La Chata*
Hindi ko na lang sila pinansin at nag sayaw, may part kasi na si Anette lang ang mag sayaw tapos ako naman tapos 'yung mga vocalist na lang.
Mamaya puro recording lang ang gagawin namin kaya madali na hindi tulad nito nakakapagod. Meron kasi kaming kanta lang at walang sayaw.
"Good, kaya mo naman pala maki cooperate ayaw mo pang ayusin," sabi ko nga. Pinagpatuloy lang namin ang practice namin tapos deretso recording na. Syempre magpapahinga lang saglit tiyaka palang 'yung recording.
"Bye guys, kita na lang tayo mamaya," paalam ni Jayvee dahil hindi kami magkakasama sa recording. Iba naman kasi ang kanta nila sa kanta namin kaya sa ibang room sila.
"Saglit lang kami 'wag niyo kami masyadong mamimiss," sabi ni Darius. Hindi ko na sila pinansin at tumuloy na sa loob ng recording studio.
Naupo na ako at inayos yung headset na gagamitin mamaya. Naitono ko na't lahat hindi parin sila bumabalik. Grabe naman sila magchikahan!
Chapter 4
Denisse's POV
Hello! Ako nga pala si Denisse Kim. Ang leader ng grupong 5lous at ang main Vocalist syempre maganda kumanta, kaya nga vocalist eh.
Mahilig ako sa Car Racing and playing electric guitar simula pagkabata at kasama ko na si Marisol; sa school, sa bahay maski sa mga gala Hindi kami mapaghihiwalay. Super close kami niyan pero hindi naman maiiwasan ang magkaalitan kami. Ganoon naman kasi iyon. Pero nagkakabati rin naman kami sa huli at mas nagiging close pa lalo.
Nagpaalam na kami kina Jayvee at sa iba pa.
Pagpasok namin nakita na namin si Precious na nakaayos na and bored look as always. Hindi pa kami ganun ka close pero parang gusto kong mapalapit sa kanya.
Para kasi sakin ang cool niyang tao. Nung una ko ngang nalaman ang name niya sinearch ko na sa FB at isa lang ang nahanap ko. Kaso walang profile, 2 friends tapos walang kalaman laman. Nung una akala ko hindi sa kanya 'yun pero nabasa ko 'yung about Philippines tapos kung saan nag aaral, 'yun lang!
"Wow! Ready na agad ah?" Sabi ni Kate at tumabi na sa kanya. Inayos na din namin 'yung amin para makapagsimula na sa recording.
"Ang tagal niyo kasing makipagchikahan." Tinulungan niyang mag-ayos si Anette. Feeling ko super close na nilang dalawa. Naiinggit ako!
"Sorry naman, mamimiss naman kasi talaga namin sila," sabi ni Anette, Hmm. Kung alam ko lang si Jayvee lang gusto niyang makita eh.
"Alululu, May gusto ka kay Jayvee noh?" Pang aasar ni Precious. Wow! May side din pala si Precious na ganito, 'yung tipong may pagka childish? Pero lagi naman kay Anette lang ganyan. Lagi kasing serious ang isang at laging... Tulog!
"Wala noh!" Pag deny naman ni Anette tapos nag pout pa, ano kaya itsura ni Precious kapag nagpout? Okay, obsess na at a ako masyado kay Precious.
"Tigilan niyo na 'yan at magsimula na tayo," utos naman ni Kate. Sa aming lahat siguro si Kate ang pinakamature. Bakit hindi na lang siya ang naging leader noh?
Hindi nagtagal nagsimula na kami. Lahat kami may kanya kanyang part. Ako, si Anette, Marisol ang Kate ang kakanta habang si Precious sa Rap.
Siya lang ang hindi vocalist. Ewan ko kung bakit pero gusto ko rin siyang marinig kumanta. Medyo may blend din naman boses niya tapos parang weird, nagba-vibrate!
*Now Playing: La Chata*
(Play music sa media!)
*Clap clap clap*
"Good Job everyone. Ang ganda ng blend ng boses niyo," puri ni Manager Lee. Hindi niyo pa pala siya kilala, Grace Lee ang isa sa managers namin.
Babae siya at isa siyang Australian. Siya ang bahala sa mga schedule namin tulad na lang ng recording namin ngayon. Siya ang magsasabi kung saan ang susunod naming meeting, Concerts and blah blah.
"Guys, bukas ng umaga kailangan niyo gumising para sa Promotion niyo which is napagdesisyunang si Precious ang gagawa," wala namang pakialam si Precious dun dahil inaantok na naman siya.
"Bakit naman po si Precious, why not Denisse na leader namin?" Tanong ni Anette. Ano ba naman 'yan nagtanong pa okay na nga 'yun eh!
"Hm. Dahil nakita ko na mas fluent si Precious sa pag-english kaya siya ang pinili ko," Ahhhh kailangan ng magaling sa english. "Kailangan din kasi ng magsusulat ng Romanized characters kaya siya ang napili."
Madalas mag-english si Precious dahil mahina pa siya sa Korean pero nakikita naman namin na tinatry niya para maintindihan din namin.
"Ah ganun? Buti na lang..." Sabi ni Marisol na may halong pang-aasar, Hindi naman sa hindi ako sanay mag-english, sanay ako pero...Haist! "'Yung iba Kasi diyan spelling na lang mali mali pa."
Hinampas ko nga ng unan. Nandito na pala kami sa van at pabalik na ng bahay. Nandun na rin daw 'yung Hot7 at iniintay na kami.
As usual tulog na naman si Precious, si Anette naman kumakain ng chichirya, si Marisol surf ng net tapos si Kate nakatingin lang sa binatana at nakikinig samin. Ako?
Ito, ako ang kausap ni Manager dahil alam kong hindi naman nila papakinggan si Manager. Asa pa ako? Buti pa si Kate, kaya kapag may nalimutan ako siya lang magpapaalala.
"Ang sama mo talaga sakin Marisol!" Angal ko sa kanya. Buti pa talagang hindi na lang siya makinig samin at magnet na lang.
"Okay so iyon na nga, bukas ng umaga siya lang ang pupunta sa Studio samantalang kayo magpa-practice," sabi niya.
"Eh diba, si Precious ang madalang magpractice baka mahirapan siya?" Tanong ko, syempre naman worried din ako sa members as a leader kailangan ko sila kamustahin o ano man.
"You see, nakita ko naman na madali siyang pumick up ng steps kaya wala akong problema sa kanya. Kahit ganun naman siya, you know, tamad, magaling talaga siya," sabi niya. Natawa naman ako dun sa tamad. Tama siya! Ang tamad ng taong 'yun.
"Haha. I see, Ano kayang training ang ginawa ni Sir Leo dun noh?" Tanong na lang ni Kate. Miski ako hindi ko alam eh. Pero curious din ako. Kayo ba?
Pagdating sa bahay nakita na namin silang naghaharutan sa sala, ang gulo na ng bahay namin. Pagpasok binati na nila kami, naiwan si Anette para gisingin si Precious.
"Ang tagal niyo ah," sabi ni Clark na may hawak ng drum stick, Hala ka! Drumsticks 'yun ni Precious, nakita ko kasi may sticker.
"Hoi lalaki! Bakit hawak mo 'yan?" Naunahan pa ako magtanong ni Marisol. Kasi naman ayaw na ayaw ni Precious na pinapakailamanan 'yung gamit niya, ni pagpasok sa kwarto niya ayaw.
"Huh? Kanino ba 'to, gusto ko magpaturo kung paano eh," tanong ni Clark. Tignan mo isang 'to loko din eh.
"Tignan mo, nakikialam ka hindi mo kilala kung kanino." Naupo na kami kasama sila sa sofa. Buti malaki at nagkasya kami.
"Bakit kanino ba?" Tanong niya. Binulong naman ni Marisol dahilan para ipatong na lang sa mesa saktong pagpasok nina Anette at Precious.
"Hi Guys!" Bati ni Anette. Si Precious? Asa ka pang babatiin ka ng taong 'yan. Nag-iinat inat lang siya at dumeretso ng kwarto niya.
"Weird ng babaeng 'yun. Tiyaka parang nakakatakot kausapin," sabi ni Darius, ang lead dance nila at ang pinaka Childish daw. Hindi ko pa naman sila masyadong nakakabonding.
"Oo nga eh, buti ka pa Mark nakakausap mo 'yun!" Oo nga noh? Pansin ko minsan parang close na sila o feeling ko lang 'yun?
"Naku! Kung alam niyo lang natatakot din ako minsan pero sigurado kong mabait 'yun." Kumakain lang kami habang nagkukuwentuhan.
Para ngang ang tagal na naming magkakakilala dahil super close na naming lahat though si Stephen palang ang nakakausap ko ng matino.
Stephen Oh. Silent and cold type of guy, parang lalaking version lang ni Precious? Pero kahit papano nakakausap ko na ng matino. Kaya daw siya ganun dahil bored lang daw siya at ayaw niya sa mga madadaldal. Ang sakit niya magsalita ah.
Narinig naman namin na pababa na siya. Nakasuot na siya ng pambahay na damit which is maong shorts na fit tapos sando na mahaba ang punit sa underarm pero may sando naman sa loob na kulay itim.
Grabe! Matitibo ata ako dahil sa ngayon. Ang lakas ng karisma niya, napansin ko din na napatulala si Mark kaya hindi ko napigilan ang matawa.
"Mark, may langaw sa bahay na 'to reminder lang." Natawa din 'yung iba sa sinabi ko. Nagpout lang siya na parang bata. Laughtrip sobrang obvious naman kasi.
"Sino nakakita ng drumsticks ko?" Tanong niya. Nagkatinginan naman kaming tatlo nina Marisol at Clark. Patay! "Bakit nandiyan 'yan sa mesa?" Tanong niya.
"Ah... eh... haha nakita ko lang kanina," sabi na lang ni Clark. Kung sa tingin niyo natahimik kaming lahat nagkakamali kayo, nagdadaldalan lang sina Anette, Jayvee, Benjamin at 'yung iba.
"Ah ikaw? Ginamit mo?" Tanong ni Precious. Nakisali siya samin sa sofa katabi ni Mark. "Gusto mo turuan kita eh," sabay palo ng drumsticks with tone, ang galing!
"Talaga? Pero... Naku! Nakakahiya," nagkamot lang siya ng batok at si Precious naman kumunot ang noo dahil dun.
"Bakit ka naman mahihiya?" Tanong ni Precious. Sa tingin ko unti unti ko na siyang nakikilala. Hindi siya nakakatakot o ano. She's nice on her own way naman pala.
Hindi nagtagal pumunta silang dalawa sa Drums na malapit lang sa sofa. Kita nga namin sila mula rito eh. 'Yung iba naman pinapanood lang din silang dalawa na nagdrums. Mukhang ito ang magiging bonding time nilang dalawa ah.
Hindi nagtagal nagutom na din kami. Si Kate at Benjamin ang bahala sa kakainin dahil sila lang ang biniyayaan ng talento sa pagluluto. Wala naman akong interes na matuto at saka na lang kapag may gana na ko. Magpapaturo ako kay Kate!
Nanonood lang kami ng TV at sakto namang trip nila 'yung show sa Chanel 14. 'Yung puro sports like swimming, football kaya naman nagkabunyagan na.
Si Mark ay nagmartial arts pala nung trainee days at since bata. Si Precious naman Taekwondo ang trip.
Sina Jayvee at Benjamin pagkanta lang talaga ang trip nila. Si Lancern naman pagkanta ng Chinese at nagfootball din. Si Darius iba rin ang trip nito eh, fencing ang laro.
Si Anette ang gymnastic namin, kaya naman pala ang lambot ng katawan. Makapag-aral nga din ng ganun, Ito ah! Secret lang natin.
Wala talaga akong talent sa pagsayaw dahil parehong kaliwa ang paa ko, kasalanan ko ba 'yun? Masyado akong natutok sa pagkanta kaya hindi na napansin ang pagsayaw ko.
Tinanong naman namin si Precious at 'yung ibang dancer ng grupo kung bakit ang gagaling nila magsayaw, ang sagot nila practice lang ng practice habang si Precious...
"Hindi ko din alam, nung trainee days ko mahilig ako tumakas sa practice. Matulog tuwing nagkaklase si Sir Leo. Hindi ko na naalala kung kelan ako nagseryoso... o kung nagseryoso ba talaga ako."
Napanganga talaga kami dahil dun. Ganun na 'yun? Hiyang hiya naman kami sa mga araw na lagi kaming pagod sa kakapractice. Puyat dahil laging late na nauuwi sa Voice lesson. Samahan pa ng sunod sunod na schedule dahil sa mga sports na sinalihan namin. Tapos siya? Cutting? Takas? Tulog?
"GUYS!! LUTO NA 'YUNG PAGKAIN!!!" Naputol kami sa pag-uusap namin ng tawagin kami nina Kate at Benjamin, ang galing talaga nila! Presentation palang ng pagkain masarap na.
