Chapter 1
Xyriel
"Hoy, Xy!" tawag sa 'kin ng best friend kong si Ira na prenteng nakaupo sa sofa namin.
Nakatambay kaming dalawa sa bahay dahil wala kaming magawa. Napapadalas na naman kasi ang pagsama ko sa kaniya. Wala naman akong ibang kaibigan bukod sa kaniya.
"Hoy ka rin!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
"Bili tayo ice cream," yaya niya.
Kuminang naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kahinaan ko talaga ang ice cream lalo na kung libre. At saka, sino ba naman ang tatanggi kapag grasya na ang lumalapit sa inyo?
"Sige. Libre mo ha?"
"Sige na nga. Tara!"
"Napipilitan ka 'ata eh," sabi ko naman.
Natural na sa akin ang maging ganito pero sa harap lang ni Ira. Iba kasi ang inaasta ko sa harap ng ibang tao. Naging komportable na rin kasi ako sa tuwing kasama ko siya. Parang nagkaroon ako ng kaibigan at kapatid sa katauhan niya.
"Oo nga eh," seryosong sagot niya.
Kung hindi ko lang siya kilala iisipin kong totoo ang sinasabi niya. Ang galing kasing umarte ng lalaking 'to! Hindi ko alam kung kanino nagmana. Parehong businessman lang naman ang mga magulang niya. Hindi artista.
"Eh 'di 'wag na lang." Ngumuso ako.
Nakakainis talaga siya kung minsan! Minsan na nga lang ako magpalibre sa kaniya. Para naman kaming hindi magkaibigan nito eh! Gusto ko sana sabihin sa kanya 'yan kaya lang huwag na lang. Nakakahiya! May limitasyon din minsan ang kakapalan ng mukha.
"Ito naman, joke lang. Tara na nga!"
Hinila na niya ako palabas. Mahilig kasi kami pareho sa ice cream kahit no'ng mga bata pa lang kami.
Marami na rin kaming na-share sa isa't isa at napatunayan na namin minsan ang pagkakaibigan namin dahil sa tinatawag nilang trust. Nangako kami sa isa't isa na wala kaming ibang pagkakatiwalaan kundi ang mga sarili namin. Hindi naman namin alam kung kailan darating ang panahon na 'yon pero hindi malabong hindi mangyari. Nakasisiguro ako!
Hindi na kami mga bata at kaya na naming dumepende sa sarili namin kahit na wala ang tulong galing sa mga magulang namin. Magko-kolehiyo na rin naman kami kaya habang maaga dapat masanay na kami.
Nagpalit muna ako ng maong short at white t-shirt bago lumabas. Bumili na kami ng ice cream namin at umupo sa swing. May playground rito kung saan madalas kami ni Ira. Bata pa lang nakatayo na ito rito kaya lang maraming nawalang mga laruan kasi mga luma na at baka makadisgrasya pa ng ibang mga bata.
"Ang bilis ng panahon 'no?" panimula ni Ira sabay dila sa ice cream niya.
Pareho lang kaming kumakain ng ice cream. Nakatingin lang sa kabuuan ng playground at nag-iisip ng kung ano. Magkatabi kaming nakaupo sa swing ngayon.
"Oo nga eh. Parang kailan lang."
Ilang minuto pa ay bigla siyang tumayo. Pumunta siya sa likod ko at tinulak ang swing ng medyo may kalakasan. Kasalukuyan ko ring inuubos ang ice cream ko.
"Parang kailan lang naghahabulan tayo rito." Pagkasabi niya ay inihinto niya ang pag-swing at pumunta sa harapan ko.
"1, 2, 3—" pagsisimula niyang magbilang.
Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang ibig sabihin n'on. Tumakbo ako nang mabilis para hindi niya ako mahabol.
"—9, 10." Pagkabilang niya ay hinabol na niya ako. Ako naman tumakbo nang palayo sa kaniya.
Ang bilis niyang tumakbo. Parang kabayo! Nahuli niya agad ako.
"Ang daya! Ang bilis mo tumakbo," sabi ko habang hingal na hingal na. Hawak ko ang magkabilang tuhod ko habang nakatingin sa kaniya. Pareho kaming hapong-hapo sa paghahabulan na parang mga bata. Hindi ko tuloy napigilan ang mag-pout. May lahi kasing kabayo ang isang 'to kaya ang bilis tumakbo. Sabi pa ng mama niya lagi siyang sumisipa noong nasa tiyan palang siya nito. Ang gulo raw niya!
"Hindi kaya. Maiksi lang talaga binti mo!" Nang-aasar na naman siya. Kahit kailan talaga!
"Hindi kaya."
"Oo kaya, pandak ka kasi."
Sinimulan na naman niya akong asarin at nang mapagod kami ay naghanap kami ng lugar kung saan pwede tumambay. Wala kasing masyadong tao sa playground kaya ang tahimik. Allergy kaming pareho sa tahimik na lugar.
Ganiyan lang din naman kami lagi. Gala, tambay o kung minsan, I mean, madalas ay asaran na lang. Humiga lang kami sa damuhan sa may soccer field malapit sa playground. Pero hindi naman ganoon kalapit, iwas aksidente na rin.
"Nakakapagod."
"Malamang tumakbo tayo eh," sabi niya at tumabi sa 'kin nang biglang may lumilipad na bagay ang tumama sa ulo ko. Parang yumanig ang mundo ko pagkatama nito sa noo ko.
"Aray!" angal ko.
Napatayo tuloy nang wala sa oras. Naku naman! Sino ba 'yong epal na 'yon? Tinamaan ba naman ako ng bola ng soccer? Take note, sa ulo ah. Nakaka-bad vibes! Sakit kaya!
"Sorry, miss," sabi ng nakatama ng bola. Aba at hindi makatarungan ito! Kailangan ko lumaban. Iyan ang sabi ni best friend Ira.
"Kung lahat ng pagkakamali ay nadadaan sa paghingi ng sorry, eh 'di sana hindi na kailangan ng pulis."
Nabigla siya sa sinabi ko. Hindi yata inaasahang tatarayan ko siya. Why not? Close ba kami para maging mabait ako sa kaniya? Isa pa, may kasalanan kaya siya sa 'kin.
"Tss. Sa pagkakaalam ko kasi soccer field ito at hindi tulugan. Bakit ka ba kasi dito nahihiga? Mukha ba 'tong higaan?"
Aba't! Papatalo ba ako sa tabas ng dila niya? Mas matalim ang akin!
"Ang laki-laki kasi ng field sa 'kin mo pinatama. Nananadya ka yata e!" With matching taas pa ng kilay habang si Ira naman pinipigilan lang ako sa tabi ko.
Bago pa ako makapagsalita ulit ay tinakpan na ni Ira ang bibig ko. Nakakainis talaga 'tong si Ira! Kailangan ko makaganti sa hindi ko kilala at wala akong pakialam na lalaking ito! Pero infairness, ang bango ng kamay ng best friend ko ha?
"Sige, pasensya na sa inasal niya ha?" paghingi ng paumanhin ni Ira.
Bakit ka humihingi ng sorry? Hindi ka naman may kasalanan kundi ang isang 'to! Gusto ko sanang sabihin 'yan kaso lang hawak pa rin niya ang bibig ko. Hindi ko matanggal dahil mahigpit kasi talaga ang pagkakawak niya. Tss!
"Okay lang. Sorry ulit, miss." Humarap siya kay Ira. "Ingatan mo 'yang girlfriend mo, pare."
Tapos umalis na siya tiyaka inalis ni Ira ang kamay niya. Girlfriend? Pwede rin. Napahagikgik na lang ako dahil sa naisip ko pero nawala din iyon nang maalala ko ang ginawa ni Ira. Napatingin ako sa kaniya nang masama.
"Ira naman eh!" pagtatampo ko sa kaniya sabay pout ulit. On second thought, hindi ko pala kayang magalit sa kaniya. Bigla naman niyang pinisil ang mataba kong pisngi. "Aray! Tinamaan na nga sa ulo pamumulahin mo pa 'tong pisngi ko!" angal ko sabay himas ng pisngi.
Maraming nagsasabi na cute ang pisngi ko kaya wala siyang karapatan hawak-hawakan lang 'yan. Mahal ang bayad sa paghawak niyan!
"Sorry, it's just that you're too cute," sabi niya at ngumiti. Nagsisimula na naman siya. Nagsisimula na namang mang-asar!
"Nang-aasar ka na naman. Tara na nga."
Tumayo na ako at pinagpag ang palda ko. Pinagpag din niya ang shorts niya at naglakad na kami paalis. Baka kung anong magawa ko sa mga tao rito lalo na sa lalaking nakatama ng bola sa 'kin.
"Kilala mo ba 'yong lalaking iyon?" tanong ko kasi parang close na sila no'ng nag-usap sila o baka naman likas sa mga lalaki ang magsabihan ng pare? Pero naaasar pa rin ako sa lalaking 'yon. Hmpf!
"Oo, kasamahan ko siya dati sa soccer."
Tumango na lang ako. Kaya naman pala! Pero ayoko pa rin sa kanya. Gusto ko sanang tanungin pangalan kaya lang baka naman tuksuhin ako nito. Tulad ng sabi ko ayoko pa rin sa kaniya! Hindi na naman siguro kami magkikita ulit.
Naglakad kami hanggang makarating ng bahay. Hindi syempre nawala ang asaran namin. Si Ira pa, eh, dakilang mapang-asar 'yan.
Napagpasyahan kasi naming manood ng sunset bago umuwi. Maganda kasi itong view sa lugar namin. Hindi rin nawawala ang food on hand!
"Ang ganda ng langit 'no? Ang laki at perpekto," bigkas ko. Napatingin naman ako sa araw at napansin kong maraming ibon ang lumilipad roon.
"Pagdating ng panahon, sisiguraduhin kong magiging ako ang araw na 'yan," weird na sabi niya.
Napatingin ako sa kaniya. Nakasandal kasi kami sa likod ng isa't isa.
"Ano ba naman 'yang pinagsasabi mo?" tanong ko. Ang dami-daming pwedeng ikumpara ang sarili, sa araw pa. Pwede namang kwago na lang!
"Ako ang araw na 'yan, titingalain ng marami at pagkakaguluhan. Parang bituin, pero kumpara sa bituin mas malaki ako sa kanila. At mas malapit."
Wala man akong naintindihan sa sinabi niya ay tumahimik na lang muna ko.
"Ikaw ba, Xy, wala ka bang pangarap?" tanong niyang bigla sa 'kin.
Kumunot ang noo ko. "Wala. Hindi ko pa alam. Baka nga business ni mommy ang hawakan ko kaya hindi na ako nag-aalala na mawalan ng trabaho," sagot ko.
Nagb-business kasi si mommy habang si daddy naman ay may-ari ng isang arts school sa bansa. Kaya naman lagi silang busy! Pero ayos na rin na madalas silang busy dahil ayokong makita sila sa bahay araw-araw. Kahit isang segundo pa!
"Ano ka ba naman, Xy! Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa hinaharap. Malay mo ibenta ni tita ang company o kaya malugi. No one knows, kaya kailangan magplano ka na."
"Anong magagawa ko, eh, hindi ko pa naman 'yan pinag-iisipan? Isa pa marami namang pwedeng gawin diyan para magkapera 'no!"
Tama naman ako, 'di ba? Sa tingin ko nagiging OA lang ang reaksyon nitong si Ira.
"Bahala ka nga. Kahit kailan ka talaga. Sayang ang talento mo kapag hindi mo ginagamit. Tara, hatid na kita sa inyo," pag-aya niya.
Tumayo na rin ako at niligpit ang inupuan namin. Dumeretso naman kami pauwi sa 'min dahil madilim na.
"Sige, una na ako," paalam niya pagkarating namin sa harap ng bahay namin.
"Sige, bye."
Naglakad na siya palayo at hindi man lang ako nililingon pabalik. Magpapa-miss na nga lang siya hindi pa mamamansin.
"Ingat sila sa 'yo!" sigaw ko sa kaniya. Humarap naman siya sa 'kin ng nakangiti at nag-wave ng kamay.
"Sige na, baka hindi ako makauwi niyan."
Then tumalikod na siya sa 'kin. Lagi ko na lang 'tong nararamdaman. Iyong tipong parang ang bigat ng pakiramdam ko tuwing maghihiwalay kami. Malay ko ba sa sistema ng katawan ko kung bakit ganito.
Baka kasi nasanay lang ako na lagi siyang nandiyan sa malapit. Halos magkapalit na kasi kami ng mukha dahil lagi kaming nakikitang magkasama kahit no'ng elementary pa lang kami. Ang nakakapagtaka ay hindi man lang siya nagkaka-interes sa ibang babae. Minsan naisip ko, bakla siguro siya kaya gano'n. Itatanong ko na lang minsan sa kaniya ang mga ganoong bagay.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako. Sinalubong na naman ako ng mga yaya sa bahay namin. Oo, ang OA kasi ni mommy. May nalalaman pang maid sa bahay. Mas lalo ko tuloy nalalaman na wala sina mommy at daddy sa bahay kapag nakikita ko sila.
Lumapit sa 'kin ang pinaka-head.
"Mauna na raw po kayong kumain. Mala-late daw po ng uwi ang mommy mo."
As usual, mas uunahin ni mommy ang trabaho kaysa sa 'kin na anak niya. Tiyaka si Daddy naman nasa ibang bansa at may aayusin pa na hindi ko alam kung ano. Madalas naman kasama si mommy. In the end, mag-isa na lang ako lagi.
"Pakiakyat na lang po sa kwarto ko."
"Okay, Miss Xyriel," sabi ng head tapos nag-bow pa.
Psh! Ang kulit naman niya. Sabi na ayokong tinatawag na miss eh. Misis kasi... hindi biro lang! Basta ayoko ng miss, masyadong formal.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko, in-open ko ang fb ko then, new tab. Nanonood kasi ako ng paborito kong anime. Nagiging hobby ko na rin kasi ang panonood nito. Nakakahawa kasi si Ira.
Bukod sa pag-aasaran naming dalawa, nagkakasundo kami sa mga ganitong bagay. Minsan naman nagkakasundo kami sa pagkain pero ang ayaw ko sa kaniya ay ang passion niya sa music samantalang ang ayaw naman daw niya sa 'kin ay ang pagiging seryoso ko.
Habang nanonood ay nakita kong nag-pop out ang conversation namin ni Ira. Tinanong lang niya ako kung anong ginagawa ko kaya sinagot ko siya.
Pagkatapos no'n wala ng kasunod. Minsan talaga ang boring nitong ka-chat! Kung hindi mang-aasar tipid na salita lang ang sinasabi pero 'pag nagkita kami masasabi mo namang sulit kasi ang daldal ng lalaking 'to. Daig pa chismosa sa kanto.
Narinig ko naman ang katok sa pinto ng kwarto ko kaya pinapasok ko ito.
"Miss Xyriel, ito na po pagkain niyo," biglang pasok naman ni Yaya Rosing, ang head ng mga maids sa bahay. Mabait siya at parang pangalawang nanay ko na rin. Kahit minsan tinatawag niya akong miss, medyo malapit naman kami sa isa't isa.
"Pakilagay na lang po riyan," utos ko. Nilagay na niya sa mesa pero bago ako kumain nagpaalam muna ako kay Ira. Tatay ko 'yan eh!
Pagtapos kong kumain nag-chat na ulit kami ni Ira. Hindi namin namalayan na gumagabi na kaya napagpasyahan naming matulog na. May pasok na rin naman kasi bukas kaya bawal ma-late.
Chapter 2
Xyriel
Papunta na kami sa school namin ngayon kaya sabay kami. Ganyan talaga ang magbe-bestfriend 'no! Laging magkasama at hindi naghihiwalay.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mapahikab dahil sa antok.
"Antukin ka talaga Xy," sabi ni Ira.
"Oo na, hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi," sagot ko. Ayoko kayang sabihin na siya ang iniisip ko. Baka tuksuhin lang niya ako. Mapang-asar pa naman 'yan.
"Lagi mo na lang kasi akong iniisip eh."
Sa tingin ko namula ako dahil sa sinabi niya pero pinilit ko pa ring maging normal at nag-deny.
"H-hindi 'noh! Yabang nito. Hindi kasi umuwi si mommy kaya natakot ako kagabi," pagsisinungaling ko.
Kailangan ko nang magsimba at humingi ng tawad sa nagawa kong pagsisinungaling lalo na sa pagsisinungaling ko ngayon.
Pero ang totoo siya naman talaga. Crush ko kasi itong si bestfriend. Matagal na rin 'to hindi ko lang pinapansin kasi baka 'pag sinabi ko iwasan niya ako o kaya masira ang pagkakaibigan namin. So, hahayaan ko na lang. Ganoon naman sa mga pelikula 'di ba? Magiging awkward na sila sa isa't isa. Ganoon din madalas ang napapanood ko sa mga anime.
Isa pa, crush palang naman kaya hindi na ako nababahala. Alam ko namang mapapalitan din 'to agad ng kung sinong makilala ko. Ganiyan ako kabilis magbago ng crush.
Siguro nadala lang ako kasi lagi kaming magkasama at kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Never pa akong nag-entertain ng suitor kasi lagi niyang binibigyan ng threat ang mga lalaking 'yon. In the end, siya ang nakakasama ko.
Huwag daw kasi akong magpapadala sa mga lalaki dahil hindi ko alam kung sino ang mabait sa hindi. Kailangan daw kapag napagpasyahan ko nang mag-entertain ng gaya nila ay 'yong matagal ko nang kilala at nakakasama ko, gaya niya.
Naglalakad lang kami ngayon papuntang school which is ayaw ni mommy dahil baka raw 'pag dating haggard look na ako pero kinausap lang ni Ira si mommy 'tapos okay na. Ewan ko ba kung anong palusot sinabi ni Ira kay mommy.
Nagkukulitan lang kami ulit sa daan. Maaga pa naman kaya hindi na kami ma-late.
"Ang mahuli manlilibre," sabi ni Ira, at pagkatapos n'on ay parang si Flash kaming tumakbo na dalawa. Ang bilis naming tumakbo papuntang gate. Mamaya niyan pawis na pawis na kami pagpasok.