"Wow, Mukhang masarap," puri ni Marisol.
"Sana naman masarap talaga," sabi naman ni Clark na nauna pang umupo samin.
"Ang sama niyo naman, masarap 'yan for sure ako ata ang nagluto," confident na sabi ni Kate. Ngayon lang kasi nila matitikman ang luto niya.
"Natikman na namin luto niya and I assure you guys masarap 'yan," sabay Thumbs up pa ni Anette. Mukha namang hindi sila naniwala dahil kahit anong pagkain kinakain niya.
"Tikman na lang natin ng malaman," unang tumikim si Precious at nagthumbs up naman siya. Wala naman sa mukha niya na nasarapan siya.
Nagsikainan lang kami at ang huling natapos ay si Mark at si Precious. Nandun na sila sa kusina at sila na lang daw ang maghuhugas. Si Darius naman nag present natutulungan nila sila dahil tinulungan din siya ni Precious. Kami naman sofa ang inayos at mag movie marathon.
Wala na kaming pakialam kung mapuyat magaling naman ang make-up nila magtago ng eyebags! Kidding, haha!
Precious' POV
Nandito kami nina Mark at Darius at naghuhugas ng plato. 'Yung iba naman nanonood lang. Nagtatalo pa nga kaming tatlo kung sino ang magsasabon, magbabanlaw at magpupunas.
"Bato bato pick." Natanggal naman si Darius so siya ang magsasabon. "Bato bato pick." Napa-yes naman si Mark kaya siya ang magpupunas.
Nagsimula na kami para matapos na din ng maaga, maaga pa pala kong gigising bukas dahil sa promoting. Haist!
Chapter 5
Denisse' POV
Nandito kami sa practice room at katatapos lang ng practice hours. Nakapabilog lang kami at umiinom... ng tubig po. Hindi parin bumabalik si Precious. Hindi namin alam kung hindi lang talaga tapos o baka nagliwaliw lang yun sa labas, o baka... natulog. Walang imposible.
"Ang cute pala ni Puroro noh?" Sabi ni Anette habang hawak yung stuff toy na puroro which is dala ko. Para inspiration 'diba? Alam niyo namang hindi ako mabubuhay kapag wala ang puroro na iyan sa tabi ko. Siya ang source of strength ko.
"Syempre naman noh! Wala ng tatalo kay puroro." Pagsang-ayon ko naman sa sinabi niya. Totoo naman kasi eh! Napatigil na lang ako dahil sa biglang pagsabat ni Marisol na katabi na rin pala namin, hindi ko man lang napansin.
"Mas cute kaya si Pikachu diyan oh," kontra ni Marisol sabay pakita ng stuff toy na pikachu. Kung source of strength ko si Puroro, si Marisol naman ay si Pikachu ang source of energy. Kaya nga madalas nababaliw siya dahil nahahawa siya sa Pikachu niya!
"Tama, mas maganda yung pikachu," pagsang-ayon naman ni Kate kay Marisol. Luh! Anong cute kay Pikachu? Mas cute kaya si Puroro!
"Sa tingin ko si Puroro," sabi ni Anette. Haha! May karamay ako.
"Tama! Si Puroro nga," sabi ko hanggang sa nagtalo talo na kami. Madalas na naman kaming ganito eh. Natatawa na lang yung iba saming apat, pero diba mas cute si puroro?
"Pansin ko kayong dalawa ni Marisol ang pinakaclose sa inyong apat," sabi ni Stephen na nasa tabi ko, sabi ko naman sa inyo close kami! Okay, walang nagtatanong. Hindi parin kami tapos sa bangayan namin pero medyo humupa na naman siya.
"Oo naman, simula pagkabata magkakilala na ata kaming dalawa. Magkadikit na nga ata mga butchi naming dalawa," sagot ko, tapos na kasi ako makipagtalo kung sino mas cute, si puroro o pikachu. Syempre nanalo si Puroro. Mas cute naman kasi talaga siya!
"I see, pero ang layo ng ugali mo sa ugali niya." Sabi niya, napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Parang kakaiba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya a?
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko.
"Hmm, you see, siya tahimik, palaging nakangiti, magaling sumayaw, maggitara, sexy, maganda. Hahaha!" Ang cute pala ng nilalang na 'to tumawa noh? Dapat lagi na lang siyang tumawa. Pero kahit na cute siya tumawa binatukan ko parin siya dahil iniinsulto niya 'ko!
"Parang sinabi mong hindi ako tahimik, palaging nakangiti, magaling maggitara, sexy at maganda a!"
"Joke lang yun, pero bakit nawala yung magaling sumayaw?" Confuse na tanong niya. Ito ang pinakaiiwasan kong tanong sa lahat eh!
"Dahil aaminin ko wala talaga akong talent sa pagsayaw eh," nahihiyang sabi ko, sa kanya ko pa nasabi magaling pa naman sumayaw ang isang 'to.
"Alam mo, hindi naman kasi pwedeng magaling ka na kumanta, magaling ka pa sumayaw, maggitara, maganda, sexy." Binatukan ko ulit siya. "Aray! Bakit?" Tanong niya. Napangiwi na lang tuloy ako.
"Tama na nga yang sexy maganda na yan," nagpout ako sa kanya. Nakaka...
"Ano bang mali dun?" Bigla naman siyang natawa dahil dun kaya pinaghahampas ko siya sa braso niyang well defined. "Aray! Sorry na, biro lang yun... aray!" Tinigil ko na ang paghampas at tumayo. Mabilis kasi akong maasar!
"Bahala ka na diyan," sabi ko pero hinila niya ko ulit paupo kaya napasaldak ako sa upuan. Sakit nun ah! "Aray! Kasi naman bakit mo ko hinila?" Nakakainis 'tong isang 'to! Kung hindi lang talaga siya gwapo nangudngod ko na mukha nito sa sahig.
"Sorry!" Paghingi niya ng tawad kaya wala na akong nagawa kundi ang patawarin siya. Wala na akong choice e! Siya ba namang magpout at mag-aegyo sa harap mo, hindi mo pa makuhang mapatawad 'to!
"Kwento ka naman." Singit naman niyang bigla. Bigla kasing natahimik ang lahat pati na sina Sol na may sari sarili ng ginagawa. Si Anette ay kumakain kasama ang mga lalaki at si Kate habang si Sol naman ay computer ang kaharap. Si Precious? Malay!
"Ano naman ikwento ko?" Tanong ko at nahiga sa likod niya. Magkatalikuran na kasi kami sa isa't isa, nakahiga ako sa likod niya nakahiga din siya sa likod ko. Hindi naman masyadong nakakangawit pero ayos lang. Siya nagsimula e kaya ginaya ko lang din siya.
"Tungkol sa'yo, nung bata ka pa," sabi niya. Napangiti naman ako ng maalala ko nung mga bata pa kami ni Marisol. Magkaibigan nga kami simula pa noon diba?
Years ago...
Nandito kami sa favorite place namin ni Marisol, ang York New Tower. Suki na ata kaming dalawa dito at lagi kami kumakain dito. Isa pa ay malapit lang kasi ito sa bahay namin kaya hindi na namin kailangan gumastos sa pamasahe.
"Denisse, nakikita mo yang pinakamalaking star na yan?" Tanong ni Marisol sakin sabay turo sa mga bituin sa langit. "Paglaki ko magiging ganyan din ako. I will shine as the brightest star of all," dagdag pa niya.
"Talaga? Sige hihintayin ko ang bagay na yan, tutulungan kita sa pag abot niyan," sabi ko sa kanya.
"Talaga?" Tumingin siya sakin ng nakangiti.
"Ou naman noh! Syempre kaibigan mo ko."
"Promise?" Pinakita niya akin ang pinky finger niya at kinuha ko yun gamit din ang pinky finger ko. Kahit na sa tingin ko ay mukhang pambata ang pinky finers na ito ay ginawa ko parin. Ito na rin ang pledge na gagawin ko para mangako sa kaniya.
"Promise." Tumingin ulit kami sa langit.
"May tanong ako sayo Marisol?" Sabi ko sa kanya. 'Hmm' lang ang sagot niya pero naintindihan ko.
"Anong gagawin mo kung magkaron tayo ng parehong crush?" Bigla na lang kasing pumasok sa utak ko yan. Gusto kong malaman kung anong nasa isip niya kung sakaling dumating ang araw na 'yun. Hindi naman kasi malayong mangyari iyon dahil pareho lang kami ng nakakasalamuha sa araw araw.
"Hm, isa lang ang naisip ko Denisse," tumingin naman ako sa kanya at naghihintay ng sagot. "Ipapaubaya ko siya sayo," nakangiti niyang sagot. Hindi ko naitago sa kaniya ang gulat na reaksyon ko pero nakita kong ngumiti siya. Seryoso siya? Napangiti din ako sa sagot niya, hindi ko alam na ganun ang isasagot niya sakin. Siguro I'm really lucky to have a best friend like her.
Kinabukasan sa bahay...
"Denisse!!!" Halos madapa na ako kakatakbo makapunta lang sa kwarto ni Marisol. Nandito kasi ako sa bahay nila nakikitambay. Ang ganda ganda ng higa ko sa sofa nila sa baba tapos bigla bigla na lang siyang sumigaw. Akala ko naman may magnanakaw na pumasok!
Wala naman atang mananakaw sa kwarto niya kundi mga posters ng mga idolo naming dalawa. Haha! Pero sabagay, baka nga doon siya nagfreak out. Haha!
"Bakit? Bakit, anong nangyare?" Natatarantang taong ko sa kaniya at medyo hinihingal pa sa katatakbo. Nakita ko naman siyang parang excited na nagtatatalon sa harap ng computer niya.
"Lumapit ka dito dali!!!" Halos mabingaw ako sa tinis ng boses niya. Daig pa niya nakakain ng ipis. Mas mataas na sa boses ni Ariana Grande. Naupo naman ako sa tabi niya at pinakita yung post. Bata pa lang talaga si Marisol, internet adict na yan.
"Ano ba kasi yan?" Tanong ko sa kanya.
StarEntertainment commented on yout Video on youtube.
Ni-click na niya yun at sabay naming binasa... "Good day to both of you, I saw your Video days ago and got interested with it, if you have a time to video chat don't hesitate to tell us."
"Kyaaah!" Napatili kami at nagtatalon sa kama. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. Para kaming nanalo sa lotto na dalawa! Nagtatatalon kami nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Marisol.
"Anong nangyare, okay lang ba kayo Marisol at Denisse?" Tanong ng mama ni Marisol na tulad ko kanina ay nataranta rin dahil sa lakas naming sumigaw... tumili pala.
"Okay lang po kami mama, pero you won't believe this thing," sabay pakita namin ng message sa kaniya. Syempre, nanay siya ni Sol at tita ko siya. Ano pa bang inaasahan ninyong magiging reaksyon niya?
"Kyaaah!" Nakisabay na din siya ng tili naming dalawa.
Matagal na kami nagpost ni Marisol ng mga Cover namin sa youtube. Nung una for fun lang pero hindi nagtagal nagdecide kami na ikalat hindi lang sa youtube. Puro kasi kami kalokohan noon palang. We posted it on other sites like Facebook, Twitter and Even made our own website. Hindi naman namin alam na ganito ang aabutin namin.
We already got 3Million views on youtube of our latest cover entitled 'Closer'. Yung theme song ng TTBY?
We contacted them at pinagawa kami ulit ng cover. Nagtanong din sila samin like kung ilan taon na kami, pinadala ang picture namin na walang filter at walang suot na make up. Hindi nagtagal nagkaroon ng appointment to meet them tapos nagtuloy tuloy na.
Napakasaya namin ni Marisol dahil hindi magtatagal ay sisikat na kami. Hindi din namin expected na star Entertainment ang makakatuklas samin. Famous entertainment kasi yun at kaunti lang handle nila hindi dahil poor sila kundi dahil hasang hasa lang ang mga kasali dun at nakakapasok sa entertainment na yan.
Isa sa '5 Magic Directors' ang may handle nun kaya naman siguradong mahahasa ang talent ng bawat members pati bawat Trainee. At hindi dahil trainee ka na sa kanila ay sigurado na ang pagpasok mo sa music industry dahil may mga kailangan ka pang paghirapan. The 5 magic Directors are none other than our best friends... sina Xy!
*****
"I heard something about the two of you pero I'm not interested," sabi niya pagkatapos ko magkwento. Hinampas ko ulit siya sa braso na sa tingin ko ay namumula na ngayon.
"Ang sama mo. Not interested pala ah?"
"Totoo naman eh pero hindi ko alam na makakasama ko pala kayo."
"Pati naman ako hindi ko expected na makikilala kita eh. Ayiieeee! Destiny," sagot ko sabay tawa namin pareho. Sa totoo lang hindi na kami gaano nagkakausap ni Marisol simula nung naging trainee kami at nakasama namin 'yung iba.
Dahil puro asaran lang kami at text sa phone, kahit nasa isang room lang nga kami nagtetext pa kami eh. Para raw tipid sa laway. Haha!
Sa bahay kasi 8 rooms lang kaya yung iba magkakasama sa room, si Precious mag-isa lang yan, si Anette at Kate, Ako at Marisol at ewan ko na lang sa boys.
"Stephen, may kasama ka ba sa kwarto mo?" Tanong ko. Curious lang din ako kung anong itsura ng kwarto nila. Hindi pa naman kasi kami nakakapasok at bawal talaga.
"Bakit, gusto mo ikaw na lang? Aray!" Nakakainis. Kung pwede ko lang sabihing syempre naman pero syempre joke lang yun. As if namang magagawa ko!
"Seryoso kasi!"
"Seryoso naman ako ah?" Tinignan ko siya. Oo nga seryoso siya, kaya naman hinampas ko ulit siya sa braso. This time 'yung pinakamalakas na hampas na na kaya ko.
"Seryoso ba yan, nagpipigil ng tawa?" Oo, nakalobo pa nga yung pisngi niya na parang may hangin sa loob tapos nung hinampas ko siya pigla na lang natawa.
"Oo na nga seryoso wala akong kasama sa room. Bakit? Gusto mo ikaw na lang sumama sakin?" Tanong niya, for the nth time hinampas ko ulit siya.
Ganito lang kami palagi pero ewan ko naiinis siya kapag iba na ang naglalambing este nanggugulo sa buhay niya.
Ganun din kasi ako sa kanya dati, kinukulit ko siya habang siya naman tinataboy ako in a gentle way pero nagbago yun dahil nasanay na daw siya sa kakulitan ko. Nahawa pa nga daw ata siya eh!
Kasalanan ko ba? Na malakas ang virus ko? Kakulitan Virus!
Chapter 6
Precious
Kararating lang namin sa building na pagpo-promote-an ko raw. Mukhang mapapasubo ang pag-english ko rito ah?
Hindi naman sa hindi ako sanay pero nag-eenglish lang naman kasi ako sa school. Syempre, kailangan 'yon lalo na kapag english ang subject namin. Ngayon naman ay kahit wala sa school kailangan ko galingan. Hindi ko pa nasusubukan ulit matapos ang ilang taon na nagt-training kuno ako kasama si Leo.
"Here Precious, ito yung kakabisaduhin mo."
Pinakita naman niya sakin yung papel. Hoo! Akala ko pa naman sariling sikap ang peg ko! Buti na lang hindi. Yung tipong ako rin ang magco-constract ng sasabihin ko? Buti na lang at kabisaduhan lang.
Hindi naman ako naging valedictorian kung pagkakabisado lang hindi ko kaya 'no!
Kinabisado ko iyon kahit labag sa loob ko. Aba! Ang haba naman kasi eh!
"In 10 minutes magsisimula na," napa-what the F na lang ako sa sinabi niyang yun.
Seriously? Agad agad? Bahala na, ako nalang ang bahala mamaya madali na naman. Basahin ko na lang lahat baka may mastuck.
Kasalukuyan na akong nasa harap ng mga cameras at sila na lang ang hinihintay ko. Pagdating ko tapos na rin sila dahil medyo nalate ako ng dating.
After 10 minutes...
"Precious get ready, in 5, 4, 3, 2, 1..." Nagbukas na yung mga ilaw kaya naman tumingin na ako sa camera sa harap.
"Good Morning to everyone. I'm Precious Seo of the girl group of star entertainment," pagsisimula ko. This is easy! Kaya lang hindi easy sa'kin ang pagngiti.
"We are inviting you to our double debut together with Hot7..."
Nagulat ako ng sabihin nilang 'cut' bigla pagkatapos ng sinasabi ko. Napakunot ang noo ko dahil doon. Ang dami ko pang sasabihin tapos cut agad!
"Bakit naman ngayon mo lang sinabi? Sige, sino ba?" Inis na sabi nung producer namin. Nakita ko naman si Manager Min na manager ng Hot7.
"Si Mark ang napili ko dahil siya naman ang image ng grupo," pinatabi na siya sa 'kin at nginitian niya naman ako, nagnod lang ako sa kanya.
Mukhang alam ko na, promotion din naman kasi ito ng Hot7 kaya dapat lang na may representative din sila.
"Okay, alam mo na naman ang sasabihin mo, 'diba?" Tumango lang si Mark.
Naglakad naman siya palapit sa 'kin at binati ako. Ganoon din ang ginawa ko at tinignan na ang mga camera. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na rin kami.
"So start in 3, 2, 1..."
"I'm Mark No of Hot7," sabi niya.
"And I'm Precious Seo of 5lous." Tinuloy ko lang ang sinabi ko kanina tapos siya naman.
"Kamsahamnida (Thank you)" Sabay naming sabi then, "Cut ..." Nagpalakpakan naman sila at ganun din kami ni Mark.
"Grabe, natense ako nung una pero okay naman, 'diba?" Tanong ni Mark.
"Oo, para ngang hindi ka na kinabahan eh," sabi ko.
Sa kaunting panahon na magkakasama kami sa bahay, si Mark lang ang nakatagal sa ugali ko.
I mean, siya lang yung nagtagal na kausap ako sa kabila ng pagiging snobera ko pero hindi naman ako naiinis sa kanya.
Okay nga yun eh, kahit papaano may kaclose akong tao na kasama ko sa bahay.
Nagliligpit na yung iba habang kami napagpasyahan naming kumain muna sa labas.
"Saan tayo ngayon?" Tanong niya.
"Doon ulit sa dati." Kung tinatanong niyo man, lagi kaming lumalabas ni Mark.
Friendly date nga sabi niya dahil ayaw niya magpasama sa mga kamember niya. Lagi daw siya nauuto. Hindi ko alam kung paanong uto ang ibig niyang sabihin.
At syempre dahil ngayon din ilalabas ang promoting kailangan na namin ng disguise, naks!
Bumili kami ng ube at chocolate shake sa Shake Store pam palamig, kahit ang lamig na. Masarap kasi pag pinaghalo yung dalawang flavor eh.
"Tara, window shopping tayo?" Tanong ni Mark. Ayan na naman siya.
"Window shopping lang ah?" Tanong ko.
Kasi naman nung last na sabi niya Window shopping, aba at hinakot ang mga sumbrero at T-shirt ng mall?
"Haha, Oo na po titingin lang. Saka isa pa ano pa ba hindi ko nabibili?" Natawa na lang ako sa sinabi niyang yun. "Tumatawa ka naman pala, lagi kang tatawa sa iba para hindi napagkakamalang nag-memenopause."
Sinimangutan ko naman siya, menopause talaga dapat? Hinatak niya yung pisngi ko para ma form ng isang smile.
"Smile kako hindi simangot." Ewan ko pero parang may paru paro sa tiyan ko ng time na yun, hindi ko na lang pinansin. Ngumiti na lang ako sa kanya. Baka madagdagan ang wrinkles ko kapag hindi ako ngumiti.
Tulad ng sabi niya nag window shopping kaming dalawa. Pinipilit niya nga sa 'kin yung dress na nakita namin, bagay daw sa 'kin. Kutusan ko kaya siya?
Hindi ko maimagine ang sarili kong nakasuot ng dress lalo na ang palda. Puro 'ko maong shorts na fit o kaya naman pants na fit tapos sando at T-shirt lang ang trip ko pang itaas.
"Tigilan mo nga ako Mark, hindi ako nagsusuot ng ganyan 'noh." Sabay balik nung damit.
"Tara na lang dun sa mga sumbrero!" Don't tell me... "Titingin lang talaga hindi bibili." Hay! Hayaan na nga po ang bata.
"Tara!"
Para naman siyang batang tumatalon talon pa. Pinagtitinginan na nga siya dahil na din sa disguise namin. Para akong nagaalaga ng bata.
"Ikaw try mo 'to," tapos sinuot sa 'kin yung partner ni stitch na sumbrero, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Suot naman niya yung si Stitch.
"Tara, picture muna tayo!" Nag kung anu anong pose naman kami sa harap ng salamin.
Wacky lang madalas tapos iba ibang sumbrero ang nagpagtripan namin. Tinignan ko naman yung mga kuha niya at natawa.
"Para tayong baliw," Sabi ko sa kanya.
"Anong tayo? Baka ikaw lang, mandamay ka pa." Kumuha ako ng isang sumbrero at hinampas siya sa ulo, sinuot ko sa ulo niya at tinali, yung tipong masasakal na siya. "Ack~"
"Ayan ang sa 'yo. Bahala ka na riyan," sabi ko na lang at naglakad na paalis.
Malamang sinundan niya ako dahil may lahi 'yang buntot. Buntot ng tuta, syempre ako yung tuta. Ayoko ng aso.
"Joke lang yun!" Sinabayan niya ako sa paglalakad at parang may mali.
"Si Mark at Precious, tara sundan natin!" Kaya no choice kami kundi ang..."Takbo!"
Hinila pa nga ako ni Mark papuntang likod ng mall. Kasi exit tiyaka malayo kami sa entrance which is may exit. Nakakalito 'noh?
Sakto namang puro bakal yung dadaanan namin so mala-spiderman ang peg namin, siya sa kanan ako sa kaliwa.
Pagkaakyat sa taas nag tumbling na pababa hinawakan ni Mark yung kamay ko then takbo...
"Napagod ako roon!" Sabi ni Mark habang umiinom ng shake na binili namin.
Nakaupo lang kami sa isang stall na nagtitinda nung parang isa na nasa stick, hindi ko alam yung tawag eh.
"Para kong sumali sa marathon nito," sabi ko at tumabi sa kanya. Medyo madilim na din pala. "Hindi pala tayo nag-lunch 'noh?"
"Oo nga, kaya pala ang sakit na ng tiyan ko." Natawa na lang kami ng biglang magsalita yung nagtitinda.
"Iho, iha. Kayo ba si Mark at Precious?" Nagkatinginan kami ni Mark sabay tango.
"Opo, kami nga." Sabi namin.
"Ang ganda at gwapo niyo naman talaga sa personal, pwede ba mahingi ang autograph ninyo? Idol kasi kayo ng apo ko."
"Oo naman po." Pinakita niya yung poster namin ni Mark. Nalimutan kong sabihin sa inyo na model kami ng damit ni Mark.
Hindi naman yung mga damit na revealing pero yung damit na minsan sports, minsan naman casual lang. Isa lang din 'to sa pinagkakaabalahan naming dalawa.
"Salamat, sigurado akong matutuwa ang apo ko nito." Sabi niya at ngumiti ng malungkot.
"Nasaan po ba ang apo ninyo, baka pwede naming siyang makita?" Si Mark ang nagsabi niyan . Hindi ako pero okay na rin yun sa 'kin.
"Hay~ Nasa hospital siya, palala ng palala yung sakit niya." Naiiyak na sabi ni Lola, siya na lang ang nagtitinda para sa apo niya dahil wala na yung anak niya na magulang ng apo niya =.= ganun din yun.
"Ah ganun po ba, hayaan niyo po 'pag hindi na kami busy ni Precious dadalawin namin siya." Napangiti na lang si lola dahil dun sa sinabi niya.
Nagkakwentuhan pa kami ng matagal hanggang sa maalala ko na iniintay nga pala kami sa dorm este sa bahay pala.
"Mauna na po kami lola, baka nag aalala na yung iba sa 'min." Sabi ko na lang. Nagpaalam na kami sa isa't isa at kami naman ni Mark naglakad na.
Hindi na kailangan ng disguise dahil madilim na naman at wala ng makakakilala sa 'ming dalawa.
Noong una ay asar na asar pa ako kay Mark. Ang kulit niya kasi.
Hanggang bahay ba naman kulit kulitin ka hindi ka pa masanay? Ganyan lang kami madalas na dalawa kaya pwede ko ng sabihing close na kami.
Hindi naman talaga sa hindi ako friendly na tao, ayoko lang talaga sa sobrang nakakairita dahil mabilis mamumuti ang buhok ko.
Sa ngayon, sa tingin ko naman magiging payapa ang pagtira ko rito.
Chapter 7
Precious' POV
Nandito kami sa practice room at may iniintay na bisita raw, Star4 which is nag debut na last year ahead sila samin kaya Sanbae namin sila.
Tinuturuan ko si Darius mag drums kapag may free time kami. Fast learner naman siya kaya madali ko na siya natuturuan. Si Stephen at Denisse naman medyo maingay na, puro si Denisse ang dumadaldal pero madalas makitawa si Stephen which is nakakapanibago.