Nauna ako dahil binagalan niya siguro. Hindi pa kasi ako nauuna sa kanyang tumakbo nang seryoso kung minsan nagpapatalo lang siya o 'di kaya naman nanduduga ako. Ginawa lang niya siguro ito para magising ang diwa ko.
"Ikaw manlilibre," sabi ko sa kaniya sabay hingang malalim. Nakakapagod dahil medyo malayo ang tinakbo namin.
"Oo na, mamayang uwian," sabi ni Ira sabay akbay sa 'kin papasok sa school.
Pumunta na kami sa oval dahil nandoon ang mga sections namin. Oval talaga shape niya tapos may mga bench-bench pa sa gilid. Sa gitna n'on may parang mini stage at nasa gitna siya ng buong school. Tinignan namin ang mga section namin and unluckily hindi kami magkaklase.
"Sayang, ngayon lang tayo hindi magkaklase," sabi niya na parang disappointed. Syempre ganoon din ako. Nasanay na kasi ako.
"Okay lang 'yan. Room 31 ka 'tapos ako 41," sabi ko. Iyong 31 kasi nasa ibaba tapos ang 41 sa taas. Magkatapat lang siya kaso nasa taas iyong room namin kaya bale hagdan lang naghihiwalay sa'ming dalawa.
"Tara na, hatid na lang kita sa room niyo," presenta niya.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang tignan ang ibang mga estudyante. Maraming new faces akong nakikita siguro mga freshmen sila pero matatangkad, nahiya naman daw iyong height ko.
Ang iba naman common na, mga pangit. Joke lang syempre, sadyang maganda lang talaga ako. Bakit? Aangal ka?
"Ito na ang room namin," sabi ko nang makarating kami sa harap ng classroom namin. Ang ingay nga eh parang palengke. Pero sabagay, first day naman kasi kaya anong aasahan, sure ako kapag tumagal mas maingay pa dito.
"Sige mauna na ako, mamayang uwian na lang," sabi niya at nagwave na kami ng kamay sa isa't isa. Ako naman pumasok na at nakakita ng makabagong palengke, maraming manok, baboy, may mga isda na matutulis ang nguso.
Maraming mga nagdadaldalan, hindi naman mawawala iyon 'diba? Iyong mga magkakakilala na, ang iba tahimik lang, meron pa nga kumakain ng sandamakmak na pagkain at doon ako tumabi.
"Gusto mo?" tanong sa'kin ng katabi ko sabay alok ng chocolate na kinakain niya. Isa lang sa mga kinakain niya ang Chocolate.
"Hindi, 'wag na. Baka kulang pa sa'yo iyan," medyo pabulong na sabi ko. Ayoko namang marinig ng iba sabihin pa binu-bully ko ang isang 'to.
"Sige na tanggapin mo na, kahit 'wag mo na lang kainin," tinignan ko na lang siya nang seryoso. Inabot ang inaalok niya tiyaka nagsalita.
Tinanggap ko na kasi baka umiyak pa, konsensya ko pa? Ang weird niya. Ibinigay pa kung hindi rin kakainin, kung siya nalang kumain hindi pa sana masasayang. Pero dahil ayoko magkaroon ng kagalit sa umpisa ng klase ay tinanggap ko na. Sayang ang beauty, 'wag na umangal.
"Ako nga pala si Jewel Genioso, ikaw?"
Nakipagshake hands siya. Napaisip ako dahil sa pangalan niya. Hmm? Familiar? Parang narinig ko na somewhere pero nakaligtaan ko pa.
"Xyriel eun, Xy na lang."
Nakipag-usap lang ako sa kanya dahil bored na rin naman ako. Medyo natanggal ang pagkabored ko dahil ang galing niya mang-entertain. Friendly din siya at medyo chubby siya kung titignan, may eye glasses din siyang suot. Halos magkaheight lang din kami na hindi naman ganoon katangkad at hindi rin ganoon kaliit para sa edad namin.
Habang nagk-kwentuhan kami ay narinig namin ang pagkatok mula sa pinto. Pumasok na siguro ang adviser namin, "Good morning class," bati niya sa'min at napatigil ang lahat sa ginagawa nila.
"Goodmorning Ma'am," bati namin sa kanya at sabay-sabay na umupo. Umupo na kami, hindi pa nga namin siya kilala. Tinignan niya muna kaming lahat bago nagsalita.
"I'm Ms. Krissa Mendoza," pagkasabi ay nilagay lang niya sa board ang pangalan niya at saka kami na ang nagpakilal. Nasa dulo kasi ako ng first row nakaupo. Hanggang sa maubos ang oras puro pagpapakilala, meron pa nga iyong mga gusto mong maging, parang elementary lang.
"Dahil may time pa, let's see kung anong talents niyo," iyong iba excited, habang ang iba naman nag-isip ng gagawin. Pero majority ay umangal kasi hindi nila alam ang talents nila. Ako? Ano naman gagawin ko? Sasayaw? Kakanta?
"You can have a pair," napatingin ako kay Jewel na nasa gilid ko. Kumakain. Siguro kailangan ko ng masanay sa ganyang gawain niya, hindi kaya siya lumobo niyan?
"Jewel, anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin na parang walang alam sa nangyayari.
"Ano bang gagawin?"
Nanatili parin ang seryoso kong mukha dahil sa sinabi niya. Busy nga pala siya sa pagkain, paano niya malalaman ang gagawin?
"Sabi kasi kung ano daw talents natin, bale mag perform daw tayo."
Hindi ako nakatingin sa kanya habang nagsasalita. Nature ko na rin ito, hindi ako tumitingin sa mata ng kinakausap ko maliban kay Ira pero hindi ko na pinapansin iyon.
Umakto naman siya na parang nag-iisip, "Kakanta na lang siguro ako." Hindi pa niya siguradong sagot.
"Pwede na tayo ang pair?" nahihiyang tanong ko. Hindi pa naman kami close pero nagfi-feeling close na agad ako.
"Talaga? Sige ba."
That's final! Partners na kami, may choice pa ba siya? Ayoko mag-solo dahil nakakahiya. Tama kayo ng basa, nahihiya din ako kahit papano 'noh! Kahit sino naman 'diba, lalo na at hindi ko pa kilala ang iba kong mga kaklase.
"Ano naman kakantahin natin?" tanong ko.
"Hmm? Wala ka bang idea?" tanong niya pabalik. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Magtatanungan na lang ba kami hanggang mamaya?
"Wala eh, hindi ako mahilig kumanta," nakangusong sabi ko. Pagkanta. Ayoko kasi talaga niyan dahil nakakahiya. Hindi lang iyon, singing is not my style. I rather choose to sleep.
"Eh bakit gusto mo ako kapair?"
"Dahil wala akong ibang magagawa, ayoko sumayaw."
"Ah...hmmm? alam ko na, someone like you," suggest niya.
"Ah alam ko 'yan."
"Ayun na lang."
"Okay."
Medyo nireview namin siya ng kaunti, medyo na kaunti pa. Hay naku! Nireview namin kung kelan ako kakanta at kung kelan siya ang kakanta. Hindi naman iyan contest kaya okay lang kahit hindi ganun kaganda. Kahit na alam kong maganda parin talaga ang kalalabasan.
Lumipas ang ibang pairing hanggang sa kami na ang kakanta.
*Now playing: Someone like you*
~I heard that you're settled down
That you found a girl and you're married now
I heard that your dreams came true
Guess she gave you things I didn't give to you~
Nang una namangha ako sa boses niya kasi ang ganda. Parang feel na feel niya ang kanta, na may papikit-pikit pang nalalaman. May pinagdadaanan ata itong isang 'to! Nakabawi rin naman ako nang tinignan niya ako.
~Old friend, why are you so shy?
Ain't like you to hold back or hide from the light
I hate to turn up out of the blue, uninvited
But I couldn't stay away, I couldn't fight it
I had hoped you'd see my face and that you'd be reminded
That for me, it isn't over~
Then tinignan na namin iyong mga kaklase namin sa chorus at sabay na kumanta...
~Chorus:
Never mind, I'll find someone like you
I wish nothing but the best for you, too
Don't forget me, I begged, I remember you said
Sometimes it lasts in love, but sometimes it hurts instead
Sometimes it lasts in love, but sometimes it hurts instead
You know how the time flies
Only yesterday was the time of our lives
We were born and raised in a summer haze
Bound by the surprise of our glory days~
Ang iba naming kaklase nakikisabay na sa kanta namin, iyong iba naman may pasway pa. Feel na feel? Ako naman wala lang, parang kumakanta lang ng "Lupang Hinirang". Nakakaantok. Nandiyan naman si Jewel para dalhin ang kanta namin.
~I hate to turn up out of the blue, uninvited
But I couldn't stay away, I couldn't fight it
I had hoped you'd see my face and that you'd be reminded
That for me, it isn't over yet~
Nang matapos kami pinalakpakan kami, hanga naman sila sa boses namin.
Umupo na kami at tinapos na iyong iba. Magagaling din ang iba naming kaklase pero syempre mas magaling kami. Hindi naman ako nagmamayabang, nagsasabi lang ako ng totoo. Bumabawi ako sa pagsisinungaling ko kanina kay Ira.
"Okay then class, see you tomorrow," paalam ng adviser namin at umalis na siya. Sabi nila wala naman daw teacher sa susunod naming subject kaya break na namin.
First day na first day namin ang daming walang teacher. Akala ko estudyante lang ang mga tamad, hindi rin pala papahuli mga teachers eh tapos magagalit kung bakit aabsent. Umangal din kaya ako 'noh?
"Tara sa canteen tayo," yaya sa'kin ni Jewel, ako naman sumunod na lang dahil siya palang ang kakilala ko sa room.
Umorder na kami ng pagkain, siya naman sandamakmak ang inorder. Ako ilan lang, siya parang hindi na makakakain bukas. Tinignan ko lang siyang kumain at nakakagutom siyang panoorin.
"Bakit?" tanong niya dahil kanina pa ako nakatingin sa kanya. Kababaeng tao naman kasi kung makakain parang kagagaling lang sa giyera.
"Wala lang daig mo pa kasi ang sumabak sa gyera eh," natawa naman siya dahil sa sinabi ko. Hindi naman joke iyon. Hindi ba parang insulto na rin. Ang weird talaga ng babaeng 'to. Hindi kaya nakakahawa ito?
"Xy!" narinig kong sigaw ni bestfriend kaya pareho kaming napatingin ni Jewel sa lugar kung saan kumakaway si Ira.
"Oh, ikaw pala Ira."
Lulubog lilitaw talaga itong bestfriend ko kahit kelan.
"Pwede ba akong makishare?" tanong niya.
"Oo naman."
Bago humaba ang usapan namin pinakilala ko siya kay Jewel, "Ira, si Jewel nga pala, new friend ko," sabi ko. Ngumiti naman si Jewel sa kanya sabay sabing...
"Hello sayo, ako si Jewel," sabi niya. Gumanti naman ng ngiti si Ira sa kanya.
"Jewel, this is Marc my best friend. Tinatawag ko lang siya sa apelyido niya."
"Nice to meet you," after that, iyon close na agad sila. Sabi naman sa inyo friendly talaga si Jewel walang halong flirt. Iyong iba kasi may makasama lang na lalaki, you know what i mean.
Lalaki si Ira, may itsura at maraming babae ang lumalapit sa kaniya. Hindi ko maiiwasang hindi mapansin ang mga umaaligid at pumoporma sa kaniya. Hindi ko lang alam kung ganoon parin ngayon.
"Try mo 'to Xy oh! Bagong menu 'to nila ate kaya tinry ko," sabi ni Ira. Sinubuan naman niya ako ng hindi ko alam ang tawag na pagkain.
"Masarap nga, ano bang tawag mo riyan?"
"Sabi ni Ate, graham balls daw tawag diyan," napatingin naman ako kay Jewel na nakangiti lang sa'ming dalawa.
"Try mo 'yan, Jewel. Tiyak na magugustuhan mo," sabi ko sa kanya. Mukha kasing masasarapan talaga siya dahil alam ko ang taste bud niya. Kahit anong pagkain kinakain niya basta edible.
Hanggang sa magtime na ulit, bumalik na kami sa klase at boring na naman. Ang katabi ko naman lollipop ang nasa bibig niya. Yumuko na lang ako hanggang sa makatulog ako.
Chapter 3
Xyriel
Napabangon ako ng wala sa oras, napatingin ako kay Jewel na nakatingin sa'kin. Bigla kasing may humampas ng malakas sa table ko dahilan para magising ako sa magandang panaginip ko.
Malapit ko na makuha ang mocha at graham flavor na ice cream kay Ira pero hindi natuloy. May nag-udlot!
"Sino ba iyon?" seryosong tanong ko.
Nagpipigil ng tawa ang iba kong kaklase at saka ko lang naalalang nasa klase nga pala ako. Akala ko naman nasa bahay ako.
Tiyaka ko lang napagtanto na si Ma'am pala itong nasa harap ko. Tulad ng mga cliche na story, ganun din ang mangyayari sa'kin dahil strikto naming teacher and nasa harapan ko ngayon.
Napakurap ako nang ilang beses.
"Kamusta naman ang panaginip mo?" Ang mga tingin niya ay parang winawarningan ako. Patay ako niyan kasi naman! "So you want to go to the guidance?"
"Guidance agad?"
Hindi ko tuloy maiwasan sabihin iyon pero hindi parin ako nagpakita ng pagkagalit. Kinamot ko na lang ang ulo ko.
Kagigising ko lang ang sama na ng nakikita ko. Sabi nga nila magbiro ka sa lasing 'wag lang kay Xy na bagong gising. Ang ganda pa naman ng panaginip ko, naputol pa.
"Guidance now!"
"Okay!"
Hindi naman sa wala akong respeto, ayoko lang kasi iyong kagigising ko lang demonyo na nakikita ko. Tss. Nakakabadtrip, maga-guidance pa 'ko. Kahit naman hindi ako tumatakbong Valedictorian or something, kailangan wala parin akong maging records.
"Miss Eun, napadaan ka?" Tanong ng head teacher sa'kin.
"Pinatapon este pinapunta po ako ng teacher," seryosong sabi ko naman.
"Bakit daw? May kailangan ka ba?"
"Ahm, actually naka--" bago pa ako makapagsalita dumating na si Ma'am sungit.
"She slept in my class kaya siya nandito." Halata mo naman ang gulat sa mukha ng Guidance councilor dahil sa narinig.
"Is that true?" Tanong niya. Hindi naman kasi ako ganung estudyante. Sadyang inaantok lang talaga ako dahil dun sa kagabi, you know. Basta iyong atin-atin lang.
"Yes ma'am," mahinang sagot ko. Nakakahiya! Paano kaya kung makarating ito kay Daddy? Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang anak ako ng isa sa may-ari ng school?
"Alam mo naman na ang mangyayari kung gagawin mo ulit 'to?"
"Opo ma'am, hindi ko na po uulitin," sincere na sabi ko.
"Okay, sige bumalik ka na sa room mo," ako naman sumunod lang dahil baka may sunod pang world war. Pero deep inside patay na iyong teacher sa utak ko.
Nag-collaborate kasi ang High school na pinapasukan ko ngayon tiyaka ang college na pagmamay-ari ni Daddy so connected parin ito sa isa't isa.
Kapag nalaman ni Daddy na natutulog ako magagalit iyon at hindi ako titigilan sa kakatanong kung bakit ako natulog. O mas asama pa ay ipatapon ako sa ibang bansa.
Pagdating ko naglilinis na lang sila ng room namin, ano ba iyan. May janitor naman estudyante pa naglilinis. Binabayaran naman ang mga iyon ah?
Hinanap ko naman kung nasaan si Jewel. Teka? Bakit ba siya ang hinahanap ko?
Dumeretso na ako sa room nina Ira at hinintay siya. Hindi naman ako cleaners, akala ko pa naman ako ang susunduin niya.
"Hi miss, sino hinahanap mo?" tanong ng isang lalaking hindi ko kilala.
"Ah... eh... andiyan ba si Ira?" Ay shunga, dapat pala Marc. Yaena, choosy pa ba siya? Nakita kong medyo nagtaka siya pero parang naisip din niya kung sino iyong kaklase niyang may Ira sa pangalan.
"Ah oo... Marc may naghahanap sa'yo," tapos lumabas na si ira na may hawak pang walis tambo, cleaners din pala siya. Bigla naman kumunot iyong noo ko pagkakita ko sa kanya.
It means maghihintay ako, gano'n?
"Andiyan ka na pala, wait lang maglilinis pa ako," may pagaalinlangan sa tono ng pananalita niya.
"Okay!" Diniinan ko lang talaga iyong pagkakasabi ko para malaman niya na hindi talaga okay sa'kin iyon dahil paghihintayin niya ang beauty ko, meron ako nun FYI.
"Sige na sige na, bibilisin ko lang," aba at nag-pout pa ang loko.
Naku! Kapag ako hindi nakapagpigil uupakan ko 'yan. Ang ayoko sa lahat ay iyong nagpapa-cute siya lalo na sa harap ko.
"Huwag na Marc. Sige tapos na naman kami," sabi nung lalaking nagtanong sa'kin kanina.
"Ah sige," kinuha na lang niya ang bag niya at sinauli ang walis. Bakit hindi ako ganyan kasipag 'noh? Ayaw naman ako hawaan ni Ira.
Umalis na kami dahil ayoko ng pinag-iintay, gusto ko may libangan kahit papaano. Kahit sino naman ayaw nang pinaghihintay. At isa ako doon.
"Natanggap mo ba ang text ko?" tanong niya sa'kin.
"Huh? Wait!" Kinuha ko naman ang phone ko at tinignan ang text galing sa kanya. Hindi naman kasi ako nagbabasa ng text masyado dahil si Ira lang may alam ng number ko.
From: Bespren Ira ^^
May practice kami soccer wag mo na ako hintayin ;)
Para naman akong ewan na tumingin sa kanya at binigyan siya ng seryoso pero matalim na tingin. Kahit kelan talaga ang lalaking 'to! Dapat sinabi na lang niya ng personal dahil alam naman niyang hindi ako gumagamit ng phone.
"Oo na po, panoorin mo na lang ako maglaro," sabi ni Ira.
"Siguraduhin mong magaling ka," paghahamon ko. Kahit alam ko namang magaling talaga siya, masyado kasi siyang talented.
"Oo naman! Ako pa! Bestfriend mo kaya ako," sabi niya.
"Oo na. Ano namang connect ng pagiging mag-bestfriend natin dun," tanong ko.
"Talented ka naman kasi talaga, gaya ko." Nag-pogi sign pa siya sa harap ko kaya iniwan ko siya sa paglalakad.
Narinig ko pa ang pagtawa niya mula sa likod ko. Sumunod naman siya sa'kin at inakbayan ako ulit. Mga damoves talaga ng lalaking 'to oh!
Pumunta na kami sa may soccer field ng school. Mayaman kasi ang may-ari ng school at kami 'yun. Read it right. Kami ang may ari ng school na ito, kaya nga nakakatulog na lang ako sa klase ng ganun na lang eh.
Isa pa, magrereklamo ba ako kanina tungkol sa janitor kung hindi naman amin 'to? May pa independent pa kasi silang nalalaman pwede naman pag-aralan iyon sa susunod o kaya naman sa bahay.
Malaki kasi ang share dito ni Daddy kaya 'wag na kayong magtaka kung bakit tamad akong mag-aral. Si Ira lang naman pumipilit sa'kin na pumasok sa school kaya araw-araw akong umaattend ng klase.
"Dito ka na lang umupo, okay?" niyaya naman niya ako sa isang bench dito sa harap ng soccer field.
"May choice pa ba ako?" bigla naman siyang ngumiti at tiyaka ako tinignan.
"Wala na," nakuha pa niyang tumawa pagkasabi niya niyan.
"Hmp!" Nagprepare na sila at ako naman nanood lang sa tabi at nanonood. Ang galing pala ng mga soccer player ng school namin lalo na si Ira. Ang cool niyang tignan!
Kahit practice lang namamangha ako.
Inilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat. May nakita naman akong isang pamilyar na tao at pinagsisisihan ko at tinignan ko pa. Nakita ko siyang nagsmirk sa'kin ng titigan ko iyong mukha niya, so feeling niya siya tinitignan ko? Feeling! Pero siya naman talaga tinitignan ko, right? Yeah right.
Nang matapos sila, binalibag ko ng towel si Ira sa mukha pero nasalo lang din naman niya, balibag talaga dahil malakas! Dapat pala bato ginamit kong pambalibag.
"Woah! Galing ko noh?" pagmamayabang niya, tss. Baka hanggang practice lang iyan babalibagin ko na siya ng sapatos.
"Yeah right?" pagtataray ko sa kanya.
"Hanga ka na niyan?"
"Ewan ko sa'yo," lumapit naman siya sa'kin at inakbayan ulit ako. Humarap sa mga ka-team niya at nagsalita.
"Nga pala Xy, pakilala kita sa mga ka-team ko," lumapit iyong ibang ka-teammate niya. Wala sa kanilang panget, lahat sila gwapo. Grabe ang hot nilang lahat. Err! Ang landi ko. Aba! Minsan lang ako pumuri ng tao, madalas puro mukhang unggoy, kabayo at kung anu-ano pang panlalait ang sinasabi ko.
Sa ibang school kasi mga varsity nila hindi naman ganun kagwapuhan. Hindi tulad dito sa school namin na ang gagwapuhan at hot pa kahit pawis na pawis na. Sa ibang school kasi ay kapag pawisan mukhang dugyutin.
"Xy, these are Mark, Jed, Paul and Justin!" Pakilala niya sa mga lalaking kabarkada niya siguro. Hindi naman kasi lahat nandito.
"Guys this is Xy, bestfriend ko." Tapos nag-Hi sila sa'kin isa-isa. Ganun din naman ang ginawa ko. Mukha naman silang mabait lahat, kaso baka hanggang mukha lang.
Nagbihis lang si Ira tapos umalis na kami. Kasabay nga namin lahat ng players eh at nakakatawa silang lahat. Mga jokers ata sila hindi soccer player eh, may isa naman sakanila na tahimik lang si Paul, 'yung nakatama ng bola sa'kin sa ulo.
'Yan alam ko na ang pangalan dahil 'yun ang tawag sa kanya nung iba niyang kasamahan. Hindi ko alam kung bakit pero ang tahimik niya, hindi na niya inopen 'yung topic tungkol dun sa bola. Ako na lang ata hindi pa nakakamove on, hindi ko na lang pinansin dahil busy ako.
Nakita ko naman si Jewel na nakatayo sa may gate.
"Jewel!" Tawag ko sa kanya. Lumapit naman kaming lahat sa kanya. Mukhang kanina pa naghihintay ang isang 'to.
"Ah, Xy ikaw pala."
"Sino hinihintay mo?"
"Ah, eh actually ikaw?" Nahihiyang sabi niya. Napatango na lang ako dahil na din sa hiya, kanina niya pa ko hinihintay?
"Huh? Dapat hindi mo na ako hinintay," sabi ko. Ilang oras ba akong nanonood ng soccer at ilang oras na din siyang naghihintay.
"Hehe, sorry wala rin naman kasi akong magawa sa bahay kaya hinintay na lang kita. Nakita kita kanina sa soccer field pero hindi ako lumapit."
"Dapat hindi mo na lang ako hinintay. Nakakahiya naman sa'yo,"
"Okay lang din," pinakilala din namin siya sa iba para hindi magmukhang rude, naks naman! May nalalaman pang ganun. 'Yung iba naman humiwalay na samin dahil iba 'yung way nila pauwi.
Ako, si Ira at si Paul na lang ang natira, kasama naman ni Jewel si Jed kaya okay lang, mabait naman siya at gentleman. Naunang bumaba si Paul at nagpaalam samin, nang kami na lang nagkaroon ako ng pagkakataon maitanong 'yung tungkol kay Paul.
"Uy Ira," pagtawag pansin ko sa kanya.
"Oh?" Tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa'kin.
"Ganun ba talaga katahimik 'yung si Paul?" Tanong ko pero pinanatili ko parin ang pagiging seryoso ng boses ko.
"Oo ganun talaga 'yun, ako nga lang kaclose niya sa team eh. Bakit? May gusto ka sa kanya noh?" Napatingi naman ako sa kanya, dapat hindi na lang ako nagtanong.
"Ah ganun ba, kapag tinanong kung bakit ganun may gusto agad?" Hindi ko maiwasan na pagtaasan siya ng boses. Medyo napatingin sa'min 'yung ibang tao, akala ata may LQ kami. BFQ lang, Bestfriend's Quarrel.
"Haha ikaw talaga, ganun lang talaga siya, wag mo nang pansinin!" Hindi na ako nagsalita dahil baka makulitan lang siya sakin para kasing pagod na siya sa practice nila. Nakapikit na kasi siya, isa pa baka sabihin interesado ako sa kwento ni Paul, seriously?
Hindi ko alam pero nacu-curious ako kay Paul. FYI curious lang. Laki ng pagkakaiba ng curious sa interested, haler!! Parang gusto ko pa siyang makilala ng husto, don't get me wrong, uunahan ko na kayo. Alam ko naman kasi 'yang takbo ng mga utak niyo. Gusto ko lang makipagkaibigan sa kaniya 'yun lang 'yun. Ang pangit kaya ng una naming pagkikita, right?
Pagdating sa bahay kumain ako, naalala ko na naman si Gaile, basta pagkain siya agad nasa isip ko. Wala na naman si mommy kaya ako ulit mag-isa, gusto ko kasi ng kapatid sana magkaroon pa ako nun. Ang hirap kasi maging lonely ang lungkot lungkot sa bahay ngayong wala pa si Ira, kahit makulit, o ano man basta gusto ko ng kapatid.
Pagkatapos ko kumain pumunta na ako sa kwarto ko at nag-ayos. Wala na akong ibang gagawin kundi manood ng manood. 'Yun lang naman ang hobby ko sa araw araw.
Chapter 4
Xyriel
"Hindi ka naman matutulog ulit, 'diba?"
"Oo na nga."
Nakakainis naman 'tong si Jewel. Parang nakatulog lang isang beses makademand ang OA. Baka raw kasi wala akong matutunan kung matutulog lang ako. FYI kahit hindi ako makinig mataas grades ko, 'yun nga lang hindi ganun kataas dahil na rin sa behavior ko. Wala naman akong magagawa kasi nakasanayan ko na 'yun.
Napapadalas na rin ang pagsama ko kay Jewel, minsan kasabay din namin si Ira. Close na close na rin sila pero wala parin tatalo sa closeness namin ni Ira noh! Nandito ako sa canteen at kasama ko si Jewel. See? Close na kami, ang kulit lang niya kausap pero i'm enjoying her company kaya okay lang naman.
"Xy, 'diba si Paul 'yon?" Napatingin naman ako sa dereksyon na tinuro ni Jewel.
"Oo nga noh?" Sabi ko. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit pati iyon napapansin pa niya.
"Akala ko ba magkakasama sila?" Tanong na naman niya. Malay ko ba? Hindi naman niya ako kabarkada. Bahala siya diyan.
"Hayaan mo na baka kaklase lang niya 'yan," iba kasi 'yung mga kausap niya ngayon kaya naman itong si Jewel nahiwagahan na agad. Kung anu-ano na pumapasok sa isip niya.
"Baka nga tama ka," may halong pagdududa parin na sabi niya sabay iwas na ng tingin kina Paul. Kakaiba talaga ang babaeng 'to. Madalang ko lang makita sa school 'yung mga kasama niya pero naka-uniform naman kaya ka-schoolmate namin 'yan for sure. Nakatingin na siya kina Paul at tumahimik bigla...
"Hoy," tawag ko sa atensyon niya. Ganun na ba ka-big deal sa kanya ang pagsama ni Paul sa iba? Si Ira nga ang bestfriend ko pero si Jewel ang kasama ko, ano naman kaya 'yun?
"Oh?"
"Baka naman matunaw na si Paul niyan?" Nakatingin na naman kasi siya sa dereksyon nila. Hindi kaya may gusto siya kay Paul? Hindi pwede...I mean, ano bang pakialam ko?
"Para kasing may mali eh," huminga ako ng malalim bago magsalita. Minsan nakaka-frustrate din ang isang 'to.
"Ano naman 'yun?"
"Ah wala wala nevermind na nga lang," ang weird talaga ng babaeng 'to, Hindi ko siya maintindihan. Minsan serious minsan makulit pero madalas gutom, nothing changed.
Bumalik na naman kami sa room at Grabe! Ang kalat parang room ng pre-school. Well mas malinis pa pala room ng pre-school dito. Parang dinaanan lang naman ng bagyo tsunami at ng kung ano pa man, bahala na kayo mag-imagine.
Pumasok ako sa room and swear mapapatakip ka ng bibig, ang bango niya parang banyo. Gross. Maya maya dumating na yung adviser namin at halata mong gulat. Sino ba namang hindi magugulat sa makikita nila diba?
"What the hell happened here?" Sari saring comments naman ang natanggap niya sa students. Ako naman wapakels bahala sila diyan para namang may ginawa ako. Hindi naman convince si Ma'am Krissa kaya naman napahawak na lang siya sa noo niya.
Sabay sabing, "Okay, dapat magkaklase na tayo pero dahil dito maglilinis kayong lahat," napanganga na lang ako pero walang sinabi. As if naman papayag 'yan kapag umangal ako, duh!
Naghiyawan naman 'yung iba kasi naman spell E-W? Edie Yuck! Parang dumpsite lang. Let me rephrase it 'mas masahol pa sa dumpsite! Masama ba 'yung sinabi ko? Just stating the fact here.
Mahaba habang linisan 'to ha? Kahit naman maganda ako masipag parin ako. Nagsimula naman na kami sa paglilinis kahit labag sa kalooban ko. Hindi ko pinangarap na maglinis sa tanang buhay ko ah. Masipag? Masipag matulog, kumain at gumala kamo pero okay na rin nagiging maganda ang image ko dahil ang dami kong naging kaibigan.
Sina Angelica at Rhea ang naging kaibigan namin. Magkaibigan na raw silang dalawa simula pagkabata. Si angelica DAW ang naturingang hearthrob. Sabi nila eh, go lang! Si Rhea naman mamatay ka na sa katatawa siya, si dakilang poker face. Basta ngiti lang ang hindi alam gawin sanay magalit mainis pero smile wala ata sa bokabularyo niya 'yun eh.
Nagpatuloy lang kami sa paglilinis namin at malamang nakakapagod. Kayo kaya dito? May punishment daw ata para sa mga hindi naglilinis. Mga babae lang nga kami eh walang lalaki, Ilalabas na lahat ng upuan at 'yung dala ko gumaan. Si Bestfriend Ira lang pala.
"Ira ikaw pala," seryosong sabi ko. Hindi ako sanay sa paglilinis kaya mabilis akong napapagod.
"Ako na." Dinala na niya yung upuan at pinila sa labas. Bale nilalabas lahat para malagyan ng floor wax 'yung sahig.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Napadaan lang, mag-CR sana ako eh."
"Ah ganun?"
"Anong ginagawa niyo, bakit naglilinis kayo? Oras ng klase ngayon ah?" Tanong niya.
"Obviously, kasi madumi," sabi ko. Pinisil na naman niya ang pisngi ko kaya tinapik ko ang kamay niya.
"Ikaw talaga," tapos ginulo pa 'yung buhok ko. Tinignan ko siya ng matalim pero ngumiti lang siya, napairap na lang ako.
"Miss eun, want to know your punishment?"
"Hind po ma'am, sige Ira una na ako."
"Sige pagbutihan mo," sabay alis naman Ira ako naman pinagpatuloy ang paglilinis. Panira naman kasi.
"Xy, sino 'yun?" Tanong ni Angelica habang nagwawalis. Hindi bagay sa beauty niya ang paglilinis ng room.
"Bestfriend ko si Ir-Marc pala," ayoko kasing may ibang tumatawag na ganun kay 'Ira. Selfish na kung selfish pero ganun talaga. Gusto ko kung ako lang, ako lang dapat!
"Parang nakita ko na nga siya eh," tinigil niya ang pagwawalis at umakto na parang nag-iisip.
"Saan naman?"
"Soccer player siya 'diba?" Tanong niya.
"Yhup! How'd you know?" tanong ko naman. Medyo naboboring-an na ako sa ginagawa ko. Wala namang ibang ginagawa kundi ang maglipat ng mga upuan.
"Nanonood kasi ako nun eh." Bukod sa mga gwapo ang mga soccer players ay ma-appeal din pala sila. Mukhang may gusto ang isang 'to sa isa sa kanila.
"Ah, may pinapanood ka dun?" Tanong ko.
"Actually kuya ko soccer player eh," napatingin ako sa kanya pagkasabi niya niyan. Okay, mali ang nasa isip ko.
"Ah sino naman 'yun?"
"Ah si Justin."
"Ah." Ang alam ko yung Justin na 'yun masungit eh. Ang layo ng personality nila ng kapatid niya, totally different.
"Sige kukuha lang ako ng tubig sa CR ah?" Paalam ko.
"Sige." Nagtuloy ang siya sa pagwawalis habang ako naman sa CR nagderetso. Nilagyan ko na ng tubig, ako kasi ang nag-mop kanina kaya ako na bahala sa tubig. Sa may tabi ng girls CR ay boys CR pero hindi magkaharap ha?
"Paul mamaya ah?" Rinig kong sabi ng isang hindi pamilyar na boses ng lalaki.
"Sige."
"Mauna na ako." Siguro hindi naman si Paul 'yun ng Soccer Team pero parang...bahala na. Si Paul nga, Paul Surio, 'yung kasama ni Ira sa soccer. Ang lalaking nakatama ng bola...aist! Kalimutan mo na nga 'yun Xy. 'Yung kasama naman ni Paul nginitian lang ako. FC Much?
"Xy, Ikaw pala," ngayon ko lang napansin ang gwapo ng boses niya. Behave Xyriel!! Magagalit si Bestfriend Ira.
"Paul, sige naglilinis kasi kami ng room eh."
"Ako na," siya na naman ang nagdala ng timba ako naman nasunod lang sa kanya. Ewan ko kinikilig ako kasi ang gentleman niya eii. Hindi ko namalayan nasa room na kami. Bakit parang ang bilis naman? Nakakabitin!
"Thanks Paul ha?"
"No problem," ginulo niya 'yung buhok ko then nagsmile siya. Uy nagsmile na siya sakin. Hindi kasi ako sanay na ngumingiti siya kaya nakakapanibago.
"Sorry nga pala nung una nating pagkikita ah? Medyo hindi maganda," paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Kasalanan ko rin naman kasi diba?
"Okay lang, sorry din. Okay na ba 'yung ulo mo?" Tanong niya, ayiee! Concern ang lolo niyo oh? Kelan pa naging ganito ang utak ko? Lumandi ata? Sumeryoso ka nga Xy!!
"Oo, hindi na naman siya nagkabukol," sabi ko na lang, hindi naman kami nag-usap ng matagal dahil baka pagalitan na naman ako ng teacher namin. Nakita ko si Angelica na nakatingin kay Paul habang nakasilip sa pinto. Hmmmmmm. Alam niyo naiisip ko, kung hindi ang slow niyo naman.
"Hoy," tawag pansin ko sa kanya pero Deadma ang beauty ko. "Hoy Angelica!!"
"Huwag ka nga magulo," Aba. Ganito ba nagagawa ng pag-ibig sa taong 'to? Nakakabaliw ng utak? Kaya ayoko ng salitang pag-ibig na 'yan eh.
"You like Paul?" Hindi ko na matiis magtanong eh.
"H-hindi noh," pagde-deny pa niya kahit halata masyado sa mukha niya.
"Wag magsisinungaling sa hindi maniniwala."
"Xy tulong naman oh," napatingin ako kay Jewel na ang daming dala. Ang dami niyang dala, dali dali ko naman siyang tinulungan.
"Kinareer mo naman paglilinis," seryosong sabi ko sa kanya.
"Kasi naman si Danica and friends ayaw tumulong eh." Pagtingin ko. Aba!! Prinsesa? Nilapitan ko naman ayoko ng away pero mas ayaw ko sa mga unfair. Pacute pa 'yung iba na nadaan na boys sa labas ah. Nilagay ko 'yung libro padabog sa mesa kaya naman napasinghap na lang sila.