Si Kate, tahimik parin naman siya. Si Anette at ako naman nagkakasundo kaming dalawa kapag pagkain na ang pinag-uusapan. Close na rin naman kami ni Mark, para kaming magkapatid na ngayon lang nagkita, feeling ko nga siya ang nawawala kong kapatid. Pero syempre imposible naman 'yun. Sa nilawak lawak ng lugar na ito, imposibleng makilala ko siya agad.
"Guys, bakit ganun, kinakabahan ako kahit na makikipagkita lang sa sanbae natin?" Sabi ni Clark habang nakahawak sa dibdib niya. Ganito talaga siya kapag may panibago nakikilala, ganito rin daw siya noong ipapakilala kami sa kanila.
"Alam mo iinom mo lang 'yan ng kape, mawawala ang kaba mo." Biro ni Jayvee pero kumuha nga ito ng kape sa coffee maker sa gilid at saka ininom. Nakita kong nagulat ang iba samantalang tawa ng tawa ang mga lalaki. "Bobo ka ba? Edi lalo kang kinabahan!" Sigaw niya.
"Sabi mo eh, edi ininom ko." Hanggang sa nagbatukan na sila. Maloko din kasi 'tong si Jayvee at ito namang si Clark, dakilang uto uto.
"Guys nandiyan na ata sila sa office," sabi ni Benjamin kaya nataranta lalo si Clark at naupo na lang sa sulok. Muntanga lang eh!
Hindi naman nagtagal bago niya sabihin 'yun ay narinig na namin ng ilang katok sa pinto ng practice room namin.
"Hey guys! This is their practice room and they are 5lous and hot7," sabi niya sa Star4 na siguro ang mga ito.
They wear colorful dress and accessories at 'yung isa parang may kamukha, or namimiss ko lang talaga si Mary Jane? Remember nung sa audition Center sa Pinas? O nalimutan niyo na? bigti na fre. Hindi naman sa ibig sabihin na madalas akong walang pakialam sa ibang bagay ay wala na rin akong pakialam sa mga kaibigan ko.
"Guys this is Star4 Jheryl, Ana, Charie and Mary Jane," sabi niya kaya napatingin ako kay Mary Jane, kamukha niya talaga eh! Isa isa rin kaming nagpakilala sa kanila ng maayos.
"So pansamantala dito muna sila sa Practice room niyo and have fun, babalik ako agad!" Sabay labas sa practice room namin. Kanya kanya silang pagpapakilala samantalang ako kumuha ng inumin kasama si Mark. Oo tama, kasama ko nga siya.
"Precious?" Tanong ni...Mary Jane?! Sabi na nga pa eh!
[[ Tagalog Conversation ]]
"Mary Jane? Sabi na nga ba ikaw yan," sabay yakap sa kanya, kahit papano may sweet bone pa naman ako hindi tulad ng iniisip niyo. Though, ayoko sa lahat ay ang skin ship. Hindi ko alam pero parang ayoko nung kung sinu sino na lang ang yayakap sakin.
"Oo, ako man akala ko kamukha mo lang eh," sabi niya, ang laki ng pinagbago niya. Lalo siyang gumanda sa paningin ko. Hindi siya ganun kaputi gaya ko pero kung titignan mo siya, nasa kaniya 'yung sinasabi nilang 'Black beauty'. Inggit naman kayo?
"Akala ko nga namimiss lang kita kaya akala ko ikaw na 'yan." Sabi ko. Para naman kaming nagbobolahan na dalawa nito. Haha. Nakarinig naman kami ng mahinang 'ehem at ngayon lang naalala si Mark.
[[ End of Tagalog Convo ]]
"Nandiyan ka pala, hindi ka namin napansin," pang aasar ni Mary Jane. Hindi naman kasi siya masungit at kapag kinausap ka niya, feeling mo ang close niyo na agad na dalawa.
"Kaya nga eh, anong linggwahe naman 'yang pinag uusapan niyo?" Tanong niya, nakaupo na kaming tatlo. Magkatabi kami ni MJ, ang haba naman kasi kapag 'Mary Jane', habang si Mark nasa harap namin.
"Filipino, may naintindihan ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Meron, yung word na Oo." Natawa na lang kami hanggang sa may umupo sa tabi ni Mark at nakisalo sa usapan. Ewan pero uminit ulo ko bigla. Para bang may pumasok sa mata mo at gustung gusto mo na agad itong tanggalin sa mata mo.
"Can I join you guys on your convo?" Sabi ni Jheryl sa ingles. Nagkatinginan naman kami nina Mark. Hindi dahil sa hindi namin naintindihan kung hindi, ayaw namin! Period.
"Oh sorry, gusto niyo pa ng Korean? I guess hindi niyo naintindihan 'yung english." Sarap itabas sa mukha ng babaeng 'to yung kutsaritang hawak ko!
Umiinom kasi ako ngayon ng kape, I love coffee! Kung pwede uminom na lang ako ng kape kesa makipag usap sa babaeng amerikanang sunog na ito, AS na lang nickname ko sa kanya. Amerikanang sunog.
"Sure Amerikanang sunog." Muntik pang mabuga ni MJ yung iniinom niya dahil sa sinabi ko, naalala ko naiintindihan pala niya ang sinabi ko.
"What's Amerikanang s-sunod?" Nginitian ko lang siya at tinama yung sinabi niya. Nagpipigil naman ng tawa si MJ sa tabi ko. "What's that?"
"Don't worry, It's a compliment tagalog word which means gorgeous, Gorgeous American." Sabi ko naman sabay pagsang ayon ni MJ kahit na kaunti na lang ay matatawa na nang malakas.
"Is that so, thanks, I'm flattered." Sabay pa cute kay...Mark. Gusto kong tumawa pero naiinis ako dahil sa inaasta ng babaeng ito.
"Aalis na ko, bahala na kayo diyan," sabi ko sabay tayo. Napakunot na lang si Mark sa pag iiba ng mood ko. Ako man hindi ko alam kung bakit. Hayaan ko na lang yung mga yun maglandian. Nakakainis lang, panira ng atmosphere at ng mood 'yung AS na 'yun. Sunugin ko siya eh!
"Hoy bakit mo naman ako iniwan kasama yung dalawang yun?" Sabi ni Mark sabay hawak sa braso ko. Nakasunod pala ang isang 'to.
"Para may alone time, you know GeToKEO," sabi ko na lang. (Read as Getokeyo, gawa gawa lang ni Miss Author ^.^)
"GeToKEO? Ano naman 'yun, tagalog na naman?" Tanong niya.
"GeToKEO~ Getting to know each Other," sabi ko sabay irap.
"Nino naman?" Ang kulit talaga ng lahi ng isang 'to. Kung hindi lang...Kung hindi lang? Kung hindi lang ako mabait hindi kita kakausapin eh!
"Nino pa, Edi ni Jheryl!" Sabi ko na lang sa kanya.
"Wait~ Are you jealous?" Pang asar niyang tanong niya.
"Heol!! Ang feeling mo, of course not noh!" Angal ko dahil totoo naman. (Heol - is an expression, parang OMG!)
"Hey guys!" Tawag ni AS ng atensyon namin. Nilayasan lang ni Mark eh, papansin? Pero buti na lang dahil tinigilan na ako ni Mark sa pang aasar niya at mukhang go na go rin sa pakulo nitong As na ito. Well, whatever!
"What about a Dance Battle?" Sabi niya sabay tingin sakin na may halong paghahamon. Aba! Mukhang naghahamon si AS ah? Bakit hindi pagbigyan?
"Why not?!" Hamon ko rin sa kanya, mukha namang nagulat siya dahil akala niya siguro hindi ako papayag, talunan lang ang takot. Nakita ko rin ang gulat sa iba dahil siguro hindi sila sanay na pumapayag sa mga ganitong pakulo.
"Wait~ Ako ang bahala, what about 5lous VS Star 4?" Sabi ni Jayvee, mukhang pati siya game sa trip ni AS ah? Pero sabagay, pumayag na ko eh, aayaw pa ba ko? Ngayong mukhang hindi ako lulubayan ng nakakainis na tingin ng babaeng 'yun!
"What about Mark join as para naman fair, 5 VS 5?" Sabi niya habang nakatingin parin sakin. Nakakaasar to the highest level! Makatingin naman akala mo hindi ako papatalo sa kanya. Kapag siya natalo, ha! Tatawanan ko lang siya. Tss.
"Nope, may isang tatanggalin sa 5lous, unfair parin kasi kapag may boy member," sabi ni Jayvee. Napangiti na lang ang puso ko I mean ang labi ko, malamang, dahil sa sinabi niya. Gumawa sila Jayvee at 'yung iba ng bowl tapos may mga list ng sayaw. Si Denisse ang tinanggal nila, nag volunteer din kasi siya na ayaw niyang sumali.
'Yung sasayawin namin either panlalaki o pambabae, okay lang dahil lugi naman sila kapag sayaw na ng hot7 ang mabunot nila!
"Ready na, Okay representative kung sino ang mauuna," bato bato pick ang laban kung sino mauna at nanalo sila. Si Jheryl kasi at si Marisol ang naglaban. Bato bato pick lang tuwang tuwa na siya, hindi pa naman panalo. Tss. Hindi ko talaga alam kung bakit ang init ng ulo ko sa kaniya.
"Don't worry, alam naming alam niyo ang tugtog na nilagay namin kung hindi niyo alam ang steps pwede kayo mag free style," sabay kindat sa banda namin. Ano kayang nasa isip ng isip batang leader na 'to?
Ang napili nila ay *Drum rolls* Si Darius po ang nag drum rolls na 'yun. 'Roly Poly' Ang main Dance pala nila ay si Jheryl at si MJ naman ang Lead.
Hindi ko maipagkakailang magaling sila, makembot naman kaya nanliliit ako. Palibhasa fit 'yung damit wala namang curves, payatot!
After ng performance nila pinalakpakan namin sila, ang pinalakpakan ko si MJ hindi si Jheryl. Oh well, bakit ba ko nag eexplain?
Ako ang bumunot ng sasayawin namin at kung sineswerte ka nga naman, "Girls Girls Girls by Hot7" Napangisi na lang ako ng tago.
Buti na lang nagpaturo ako kay Darius nung step nila as a return nung pagtuturo ko sa kanya mag-drums. Alam 'yun ni Darius kaya napahampas siya sa drums.
"Why so swerte, Noona?" Sigaw ni Darius sakin, halata namang naguguluhan silang lahat sa sinabi niya pero hindi na lang namin sinabi kung bakit.
"Wait wait! Hindi mo binasa 'yung huli... " Pagtingin ko, seriously? Ang nakalaagay kasi... "Girls girls girls with Intro..." Sabay ngisi naman ni Jheryl.
Tignan lang natin, 'Yung Intro kasi nila may tumbling din which is yung iikot gamit ang isang kamay pero hindi nila alam nagpaturo din ako kay Mark.
Acting lang yung kanina noh! Hindi ko alam na may patutunguhan din pala ang page-ensayo kahit na ayoko. Wala naman kasi talaga akong hilig sa pagsasayaw. Nagsimula na yung kanta at nag tumbling na muna si Anette,' yung part ni Mark.
Panoorin niyo sa media!
Hindi ko alam kung anong naging reaksyon nila sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin. Nakaya ko naman siguro dahil nag drums si Darius, 'yung tipong may tono. Haha.
*
After ng sayaw narinig naming nagpalakpakan silang lahat.
"Ang galing mo talaga, Precious!" Sabi ni Mark at iniabutan ako ng tubig. Tinanggap ko naman at uminom nun.
"Salamat, tinuruan mo ata ako noh!" Natawa naman siya dahil dun tapos nag fist bump kami, natawa ako dahil kung anu ano ginawa namin.
Hindi naman kami nag gaganun before diba? Nagtuloy lang ang battle hanggang sa mag tie hanggang 4 'yung scores namin.
"Okay ganito na lang. Kailangan ng isang volunteer member para sa battle..." Sabi ni Jayvee kaya naman ako na lang dahil ako naman ang main dance ng grupo namin.
"Okay, I'll be going then. Good luck to me, cheer me Mark, okay?" Again uminit na naman ang ulo ko. Hindi naman siya pinansin ni Mark at tinaas ang kamay na naka fist.
'Fighting Precious!' He mouthed kaya naman lumakas ang loob ko. Si Jayvee ang bubunot kung ano ang sasayawin namin.
Alam naming pareho ang mga nilagay pero hindi ko alam kung masasayaw ko 'yung iba dahil madaming pambabaeng sayaw.
"Ito na, ready na ba kayong dalawa?" Tanong niya samin. "I got a boy by SNSD," Napakagat labi na lang ako sa narinig ko.
"Ow! I really love that song, cheers to us guys?" Alam ko naman yung steps kaso hindi ko pa na try sayawin buti nakaharap kami sa salamin. Makikita ko kung gaano ako ka-awkward sumayaw ng pambabae at makembot ng sayaw.