"Sorry nangangawit na kasi ako, patulong naman," sabi ko. Hinawakan ko pa ang balikat ko para dagdag props sa acting ko.
"Wha the--" hindi ko na siya pinatapos mag-salita. Kung titignan mo siya may pagka-spoiled brat na.
"Salamat," pagkasabi ko niyan ay umalis na ako sa harap nila pero napatigil din ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Wait, sino ka naman para utusan ako?" Tanong niya. Hindi pa pala ako nagpapakilala, baka naging rude 'yun sa harap niya. Nilahad ko naman ang kamay ko sa kanya at seryoso siyang tinignan.
"Xyriel Eun at your service," nakatingin lang siya sakin na parang hindi makapaniwala. Nang hindi niya tinanggap ay nagflip hair na lang ako.
"I'm not yet finish," napaghahalataan ko lang kanina niya pa ako hinihigit ha? Nakakailan na siya, pigilan niyo ko. Kanina nilahad ko ang kamay ko hindi ako pinansin, ngayon naman manghihila siya? Niloloko ata ako ng babaeng 'to.
"Maglilinis pa ako eh," kalmadong sagot ko.
"Hindi mo ba ako kilala?" Tanong niya. Hindi parin ako ngumingiti o nagpapakita ng kung anong emosyon sa kanya.
"Danica?" Hindi siguradong sagot ko. Naalala ko kasing nabanggit ni Jewel sakin 'yun kanina.
"What's happening here?" Tanong ni Ma'am na kararating lang.
"Nothing ma'am nagpapatulong po kasi si Danica maglinis, di po kasi sanay," magalang na sagot ko sa kanya.
"Oh? Please, just continue." Wala kasi si Ma'am kanina kaya papetiks petiks lang sila ngayon binabantayan na kami. Lagot na sila kapag hindi sila sumunod kay ma'am. Ayoko namang maging unfair lalo na dun sa iba na pawis na pawis na kakalinis. Pero bago 'yun...
"Hindi pa tayo tapos Eun."
"Whooo. I'm scared!" Nainis ata sa sinabi ko kaya nagwalk out na lang. Sina Angelica naman natatawa lang sa isang gilid. Syempre excluded dun si Rhea dahil nakatingin lang siya sakin.
Nagtuloy pa kami sa paglilinis namin hanggang sa natapos. Pinagpahinga kasi at natulog sa susunod na subject. Dapat lang noh!! Nakakapagod kayang maglinis ng buong room, try niyo. Dinaig pa namin ang mga Janitor na naglilinis ng mga banyo. Bawat sulok nilinis namin at nakakita kami ng napakaraming alikabok na nakatira sa room namin. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga naglilinis ng mga basura. Parang anytime maso-sufocate ka dahil sa dami ng kalat.
Well, hindi naman makukumpleto ang high school life kung hindi ka matututo at makakaranas ng paglilinis, right?
Chapter 5
Xyriel
Nakahiga lang kami at katabi ko si Jewel. Pinatulog nga kami ng next teacher namin dahil nga naglinis kami, right? Ngayon naman hindi ako makatulog kung kelan pwede. Nakatingin lang ako sa ilaw ng room at ayon naman sa peripheral vision ko ganun din si Jewel pero parang ang lalim ng iniisip niya eh.
"Jewel?" Tawag pansin ko sa kanya.
"Hmm?" Tanging sagot lang niya.
"Anong iniisip mo?" I just wanted to start a conversation kaya ko tinanong. Curious din kasi ako sa iniisip niya. Kapag titignan mo kasi siya, ang hirap niya mabasa. 'Yung iba alam mong makalokohan, playboy o kung ano man pero siya ang alam ko lang at mababasa ko lang ay matakaw siya.
"Si Paul," authomatic na napatagilid ako. Ngayon nakaharap na ako sa kanya this time. Anong nangyayare sa kanya? Don't tell me inlove na nga talaga siya sa lalaking 'yun?
"You mean--?" Hindi niya ako pinatapos at huminga ng malalim.
"It's not what you think Xy." Inunahan na niya ako sa dapat na itatanong ko. Nakaka-curious naman kasi kapag ang tulad ni Jewel ang ma-inlove. Pagkain lang ata ang nakakarelasyon niya sa tanang buhay niya kaya trending kapag nagka-crush siya.
"Then what?" Tumingin din naman siya sakin pero 'yung ulo lang. Parang horror lang 'yung dating eh.
"Ang weird niya kasi." Napatingin lang ako sa kanya , ang lakas talaga ng sense nito. Hindi ko alam pero ang dami niyang napapansin. Siya nga ata itong weird eh, Si Paul naman? Baka na naman sa hindi pagsama niya sa barkada niya sa soccer team?
"Ano namang weird kay Paul?" Tuluyan na siyang humarap sakin. Buong katawan na niya 'yung nakatagilid at kaharap ko.
"Para kasing---" Naputol na naman ang sasabihin niya.
"Kasing-?" Naiinip na tanong ko.
"Aist...wala wala nevermind," pinag-antay niya pa ako hindi naman sasabihin. Bumalik na siya sa pagkakatingin sa ilaw. "Parang iba 'yung kilos niya sa mga ka-team niya," ayan na naman siya.
"Huh? Malamang si Justin nga masungit eh--'' hindi na naman niya ako pinatapos magsalita.
"Hindi iyon," Aba gaya-gaya naman to ng expression. Hilig din niya ang putulin lahat ng sinasabi ko noh? Kaimbyerna.
"Eh ano?"
"Kasi...kasi...'wag na nga lang..." Pabitin pa 'tong babaeng to sasabihin din naman, lumipas ang oras at hindi na niya nasabi.
"Bahala ka na nga, magsasalita tapos hindi naman itutuloy," sabi ko. Hindi na nga talaga siya nagsalita at hindi ko na rin siya kinulit.
*
Uwian na kaya nagligpit na kami ng gamit namin at lumabas ng room, hindi ko talaga siya magets. Hinayaan ko nalang hindi ako makulit gaya niya. Mapagkamalan pa niya akong chismosa. Pumunta kami sa lockers namin.
"Guys gala muna tayo bago umuwi," aya ni Jewel samin na busy kakaayos ng gamit.
"Sorry sasabay kasi ako kay kuya eh," sabi naman ni Angelica, nakakatakot pa naman si Justin. Creepy masyado. PMS ata lagi eh.
"Ito naman minsan lang, sasabihin ko na lang sa kuya mo," tapos nagpout pa. How can she resist that?
"S-sige na nga," pagpayag naman nina Angelica.
"Yay!" Ngayon naman ang hyper ni Jewel. May split personality ata siya kaya ganyan.
"Pagtakpan mo ako ha?" Suggest ni Angelica. Hindi ko alam na takot din pala siya sa kuya niya. Kaya ayoko ng kapatid na mas matanda sakin, masyadong protective at bossy.
"Oo naman noh!"
"Tara na guys!!" Yaya ni Agelica. Parang kanina lang ayaw niya kasi natatakot siya eh. Ngayon naman siya pa ang nangunguna samin.
"Hindi ka naman excited noh, Angelica?"
"Minsan lang 'to noh! Wala naman magagawa si kuya kapag kayo nagpaalam para sakin." Edi pumunta na kami sa gate kung saan naga-antay narin si Ira.
"Ira, may puntahan pa kasi kami, una ka na" sabi ko. Napatango naman siya at tinignan ang mga kasama ko.
"Ah okay, sige alis na ko, ingat ka," sabi niya sabay halik sa noo ko.
"We-we-wait! Sumama na lang kaya kayo?" Suggest naman ni Jewel. Nagkatinginan naman 'yung mga lalaki.
"Ah...eh..." naghe-hesitate pa silang lahat.
"Please," pagmamakaawa naman nitong si Angelica sabay beautiful eyes pa. Sino bang hindi papayag sa ganyan? Ginagamit nila ang charms nila sa mga lalaki!
"Kayo tol, sama kayo?" Sa huli napapayag na rin namin sila. Hindi kasi nila ma-hindi-an si Angelica eh. Mga nagagawa talaga ng charms ng isang tao.
"Malapit na intrams. Sino panlaban niyo?" Tanong ni Ira samin.
"Malamang si Angelica," sagot ni Jewel.
"Sabagay." Nagpunta kami sa sweets shop at malamang puro sweets siya. Umorder na 'yung boys ng kakainin namin, libre pa nga daw nila eh. Big time siguro sila ngayon.
Maya maya dumating na din naman sila, may ice cream ang order, meron din namang cake strawberry flavor siya. 'Yung boys naman ewan ko sa kanila. Si Jewel? Cotton Candy. Di tulad nung nabibili sa labas, mas marami 'yung dito. Para kasing yung nasa labas puro hangin ang laman.
"Malapit na intrams ha?" Pago-open topic ulit ni Joshua. Napansin niya sigurong ang tahimik sa paligid kaya binasag na niya.
"Oo nga, diba lalaban din kayong soccer team?" Tanong ni Angelica.
"Yhup, nood kayo ah?" Paga-aya ni Joshua, pero parang he's just referring to Angelica dahil sa kanya lang siya nakatingin.
"Ayaw nga namin," sabi ni Angelica, Busted? Nakakatuwa silang panoorin, para silang bata. Parang close na sila sa isa't isa kahit ngayon lang sila nagkakilala na dalawa. Hindi pa kasi napapakilala ni Justin ang kapatid niya sa mga ka-team niya.
"Bakit naman?" May halong pagtatampong tanong ni Joshua sa kanya.
"Don't ask for more, Joshua. Siya ang panonoorin nila hindi tayo," pagtatanggol ni Justin na ngayon na lang ulit nagsalita. Sinara naman ni Joshua ang bibig niya at kumain na lang ulit. Natapos naman kaming tahimk si Paul. Si Rhea at Justin din kasi nagkakasagutan minsan, ang cute nga nila eh, parehong suplado at suplada. PMS Couple.
Umuwi na naman kami at hinatid ako ni Ira. Kasalukuyan kaming nakasakay sa jeep ngayon.
"Ui," tawag pansin ni Ira. Masanay na kayo kasi ganyan lagi ang tawagan naming dalawa. Nasanay na din kasi kami na 'huy' ang tawagan.
"Bakit?" tanong ko.
"Panoorin mo ako ha?" Umakto naman na nag-iisip ako. "Wow! Pinag-iisipan talaga?" Medyo nagtatampong tanong niya.
"Haha. Oo naman, galingan mo ha?"
"Oo naman noh, kapag hindi kita nakita. Naku!!~"
"Ano?"
"Wala naman," umayos siya ng upo at tumingin sa labas ng sasakyan.
"Sasaktan mo ba ako?" Tanong ko.
"Alam mo naman pala este hindi ko naman magagawa yun noh, ahe-he" tinignan ko lang siya ng matalim dahil sa sinabi niya. So, sasaktan niya ko? Hindi nakakatuwa.
"Good, sige, bye bye na~" Paalam ko sa kanya.
"Ayaw mo na ako makita, pinapaalis mo na ako?" Tapos umakto pa siyang parang nasasaktan. Hawak niya pa 'yung dibdib niya.
"Tama na nga, bakla ka ba?" tanong ko. Gusto ko na talagang itanong ang bagay na 'to sa kanya.
"Lalaki ata 'to Xy." Bigla siyang tumayo ng tuwid. Mukha naman siyang baliw ngayon. Maasar nga, this is my turn.
"You don't look like one," sabi ko sabay smirk at cross arms. Napakunot naman siya ng noo pero nawala din agad.
"Want me to prove it?" Tapos ngumiting parang aso este nakakaloko.
"Umuwi ka na nga, kung anu ano naiisip mo," ramdam ko kasing uminit bigla ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit.
"Bye Xy..."
"Bye," again, he kissed my forehead bago naglakad palayo. Inintay kong mawala siya sa paningin ko bago pumasok. Sinalubong na naman ako ng mga katulong namin.
"Good evening mam Xy, kain na po kayo," yaya niya.
"Sa kwarto ako kakain,"
"Pero nasa dining po ang mama mo," bigla namang nagningning ang mata ko dahil sa balita ni yaya.
"Really??" Pagkatango niya tumakbo ako sa dining at nakita kong hinahanda na ni mommy yung pagkain ko. "Mommy!!!" Sabay takbo at hug sa mommy ko, namiss ko siya super!!
"Kamusta naman ang Baby ko? Ang laki mo na," sabi niya at niyakap ako pabalik. Amoy abroad si mommy.
"Okay naman po ako mommy. Hindi mo man lang sinabi na uuwi ka na," may pagtatampo sa tono ng boses ko sabay pout. Kay mama lang naman ako madalas mag-pout dahil feeling ko hindi naman bagay sakin. Ayoko rin ng nagpapakita ng emosyon sa iba dahil alam kong madali akong basahin kapag ganun.
"Kapag sinabi ko, it'll not be a surprise anymore. Tadaaa!! Ako ang nagluto ng Dinner natin." Nakita ko naman na ang daming pagkain sa lamesa namin.
"Waah!! Mommy, namiss ko ang niluto mo," sabi ko.
"Of course, kaya nga ako ang nagluto. Come on baby let's eat," sabi niya kaya naman naupo na ako, pinaghain pa niya ko. How sweet of her. Kaya mahal na mahal ko ang mommy ko eh. Nagkwentuhan lang kami dahil sobrang namiss talaga namin ang isa't isa hanggang sa napunta ang usapan namin sa kagustuhan kong magkaron ng baby brother.
"Mommy, I want to have a Baby Brother," sabi ko, nabilaukan naman si mommy pagkasabi ko nun kaya inabutan ko siya ng tubig. Ano bang nakakagulat sa bagay na 'yun?
"You alright mommy?" May masama ba sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman kung anong gusto ko ah?
"Anak naman, alam mo namang-" Hindi ko na pinatapos si mommy dahil nagsalita na ako.
"Then mag-ampon tayo, please mommy," sabi ko, sinubukan ko na rin magpa-cute kay mommy. Hindi ko alam pero gusto ko talaga ng little brother tapos ako ang mag-aalaga sa kanya.
"Okay baby, Me and your father will talk about it." Napayakap naman ako sa sinabi niya, I really love my mommy kahit na madalas silang wala sa bahay ni Daddy. I badly want a brother. 'Yung ako ang mag-aalaga at magpapalaki sa kanya habang wala sina mommy. Parang anak ko na rin. Ako mag-aayos sa kanya tapos magpapaligo. Maghahanda ng mga gagamitin niya sa school and man many more.
Maya maya pumasok na ako sa room ko. Naglinis na ako at nagsuot ng pajamas. Wala na naman akong pupuntahan at gagawin, Binuksan k na lang ang PC then nag-open ng facebook. Hindi naman nakaka-entertain ito dahil wala naman akong ibang ginagawa kundi makipag-chat kay Ira. Lahat ata ng topic sa mundo napagusapan na naming dalawa. Nang magsawa na ako natulog na ako.
*
Nalipungatan ako dahil sa tunog na naririnig ko kaya bumaba na ako, Nagtimpla ng gatas at pumunta sa terrace at doon ko ininom yung gatas ko. 12 noon na kaya walang tao masyado sa labas ng bahay namin hanggang sa may dumaan na motor na sobrang bilis ng pagpapaandar.
May sumunod na ibang motor pagkatapos nun kaya naman nakakapagtaka. Anong oras na oh! Napakunot naman ang noo ko at medyo nag-panic, ngayon lang ako nakakita ng ganun kabilis magpaandar.
"Bawal 'yun ah?" Sa di kalayuan nakakita ako ng malakas na ilaw, pinuntahan ko at nakita ko. Medyo marami rin sila. May mga lalaki pati babae. 'Yung, mga babae yung nagbababa ng flag. Parang sa 'fast and furious lang. Huminto 'yung motor at tinanggal yung helmet. Bale nakatalikod siya sakin.
"Nice one bro," bati ng isa sa kanya sabay bro fist.
"Wala parin nakakatalo sayo," komento pa ng isa at nakipag-bro fist din. Parang familiar ang bro fist na 'yun at nakita ko na somewhere.
"Salamat," unti unting tumingin yung lalaki. Nakipag-shake hands siya sa mga kasama niya pero hindi doon na-focus ang atensyon ko. Hindi 'to pwede, napahawak na lang ako sa bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. I can't believe it! Tama nga siguro ang iniisip ni Jewel sa kanya na ang weird ng kilos niya.
Sino ba makakapaniwalang he's... he's a Gang racer??
ANGELICA
"Pero mommy, please naman. Ayoko pumunta dun, ayokong maging model noh! Isa pa maiiwan ko ang mga kaibigan ko rito," pagmamakaawa ko kay mommy.
"Anak naman, malaking opportunity ito sayo kaya please cooperate. Alam ko sa simula ayaw mo pero masasanay ka rin. Just do what mom ask you to, okay?" Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon kay Mommy.
Umalis na naman siya at naiwan akong mag-isa sa sala namin. Pinag-iisipan ko parin kung anong gagawin ko. Kahit naman kelan ko lang nakilala ang mga kaibigan ko mahalaga parin sila sakin. Kailangan isama ko parin sila sa pagdedesisyon ko. Ayoko maging unfair sa kanila na bigla na lang ako aalis kahit naman hindi ako willing dun.
"Why don't you go?" Tanong ni Kuya Justin na kararating lang. Tumabi naman siya sakin sa sofa. Napabuntong hininga ako.
"Kuya naman, alam mo naman kung gaano ko ka-ayaw ang pagmo-model diba?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko maging singer pero ayoko maging model. May nag-alok kasi sakin sa ibang bansa na pagmomodel pero tinanggihan ko. Si Mommy naman pinipilit ako, hindi naman namin kailangan ng pera dahil may business naman si mommy tapos si kuya tumutulong na rin.
"Alam ko naman 'yun pero gaya ng sabi ni mommy magugustuhan mo rin 'yun..." panimula niya. "Kung hindi mo magustuhan, free ka naman na umalis," napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.
"Kuya, naisip ko lang naman ang mga taong maiiwan ko rito," sagot ko. Minsan lang ako magkaroon ng mga kaibigan na gaya nila. Na tatanggapin ako ng buo at hindi dahil sa maganda ako at anak mayaman.