Siya ang mauuna dahil nag volunteer na siya at payag naman ako dun. Habang pinapanood siya naubos na ata ang kuko ko kaka kagat ko. Kinakabahan kasi talaga ako kahit wala naman ang battle na ito. Feeling ko kailangan ko parin manalo, no matter what!
"Kaya mo 'yan, malay mo malambot pala katawan mo? Hahaha." Nakakaasar naman si Mark oh! Kinakabahan na nga ako kung anu ano pang sinasabi ni Mark sakin.
'Yung tipong sumasayaw ako ng walang dahilan. Pero kasi nakakahiya naman kung girl group kami tapos main dance pa ko hindi ko kayang sayawin yun.
After that ako na...
*Now Playing: I got a boy SNSD*
After that, kinongrats nila ko kahit hindi pa naman alam kung sino ang nanalo. Paano nalalaman ang panalo?
Pinag bobotohan ng Hot7 tapos ang pinakamaraming votes ang mananalo. Naguusap usap na sila sa gilid habang ako nakapangalumbaba lang, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Jheryl pero Lapake! Tumabi naman si Mark sakin.
"Okay ka lang? Galing mo kanina eh!" Puri niya, hindi ko na masyado nakita ang sarili ko kanina kaya hindi ko alam kung nang aasar siya.
"Nang aasar ka ba?"
"Hindi ah, nagsasabi ako ng totoo!" Sabi niya tapos nag fist bump ulit kami. Sana nga, sana nga *Cross finger*
"Ito na!!!" Sigaw ni Jayvee. Grabe! Ninerbyos ako dun ah! Makasigaw naman kasi, parang championship ang labanan namin ngayon eh.
"Haha, bawasan kasi ang paginom ng kape haha," hindi ko siya pinansin at nakinig na lang sa kanila, parang ang dami nila noh? Tagal magbotohan.
"So ang nanalo ay si...." Sabay turo kay Darius sabay Drum rolls "...ay si...." Turo ulit kay Darius sabay drum rolls "Si ..." Turo kay Darius.
"Masakit kaya sa kamay dude," angal naman ni Darius.
"Panira ka naman Darius eh. Ito na nga ay si," sabi na ni Jayvee. "Precious, Sabog Confetti!" Nagtatalon naman 'yung mga kasama ko samantalang wala akong ginawa kundi ang tumayo. Pinipigilan kong tumingin sa banta ni Jheryl para pagtawanan siya, baka kasi maasar eh.
"Ikaw ang nanalo Precious!" Sabay yakap sakin ni Mark. Here they are again, butterflies on my stomach. Niyakap na din kami ni Mark ng lahat.
"Ang galing mo talaga Precious!" Sabi ni MJ sakin ganun din yung iba at si AS pero halatang labas sa ilong niyang retokado ang pag-congratulate niya samin.
Maya maya dumating na si Manager Lee. Nagtataka siguro kayo wala si Sir Leo? Bumalik kasi sila sa Pinas dahil aasikasuhin yung papel ko. Hindi naman kasi ganun ganon lang ang paglipat sa ibang bansa at marami pang kailangang gawin.
"Do you have a good time guys?" Tanong niya.
"Ne!!!(Yes!!)" Sabay sabay na sabi namin.
"Nag dance battle pa nga po sila eh!" Sabi ni Jayvee. Hindi naman nagtagal ay natapos na rin ang pagk-kwentuhan namin. Pagkatapos nun in-excuse kami ni Mark dahil siguro sa modeling na naman.
"You see, para kay Precious, this is her last modeling here sa ngayon." Medyo naguluhan naman ako dahil sa sinabi niya. Bakit kasi lagi siyang nagpapaliguy ligoy sa pagsasalita?
"Bakit naman po?"
"Kaya nasa Pinas si Leo para sa mga papel mo pabalik, naimbitahan ka kasi na after debut na mag host sa isang show dun." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Kaya pala! Kahit hindi ko alam kung kaya ko, host? 'Diba kapag nagho-host nakaharap sa maraming tao? Kaya ko kaya 'yun?
"Sa ngayon nasa labas na 'yung van at sila na ang bahala sa pagpunta niyo sa Agency." Lumabas na kami at dumeretso muna sa practice room. "Guys, mauna na muna kami dahil may kailangan pa kaming gawin" Paalam ni Mark sa kanilang lahat na busy sa pag sayaw.
"Sige, baka kung saan na naman kayo magpunta pagkatapos," sabi ni Jayvee. Kasi last time pagdating namin inasar nila kami na nag date nga kami.
Sabi naman ni Mark 'Oo daw. Tama naman kaso mali sila ng intindi at sinabi na lang naming 'Friendly date lang 'yun. At dahil mga baliw sila, hindi sila naniwala samin at nagsimula na mag-isip ng kung anu ano.
Nauna na kami sa agency at mahaba habang pose na naman ang kailangan naming gawin, ang theme namin ngayon ay Casual. Hindi na nakakailang dahil hindi naman siya revealing at hindi nakakailang kasama ang lalaking ito.
Nagtuloy tuloy lang kami sa pag pose ng kung ano. 'Yung tipong parang bata lang kaming nagpapapicture at walang ARTE sa katawan. Naalala ko tuloy si Amerikanang SUNOG...
"Napano 'yang mukha mo?" Tanong niya ng mapansing nagbago ang emosyonng mukha ko. Tapos na kami sa first session, at ano pa ba ang sunod ng first, edi second.
"Wala may naalala lang ako." Nagpunta na kami ulit sa flat form at this time may props na kami na dala. Para lang kaming namamasyal na dala, nag-uusap pa nga kami kahit na alam naming may mga camera. Mas maganda naman sa tingin ko ang natural na kilos kaysa pagplanuhan namin ang mga poses.
Natapos na kami sa lahat ng session at pabalik na kami sa bahay. Next week na din pala ang pagbalik ko sa Pinas at may pagkakataon pa kong makita ang mga kaibigan ko.
Maririnig ko na naman ang maingay na boses ni Charm.
Chapter 8
Precious' POV
Busy na ang lahat...
Syempre malapit na ang debut namin, napapadalas na din ang pagbisita ng Star4 or should I say inaraw araw na ang pagbisita. Which is ayoko talaga! Ayos lang naman kung si MJ lang e, kaya lang pati si Jheryl kasama. Nakakairita naman kasi, tulad na lang ngayon. Nakaupo lang sila habang kami nang 5lous ang nagpa-practice.
"Precious oh~" Sabay abot sakin ni Mark ng tubig, ako naman tinanggap ko. Nasanay na rin ako na siya ang supply ng tubig ko. Pwede na nga siyang maging water boy ng grupo.
"Thanks~" Sila naman ang nagpractice habang kami nanood lang. Ganun lang naman ang process, kami-sila-kami-sila.
Pagkatapos ng practice nila, kumuha ako ng tubig para sana iabot kay Mark kaso lumapit si Jheryl sa kanya. Ito ang isa sa kinaiinisan ko, hindi ako malayang makakilos dahil lagi niya akong tinitignan. Kung hindi siya nagpaparamdam kay Mark, iisipin ko na nagpapapansin lang siya sakin. Malay ko ba kung tibo siya o ano.
"Mark tubig oh~" Ginaya pa niya ang accent na ginagamit namin ni Mark sa isa't isa. Nagulat din ako dahil hinawakan pa niya 'yung braso ni Mark. Hindi lang pala ang closeness ng ibang members ang lume-level up, pati pala ang pagdikit dikit niya kay Mark.
"No thanks," plain na sagot naman ni Mark. Tumalikod na lang ako at aalis na sana kaso tinawag ako ni Mark. "Precious, sa'n punta mo?" Tanong niya.
"Aalis? Waeyo?(Bakit?)" Tanong ko, hindi naman sa asar 'yung tono ng boses ko. Masaya pa nga eh! Nasa kanang kamay ko 'yung tubig ko tapos 'yung tubig niya sa kaliwa.
"Para sa'kin ba 'yan?" Tanong niya sabay turo sa hawak kong tubig.
"O-o, sana!" Lumapit naman siya sakin at kinuha yung tubig na hawak ko sa kanan. Akin kaya 'yun!
"Edi akin na, haha," sabay inom pero bago niya pa mainom ay pinigilan ko siya.
"Hoi, akin 'yan ito 'yung iyo." Kukunin ko sana pero ayaw niyang bitawan at tinuloy lang ang pag-inom. "Haist~ ang kulit!"
"Okay na 'yun, pareho lang naman 'yang tubig."
"Kahit na, may sarili ka namang tubig e."
"Nainom ko na eh, may magagawa ka pa ba? Gusto mo ibalik ko," sabi ko nga wala na eh. Kaya naman naupo na lang ako sa isang tabi.
"Akala ko aalis ka?"
"So, pinapaalis mo na ako?"
"Hindi naman~, tanong 'yun diba? Hindi utos."
"Tanong din 'yun, may sinabi ba kong pinapaalis mo ko?" Pangontra ko sa kanya, natatawa na lang kami sa pinagsasabi namin, walang patutunguhan pero kahit naman ganun nakatulong parin ang mga pag-uusap namin para maging close kami sa isa't isa.
"Nga pala, ilang days na lang din babalik ka na sa Pinas ah?" Nagpupunas siya ng pawis niya nang ipaalala niya 'yan sakin.
"Oo nga eh, nakakalungkot." Napatingin siya sakin at napatulala.
"Bakit ka naman malulungkot, babalik ka naman ah?" Sabi niya, mukhang sa wala na naman mapupunta ang usapan namin.
"Ah basta, punta pa kami sa recording room!" Ire-record kasi namin 'yung Baby Don't Cry which is a track hindi sayaw. Pwede naman siyang sayawin pero hindi ganun ang style namin, slow dance kasi 'yon.
Recording room...
"Congratulations in advance 5lous dahil malapit na ang debut niyo," sabi ni Manager pagkatapos na pagkatapos namin sa recording. Nagpalakpakan lang kaming lahat ng nasa room. Narinig ko pa ang ilang pagbati ng mga tao roon sa aming lima.
"Next week Saturday ng hapon ang schedule niyo so don't be late," paalala niya samin bago kami lumabas at bumalik sa bahay.
Sa Van ang daldal nilang lahat, pati si Anette nakikidaldal na sa kanilang lahat dahil siguro sa excitement na nararamdaman nila. Hindi ko rin naman maipagkakailang na-eexcite din ako sa pag-debut namin. Malaking achievement na rin ito dahil sa tinagal nang paghihirap namin ay makakamit na namin ang dahilan kung bakit kami nagsimula sa bagay na'to.
"Nandito na pala si Sir Leo sa Korea hindi man lang magpakita," balita ni Denisse. As a leader dapat updated siya. Kahit naman may pagka-isip bata siya nakikita ko parin na ginagawa niya ang lahat para sa grupo namin.
"Oo nga daw, dadalaw daw siya sa Hospital na sinusuportahan niya. Hindi ko alam na hindi lang pala ang pagiging direktor ang inaalala niya. Akalain niyong pati sa hospital ay may natutulungan siya?" Dagdag pa ni Kate. Hindi man lang nagsabi ang isang 'yun. Bigla na lang lilitaw-lulubog. Pero noong nasa Pinas pa kami hindi nawawala 'yun dahil kahit nasan ako hinahanap niya ako. Lagi nga kasi akong tumatakas dahil ayoko mag-practice maghapon. Sa pag-aaral lang ata ako ng linggwahe nila sinipag dahil ayoko naman na pagdating dito ay para akong bagong silang na bata na walang maintindihan.
Pagdating sa bahay...
Napagpasyahan kong umalis muna ng bahay para makapagliwaliw. Nandun na silang lahat sa bahay at nagkakasiyahan. Hindi magtatagal, mas marami na ang makakakilala sakin hindi gaya ngayon. Kilala lang naman ako bilang unang Pinoy Idol pero hindi pa ganun karami ang nakakaalam. Mas mabuti na ang nag-iingat.
Nadaan naman ako sa isang store ng mga sumbrero at nag tingin tingin. Parang gusto ko tuloy bumili. Naalala ko kasi si Mark. Buti na lang at naka disguise ako dahil medyo madaming tao ang nandito sa store. Tinignan ko 'yung sumbrero na kulay itim tapos may makinang na highlights. Black and Pink? Not a bad pair afterall.
Tinanggal ko 'yung shades ko at sinukat ang sumbrero. Hindi nagtagal 'yun lang din ang napili ko kahit na ang daming magagandang sumbrero. Kung ano kasi ang matipuhan ko sa una, iyon na agad ang binibili ko. Kapag kasama ko si Charm, naaalala ko na ang dami pa niyang tinitignan at kung minsan tatanungin pa ako kung anong mas maganda.