Marami kasi akong kaibigan sa dati kong school pero ni isa sa kanila ay hindi totoo. Mga plastik sila at kung anu ano ang sinasabi kapag nakatalikod ako. Napag-pasyahan kong lumipat noon at pinalabas na lumipat kami ng bahay kaya ganun. Sa bago kong school ordinaryong tao lang ako dahil hindi lang ako ang mayaman at maganda hanggang sa makilala ko siya.
Si Rhea lang ang nakatanggap sakin kahit na masungit siya sakin nung una. Ang tanging alam ko lang ay gusto ko siyang maging kaibigan. Ang gusto lang naman kasi niya ay makapasok sa Tennis international championship. Madalang lang daw ang nakakapasok dun lalo na kapag babae ka kaya naman pinaghuhusayan niya talaga.
Sinasamahan ko siya sa practice niya at ginawa ko talaga ang lahat para mapalapit ako sa kanya. Tulad ko nangangarap din siya at parehong tutol ang mga magulang namin sa pangarap namin na iyon. Kung ako, gusto ni mommy na maging model ako pero gusto ko maging singer siya naman ang gusto ng mommy niya para sa kanya ay maging isang engineer pero gusto niya talaga ang Tennis.
Dahil dun naging malapit kami sa isa't isa. Maraming bagay kaming nai-share sa isa't isa kahit na magkaiba ang ugali namin.
"Bakit? Ako, si mommy at daddy lang naman ang maiiwan dito. Pwede naman kaming bumisita sayo," sabi niya. Napayuko na lang ako at hindi maiwasan ang pangingilid ng luha sa mata ko.
"Kuya, paano ang mga kaibigan ko? Maiiwan ko sila, alam mo namang ngayon lang ako nagkaron ng ganitong mga kaibigan," naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko, "Hindi ko alam kung saan pa ako makakakilala ng mga tulad nila." Naramdaman ko ang yakap ni kuya sakin kaya lalo akong naiyak.
"How can you think of them? Ngayon mo palang sila nakilala, hindi natin alam kung totoo ba sila. Ayokong maranasan mo na naman 'yung naranasan mo noon," sabi niya.
"Pero kuya alam kong totoo sila. Mahirap man paniwalaan pero ang gaan ng loob ko sa kanilang lahat. Gusto ko silang makasama," sabi ko habang umiiyak. Hinagod niya ang likod ko dahil hindi parin matigil ang pag-iyak ko.
"Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng kaibigan pero dahil sa sinabi mo ngayon naiintindihan ko na. Kung anong gusto mo, 'yun ang gawin mo. Kung saan ka masaya, dun din ako magiging masaya," napangiti naman ako sa sinabi niya. Gaya ko hindi rin maganda ang nakaraan niya tungkol sa pagtitiwala sa kaibigan pero alam kong matututunan niya rin pahalagahan ang mga kaibigan na nakapaligid sa kanya.
Chapter 6
Xyriel
Huminga ako ng malalim bago maglakad, kaya mo 'to Xy!! Ang daming tanong na nasa isip ko. Ano kayang gagawin ko kapag nagkita kami? Paano pag nalaman niyang alam ko na? Ano kayang irereact ko kapag dumating ang time na 'yon? Napaparanoid na ako.
"Xy!"
"Ui, Xy!"
"HOI!!!"
"Ay kwago!!!" Sigaw ko dahil sa gulat. Nakakainis! Na-ooccupied and isip ko dahil sa nakita ko kagabi, hindi na naman ako nakatulog ng maayos tapos ngayon nag-space out naman ako. Hindi ko na maintindihan kung ano pang gagawin ko!
"Ako? Kwago? Ang gwapo ko namang kwago."
Ano ba naman 'yan, feeling ko luluwa na 'yong puso ko sa dibdib ko idagdag pa ang mahangin kong bestfriend. Bakit ba hindi pa ko nasanay kapag sinasabi niya 'yan? Siguro masyado ng nakakasawa.
"Huwag ka nga manggulat! Ikaw? Gwapo? Nevermind," sabi ko. Paano ako makapag-iisip ng matino kung pati siya guguluhin ako? Bakit ba naman kasi sa lahat pa ng tao, itong makulit pa na ito naging best friend ko? Dapat boyfriend--este--hardinero na lang ang naging role niya sa buhay ko e!
"Hindi kita ginulat 'di ka lang nakikinig, tiyaka ang gwapo ko kaya!" Napakunot na lang ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Baka Kwago, hindi gwapo... bakit ba kasi?" Tanong ko na lang para hindi na lumakas pa lalo ang hangin.
"Ay? Wala kang balak pumasok?" Tanong niya. Hindi ko napansin na kanina pa pala talaga ako nakatulala.
"Oo nga noh, tara na nga lang ang dami pang sinasabi," sabi ko sabay hila sa kanya.
"Ikaw nga kung anu ano iniisip e!"
"Heh! Manahimik ka diyan," saway ko sa kanya. Hahayaan ko muna 'yung nakita ko kagabi kasi baka ano isipin ni Ira. Tiyak kukulitin niya ako sa kung ano iniisip ko.
Naglakad na kami papuntang school, tahimik lang kami siya naman nilalaro 'yung soccerball niya. 'Yung tipong sinisipa sa ere at ginagawang sepak. Basta imaginin niyo na lang. Wala ako sa mood para i-describe lahat ng gagawin niya.
"Tahimik ka ata diyan Xy?" Biglang tanong niya.
"Lagi naman akong tahimik eh," pagde-depensa ko.
"Lagi raw. Baka laging nakabunganga," bulong niya sapat lang para marinig ko. Adik din 'tong lalaking 'to noh? Bubulong na lang 'yung rinig ko pa.
"Ano sabi mo?" Inis na tanong ko sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya ng masama.
"Wala naman akong sinasabi," pagmamang-maangan niya.
"Kunwari ka pa ha," tumakbo naman siya dala 'yung bola ako naman hinabol lang siya. Nakakainis talaga 'yun kahit kelan. Hindi mabubuo ang araw kapag hindi ako inasar. Hindi ko naman maasar dahil wala akong talent dun. Hmpf!! Sorry kung ganda lang ang meron ako at utak. Inborn na eh.
"Nakakapagod," sabi niya ng nasa harap na kami ng gate. Hawak na niya 'yung tuhod niya, hilig niya gawin 'yun, ako kasi sa bewang lang.
"Bakit ka kasi tumakbo?" Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis lumamig ng utak ko pagdating sa kanya. Nasa mood na naman ako.
"Kasi po hinabol mo ako..."
"Ewan ko sayo, tara na nga," bumalik na kami sa room namin at baka kung ano pa mangyare. Well, baka lang naman magbangayan pa kami. Hindi nga kami magkaklase kaya ayun biniro na naman ako. Masanay na kayo dahil ako sanay na. Hayaan ko na lang dahil alam kong namimiss niya lang ako kapag hindi kami magkasama.
Pagkapasok ko sa room namin nakita ko si Jewel na nakikipagkwentuhan kina Angelica. Mukhang nagkakasundu-sundo silang tatlo ah?
"Xy, tara rito," tawag sakin ni Jewel. Lumapit naman ako sa kanila...
"Anong meron?"
"Walang lang, kwentuhan lang," si Angelica ang sumagot ng tanong ko.
"Ang hilig niyo sa kwentuhan," inayos ko na ang bag ko at hinarap sa kanila. Ayoko naman maging rude at snob-in sila.
"Ganun talaga noh," sabi naman ni Rhea with her famous face. Mahilig din pala siya sa kwentuhan eh.
"Sino sasali ng intrams sa inyo?" Tanong ni Angelica. Nagtaas naman silang lahat ng kamay, hindi ko kasi alam kung saan ako sasali.
"Bakit, Xy? Hindi ka ba sasali? Sayang naman noh, last year na natin sa high school." Napaisip naman ako sa sinabi ni Jewel. Tama siya pero ano bang pwedeng pagkaabalahan?
"Tiyaka nalang ako sasali," sabi ko na lang. Kung meron lang intrams sa paramihan kumain sasali na sina Jewel lalo na kung libre 'yung pagkain na kakainin nila.
"Bakit naman?" Tanong nila sakin.
"Tinatamad ako eh, isa pa hindi ko alam kung ano sasalihan ko," sagot ko.
"Eh gan'on?"
"Ano naman sasalihan mo Jewel?" Tanong ni Angelica.
"Music Ministry, gusto ko kumanta eh, eh ikaw?" Sagot at tanong nito. Buti pa siya may plano na, paano kaya kung sumali ako sa martial arts? Syempre joke lang, malay ko ba dun.
"Music din, gusto ko rin kasi ang pagkanta eh," sagot nito sabay subo ng chichirya. Saan naman nanggaling 'yun? Si Jewel naman narinig ko ng kumanta kaya alam kong maganda. Manliliit lahat ng makakarinig kumanta sa kanya kapag may audition pa.
"Bibili lang akong makakain at inumin," sabi ko. Ayoko ng ako lang ang nakatulala at walang kinakain noh! Nakikinig sa mga gusto nilang salihan samantalang ako wala akong ideya kung saan sasali.
"Okay sige lang, gusto mo samahan ka namin?" Tanong nila sakin.
"Hindi na ako elementary para samahan niyo pa noh. Sige, una na ko," sabi ko. Tumayo na ako, akala niyo si Jewel noh? May talent din naman ako sa pagkain noh. Kahit sino naman siguro mahilig kumain hindi lang pinapahalata.
Lumabas na ako, nauhaw kasi ako kanina eh. Kasalanan 'to ni Ira eh kasi naman inaasar ako. Ang layo pa ng tinakbo naming dalawa kanina.
"Hey Xy!!" Waaaa! Dapat hindi ka na lumabas Xy!! Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko ng maayos at 'yung utak ko huminto sa pag-function. Nakakainis!
"Ah Eh hello..." akward. Bakit kasi ngayon pa? Hindi pa ako ready na harapin siya. Mababaliw na ata ako kahit wala naman akong ginagawa.
"San punta mo?" tanong niya. Isip Xy!! Anong sasabihin ko ??!!
"S-sa canteen," nauutal na sagot ko.
"Tara sabay na tayo dun din ako pupunta eh," wrong answer Xy!! Patay ka na niyan.
"S-sige," dapat sinabi mo sa CR! Para hindi kayo siguradong magkakasabay!!! Haist! Ito na eh, ano pa bang magagawa ko? Iiwasan ko na lang siya. Bumili na ako ng inumin at ganun din siya. Niyaya niya akong maupo kaya naman. No choice! ako.
"Ah Xy..." Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil bigla na lang nag bell. I love you bell!!!! With hearts and kisses. You're my savior, thanks to you i'm safe. Hoo!!! Halos mabaliw na ako kakaisip kung anong sasabihing palusot para makatakas eh.
"Tara hatid na kita sa room niyo," yaya pa niya sakin.
"Naku!! Huwag na sa kabilang dulo ka pa eh," napaghandaan ko na ang isasagot ko sa ngayon.
"Hindi may dadaanan pa ako eh," sabi niya.
Tumawa muna ako at kinamot ang batok bago sumagot,"Magc-CR pa kasi ako eh, sama ka?" Biro ko, nakita kong nanlaki ang mata niya at pilit ngumiti.
"Ganun ba? Ah sige, mauuna na pala ako sayo," sabi niya sabay paalam. Galing ko talaga.
"Sige dito na ako, bye," aalis na sana ako kaso nga lang hinawakan niya 'yung kamay ko. Parang may kuryente, baka may lahing meralco 'to! Charot!
"Bakit?" tanong ko.
"May puntahan ka ba mamaya?" Tanong niya naman.
"Oo eh,"
"Saan?"
"Sa Tennis Court manood kami kasama sina Jewel," sagot ko.
"Ah sige, iintayin na lang kita," tapos umalis na siya, hindi man lang inalaman kung papayag ako o hindi. Pero what did he say? Hihintayin niya ko, OMO! Bakit ngayon pa? Ngayon lang ba o sadyang ngayon ko lang talaga napansin dahil sa nakita ko? Err.
Pumasok na ako at inintay na lang ang teacher namin. Lutang parin ako hanggang ngayon at iniisip kung anong pwedeng sabihin o mangyare mamaya.
"Ayan na si sir!" Balik naman sila sa mga upuan nila, samin kasi maingay pero kami ang most discipline. Pinupuri nga kami ng teacher namin kapag tahimik kami. Bakit? ganito kasi 'yun!
May mga kaklase kami magbabantay sa labas, sila 'yung mga tatakbo pabalik sa room para sabihin kung may teacher na. Edi iyon tatahimik kaming parang mga anghel pero may sungay kapag nakatalikod ang teacher. Gandang gawain noh?
May most discipline kasi samin, meron ding cleanest at most presentable bulletin. Oo bumalik sa pagkabata ang mga teacher namin. Ngayon month ng July tungkol sa nutrisyon ako naman ang taga-gupit. Ayoko naman ng napapagod masyado noh.
"Hello class are lesson for today is about ek ek..." naintindihan ko na siya dahil matagal ko na siyang alam. Hindi naman sa nagmamayabang pero kasi nabasa ko na 'yan eh. May natira pang konting time kaya naman mag kakaroon ng konting performance sa harap ng klase.
Sa tingin ko mahilig talaga ang teacher namin sa mga ganitong pinagpe-perform sa harap. Para na rin maiwasan namin ang mahiya kapag nasa harap na ng mga tao.
Ano naman kayang gagawin ko? Hmmm? Alam ko na sasayaw na lang ako ng...GENIE? Sige iyon na lang para maganda. Solo akong sasayaw kaya naman wala silang paki kung magkamali man ako, nakakainis ang school na 'to. Puro kanta, sayaw at kung anu ano pa eh ayoko nga sa lahat ay ang gawin 'yun. Kung hindi lang para sa grade ay hinayaan ko na ito.
"Okay Miss Eun," iyon na nga tumayo na ako, sinayaw ko na 'yung genie.
*Start music here*
~~Turn it up
Just turn it up
That's right, c'mon
Sowoneul marhaebwa
Ni maeumsoke inneun jageun kkumeul marhaebwa
Ni meorie inneun isanghyeongeul geuryeobwa
Geurigo nareul bwa
Nan neoye Genie ya kkumiya Genie ya~
Deurimkareul tago dallyeobwa
Neon nae yeopjarie anja
Geujeo nae ikkeullim soge modu deonjyeo
Gaseum beokcha teojyeobeoryeodo
Baramgyeore nallyeobeoryeodo
Jigeum isungan sesangeun neoye geot~~
Hindi ko na tinapos dahil hindi naman nila alam 'yun pero alam kong alam ni Jewel iyon. Adik sa kanta ng mga koreano at lahat 'yan eh.
"Ms. Genioso please sing for us," tumayo na si Jewel para makakanta na siya, ang kinanta niya? Good day ni IU, alam kong mag-nosebleed ang mga kaklase ko niyan.
Hindi na niya din tinapos at nilaktawan na lang niya 'yung mataas. Ano bang kinakain nito at ganito kaganda ay kataas ang boses niya? Hindi ko ma-reach. Siguro mahilig kumain ang mga magaganda ang boses.
Tulala naman ang mga kaklase ko pati naman ako eh, kung makikita niyo lang 'yung mga expression nila i mean namin, matatawa na lang kayo.
"Thank you, " then umupo na siya kung saan katabi ko. Ako? Tulala parin hangang ngayon. Ang galing naman pala niyang kumanta eh. Grabe hanga naman ako sa kanya pero syempre sa isip ko lang sinabi 'yun.
" V-very well Ms. Lee," nagpalakpakan naman sila, nauutal pa nga 'yung teacher namin. Humanga rin 'yan for sure.
"Ang galing mo, Gaile," sabi ko sa kanya.
"Salamat ikaw din naman eh," sabi niya. Ngumiti naman siya sakin pero ako nag-thumbs up lang. Hindi ko kasi nature ang ngumiti sa ibang tao. Maya maya lang natapos na din 'yung klase hanggang sa nagbreak. Puro papuri naman ang natanggap niya sa mga kaklase ko. Napabuntong hininga na lang ako. Sana ako rin maging ganun kagaling. Teka? Ako naiingit? Not like me.
Chapter 7
Xyriel
Papunta na kaming tennis court na buong magkakaibigan at sobrang ingay nilang lahat. Napapatingin na din 'yung ibang tao samin dahil nga maingay. How I wish may kakayahan akong kaya silang patigilin sa kadadakdak kahit panandalian lang.
"Kaka-excite naman manood," sabi ni Angelica na sa tingin ko mga gwapo lang ang tinitignan ayon sa kanya reaksyon. That's natural sa ibang girls lalo na kapag basketball, pawisan kasi ang iba rito minsan.
"First time mo noh?" Tanong naman ni Jewel. Mangha siyang nakatingin kay Angelica dahil sa pagtango nito. May kinakain na naman siya na nakaipit pa sa kaliwang braso niya, ayaw ata maagawan.
"Actually Oo eh," sabi na lang Angelica sabay tawa. Nahihiya pa siya eh halata naman sa kanya. Naalala ko tuloy si Joshua na kasamahan nina Ira sa soccer.
Madalas na kasi silang nag-aasaran na dalawa. I mean, lagi siyang inaasar nito dahil sa pagiging mataray niya sa lalaki. Hindi naman kasi ganun makitungo sa iba si Angelica.
"Kaya excited ka, mag eenjoy ka naman dito. Bukod sa magagaling sila, ang ga-gwapo pa," sabi ni Jewel. Akala ko naman matino na siya, gwapo rin pala ang hanap. Akala ko pagkain lang ang mahal niya.
"Hindi ba kayo excited?" Tanong ni Angelica samin ni Rhea. Alam ko namang hindi interesado si Rhea sa mga naglalaro dahil mas gusto niya na ang laro ang tutukan, sporty din ang isang 'yan.
"Slight lang," ako ang may sabi niyan. Hindi pa ako nakakapanood nito sa aktuwal na laro kaya naman medyo na-excite ako nang malaman kong manonood kami.
Pagdating namin sa court, maraming nagpa-practice. Nasa likod kasi ito ng school kaya malawak.
Merong mga nagku-kungfu sa damuhan, meron ding arnis malapit dun, basketball at volleyball court present din dito, soccer at kung anu ano pa yung building sa nag-taekwondo kita din kasi nakaglass kasi yung window.