Lumabas na ako ng store at nagpatuloy sa paglalakad. Sa hindi kalayuan may nakita akong batang naglalaro ng bola. Maraming ganito sa Pinas, hindi rin ako nagsasawang panoorin sila lalo na kapag masaya silang naglalaro. Siguro dahil na rin sa hindi ko na-enjoy ang kabataan ko dahil maaga akong namulat sa katotohanan. Bata palang lagi na akong seryoso kaya hindi ko alam ang pakiramdam nung nag-eenjoy.
Dahil mahilig ako sa mga bata, hindi ko napigilan ang panoorin siyang naglalaro hanggang sa pumunta 'yung bola sa daan. Sa hindi kalayuan naman ay isang sasakyan ang parating. Ganitong ganito ang mga napapanood ko sa mga drama na pinapanood namin ni Charm. Don't tell me, akong tutulong sa kaniya? Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo sa bata. May nakapansin na sakin na tumakbo dahil natanggal 'yung hood ng jacket ko.
"Si Precious!" Haist! Akala siguro nila tumatakbo ko sa mga fans, hindi ba nila napansin 'yung bata? Isa pa, nasan na ba ang nanay niya?
"Tabi!!!" Sigaw ko na lang at hindi pinansin 'yung mga taong nababangga ko. Bwisit naman! Nakarinig ako ng kakaibang tunog, isang tunog ng pagpreno ng sasakyan. Naramdaman kong kumirot ang paa ko dahil nabunggo ng motor, buti na lang at nayakap ko kaagad ang bata kung hindi ay baka siya ang nabangga.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa bata. Bigla na lang siya umiyak kaya niyakap ko siya, hala! Ayoko ng batang umiiyak. Isa pa, ang kirot ng paa ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa baga na'to.
"Anak!!!" Narinig kong tawag ng isang ginang sa hindi kalayuan, siya na siguro ang nanay ng bata. Lumapit siya samin at agad na niyakap ang kaniyang anak.
"Maraming salamat at iniligtas mo ang anak ko!" Sinubukan kong tumayo pero biglang kumirot ang paa ko. Naalala ko ilang araw na lang ang debut tapos magkakaganito pa? Bakit parang ang malas ko naman ata?
"Aray!" Ingit ko, ang hapdi naman kasi talaga. Na-sprain pa ata ako buti hindi nasugatan 'yung litid ko kung hindi hindi na ako makakapaglakad o mas worse makapag sayaw. Nag-aalala na ko sa pwedeng mangyare.
"Si Precious 'yan diba?"
"Naku! Tulungan niyo!"
Pero bago nila ko malapitan nagulat ako sa taong tumatakbo at sumigaw palapit sakin.
"Precious!!!" Tawag niya sa pangalan ko, anong ginagawa niya rito? "Naku namang babae ka!" Saway niya sakin. Binuhat na niya ako nang pang-bagong kasal at naglakad, nagtawag na din yung iba ng sasakyan. Gustuhin man nila kaming lapitan hindi nila magawa dahil sa kalagayan ko ngayon, ang hapdi kasing talaga! Sana maging okay na ako, ayokong maging pabigat sa ibang myembro.
*
Sa Hospital ...
"Sprain lang naman ang natamo mo kaya walang dapat ipag-alala pero sa tingin ko tatagal 'yan ng ilang weeks bago ka makapagsayaw ulit." Halos manlumo ako sa sinabi ng doctor sakin. Kasama ko si Mark na kausap ang doctor, kung hindi niya naman nalaman eh sasayaw parin ako pero sa kulit niyang iyan hindi niya ko papayagan.
"Narinig mo naman siguro ang doctor, Precious. Bawal pa,"
"Pero Doc, hindi talaga pwede kahit once na lang muna? Ako pa naman ang main dance ng grupo!"
"Tama ka, malaki ka ring kawalan pero kesa naman lumala at hindi ka talaga makasayaw ng matagal. Ikaw din ang bahala."
Hindi nagtagal umalis na ang doctor at naiwan kami. Nilagyan na ng cast para kahit papano hindi na lumala, malay natin gumaling siya agad. Nag-aalala rin ako sa iba, tiyak na hinahanap na nila kaming dalawa ni Mark.
"Precious!" Tawag sakin ni Mark. Tinignan ko naman siya na umuupo sa kama sa paanan. "Baka nag aalala na sila, sabi ko mag papalamig lang ako."
"Sabi ko lang din mag liliwaliw lang ako," sabay kaming napabuntong hininga at nagkatinginan.
"Mark..."
"Precious..." Tapos nanlaki ang mga mata namin pareho. Oh no!!!!
"Si Sir Leo!!!" Sabay na sigaw naming dalawa sabay may kumatok sa pinto pero hindi namin binuksan. Kesho ito na ang nagbukas mag-isa at niluwa samin ang seryoso at gwapong mukha ni Sir Leo. Bilis nga naman ng balita.
"Precious naman, pwede namang after debut mo na lang 'yun ginawa." Akala ko sisigawan niya ko pero ito siya ngayon at sinisisi ang 'wrong timing' na pagligtas ko sa bata.
"Sir—-" Gusto ko sumingit sa pagsasalita niya pero tuloy tuloy parin siya. Para siyang magulang ko kung makapanermon, pero hindi ko naman siya masisisi.
"Pwede namang after debut niyo na lang tinulungan 'yung bata," pagkasabi niya noon ay sabay namin siyang binatukan ni Mark.
"Sir, kung pwede ko lang gawin 'yun ginawa ko pero wala eh," sabi ko na lang. Nag pout naman siya na parang bata at nag cross arms.
"Ano nang gagawin mo? Isa ka pa naman sa inaasahan ng marami," nag pout din naman ako sa kanilang dalawa.
"Hindi ko alam pero ano pa bang magagawa ko kung bawal talaga?" Hanggang sa napagpasyahan naming umuwi na rin. Tahimik lang ako sa van at ganun din siya, buti at hindi nangungulit si Mark. Alam niya naman siguro kung anong nararamdaman ko? Hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga, nakakapanghinayang talaga.
Nakakailang buntong hininga na ako pero hindi parin maalis yung nararamdaman ko, daig ko pa kasi ang namatayan ngayon.
Pagdating sa bahay halatang gulat sila sa itsura ng paa ko, hindi sila magugulat sa mukha ko dahil alam kong maganda ako. Kidding aside. Kinwento namin sa kanila ang nagyare at nalungkot din sila para sakin, wala nang magagawa nangyare na.
Hindi naman pwedeng isisi nila sa bata ang nangyare. Dapat 'yung bola ang sisihin eh. Kung hindi tatanga tangang tumalon sa kalsada alam na may dumadaan. Ganito lang talaga, daanin sa biro ang lungkot.
Debut Day...
Napagpasyahang si Anette na daw ang gagawa ng lahat ng tumbling habang ako mag-rap na lang. Sa tingin ko ang unfair ko sa kanila lalo na kay Anette dahil siya ang aako ng mga kailangan kong gawin. Alam ko kung gaano kahirap nun kaya alam ko kung gaano kahirap para kay Anette. Sinabi kong tanggalin na lang ang mga parts ko pero hindi naman nila kayang gawin 'yun.
"Okay lang 'yan Precious, tiyaka na practice ko na hindi na kailangang mag-alala," 'Yan lang ang sinabi ni Anette sakin. Sinigurado niyang magiging okay lang siya pero hindi parin maalis sakin ang pangamba. Baka kasi maaksidente pa siya dahil hindi naman siya sanay sa mga stunts na ginagawa ko. Kumbaga, iba ang mga exercise niya sa mga exercise na ginagawa ko.
Nandito lang ako sa Powder room at nag-iintay ng oras. Ilang minuto na lang magsisimula na nang maisip kong... 'I can't just sit back and relax, I need to do something'. Dali dali kong sinuot ang damit na dapat na isuot ko sa debut.
Bago ako lumabas tinignan ko ang sarili ko sa salamin, 'AJA~! Kaya ko 'to Hindi nila napansin na lumabas din ako ng stage ng tawagin sila kaya hindi na nila ako nasuway pa. Hindi naman pwede lumabas din si Sir at hilahin ako papasok.
Nagsimula na ang kanta, tumbling tumbling, medyo makirot pero parang kagat lang ng langgam, kaso 'yung malaking langgam nga lang.
Pag-tumbling ko pa ng isang beses naapakan ako ni Denisse. Nakaupo lang ako sa kabilang dulo at nakita kong naupo din si Anette sa kabilang dulo pa. Nagtinginan kami at parang alam na namin ang iniisip naming dalawa, We did a back flip and the show goes on~
Chapter 9
Precious' POV
"Precious, pinakaba mo naman ako! Bakit bigla bigla ka na lang pumapasok?" Sigaw ni Denisse sakin. Napasimangot na lang ako dahil sa tanong niya.
"Buti na lang nakukuha sa tingin 'tong si Anette," kalmadong sabi naman ni Kate na para bang naisip na niyang gagawin ko iyon.
"Wala naman kayong magagawa dahil nakapagperform na siya," seryosong tanong ni Jayvee. Pero kahit na hindi siya kinabahan at hindi niya ko sinigawan, kita kong hindi siya natuwa sa ginawa ko kanina. "Sumunod ka sakin Precious."
Si Jayvee lang ang nandito dahil nauna na 'yung mga kamember niya. May iniutos lang daw sa kanya ang CEO kaya napadpad siya rito. Kinakabahan tuloy ako, baka sermunan ako nito, kahit maloko 'yan nakakatakot din. Otoke? Help me guys!!!
Pagpasok ng office pinaupo niya ako sa harap ng table. May kinuha siya sa cabinet niya at lumapit sakin.
"Akin na 'yang paa mo," utos niya sakin. Hindi ako maka-hindi sa kaniya ngayon. Kakaiba ang aura na binibigay niya sakin ngayon. Hindi ako sanay na seryoso siya dahil madalas siya ang nangunguna sa mga kalokohan. Tinanggal niya ang sapatos ko at tinignang mabuti. Nag-iiba na din ang kulay ng paa ko.
"Bakit mo 'yun ginawa?"
"Huh?" Tanong ko, hindi ko naman agad na gets dahil bigla bigla na lang siyang nagtatanong pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"Bakit ka pumunta ng stage? Hindi ka ba natatakot na hindi na makapagsayaw sa susunod?!" Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko na ulit naisip ang bagay na 'yun dahil ang nasa isip ko lang...
"Hindi ko kayang iwan ang grupo," 'yan lang ang nasabi ko sa tanong niya. Natapos na niyang lagyan ng bandage 'yung paa ko.
"Pero hindi mo ba naisip na pwede kang matanggal agad sa grupo ng dahil sa hindi ka na makapagsayaw?"
"Wala namang nangyare diba? Tiyaka isa pa nakasayaw na ko kaya wala ng magagawa," what's done is done, ikaw nga nila. Napabuntong hininga naman siya. Akala ko kumalma na siya pero mali pala ako.
"Hindi mo ba alam na nag-alala ako!!!" Nagulat ako sa sinigaw niya sakin. Nasabi niya 'yun ng nakatingin sakin tapos umiwas ng tingin at muling nagbuntong hininga.
"I saw it, naapakan ka ni Denisse," pati ba naman 'yun nakita pa niya? Nabigla ako dahil sa kataok sa pinto. Dahil siguro sa nerbyos ko ngayon kaya bigla bigla na lang akong nagugulat sa mga naririnig ko.
"Jayvee? Kailangan ka na sa studio, ilang minuto na lang magsisimula na din kayo," panira lang ang peg ni ate?
"Sabihin mo susunod ako," sabi na lang ni Jayvee. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at tinignan ako ng deretso.
"Hintayin mo ako mamaya, sabay tayong uuwi." Tapos pumunta na siya ng pinto at lumabas. Ano daw?
"Precious!!!!" Nagulantang ang mundo ko at natauhan ng marinig ang boses ni Denisse, Charm Isda you?
"Okay ka lang. Anong sabi sayo ni Jayvee?" Tanong nila, umiling lang ako at tumayo. Medyo nakakalakad na naman ako, medyo lang.
"Ops! Wow, nilagyan niya ng bandage?" Tanong ni Marisol sakin. Tumango lang ako at nadako ang tingin kay Anette na naka fake smile, selos much. Hindi ko madalas pinapansin ang mga ganito pero madali kong nalalaman kung may kakaiba sa kilos ng isang tao.
Sabay sabay kaming lumabas ng room at dederetso na sa labas at nag iintay na ang van na sasakyan pauwi. Pero bago pa kami makasakay lahat ay nagsalita na si Manager.
"Kailangan ko muna siyang dalin sa hospital, mauna na kayo guys."
"Kami na lang ang sasama sa kanya sa hospital!" Sabi ni Denisse na parang excited na makatakas. Simula ngayong nag-debut na kami, madalang na lang kami makakalabas kung kelan namin gusto. Hindi na kami 'yung dating kapag nagustuhan magagawa pa namin.
"Osige sige, mag iingat kayo ah?" Panigurado ni Manager, para namang may gagawin sila sakin? Pupunta na lang ng Hospital.