Nakita namin si Adel at Precious, 'yung magaling magtaekwondo. Hindi ko pa napapanood pero lumalaban na raw ang mga ito sa iba't ibang lugar. No further chismis about that. Ang bata bata pa kasi nila ang galing galing na nilang dalawa.
Pagdating namin hindi pa nagsisimula 'yung practice, 'yung iba kasi kung anu-ano lang ginagawa. Parang nagkukulitan lang at kung anu ano, mga PDA much.
"COACH!" bati ni Rhea. Wait! Coach? Coach ni Rhea? Makatanong naman ako parang kilala ko 'yung tumawag sa kanya. Napasimangot na lang ako dahil sa sinabi ng konsensya ko.
"Oh? Rhea, tagal mo ng hindi pumupunta dito ah, sasali ka ba ulit?" Tanong naman ng coach, so OP na kami? Pero teka...
"Hindi manonood lang po kami," banggit ni Rhea. Kami naman itong si naguguluhan sa kanilang pinag-uusapan. Parang nakalimutan na nila ang presensya naming tatlo.
"Dati kang naglalaro ng tennis?" Tanong ko, aba! Ayoko maging forever OP noh! Isa pa, wala naman siyang nababanggit samin about dito sa tennis na 'to. Basta ang alam lang namin ay naglalaro siya ng sport.
"Oo magaling 'yang si Rhea sa tennis kaso umalis siya," sabi ng coach, magaling? Bakit hindi alam nina Angelica, edi ba nga magkakaklase na sila dati?
"Magaling ka pala hindi mo sinasabi," sabi na lang ni Jewel.
"Di naman kayo nagtatanong." May point din naman ang isang 'to. Ako man 'yang tatanungin, 'yan din sasabihin ko.
"Magaling talaga si, Rhea. Kaya lang ayaw ng parents niya," sabi ni Angelica. Hindi na siya pinansin ni Rhea at tumahimik na lang. Ito naman kasing si Rhea, hindi ko alam kung meron lang ba siya o nature na niya talaga ang magsungit kahit na kaibigan na niya.
"Okay lang 'yan maganda ka naman," sabi ko. Iyan na nga lang ang nasabi ko dahil baka lalong maasar. Laking pasasalamat ko at maganda siya.
"Nambola ka naman pero tama ka naman eh," wow!! Self confidence ang taas. Nagtawanan naman sila kasama 'yung coach, ang laking joker ni Angelica. Napailing na lang ako sa sinabi niya.
"Tara dito kayo umupo at magsisimula na sila," sabi nung coach. Makiki-coach na rin ako, hindi ko naman siya ka-close.
"Tara na guys," yaya ni Rhea. Pumasok naman kami sa parang hawla na kulay green ang screen. 'Yung parang pader niya kasi ay may butas na parang net tapos maraming court sa loob nito. Dito siguro naglalaro ang mga players ng tennis.
"All regulars in front, freshmen sa likod," sumunod naman silang lahat sa tinuran ng coach at kami naman namangha dahil masusunurin silang lahat. Parang mga maaamong tuta lang ang peg.
"First match Kaoru vs. Ken," narinig ko naman ang mga comment ng madla. Hindi naman sa chismosa ako pero malakas lang talaga ang boses nila.
'Captain vs. vice captain' sabi ng isang lalaking may salamin at may malaking dalang bag. Nandito lang din sila para manood gaya namin.
'Sino kaya mas magaling?' Tanong naman ng kausap niya.
'Kay captain ako.'
'Sige kay Vice nalang ako.' Aba at pinagpustahan pa ata ang dalawang naglalaro ah? Sila kaya ang maglaro? Para mas exciting. Isa pa malay ko ba kung sino ang captain at ang vice, ngayon pa lang naman ako manonood ng match ng tennis.
Nagsimula ang laro sa pipili kung rough or smooth. 'Yung nakabaliktad 'yung letter ng nasa dulo ng raketa. Bale bawat raketa nila ay may nakaukit na letra sa dulo simbolo ng initials ng apelyido nila. Ang serve daw ay ang captain so siya naman pala 'yung captain.
'Yung captain ay may itsura pero masyadong seryoso kung titignan mo. Ayos ang itsura nito, maputi siya at hindi mahaba ang buhok.
Habang ang kalaban kasi na vice president sa tingin ko ay may kaitiman at medyo natatakpan ng buhok ang kanyang mata dahil sa bangs.
Pareho nga silang magaling. Naalala ko sa mga kilos nila ang napanood kong anime na 'Prince of Tennis'. Mamaya naman daw eh practice ng mga freshmen. Maglalaban sila next week kung sino ang makakasama sa regulars pero wala pa raw sa history ang freshmen na nakatalo ng regulars.
Manapa kung junior na kasi magagaling talaga ang mga players. Hinintay lang namin ang susunod na sasabihin ng coach, tatakbuhin naman nila ang buong court at hindi lang basta takbo.
Race ang mangyayare para macheck ang stamina ng bawat players at kung hindi nila magagawa yun paiinumin sila ng juice, tinignan ko kung anong kulay, kulay red siya. Inumin ito exclussive lang para sa mga tennis player.
"Anong lasa niyan Rhea?" Tanong namin sa kanya. Siya lang naman ang tanging makakapagsabi nun dahil tiyak nakainom na siya niyan.
"Hindi ko mae-explain dahil isipin ko pa lang nasusuka na ako," tapos umakto pa siyang parang nasusuka. Panibagong expression na naman ang natuklasan namin tungkol sa kanya, kahinaan niya ang kakaibang juice na 'yun.
"Ganun?" Tinignan ko naman ang mga reaksyon ng mga players at nandidiri rin sila, 'yung iba naman sinasabi ng muka...
'Dapat hindi ako matalo, mahirap na!'
Parang na-curious naman ako sa lasa nun pero hindi ko sinabing titikman ko, medyo umuusok pa nga eh kaya nakakapangilabot. Yuck! Itsura palang nakakatakot ng hawakan sa baso, paano pa kaya kung iinumin na nila? Buti pala hindi ako isang player dito.
Nagsimula na silang tumakbo at grabe daig pa kabayong sumasabak sa karera. Talaga bang ganung kasama ang lasa nun at ganyan silang lahat? Pero hindi ko naman sila masisisi kung ganyan ang mga reaksyon nila dahil sa itsura ng inumin.
Ang natalo pagkatapos ng race? Ilan sa mga freshmen at juniors, mga reaksyon nila pagkainom? Nag-unahan silang pumunta sa CR at lababo at sinuka lang nila.
"Ahm, kuya ano bang lasa niyan?" Tanong ko. Para kasing okay naman ang lasa, OA lang talaga magsireact ang mga 'yun.
"Masarap naman siya eh," sabi ni Inui sabay ngiti ng nakakaloko. Parang umilaw pa ang suot nitong salamin pagka-ayos niya dahil sa sikat ng araw kaya mas lalo akong kinilabutan. Napalunok na lang ako sa sarili kong laway.
"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo gusto mong i-try?" 'yan na naman. Para namang umilaw ang salamin niya, 'yung tipong parang may dumaang liwanag sa mata niya.
"H-hindi 'wag na lang," natawa naman sila sa naging reaksyon ko na diring diri. Sino bang hindi mandidiri ah? Kulay palang nakakatakot na. Ano kayang lasa nun?
Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na kami sa kanila. Pag-iisipan pa daw ni Rhea kung sasali ba talaga siya ulit o kung may iba na itong plano. Mas okay pa siguro kung sumali na lang siya lalo na kung 'yun ang gusto niya kaya lang kailangan pala lumipat ng SPS para makasali.
Bago pala kasi itong patakaran na makakapaglaro ka lang kung nandito ka sa section na ito. Exclussive for players lamang ito kaya ganun.
Habang naglalakad pabalik ng campus ay nakasalubong namin si Ira kasama ang buong Soccer team kaya lumapit kami sa kanila.
"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong samin ni Ira. Lumapit naman siya sakin at inakbayan ako ulit, inulan naman kami ng tuksuhan.
"Ano ba kayo, magkaibigan lang kami noh," sabi ko. Para namang hindi sila nakumbinsi sa sinabi kong 'yun. How I wish totoo nga.
"Tama ang sinabi niya. Magkaibigan lang kami simula bata kaya ganito kami ka close," sabi niya. Hindi naman nagtagal ay sabay sabay na kaming umuwi.
Hanggang sa nasa bahay na ako iyon parin ang nasa isip ko. Kaibigan lang ang tingin niya sakin ayon sa sinabi niya sakin. Hindi ko mapigilan ang mapaisip. Hanggang kaibigan na lang ba talaga kaming dalawa? 'Yun lang naman ang tingin niya sakin diba?
Nakakalungkot isipin na kahit ang tagal na naming magkasamang dalawa ay hindi parin siya nagkakagusto sakin kahit na katiting lang. Sino nga ba naman kasi ang may sapi sa ulo ang papatol sa kaibigan niya noh? Mas malala pa ay Bestfriend ko siya.
Iwinaksi ko na iyon sa isipan ko at hindi na masyadong inalala ang nangyare kanina. Wala naman akong magagawa. Mahirap pala talaga ang ma-friendzoned!
Chapter 8
Xyriel
"Guys bibili lang ako ng ice cream," paalam ko sa kanila.
"Bili mo na rin kami," si Angelica naman 'yan na parang boss kung makapag-utos. Kotongan ko kaya siya?
"Oo nga naman," dapat pala hindi na lang ako nagsabi. Biro lang, ang sama ko naman kung ganun? Pasalamat sila sobrang bait kong kaibigan.
"Samahan na kita," buti na lang at nandito si Jewel at may kasama na ako sa pagbili. Basta pagkain go lang!!
"Buti naman naisipan mo ang dami kaya nun," seryosong sabi ko, natawa na lang 'yung iba sa sinabi ko. Hindi man lang naisipang tumulong tapos tatawanan pa ako. Mga wala na ata talaga sa katinuan ang mga utak nila eh.
"Chocolate ang akin," sabi ni Angelica.
"Rhea, ikaw magpapabili ka?" Tanong ni Jewel.
"Huh? ahm...strawberry na lang," mukhang wala sa katinuan ang isang 'to ah? Sa tingin ko iniisip parin niya 'yung tungkol sa pagsali sa team. Ano ba naman kasing kinatatakutan niya? Kung gusto niya talaga hindi siya papaapekto sa mga magulang niya.
"Okay, chocolate and strawberry," sabi ni Jewel, dinaig pa ang waiter sa restaurant ah?
"Tara na nga para kang waitress diyan," yaya ko sa kanya sabay hila ko na siya. Naiinip na kasi ako at nagugutom na rin.
"Sige bibili na kami," pahabol na sabi niya.
Pumunta na kami sa isang ice cream na nakasakay sa kotse. Hindi ko alam kung anong tawag hindi naman kasi bike o kung ano yung dina-drive.
"Ako na ang bibili, ano ang sayo?" Tanong ni Jewel, parang ako dapat ang magtatanong nun diba kasi ako ang nag-ayang bumili.
"Hmm cookies and cream at rocky road," sabi ko. Nang hindi siya umimik ay tinignan ko naman siya na parang nagtataka.
"Eh?" Sagot niya. Medyo kumunot naman ang noo ko dahil sa sinagot niya. Tiyaka ko lang napansin nang tinignan ko siyang maigi.
"Huwag ka mag-alala, ako magbabayad," Tss. Anong akala niya sakin? Walang perang pambayad? tsk.
"Okay," 'Yun na lang ang sinabi niya. Inuna na niya yung akin kaya naman nilamon ko na agad iyon. Habang kumakain ako ay bigla na naman akong tinamaan ng bola. Sa ulo na naman. Ang sakit nun ah? Feeling ko tuloy hihiwalay ang ulo ko sa katawan ko.
"Aray," daing ko habang hinihimas ang likod ng ulo ko. Okay lang sana eh kaya lang tinamaan na naman ako ng bola. Nakakabadtrip oh! Paano ba naman kasi ay bola ng basketball ang tumama sa ulo ko?
"Naku sorry miss," hindi ko pinansin ang lalaking nakatama ng bola sakin at hinimas na lang ang ulo ko.
"Aray, ang sakit," daing ko ulit. Ang tigas naman ng bola na 'yun. And imagine kung gaano kalaki ang bola ng basketball diba? Halos mas malaki pa nga iyon sa ulo ko. Medyo nahihilo akong hinarap ang lalaking nasa tabi ko.
"Sorry talaga miss!" Paghingi niya ulit ng tawad sakin. Tinignan ko siya ng masama bago ako magsalita.
"Matatanggal ba ng sorry mo 'yung sakit?" Sigaw na tanong ko sa kanya pero seryoso parin ang itsura ko at hindi binakasan ng galit.
"Nag-sorry na nga eh," naka-pout na sagot niya sabay kamot ng batok niya. Lalong kumunot ang noo ko.
"Kainin mo na lang 'yang sorry mo. Bakit kasi dito ka naglalaro ng basketball, eh may court naman?" Tanong ko, badtrip. 'Yung Ice cream ko oh, nakakaasar! Tumilapon kasi ito sa kung saan kaya nakakadismaya.
"Ayoko kasi dun," angal niya. Pipilosopohin ko pa sana kaya lang kumirot ulit ang ulo ko kaya medyo nataranta siya.
"Aray!" Mukhang ang lakas nung impact na galing sa bola. Kaya nga ako nasaktan diba? Napansin ko lang parang deja vu? Nangyari na sakin dati 'to, don't tell me siya na naman?
"Ganito na lang. Tara!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako. Feeling close naman ata ang isang 'to ah.
"Teka, 'yung ice cream ko," angal ko. Kainis!
"Mamaya na 'yan," 'yung ice cream ko tumurpit na lang kung saan sayang naman 'yun. Hindi ko pa naman nababayaran kay Jewel 'yun.
Hindi ko alam kung saan na ako dadalin ng lalaking 'to pero mukha naman siyang mabait, pero paano na 'yung ice cream ko ang mahal kaya nun. Napansin ko lang kung nasan kami ay nung huminto na siya sa kakakaladkad sakin. Alam niyo ba kung saan ako dinala ng lalaking 'to?
Sa clinic...
Pwede naman sabihin kanina hindi pa sinabi, kanina ko pa siya kinukulit. Buti nga at hindi siya nabingi dahil sa boses ko eh.
Pumasok na kami sa loob at nakita ang nurse.
"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong nung nurse. Booba lang?
"Ah nu--" Hindi ko na pinagsalita ang lalaking 'to dahil nag-iinit parin ang ulo ko. Kailangan ko makakain ng malamig mamaya.
"Baka kasi tatambay at makikipagchikihan sa inyo," para saan pa kaya 'yung clinic? Tatanong tanong pa kasi.
"Eh?" Tanging nasabi lang nung nurse dahil sa sinagot ko. Hindi rin ata inaasahan ang magiging sagot ko sa kanya.
"Naku hayaan niyo na po meron po kasi siya ngayon kaya masungit," sabi niya, napatingin ako ng matalim sa kanya.
"Ano--?" bago pa ako makapagsalita ay tinakpan naman niya yung bibig ko kaya naman speechless ako. Tinitigan ko na lang siya ng masama.
"Ah ganun ba, sige ano bang nangyare?" Tanong na naman ng nurse.
"Tinamaan ko po kasi siya ng bola eh ang tanga naman po kasi," tinignan ko siya ng masama dahil alam ko ang sasabihin niya. "Nung bola! Tama! 'Yung bola po 'yung tanga hindi po siya, promise!" Nakakabwisit tong lalaking 'to, pasalamat siya malakas siya.
"Sige ito ice bag, saksak mo sa baga mo mamaya mo na isauli," aba't kukutusan ko 'tong nurse na 'to. Binigay na nung nurse 'yung ice bag sakin at nilagay na ng lalaking 'to sakin.
"Hmmm~!" Sagot ko. Wala parin atang balak na tanggalin ang kamay niya. Siya na nga ang nakatama. Naalala ko tuloy ang tinawag niya sakin kanina, bwisit!
"Ay sorry," sabi niya sabay tawa pa. Tinanggal na din naman niya 'yung kamay niya sa bibig ko. Tawa pa, tsk.
"Bakit mo naman tinakpan 'yung bibig ko?" Namaywang naman ako at tinignan siya ng ubod ng sama. Ang ayoko sa lahat 'yung mga gaya niya eh.
"Baka kasi magbunganga ka na naman diyan eh." Aba! At paano naman niya nasabing mabunganga ako eh hindi pa naman niya ako kilala?
"Hindi ako mabunganga FYI!! Baka gusto mo makutusan?" Banta ko sa kanya pero hindi naman siya natinag sa mga sinabi ko.
"Sabi mo eh," pang-asar niya. Dahil hindi naman ako magaling sa mga barahan ay tumahimik na lang ako.
"Amin na nga iyan," inagaw ko naman 'yung ice bag sa kanya. Nakakabad trip naman kasi isang 'to. Parang bata!
"Ako na, ako naman ang may kasalanan eh." Tapos siya na yung naglagay ng Ice bag sa ulo ko. Ang lamig nga eh. Kaya nga Ice bag Xyriel!! Haist! Nakakabaliw pala talaga ang pagkakatama ng bola sa ulo ko. Kaya kayo iwasan ninyong matamaan! Huwag rin kayong sasama sa mga baliw na gaya niya para hindi kayo mahawa.
"Buti alam mo," sabi ko. Sandali kaming natahimik na dalawa. Napapangiwi na lang ako dahil malamig ito kapag matagal.
Tiyaka ko lang napansin na may itsura itong lalaking 'to. May panlaban naman pala, ang tangos ng ilong at ang pula ng labi pero sa tingin ko masyadong sumingkit ang mata niya.
"Sorry ulit ha?" Paghingi na lang niya ulit ng paumanhin dahil walang nagsasalita sa aming dalawa simula kanina pa.
"Oo na kabisado ko na," sabi ko.
"Ang alin?" Nakakunot noong tanong niya. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa ka-slow-an ng lalaking 'to. Saan ko ba napulot 'tong isang 'to? Bumuntong hininga na lang ako bago sumagot.
"Wala, 'wag mo ng pansinin," sagot ko.
"Sabi mo eh." Tinuloy na lang niya 'yung ginagawa niya. Medyo lumalamig naman ang pakiramdam ko dahil sa ice bag. Hindi na rin mainit ang ulo ko sa isang 'to dahil hindi na naman siya nagsalita pa at nang-asar. Substitute ata ito ni Ira, lakas mang-asar.
Maya maya umalis na kami dahil okay na 'yung noo ko. Kung sana nag-iingat siya hindi niya ako matatamaan eh.
"San ka na niyan pupunta?" Tanong niya sakin.
"Sa tennis court malamang," mataray na sagot ko sa kanya. Wala rin ako sa mood kausapin pa siya ng matagal.
"Anong gagawin mo dun?" Tanong na naman niya.
"Kakain ako eh, ikaw ba?" Medyo mataray na tanong ko sa kanya.
"Kakain? Ako maglalaro ng basketball. Katabi lang nun ang tennis court eh," sabi naman niya trying to open a conversation.
"Edi maglaro ka, paki ko?" Pabalang na sagot ko sa kanya.
"Ang sungit mo talaga, tama ba ako meron ka?" Pang-aasar na naman siya. Nagsisimula na naman siya sa pang-aasar. Tama nga rin ata ang sinabi ko. Dahil wala si Ira para asarin ako ay itong lalaki naman na ito ang pumalit sa kanya.
"Can you please shut up?" Medyo tumaas na rin ang tono ng pananalita ko nang maalala ko na naman ang ice cream na tinapon niya.
"Shut up na nga eh," sabi niya. Huminto ako kaya huminto rin siya sa paglalakad niya. Tinignan ko naman siya ng makahulugan.
Kumunot lang ang mahiwaga niyang noo at hindi parin makuha ang gusto kong sabihin. Ganito ba talaga kakitid ang utak niya.
"Nasan na ang ice cream ko?" Tanong ko. Tiyaka lang siya nagtatango at sinabing mamayang uwian niya ako ibibili. Syempre binantaan ko siyang hahagilapit ko siya kahit saan kapag sumalungat siya sa plano. Tumango tango na lang siya na parang tutang takot na takot.
"Good." Bigla naman siyang natahimik at hindi na nagtanong, himala ah? Kanina pa kasi siya dakdak ng dakdak sa tabi ko pero akala ko lang pala na tatahimik na siya.
"Oo nga pala. Anong pangalan mo?" Tanong niya. Ngayon ko lang din napansin na hindi pa namin kilala ang isa't isa.
"Xyriel pero Xy na lang. Baka kasi maaksaya ang laway mo kasalanan ko pa," sagot ko tumango tango naman siya. "Wala ka bang balak sabihin pangalan mo?" Tanong ko.
"Ah Oo nga, Cyruz pero marami tumatawag sakin ng...Cy," sagot niya at kinamot ang ulo niya.
Naglakad na ako pabalik ng tennis court at hindi na nagsalita ang lalaking 'to. Sabi ng sabi ng mabunganga eh siya 'yung dumadaldal sakin kanina.
"XY!!!" Nakita kong tumatakbo habang kumakaway sakin si Jewel, naku! May kasalanan pala ako sa isang 'to.
"Miss mo naman ako?" Pabirong tanong ko sa kanya. Medyo nahahawa naman ako sa mga ka-cheesy-han nilang magkakaibigan.
"Oo eh." Teka? Bakit ganun, hindi ba niya naalala na iniwan ko siya kanina? What is happening in this world? Pero okay na din 'yun.
"Tara uwi na tayo?" Yaya ko. Mukha naman silang wala nang plano mag-stay pa rito ng matagal dahil halos ginawa na nila itong tambayan.
"Pauwi na nga kami eh," sabi ni Angelica.
"Saan ka ba kasi galing?" Tanong ni Jewel.
"Tiyaka nawala ka lang may kasama ka na pagbalik mo," sabi ni Angelica. Ngayon ko lang naalalang kasama ko pala ang baliw na 'to.
"Sino siya?" Tanong ni Angelica. Basta kapag may kasama kaming gwapo tinatanong agad ang pangalan. May itsura naman kasi 'tong si Cy eh hindi lang masyadong halata at kahit may pagka-weirdo.
"Ah ano siya si--" Okay? Hindi na niya ko pinagsalita dahil siya na ang nagpakilala sa sarili niya sa mga kaibigan ko.
"Hello, ako nga pala si Cyruz, nice to meet you all!" 'Di naman siya excited magpakilala sa mga kaibigan ko noh?
"Hello!" Bati din naman nina Jewel sa kanya. Medyo nagkalibangan naman ang lahat dahil sa usapan nang dumating at lumapit samin ang coach ng tennis.
"Andiyan ka lang pala Cyruz, hindi ka na naman nagpractice?" Lagot kang bata ka, lumapit samin si Coach at binatukan si Cy. Medyo naguluhan na naman ako.
"Eh coach naman kasi, ang init init kailangan pang naka-jacket!" Ang arte talaga ng taong 'to, 'yung iba nga halos pawis na pawis na kaka-practice tapos siya papetiks petiks lang. Pero bakit nagb-basketball siya kanina kung tennis player naman pala siya? Gulo din ng lahi ng isang 'to ah?
"Ganun talaga para rin naman sayo 'yun." Makahulugang sabi ng coach. Napakamot na lang ng batok si Cy na medyo pabalang.
"Ang init kaya sa pinas alam niyo 'yun?" Binatukan ko na rin naman siya, sino bang hindi nakakaalam nun?
"Bukas 10 laps ang gagawin mo bago magsimula ang practice!" Sabi ni Coach. Nanlaki naman literal ang mga mata nito.
"Seryoso coach?" Halatang gulat siya sa sinabi ng coach niya, buti nga sa kanya. Napangisi na lang ako dahil sa parusa niya. Kahit naman hindi ako athlete, alam ko kung gaano nakakapagod tumakbo ng 10 laps tapos deretso training pa?
"Mukha ba akong nagbibiro?" Tinignan niya ito ng seryoso kaya wala na rin nagawa si Cy.
"Sabi ko nga po hindi eh," naka-pout niyang sabi. Tumawa na lang silang mga babae dahil sa nasaksihan. Minsan lang may lalaking umasta ng ganiyan. Si Ira nagpa-pout din pero hindi naman sa harap ng maraming tao kundi kapag kaming dalawa lang. Nahihiya kasi 'yun sa iba lalo na kapag hindi niya pa ganoong kakilala.
"Oh lahat kayo, pumila na dito at i-dismiss ko na kayo!" Sumunod naman sila at pumila. Player pala 'tong lalaking 'to ang tamad mag practice. Aba! Nasa unahan si Cytot ibig sabihin regular na siya.
Cytot at Xytot na ang tawagan namin, hindi ko ba nabanggit? Ayan na! Binanggit ko na. Hindi ko alam nakiride na lang ako sa kaniya. Ano pa nga bang magagawa ko diba? Sa kulit ba naman ng lahi ng lalaking 'yan.
Nalaman ko rin kay Rhea na Tennis player siya pero former basketball player dahil 'yun daw ang gusto ng mga magulang niya para sa kaniya, ang sundan ang yapak ng papa niya bilang player. Sabi lang nila sikat na Tennis Player ang Papa niya pero hindi ko naman kilala. Baka lumalaban sa ibang bansa.
Kahit na hindi rin siya varsity ng basketball ay naglalaro parin siya kapag may time at hindi alam ng parents niya dahil talaga namang ayaw na ayaw daw nila ito. Sumugod pa nga ang mga magulang nito nung malamang naglaro ito nung CLRaa ng basketball eh.
Kawawang Cytot!!
Chapter 9
Xyriel
Pauwi na kami dahil pagod na rin naman kami kanina. Nauna nang umuwi sina Jewel, Rhea at Angelica. Kaya naman kasama ko na 'tong lalaking makulit na 'to pauwi. Dadaanan ko na lang muna pala si Ira sa may soccer field.
"May joke ako sayo Xytot," 'Yan na naman yung Xytot na 'yan, nakakailang naman kasi may tawagan na agad kaming dalawa.
"Ano naman 'yun? Baka korny yan ha?" Tanong ko. Hindi naman ako mahilig sa joke pero tignan na lang natin.
"Kaya nga joke eh, syempre nakakatawa," seryosong sagot naman niya. Nagawa pang gayahin ang ekspresyon ko, tadyakan ko siya eh.
"Oo na nga sige ano 'yun?" Tanong ko na lang. Baka kulitin ba ako ng kulitin eh.
"Bakit maalat ang tubig ng dagat?" Tanong niya. Seryoso siyang nakatingin sakin. Ganun din naman ang ginawa ko. "Sumagot ka naman!"
"Oh eh, bakit?" Tanong ko.
"Subukan mo namang manghula, dali! Bakit maalat ang dagat?" Tanong niya ulit. Kumunot na naman ang no ko dahil doon. Hindi pa pick up line ito? Ganito nauuso sa room namin eh.
"Malay ko ba, hindi naman aking joke 'yan! Bakit nga kasi?" Tanong ko. Nakita kong nadismaya siya sa naging sagot ko kaya naman sinagot na lang niya.
"Edi, para hindi mapanis ang isda!" Pagkasabi niya niyan ay tumawa pa siya ng tumawa samantalang ako tahimik lang na nakatingin sa kaniya. Hindi ko mahanap kung nasaan ang nakakatuwang parte doon.
"Iyon na ba 'yun? Kailangan ng tumawa?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Dapat sumayaw na lang siya sa harap ko baka sakaling matawa pa ko sa kaniya eh.
"Ito naman hindi mo ba naintindihan, simpleng joke lang eh," may halong pang-iinsultong sagot niya. Tinignan ko na lang siya ulit ng masama. Nakakainsulto ah?
"Oo naintindihan ko kaso ano naman nakakatawa dun?" Tanong ko na lang kahit na gusto ko na talaga siyang tadyakan.
"Hindi ka marunong mag-appreciate ng joke," sabi niya sabay pinch ng pisngi ko pero nakita ko na lang siyang nakahilata sa sahig. Hindi ko alam kung anong irereact ko pero natawa na lang ako bigla ng malakas.
Bigla kasi siyang nadulas tapos epic 'yung mukha niya. Kung makikita niyo lang tapos tumingin tingin pa siya sa paligid na parang inosenteng bata. Kung ito na lang ang sinabi niyang joke kanina ay sana natawa pa ako. Nakakatawa talaga siya promise. Haha!
"Sino ba naman kasi kumakain ng Saging tapos tinapon lang dito? May lahi atang unggoy 'yun," sabi niya. Natawa lang ako nang tawa kaya ng mapansin niya ko tinignan niya ko ng masama. "Bakit ka ba tumatawa?" Tanong niya.
"Kasi nakakatawa, 'yun na ba 'yung joke mo?" Natatawang tanong ko sa kanya. Sumimangot siya dahil sa sinabi ko.
"Ewan ko sayo!!!" Lalong naman akong natawa dahil sa sinabi niya. Daig pa ang mga babae kung makapag-walk out ang isang 'to ah? Sinundan ko na lang siya at sinabayan ang lakad niya.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko dahil naaalala ko parin 'yung nangyare kanina. Tinignan ko muna ang reaksyon niya bago magsalita.
"Ito naman, tampo ka na niyan?" Tanong ko. Para naman siyang babae nito eh.
"Hindi, tara na nga saan na ba 'yang kaibigan mo?" Medyo kumalma na naman ang boses niya kaya hindi ko na biniro kasi baka lalo pang magalit eh.
Tinignan ko muna ang paligid at ang soccer field kung nasan nakatayo si Ira.
"Ayun na oh!" sabi ko. Tinawag ko naman siya agad.
Ira
Just by looking at her made me jealous. She never smile and laugh with me like that. Nakakainis!! Napapa-english naman ako ng wala sa oras.
Nakita ko kasi si Xy na may katawanan na iba kanina, hindi ko alam kung bakit pero talagang hindi fake ang tawa niyang 'yun. Sabi ko nga never pa siyang tumawa ng ganyan sakin kahit noong mga bata pa kami. Inborn na talaga kasi ang kasungitan niya.
"Ayan na oh!" Rinig kong sabi niya habang papalapit ako sa kanilang dalawa, dun lang ako sa lalaki nakatingin.
"Kanina pa kayo?" Tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking kasama niya.
"Hindi naman ngayon lang, Ira, si Cytot este Cyruz nga pala. Cytot, si Ira bestfriend ko," pagpapakilala sakin ni Xy kay Cyruz daw.
Parang ang sakit nung huling part na sinabi niya. Cytot? May tawagan na agad sila, alam ko ako ang unang naging kaibigan ni Xy. Kami nga walang ibang tawagan kundi 'Hoi' eh. Pero at least kahit papaano meron naman.
"Matagal na ba kayong magkakilala?" Hindi ko mapigilan na itanong sa kanya. This time siya naman ang tinignan ko.
"Actually kanina lang sa tennis court," kanina lang pero grabe na 'yung closeness nila. Madadaig pa ata ang pagkakaibigan namin.
No!! Bakit ka ba nag-iisip ng ganyan, Ira? Syempre hindi noh. Bata palang kayo magkaibigan na kayong dalawa. Pero bakit ang sakit sabihin nun? Parang pinaparating na hanggang magkaibigan lang kami. Haist! Ang arte mo, Marc.
"Tara na, baka mag dilim na niyan," yaya ko naman.
"Tara na..." tahimik lang kami hanggang sa makauwi na kami pero sila naman alam kong nag-uusap pero tahimik lang. Nakakainis!! Ganito ba 'yung tinatawag nilang selos? Nakakaasar! Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin dahil dito. Nakakabadtrip lang.
Cyruz
Nang makauwi na ako ay agad kong kinuha ang gitara na matagal ko nang ginagamit. Hindi ko parin ata ito naliligpit simula nun. Naalala ko na naman ang kaibigan ni Xy, ang sama kasi ng tingin niya sakin kanina nung pagkakita sakin. Hindi ko pa naman siya nakilala o nakaaway noon eh.
Nagsimula akong mag-strum ng gitara habang inaalala ang nangyare samin ng mga kaibigan ko pagkatapos ng aksidenteng 'yun.
Flashback...
"Hey guys!! May tanong ako sa inyo," agaw pansin samin ni Jason. Ang leader ng aming banda na 'Chingu Fly'.
"Ano na naman 'yang kabaliwan na naisip mo ha?" Tanong ni Marc. Isa sa kabanda din namin, siya ang bass ng grupo. Normal na bagsak ang buhok na may highlights na puti sa bandang gilid. Simula noon palang ganyan na siya, kilala siya dahil sa highlights ng buhok niya. Bukod kasi sa normal color hair lang iyon ay pinangako niyang hindi niya 'yun gugupitin hangga't hindi siya sumisikat.
"Yeah!! Yeah!! The leader is here, with his crazy plans, again!" Masiglang sagot ni Leo habang nakataas pa ang upo sa sofa. Siya naman ang gumagamit ng keyboard sa grupo, super hyper ng isang 'yan. Siya naman makikilala mo dahil laging nakataas ang buhok. 'Yung tipong nakatusok paitaas ang bangs niya pero bagsak naman ang nasa likod.
Nanatili naman akong tahimik na nakamasid sa kanila dahil inaantok na talaga ako kanina pa. Kanina parin kasi kami nakatambay dito sa pinagpa-practice-an namin.
"Bakit hindi natin subukan sumali sa isang 'Rock festival?" Tanong niya sabay upo galing sa pagkakahiga. Kung anu-ano na naman ang naiisip niya.
Siya kasi 'yung tipong maraming alam na kabaliwang gawin. Pero sa huli naman ay may pinupuntahan naman ito. Kahit na hindi kami ganun kasikat gaya ng iba ay tumutugtog kami kasi 'yun ang gusto namin. Syempre sikat din kami kahit sa underground lang. Kilala naman si Jason dahil sa buntot niyang buhok sa likod na naka-tirintas.
Ang tagal na rin naming magkakasama kaya wala nang makakapaghiwalay samin. May kanya kanya rin kasi kaming problema sa pamilya.
Kumbaga ang isa't isa na rin ang naging sandalan namin kapag malungkot kami. Kahit na puro kalokohan lang ang ginagawa namin, masaya na kami. Kapag may kailangan ang isa, to the rescue naman ang lahat.
"Hey, hey, hey!! Ano na naman 'yang kalokohan ang naisip mo ah?" Hindi ko na napigilan ang sumabat sa usapan. Pero hindi ko rin maiwasan ang ma-excite sa bago niyang pakulo.
"Naalala niyo ba 'yung babaeng sinasabi ko sa inyo? Nalaman ko kasing mahilig siya sa rock songs kaya gusto ko malaman niya na kumakanta ako. Ito na rin ang naisip kong paraan para mapansin niya ako," sabi niya. Napailing na lang ako.
May babae daw kasi siyang nakilala before at talaga namang nagustuhan niya ito. Siya rin daw ang inspirasyon nito sa pagsusulat ng kanta namin. Ano pa nga bang magagawa namin? Edi nag-ensayo na kami para makasali na rin sa festival na sinasabi niya.
Hindi naman naging hadlang ang school para samin dahil madalang naman kami pumasok. Kilala kasi kami dahil na rin sa pakikipag-away namin. Pero sila naman kasi 'yung nanghahamon kaya wala na kaming ibang nagawa kundi ang gantihan sila. Sabihan pa kaming mayayabang.
Ano bang magagawa namin kung kami ang mas nagustuhan ng ibang tao? Mga inggitero nga naman sa panahon ngayon oh.
Dahil ako ang assigned sa guitar ay nagsimula na rin ako. Si Leader ang vocalist at lead guitar tapos ang aming mahiwagang drummer na si, Louie.
Tahimik lang talaga 'yang lalaking 'yan kaya hindi sumasagot kanina pa sa pinag-uusapan namin. Si Louie naman ang mas pansin saming lahat dahil sa long hair niya na medyo may pagka-wavy. Mukha siyang babae pero malaki ang katawan. Si Leo naman nasa keyboard na niya.
May mga kaya naman kami kaya nakabili kami ng gamit namin pero ito talagang si Louie ay mayaman talaga.
Gang leader pa ata ang tatay niya pero wala naman siyang pakialam dahil wala rin itong pakialam sa kanya basta hindi ito gagawa ng kahit anong masama at ikapapahamak ng apelyido niya. Kilala rin ang pamilya niya pero hindi niya ginamit minsan ang pangalan na 'yun para makaangat kami.