Lumabas kami ng studio at marami ang nag aabang na fans sa labas, 'yung iba nagulat ng makita akong iika ika sa paglalakad. Todo naman akong inalalayan nina Anette makapasok sa Van. Hoo! We made it! Pero inaantok ako.
"Oh~" Inabutan ako ng unan ni Anette. Alam na alam niya kung kelan ko 'to kailangan. Panda teddy bear, Kyeopta (Cute) Nahiga na naman ako pero hindi ako tuluyang nakatulog dahil nakarating na kami sa hospital. Hindi parin ako sanay nang sumasakay sa Van ng hindi nahihilo.
Sa hospital ang ingay nila kaya naman agaw atensyon. Isa pa kasalukuyang pinapalabas sa TV nila ang debut na nangyare kani kanina lang.
"Kyaaaaaah~ Pwede po pa-autograph?"
"Pwede po pa picture?"
Pinayagan naman nila 'yung iba pero maliban sakin. Naintindihan naman nung iba kaya hindi ako pinagkaguluhan. Nagpunta na kami sa doctor ko kanina at pinatignan. Sinabi din namin sa kanya yung ginawa ko kanina at sinermonan din ako. Para akong batang nahuling may ginawang kasalanan.
"Sa ngayon pwede na kayong umuwi. Remember 'wag masyadong magsayaw at ipagpahinga mo 'yang paa mo, good thing walang nangyareng kakaiba. Don't force it too much o baka magkatotoo na ang sinabi ko sayo na hindi na makapagsayaw pa ulit." Tumango tango naman ako bilang pagsang-ayon. I really need to be careful.
Pagkatapos no'n gumala lang muna kami. Kumain lang naman sa labas dahil mamaya mag celebrate kami kasama ang Hot7. Nakakapagod kahit saglit lang ang mga nangyare sakin pero ang pinagtataka ko si Jayvee. Ano naman nangyare sa isang yun? Nakakapanibago lang kasi.
*
Hindi nagtagal nakita na namin sina Mark at ang buong Hot7. Lumapit naman sakin si Darius with a worried face.
"Anong nangyare Precious, na-injured ka raw?" Sabi ni Darius. Tumango naman ako sa kanya. "Eh bakit sumayaw ka parin?" Sinabi ko naman sa kanya ang dahilan. Para ko na siyang nakababatang kapatid, he's 16 years old at ako naman mag 18 na. Nakita ko si Jayvee na umupo sa gilid ni Benjamin ng tahimik.
Nakakapagtaka talaga ang inasta niya kanina sakin. Nakakakaba na nakakatakot, sabay pa tuloy kaming uuwi. Wala na kasi 'yung van at kanya kanyang sasakyan ang dala ng mga boys.
Si Jayvee, Mark, Stephen, Anette at Denisse lang ang may sasakyan dahil sila pa lang ang pwede mag drive. Hindi nagtagal nagsipasya na kaming umuwi. Lalapitan sana ko ni Mark pero hinila na ako ni Jayvee at sinakay sa kotse niya.
"Mauuna na kami sa inyo guys," hindi man lang niya hinintay ang sagot nung iba at pinaharurot na ang sasakyan.
"Dahan dahan naman Jayvee, baka hindi na tayo makauwi ng buhay!" Natauhan naman siya at binagalan ang takbo ng sasakyan. Kahit na biro ko lang 'yon, may part parin sakin na ayaw talagang mamatay. Maduduwal pa nga ata ako.
"Sorry..." Natahimik lang kaming pareho sa loob. Nakatingin lang ako sa labas ng kotse niya. Malapit na pala ang bakasyon ng mga estudyante kaya ang sisipag magsipasok. Mawawalan na naman sila ng mapagkukunan ng allowance.
"Precious..." Napatingin ako ng magsalita siya. "Sorry nga pala nasigawan kita kanina," paghingi niya ng paumanhin. Hindi tulad kanina, malumanay na ang pananalita niya. Kanina kasi parang gusto na niya akong kainin ng buhay.
"Wala 'yun, alam ko na naman ang dahilan. Isa pa ako rin naman ang may kasalanan,"
"No you don't," napakunot ang noo ko sa sagot niya, ang weird niya.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako nagaalala sayo, bukod sa pagiging magkaibigan nating dalawa?" Napaisip naman ako ro'n. Akala ko ang tinitukoy niya kung bakit niya ko sinigawan. Bakit nga kaya?
"Bakit nga ba?"
"*Sigh* Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ngayon eh."
Pagdating sa bahay pinarada na niya ang kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok kami sa bahay at naupo sa sala. Nagtimpla ako ng maiinom naming dalawa.
"Yung tinutukoy mo kanina..." Pagsisimula ko.
"Precious kasi...*sigh* Ok ito na, Precious I'm...
Your Brother." Halos maibuga ko 'yung juice na iniinom ko.
"Seriously? Pero... haha! Don't joke around Jayvee hindi nakakatuwa," sabi ko na lang at pinilit tumawa, pero sa totoo lang gusto kong umiyak ng hindi alam ang dahilan.
"Precious, hindi mo ba pansin parehong Seo ang apelyido natin?" Sabi niya. Akala ko coincidence lang 'yun. Sa dami ng may Seo na apelyido baka nga nagkataon lang. Hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayare.
"Pero paanong—" Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Nalaman ko ang lahat kay papa..." Pagsisimula niya.
"Kung hindi ko pa natuklasan wala ata siyang balak ipaalam satin," ininom niya ang juice samantalang ako naman nakaupo at tahimik lang sa tabi niya.
"Pinlano ni papa na pagsamahin tayo sa bahay at para na rin kahit papano mapalapit tayo sa isa't isa, pero hindi ba niya naisip na pwede tayong mahulog sa isa't isa?"
"Eh?" Nagulat at lumaki ang mata ko sa sinabi niyang yun. Seriously? Naisip pa niya 'yun?
"Oo, nung una may gusto ako sayo, I like you dahil ang galing mo sumayaw, ang lakas ng karisma mo, basta! Pero nung nalaman ko 'yun, nainis ako kay papa! Until nalaman kong naaksidente ka, sobrang nag alala ako sayo. Dapat babantayan kita sa room mo nang wala kang gawing kalokohan pero may kailangan akong gawin... Hindi nagtagal nagulat ako sa bigla mong paglitaw sa stage, nakita ko rin na naapakan ka ni Denisse gustong gusto kong umakyat ng stage no'n..." Natawa naman siya nun.
"Hanggang ito, nasabi ko na 'yung mga gusto kong sabihin," once again, natahimik kaming pareho at uminom lang ng juice para mabawasan ang ilang na nararamdaman namin.
"Pwede ba akong humingi ng request sayo?"
"Kahit ano pa 'yan basta kaya ko," sabi niya.
"'Wag mo munang sabihin sa iba na magkapatid tayo," sabi ko, alam kong magiging unfair ako pero hindi naman magtatagal 'yun eh. Hindi pa ako makapaniwala sa mga sinasabi niya at gusto kong gawin ang kaya ko para mapatunayan 'yun sa sarili ko.
"Kung iyan ang gusto mo."
Pumasok naman 'yung iba sa bahay. Buti tapos na kaming magkwentuhang dalawa ni Jayvee.
Pero mukhang nagtatampo si Mark dahil kanina ko pa siya hindi kinakausap. Sa nalaman ko ngayon hindi ko alam ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako dahil nalaman ko na kung sino ang kuya ko? Lalo na at hindi magtatagal makikita ko na din pati ang papa ko.
Nakakapagod na ang araw na ito, puro isip ang ginamit ko nakaka stress. Kawawa ang brain ko masyadong nabugbog.
Chapter 10
Precious' POV
Maaga akong gumising para sa flight ko pabalik sa Pinas. I miss the pollutted air! Nandito na pala kaming lahat sa Airport. Oo kaming lahat nga, hindi pa naman daw sila kilala ng mga tao kaya sumama sila. Hindi ko rin mahanap ang dahilan kung bakit ganito sila kalungkot na aalis kami.
"Precious, pasalubong ah?" Sabi ni Anette. Pagkain gusto niyan sure ako.
"Mamimiss kita Precious!" Pag-eemote nina Darius at Mark.
"Sino na magtuturo sakin mag drums?" Dagdag pa ni Darius.
"OA mo babalik pa naman 'yung tao. Ingat ka ro'n Precious ah?"Sabi ni Jayvee.
"Text text na lang," sabi ni Marisol.
"Naku! Wala nga 'yang cellphone, tapos text text?" Pambabara ni Lancern sa kanya. Ngayon ko lang siya narinig magsalita.
"See you soon, Precious." Sabi ni Benjamin at nung iba pa.
"Mag-iingat ka dun Precious ah?" Sabi ni Kate. Buti pa sila ni Jayvee matino ang message. Pero tama naman si Jayvee kanina, babalik pa naman ako, 1 week lang naman kaya ako ro'n noh!.
"Sige mauuna na ko." Pumasok na ako at kumaway sa kanila. Mahaba haba ring byahe 'to. Hindi pa naman ako sanay sa byahe pero konting push lang makakasanayan ko na din 'to. Sa dinamirami ba naman ng pupuntahan namin, hindi pa ako masasanay?
Si Mark nga pala hindi na kami galit, hinila ko kasi siya nung nakaraan at binili ko siya ng sumbrero which is second couple cap namin. Naalala niyo 'yung sumbrero na may makinang na highlights? Sakin pink tapos sakanya naman 'yung blue. Edi okay na.
After a long ride ...
Napabuntong hining ako habang tinitignan ko ang paligis. I miss Philippines so much! Inayos ko na ang ilang gamit ko at naglagay ng shades. Pa-mysterious effect lang ang peg. Hindi. Malamang kaya ako na imbitahan dahil pinakita na ako sa TV, sikat na rin nga ako pati sa pinas, kasira ng beauty ang pagiging busy.
As usual pinagkaguluhan ako kahit na may disguise. Useless~ May ibang press na rin na nandito sa airport. Ang sabi nila uso daw ngayon ang airport fashion pero hinayaan ko na lang sila ipasuot sakin ang gusto nilang ipasuot sakin. It's just a blue skinny jeans at sleeveless na kulay puti. Nagsuot ako ng leather jacket na pinagsisihan ko naman dahil ang init. Nakarubber shoes ako na kulay pula then, tada!
Pagsakay sa van tiyaka lang ako nakahinga ng maluwang. Nakasilip lang ako sa bintana ng sasakyan at aba! May billboard na din ako rito.
Ang dami na palang pinagbago kahit na ilang linggo palang yung debut ng grupo namin. Niretouch na nila ako bago bumaba. Ang mauuna kong gagawin ay ang paghosting sa isang bagong show, game show siya na puro kalokohan ang mga laro.
After that I have a guesting, parang interview lang daw and chuchu.
Pumasok ako sa building at nag sign na ng schedule ko. I only have 1 week bago umuwi, 4 days work tapos 3 days gala.
First day is Hosting at super enjoy, pati ako pinaglaro nila. Nagmukha akong gusgusin dahil ang laro ko ay sa putikan.
Labanan sa pagitan ko at ng isang dambuhalang elepante. Joke, tao lang din ang kalaban ko pero mataba. May malaking bilog at kailangan hindi ako lumagpas pero malas lumagpas ako, ang laki kaya ng kalaban ko! Sumo wrestler pa ata.
[[ Tagalog Convo ]]
"Sa totoo lang nahirapan akong kalabanin siya," sabi nung lalaki na nakalaban ko.
"Ang lakas niya, kung nakikita niyo lang yung pawis ko nung kalaban ko siya." Natawa naman sila sa sinabi niya. Sa tingin ko nagbibiro lang naman siya, hindi naman kasi ako ganun kalakas noh!
Second day ay ang guesting ko at nag ready na ako para mamaya. Nang-ayos na ako nag On air na sila.
"Good Morning everyone this is 'Your Show. Today we have our guest na galing pa ng Korea, ang kauna unahang Pinoy Kpop Idol. Let's welcome Precious Seo!" Then lumabas na ako.
Palakpakan ng tao ang narinig ko bago mupo sa harap nung host at nag good morning sa kanilang lahat.
"So Precious, How old are you when you started training under them?" Tanong niya.
"Hm I started training when I was I guess 14 years old ? Or 13?" Sagot ko , hindi kasi ako sigurado.
"Ow, you're young, the Main dance and main rapper of the group, can you sample a rap for us?" Request niya. Nakita ko ang pagsang-ayon ng iba sakin. Syempre, sino ba naman ako para tumanggi, diba?
"Sure, this is the rap part at our song 'Rum pum pum," sabi ko.
*Rap starts here*
Pinalakpakan naman nila akong lahat matapos kong mag-rap sa harap nila. I bow my head and thank them, parang nasa Korea parin ako nito.