Pagkatapos namin mag-practice ay nagkulitan lang kami. Dahil masyadong tahimik si Leo ngayon, which is napakadalang ay niloko namin siya.
"Wala kasi ako sa mood eh," sabi lang niya. Nagkatinginan namin kaming lahat at sabay sabay na ngumiti nang nakakaloko.
Tumayo na ako agad at lumundag. Dinaganan namin si Leo sa higaan at tiyaka kiniliti, wala sa mood? Not like him. Tapos wala pang ganang kumain? Not like him talaga.
Ganito kaming lahat magkulitan, mag-asaran at magbiruan. Ang masaya naming pagkakaibigan na sa tingin ko wala nang makakapaghiwalay. Pero hindi namin inaasahan ang balitang matatanggap namin sa araw bago ang Rock festival na dapat ay sasalihan naming lima.
Isang balitang talaga namang hinding hindi namin makakalimutan sa buong buhay namin. Ang bagay na habang buhay babagabag saming lahat.
Before that 'Rock Festival' is the same day Jason, our leader, died because of them. Nang dahil sa mga taong 'yun na walang puso.
Mga taong masyadong makasarili para isipin pa ang ibang tao. Saksi kaming lima sa pagkawala ni Jason nung araw na 'yun.
Sinira ng grupo ng mga lalaking ito ang mga gamit namin at pinangako nila kay Leader na ibabalik ito agad sa kanila nang hindi sinasabi o pinaalam man lang samin nina Leo.
Nang dahil sa kagustuhan ni Leader na makasali sa Rock Festival nagpunta siya nung gabi na iyon sa napagkasunduang lugar.
Hindi namin alam kung anong ginawa sa kanya pero nasagasaan ito, kitang kita naming apat ang nangyaring iyon. Hindi man lang nabigyan ng katarungan ang pagkamatay niya.
Nakalusot na lang ng basta basta ang mga lalaking 'yun at pinalabas na aksidente ang nangyare nung gabing 'yun kahit hindi naman. Kahit na alam kong may ginawa sila kay Jason bago ito masagasaan. Binanggit pa niya ang pangalan ko bago ito mamatay, puno ng dugo ang mukha...
Gusto kong magwala, gustung gusto kong sumigaw pero wala naman ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Tanging pangalan lang niya ang nasasabi ko. Ilang linggo ang lumipas pero hindi namin alam kung ano na nangyare sa grupo namin.
Hindi naman namin ito itinigil pero madalang na lang kami magkita kitang mga magkakaibigan. Ginagawang busy ang mga sarili para malibang.
Upang makalimot sa nangyareng aksidenteng 'yun. Hindi namin ginawang gumanti sa kanila hindi dahil sa duwag kami kundi dahil iyon ang gusto ni Jason.
Ayaw na ayaw na niyang napapaaway kami lalo na kung dahil lang sa maliit na bagay. Alam naming hindi siya magiging masaya sa gagawin namin.
Kaya muli kaming nagtipun-tipon na apat at gumawa ng grupo. Itinago ko lahat ng hinanakit at galit ko sa mga gumawa nun sa pamamagitan ng pagngiti.
Isang mapait na mga ngiti ang tanging binibigay ko sa lahat ng tao. Kinuha namin ang notebook ni Jason kung saan madalas itong mag-compose ng mga kanta.
Isinatono na rin namin ito at ngayong taon ay sasali kaming muli sa 'Rock Festival'. Ipapakita namin kay Jason na kaya naming tuparin ang pangarap na gusto niya para sa banda namin.
Itutuloy namin ang sinimula ni Leader at hindi kami susuko. Ayon kasi sa kontratang ito ay kailangan enrolled kami sa isang paaralan sa high school.
Kung mapapaaway na naman kami ay mahirap na, hindi malayong mapaalis na kami dito sa Jinie Shirokin dahil sa mga pinaggagawa namin noon. Ito na ang huling high school na sa tingin ko ay tatanggapin kami kaya wala nang dapat na aksayahing araw.
Ipapakita ko kay Jason na mailalagay namin ang kanta niya sa industriya ng musika at ipapakilala ito sa buong mundo.
Hindi kami susuko. Gagawin namin ang lahat para sa kaibigan namin at ipapangakong aangat kami ng sama sama.
End of flashback...
Huminga ako nang malalim at itinabi ang gitara sa gilid. Sariwa parin ang sugat sa loob ko dahil sa nangyare.
Hindi na ata ito maaalis pa kahit anong gawin ko. Malapit na kaibigan ko si Jason kaya naman mahirap makalimot agad.
Halos hindi na nga kami mapaghiwalay na dalawa kaya paano ko siya magagawang kalimutan ngayon? Ang duga mo talaga Jason.
Iniwan mo kami, ako, anong gagawin ko ngayon? Natagpuan ko na ang inspirasyon mo? Anong susunod na gusto mong gawin ko?
Chapter 10
Xyriel
Kami lang ni Ira ang nasa sasakyan at ang tahimik niya ngayon. Hindi na niya ako inaasar tulad ng ginagawa niya kapag magkasama kami. Nakakapanibago talaga ang kinikilos niya ngayon. Hindi ko naman alam kung may problema ba siya o baka galit siya sakin.
"Ui okay ka lang ba, tahimik mo naman?" Pagtawag pansin ko sa kaniya.
"Pagod lang ako sa practice namin," sabi niya. Hindi man lang ako makuhang tignan paano ako maniniwalang walang problema?
"Ah ganun ba? Sige, hindi na lang ako mag-iingay." Parang may mali eh, 'di tulad dati na kahit pagod siya nakukuha pa niya akong asarain. Kaya nga minsan natatanong ko sa sarili ko kung hindi ba siya napapagod sa kakaasar. Ano kayang problema? Baka kaya talagang pagod na siyang asarin ako? Wala naman akong maalala nagawa ko ng mali, or meron?
Hanggang sa makauwi kami hindi man lang siya nag-bye man lang. Kakaiba talaga na feel ko sa kanya. Magso-sorry na lang ako kahit hindi ko alam kung bakit ako mag so-sorry. Ngayon lang kasi siya naging ganyan kaya siguro may kasalanan talaga ako.
Ginawa ko na ang dapat kong gawin at hindi na ako nagbukas ng FB dahil tinatamad ako. Mga kachat ko kasi mga kaklase ko dati. May lahi naman akong 'tupperware kaya okay lang 'yun.
Tinatamad naman akong makipagplastikan sa kanila ngayon eh. Hindi naman ako snob pero plastik nga lang. Pero hindi naman ako plastik na kaibigan noh!
Kung kaibigan ko pili lang at ayoko ng madagdagan 'yun hanggang kay Cytot na lang ako. Hindi naman sa maarte ako pagdating sa kaibigan ayoko lang ng masyadong marami, hindi mo kasi alam kung totoo ba sila o may kailangan lang siya sayo.
*
Kinabukasan ay inaya ako ni Ira sa isang lugar. Hulaan niyo kung saan kami papunta? Sa bahay ampunan! Ganito kasi 'yun, nakipagbati ako kay Ira pero hindi ko naman alam na ganito hihilingin niya bilang kapalit. Nagpapasama siya sakin sa bahay ampunan dahil may dadalawin daw siya.
Ako naman si nag-so-sorry pumayag naman sa sinabi niya. Ako na uto uto, kasi naman galit talaga siya kanina kaya naman sinabi ko gagawin ko kahit ano.
Nagseselos pala ang mokong dahil parang mas close pa kami ni Cytot at may call Sign pa kami. Seloso naman ng lalaking 'to, siya lang naman ang bestfriend ko. Kung sana nagseselos siya dahil gusto niya ko matutuwa pa ko eh pero... 'Dream on Xyriel!'
"Ano ba kasi gagawin natin dito?" Tanong ko. Nababagot na talaga ako, kanina pa ko tanong ng tanong kay Ira hindi naman sinasagot ni isa sa mga tanong ko.
"May dadalawin nga lang ako, basta quiet ka lang diyan okay?" Sabi niya. 'Yan na naman siya, after an hour sinagot din niya. Pwede naman palang sagutin pa-suspense pa siya.
"Oo na nga lang, tara na," sabi ko. Nagderetso lang kami sa pagpasok sa bahay ampunan at ano pa ba i-e-expect niyo? Maraming bata at may sumalubong saming madre. Ang cute ng mga batang ito, sana magkaron na ako ng kapatid.
"Ira napadalaw ka ulit?" Tanong nung madre, nagmano naman si Ira sa madre at siniko pa ako ni Ira para lang magmano. Magmamano naman ako kailangan pang may siko! Ano akala niya sakin? Mabait naman ako sa mga matatanda noh!
"Dadalawin ko lang po sana ulit si Mika," sabi ni Ira, Mika-Mika. Sino na naman 'yung babaeng 'yun? Tiyaka, ulit? Madalas ba siya pumunta dito nang hindi ko alam?
"Ah oo, matagal ka na niyang hinahanap buti nakabalik ka," sabi naman nito. Bakit hindi ko alam na nagpupunta siya dito? Tss. Matago ang isang 'to ah?
"Naging busy po kasi ako ng mga nakaraang araw sa practice, malapit na rin po kasi ang Intrams," Sagot naman ni Ira. Tahimik lang ako na nakatayo sa tabi niya pero ang dami kong gustong itanong.
"Ganun ba? Tara na nasa loob siya," yaya nito. Sinundan namin 'yung madre kung nasan si Mika daw. Pagpasok nakakita ako ng batang nakahiga at may bonnet sa ulo. Medyo namumutla ito at masasabi kong may sakit ito.
Nagliwanag ang kanyang mukha ng makita kami, I mean si Ira lang pala kaya tumayo ito at tumakbo palapit kay Ira.
"Kuya Ira!" Sigaw niya kay Ira, Buti na lang pala at bata lang siya. Hoo!! Akala ko kasi may iba siyang binibisita dito.
"Kamusta ka na, Mika?" Tanong ni Ira, okay! Tatahimik na lang ako dito sa gilid kunware wala ako rito ah?
"Okay naman po. Bakit ngayon ka na lang po bumalik? Hinihintay po kita araw araw," sabi ni Mika, wow! How sweet.
"Sorry ah? Naging busy kasi ako sa practice ko," sabi ni Ira. Hindi ko mapigilang mapangisi. Kelan pa naging sweet itong si Ira?
"Okay lang po 'yun, gusto ko po gumala."
"Saan mo gusto pumunta?" Tanong naman ni Ira. Nababagot na talaga ako dito sa gilid. Wala naman akong ibang magawa habang hinihintay silang matapos mag-usap.
"Kahit saan po basta kasama ka," masiglang sagot naman nito. Ang sigla sigla niyang tignan, parang walang problema sa buhay.
"Nga pala Mika siya si Ate Xy, best friend ko," pagpapakilala sakin ni Ira. Buti naalala niyang nandito pa ako noh?
"Hello Mika," sabi ko. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya para hindi naman magmukhang rude ang pagpapakilala ko.
"Hello po Ate Xy!" Ang Jolly naman ng batang ito. Kinawayan pa niya ako at hinalikan sa pisngi pagkatapos sabihin 'yan.
"Tara na," yaya ni Ira samin. Binuhat niya si Mika palabas at dinala kami sa ocean park, yaman talaga ng lalaking 'to.
Naglibot lang kami sa buong ocean park para malibang si Mika. Gustung gusto niya ata dito at nang mapagod umupo kami at bumili ng pagkain si Ira.
Hindi ako ganung nakalibot dito sa ocean park kaya feeling ko first time ko. Hindi naman kasi ako masyado nag-abalang tignan ang mga isda. Naaalala ko lang ang mga kaklase ko, magkikita rin naman kami. Haha!
"Girlfriend ka po ba ni kuya Ira?" Tanong niya naman sakin. Hay naku! Bakit naman sa dinami rami ng itatanong ay ito pa?
"Naku hindi!! Best friends lang kami," sagot ko naman sa kanya.
"Alam niyo po bagay kayo, sana kayo na lang," sabi niya. Ginulo ko na lang ang buhok niya dahil kung anu anong sinasabi niya pero kinilig naman ako sa mga sinasabi ng batang ito.
"Naku hindi naman!! Ako? Gusto niyang kuya Ira mo? Naa!" Sabi ko sabay iling iling pa sa kanya. Hindi kasi mangyayare 'yun! Never! Pero malay mo diba?
"Sa tingin ko po mali ka..." Aba! Mukhang matalino ang batang ito. Dapat siguro mag-aral akong mabuti dahil baka mas maging mas matalino pa siya sakin sa mga susunod na araw!
Paano mo naman nasabi?" Tanong ko. Na curious naman kasi ako sa kung anong nasa isip niya. Paano kaya nakapag-iisip ang batang ito ng mga ganitong bagay? Mga bagay na masyadong pang mature para sa kanya.
"Iba po kasi 'yung tingin niya sa iyo kanina," sabi niya. Napaisip naman ako saglit! Tingin? Wala naman akong kakaibang napapansin kapag nakatingin siya sakin ah?
"Naku hindi 'yun--" Hindi na namin natapos ang pag-uusap namin dahil dumating na si Ira dala 'yung pagkain namin. Tahimik lang kami ni Mika na parang hindi kami nag-uusap kanina. Kunware walang nangyare!
"Ito na guys, kain lang kayo. Ito sayo Mika, ito naman sayo Xy," sabi niya sabay bigay samin ng pagkain.
"Salamat po kuya Ira," sabi ni Mika na may malawak na ngiti sa labi. Hindi ko rin maiwasang mapangiti, nakakahawa kasi siya eh.
"Wala 'yun," sabi ni Ira sabay gulo ng buhok ni Mika. Nakita ko rin siyang nakangiti habang nakatingin kay Mika. Kelan pa siya nahilig sa mga bata?
"Salamat dito ha?" Pasasalamat ko naman. Aba! Sabi naman sa inyo mabait ako sa mga matatanda! Gurang na si Ira eh, hindi niyo alam?
"Wala 'yun noh," sabi niya sabay gulo rin ng buhok ko. Napasimangot naman ako sa ginawa niya sakin. Hindi na ako bata noh!
"Haist! 'Wag nga!! Ang hirap magsuklay noh," angal ko. Nakita ko naman nakangiti lang habang nakatingin samin si Mika. Mukhang alam ko kung anong nasa utak ng isang 'yan ah? Kahit kelan talaga oh.
"Haha! Ikaw talaga," sigaw niya at lalo pang ginulo ang buhok ko! Argh! Siya ang pagsusuklayin ko nito mamaya! Mas lalo lang natawa saming dalawa si Mika at sinabayan naman niyong mokong na 'to. Pagtulungan ba naman ako!
Nang matapos, bumalik na kami sa ampunan at iniwan na si Mika. Nag-enjoy naman daw siya sa gala namin at syempre nag-enjoy din ako! Ngayon na lang ata ako gumala sa mga ampunan. Dati nung pumunta kami bata pa ako at si mama ang kasama ko! Hindi naman naging boring pero nakalimutan ko na ang pakiramdam.
Naglalakad na kami pauwi ni Ira. "Ano bang sakit niya?" Tanong ko. Nabanggit kasi niya kanina sakin na may sakit si Mika kaya lagi siyang pumupunta dati dun before.
"May cancer siya, hindi pa naman ganun kalala 'yung sakit niya, kaya pa niya." Napatulala ako saglit sa sinabi niya. Hindi halata sa batang 'yun na may sakit siya nung nakasama namin. Oo iba 'yung physical appearance niya kumpara sa normal pero hindi ko naman alam na may cancer siya!
"Ah, pero masayahin siyang bata," tanging nasabi ko. Hindi ko naman alam kung paano magrereact sa ganitong sitwasyon!
"Tama ka diyan..." sabi niya. Natahimik naman kami sandali nun. "Alam mo ba kung anong gusto niyang maging?" Tanong niya sakin.
"Huh? Ano?" Curious na tanong ko sabay tingin sa kanya.
"Gusto niyang maging doctor... Sabi niya gusto niyang gamutin 'yung mga may sakit!" Napatingin ako nang mas malalim pa sa kanyang mukha. Teka!
"Ira!!" Sigaw ko sa kanya. Nagulat ako dahil may nakita akong luha sa pisngi niya pero hindi niya parin pinahid 'yun. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan! Hindi siya nahihiya na makita ko siyang... Umiiyak!
"Kung magiging mahaba pa ang buhay niya marami siyang matutulungan," sabi niya at patuloy parin sa pagpatak ang luha niya! Gusto ko sanang punasan kaya lang hindi ko naman magawa! Nahihiya ako ngayon sa kanya.
"Matagal pa siyang mabubuhay kaya gagawin natin ang lahat," sa wakas nagawa ko ring sabihin. Tinapik tapik ko pa ang balikat niya.
Paano?" Tanong niya. Matagal ko na naiisip ang bagay na ito kahit na ayoko pero gusto ko kahit minsan magamit ko ito na ibinigay sakin.
"Bukas sabado, may gagawin tayo para sa kanya," sabi ko sa kanya. Tumingin siya sakin na nagtatanong pero hindi ko a dinugtungan ang sinabi ko.
"Ayoko na naman humingi ng pera sa mga magulang ko," sabi niya. Napangiti naman ako dahil sakto lang itong gagawin namin!
"Exactly!! Paghihirapan natin ang perang gagamitin natin." Sigaw ko sa kanya. Bakit ba kasi may ganiyong side si Ira? Lagi na lang siya nagpapadala sa problema niya. Dapat minamaliit niya ang mga problema noh! Laki laki niyang tao.
"Sakto birthday niya next week." Paalala niya. Ang galing nga naman ng timing nito oh!
"Iyon! Basta agahan mo ang gising mo pupuntahan kita, ha?" Paalala ko sa kanya at tumakbo na papunta sa bahay namin.
"Ano ba nasa isip mo?! Hoy, Xy!" Rinig kong sigaw niya pa. Tumingin akong muli sa kanya at sumigaw.
"Basta bukas! Sige dito na lang ako, bye!" Sigaw ko sabay pasok sa bahay namin.
"XY---" alam ko na kung anong gagawin ko para matulungan si Mika, bukas na bukas kailangan ko ng maghanda!