"Well of course, If you're a rapper you're a dancer can you sample dance to us?" Tanong niya. Buti na lang at komportable ako sa suot ko kaya nakapag-tumbling ako ng ayos.
"You're really good in dancing ah? Who thought you how to dance, I mean do you go training before you joined in the audition?"
"Actually no I didn't, I just see myself dancing already," sagot ko. Remember palagi akong tulog, tumatakas at hindi nag practice? Hindi ko kasi talaga hilig ang pag-sayaw, siguro namana ko lang, malay mo magaling pala ang mga magulang ko magsayaw.
"Okay, this is just for fun, we will show you a picture then tell us what you think and who is it." Tapos may lumabas sa screen na picture naming dalawa ni Darius habang tinuturuan ko siya mag drums.
"That's me and Darius. That time I'm teaching him how to play drums because he wanted to and as a return he's going to teach me their dance and rap," Tumango tango naman siya. Kita ko pang kinikilig ang ilang audience habang nakatingin sa litrato. Nalaman ko rin na mahilig ang mga Kpop fans na i-partner ang kung sino sa kapwa nila Kpop Idol. Madalas pa nga ay lalaki sa lalaki. Shipper ata ang tawag sa kanila.
"Next photo," sunod naman 'yung picture naming wacky ni Mark. Natatawa na lang ako. Saan naman nila nakuha 'yan?
"Ow, that's me and Mark. He loves wearing and collecting caps. One time he pull me with him then, I started to like caps as well," pagsisimula ko.
"Are you good friends?" Tanong niya.
"Actually, he's my first boy Best friend in Korea," sabi ko, totoo naman. Hindi naman si Darius dahil close na kami ni Mark bago ko pa makausap si Darius.
"Oww, living there in korea do you still remember some filipino words?" Tanong niya.
"Syempre naman." I think wala namang mali sa accent ko. Parang ilang months palang naman ako nakatira sa Korea.
"Ah, akala ko naman. Edi sana kanina pa tayo nag tatagalog," sabi niya. Umayos siya ng upo habang ako naman natatawa sa kanya.
"Ikaw ang nag-umpisa. Nagtanong ka sakin ng english sinagot ka ng english," sagot ko. Natawa naman 'yung audience at nag-agree.
"Sorry, haha. Kaya naman pala, so sa tinagal tagal mong naging trainee, almost 5 years din nagtatagalog ba kayo ro'n?" Tanong niya.
Nalimutan kong sabihin na may tig isa kaming microphone para hindi kami nagaabutan at naghihiraman. Nakakabit siya sa damit ko at may kung anong nilagay sa likod ko. Wala akong ideya kung paano gumagana 'yun pero alam kong sa mic din 'to.
"Actually hindi kami nagtatagalog do'n. Sa katunayan dito ako sa Pinas nag-training ng 3 years and months tapos pumunta ako sa Korea,"
"Ah bale nahiwalay ka sa ibang kagrupo mo?"
"Yhup! Bale wala pa akong isang buwan sa Korea," natawa naman silang lahat, aba! Hindi maka-move on sa english kanina eh.
"We heard na nagka-injury ka raw, kelan 'yun?"
"Actually, the day before nung debut namin," napa-oww 'yung mga tao sa nalaman nila, hindi naman kasi nahalata ng marami ayon kay manager.
"Really, Ito 'yung short film nung debut nila." Sa malaking screen sa likod namin nag play 'yung video namin nung debut. Tinuro ko sa kanila 'yung natapakan pa ako dahil kay Denisse pero wala namang problema sa ibang steps.
Marami pa silang tinanong tungkol sa karanasan ko dun. Konting commercial then balik ulit, hindi ko inaasahan 'yung sunod na itatanong nila sakin dahil hindi naman nila nabanggit ang tungkol sa bagay na 'to. Akala ko about lang sa naging buhay ko hindi sa ganitong bagay.
"How about your family, may naiwan ka ba ritong kamag-anak, kapatid, tatay o nanay?" Nung una hindi ko alam kung sasabihin ko o hindi pero kasi live 'tong show na ito.
"Kamag-anak at mga kaibigan..." Hindi ko naman inaasahang nandito sila, si tita at charm na biglang pumasok na kinagulat ko.
"Hello!!!" Bati nila sakin tapos nag besobeso sakin. Tumabi sila sakin pero ako gulat parin, bakit hindi ko 'to alam?
"Mukhang gulat pa si Precious. Ano namang masasabi niyo at nandito si Precious sa harap niyo, sikat na sikat na siya," nakangiting tanong niya kina tita.
"I feel proud dahil dati buhat buhat ko lang siya tapos pinapadede ko lang siya," sabay nung ang tawanan ng mga tao. "Pero ngayon ito na siya at ang laki laki na, mas malaki na siya sakin ngayon."
"Describe her as a child naman, masipag ba siya?" Parang may meaning 'yung tanong niya ah? Medyo nakaka adjust na naman ako sa pagkagulat pero nakikinig lang ako sa kanila.
"Haha, masipag nga siya. Siya 'yung naglilinis ng bahay pero isa lang ang 'wag mo ipagagawa sa kanya," tinakpan ko na lang ang tenga ko kahit na alam kong maririnig ko parin naman.
"Ano naman 'yun? Na curious naman akong bigla,"
"Ang iwan at paglutuin sa kusina," si Charm hindi mapigilan ang pagtawa sa tabi ko. Sige pa pagtulungan niyo lang ako.
"Really? Akala ko ikaw ang assign sa kusina sa inyo," nang aasar na sabi niya. Grabe! Nakakahiya naman 'tong sinasabi nila pero tinignan ko lang 'yung audience, nanghihingi ng tulong.
"Pero matalino 'yan, Valedictorian siya nung elementary." Buti nakabawi ako do'n pero ito namang si Charm nilalaglag ako.
"Parang si Peter Parker lang, matalino pero tamad na estudyante," kanina moment ko 'to pero biglang napunta sa kanila. Hala kang bata ka!
"Okay as a friend naman, ano ba siyang klaseng kaibigan? Maraming gusto raw makipagkaibigan sa kanya dati pero natatakot sila, bakit?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ni Charm.
"Siya 'yung taong akala mo walang pakialam sa iba, hindi siya caring pero 'pag nakilala mo pa siya masasabi mo, she's a good friend on her own style."
Matapos ang interview nagderetso kami sa isang kainan. Kasama ko parin sina tita at Charm. Wala raw si Marie dahil nasa states at nag-aaral pa daw. I wonder kung kamusta na sila nung lalaki?
"Kamusta ka na, laki ng pinagbago mo ah?" Sabi ni Charm sakin.
"Okay lang naman, ikaw? Aba at hindi ka ata nakasigaw ngayon?" Pansin ko. Ngumiti naman siya ng kinikilig. Parang gusto niya sumigaw pero hindi niya magawa. Ano naman kaya ang problema ng babaeng 'to?
"Kasi naman, Precious may BF na ko kaya nakakaturn off kung hindi ko pa tigilan 'yung bagay na 'yun," nang dahil sa sinabi niya napa-face palm na lang ako, nagagawa nga naman ng pag-ibig.
Kwentuhan lang ginawa namin, kamustahan hanggang sa maalala ko si Jayvee or should I say Kuya Jayvee?
"Tita..." Napatahimik naman ang lahat ng mapansin ang seryoso kong boses. "Nahanap ko na ang kuya ko," nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"Talaga? Sino? Anong pangalan? 'Yung tatay mo, nakita mo na din ba?" Sunod sunod na tanong niya. Napapakamot na lang ako sa noo ko bago ko siya pigilan.
"Okay tita hinay ka lang, kilala niyo naman siguro 'yung Hot7?" Tanong ko. Tumango lang sila at iniintay ang susunod kong sasabihin.
"Si Jayvee, 'yung leader," napanganga naman sila tapos sinabi nila 'kaya pala pareho sila ng apelyido, akala ko nagkataon lang?'
"Paano ka naman nakasiguradong magkapatid nga kayo?"
"Siya mismo ang nagsabi, nalaman niya daw kay papa?" Hindi ko man lang matawag ng maayos ang pangalan niya, I mean hindi ko siya matawag na papa ng maayos. Hindi ko nga alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nagkita na kaming dalawa.
"Nakita mo na ba kung anong itsura ng papa mo?" Tanong naman ni Charm. Umiling ako at tumingin sa bintana, wait! Parang senti, binalik ko sa kanila 'yung tingin ko.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan, pumunta ng mall kahit na maraming tao. Tinutulungan naman kami ng mga BG KO bodyguard with s.
Pagkatapos pala nito uuwi na ako dahil bukas may signing pa ako dito din sa mall na 'to, napaaga lang ang punta ko.
Next day naman may mini concert ako sa may plaza, how I miss playing skateboard dito sa plaza pero at least makikita ko na ulit.
Third Day. Nandito na ako sa mall at ang daming pumunta, I wear a simple dress. Ngayon naka-pants na fit ako na kulay light blue, may favorite. Tapos 'yung pang itaas ko naman ay 3/4 sleeves na kulay Light violet.
Naka lugay lang ang buhok kong curly at hanggang bewang. Tinulungan na ako ng mga guards na makadaan papunta sa isang shop.
Yung shop na kami ni Mark ang model, speaking of Mark parang nakita ko siya kanina pero sa tingin ko naman guni guni ko lang yun.
"Kyaaaaaaaaah~ yung dalawang bias ko nandito!"
"Oo nakita ko kanina si Mark, ang gwapo *O*"
"Tama! Kaya hindi ako magtataka kung bakit ang daming tao,"
Napapitlag ang tenga ko sa narinig ko, nasa gilid ko si Manager Tom na kasama ko pag balik sa Pinas kaya tinanong ko siya.
[[ Korean Convo ]]
"Manager, nandito si Mark?"
"Oo, sumunod siya at kakarating lang niya kanina, sabay na din kayo sa photoshoot niyo mamaya dito." Nagulat naman ako. Bakit hindi ko alam na nandito siya? Hindi man lang niya tinext, tinext kay manage. Sige, ako na walang phone!
"Kasama ko din siya sa concert bukas?" Tumango naman siya at ngumiti sakin. Alam niyang wala akong kaalam alam kaya ganun siya. Hala! Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama pero dapat sinabi na lang muna nila sakin, ano nang gagawin ko niyan? Pagdating ko nakita ko na siya.
"Precious!!!" Sigaw niya. Sure akong alam niyang magkakasama kami dahil nakangiti siya kanina pa.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya para sa mga magpapa sign. "Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka din dito?" Tanong ko.
"Nagulat din ako nung malaman ko pero tinanggap ko na din 'yung offer, namiss kasi kita!" Tapos pinisil niya 'yung pisngi ko.
"Hay, dapat tinext mo na lang,"
"Wala ka naman daw phone kaya hindi ko na nasabi,"
"Kay manager Tom dapat pinasabi mo sa kanya," sabi ko. Patuloy lang pag sign tapos 'yung iba nag-pa-pa picture pa saming dalawa.
"Ayaw mo bang nandito ako? Para kasi pinapaalis mo na ko eh," seryoso niyang tanong.
"Hindi naman sa ganun..." Magsasalita pa sana ko kaso pinutol na niya.
"Kung ayaw mo pwede naman akong umalis at hayaan ka na rito," may halong pagtatampo sa boses niya kaya nakonsensya naman ako.
"Okay okay, sorry na, wala namang patutunguhan ang away na 'to eh," sabi ko na lang at ito na lang ngumiti sa mga nagpapasign.
Pagkatapos nun at naubos na yung nagpapasign nagpalit na kami ng damit namin dahil mag photoshoot pa kami gamit ang mga damit na ito. Dito na lang din ginanap at nilagyan lang ng background, para hindi na kami byahe ng byahe at makapagpahinga na din pagkatapos.
Kasama ko na si Mark sa photoshoot at wala na namang alitan sa pagitan naming dalawa kaya oks na kami!
After that lumabas na kami. Madilim sa labas kaya naman gabi na, kumain kami ng hapunan sa labas dahil sino ang magluluto? Ang inulam namin ay sinigang, medyo malamig kasi dito dahil nasabi ko bang nasa Baguio kami? Kung hindi pa, ayan sinabi ko na.
"Ang sarap, anong tawag niyo dito?"
"Sinigang," Inintroduce ko pa siya sa ibang ulam dito. Meron nagtitinda ng isaw sa hindi kalayuan kaya bumili ako. Nandidiri pa nga siya pero kumain parin siya.
Naging masaya naman ang araw ko lalo na at kasama ko si Mark, sasabay na daw siya sakin bumalik ng Korea dahil nagsisimula na din yung iba sa show.
Ang grupo ko may guesting sa show sa Korea which is a talk show lang naman tapos kasama pa ang Hot7 bale kami ang wala ni Mark. Ang maabutan na lang namin pagbalik ay ang una naming show which is 'Hello Baby', mahilig nga kasi ako sa mga bata diba?

.png)